You are on page 1of 7

KAMIY MAGPUPUMIGLAS PARA SA KATOTOHANAN.

MANANATILI KAMING KATUWANG NINYO SA PAGHULMA NG KASAYSAYAN. PATULOY KAMING MAGSISILBI SA PAMAYANANG LASALYANO. HANGGANG SA SUSUNOD PANG ISANDAANG TAON,

Mahirap magbingi-bingihan sa katotohanan. Mahirap magsulat ngunit kinakailangan.

PlarideL

Ang PAhAyAgAng

ispesyal na isyu para sa pagdiriwang ng ika-100 taon ng pamantasang de la salle

TAAS-NOO, LASALYANO. Muling nasaksihan ng alumni ng Pamantasang De La Salle at ng ilang Lasalyano ang mahahalagang pangyayaring naganap sa ating pamantasan sa pamamagitan ng isang musical na ginanap noong Hunyo 11, 2011 sa SMX Convention Center, Pasay City. APP / Jenirose Lozano

Sa ika-100 taon ng Pamantasang De La Salle:

Pagkakaisa sa selebrasyon ng Sentenaryo, tagumpay ng pamayanang Lasalyano


nina Aaron Quidilla at Pierre Stanley Uy
Mga Kasapi
NANANABIK na ang buong pamayanang Lasalyano sa mga nakahandang aktibidad at programa ngayong araw ng ika-100 taon ng Pamantasang De La Salle. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na talagang pinaghandaan nang mabuti ng bawat sektor ng Pamantasan ang ispesyal na araw na ito. Sama-sama tayo bilang isang Pamantasan at mga Lasalyano na magsalusalo at maging bahagi ng isang kasaysayang hindi malilimutan magpakailanman. makatulong sa mga nangangailangan. Sa lahat ng mga proyekto at programang inihanda ng DLSU at ng iba pang Lasalyanong institusyon sa bansa, masasabing ang One La Salle Scholarship Fund (OLSF) at One Million Trees and beyond (OMT) ang dalawa sa pinakamalalaki sa mga ito. Naabot na ng DLSU ang isang bilyong marka para sa pagsasakatuparan ng proyektong OLSF. Layunin ng OLSF na gawing iskolar ang 20% ng populasyon ng mga mag-aaral sa bawat Lasalyanong paaralan. Ayon kay Br. Narciso S. Erguiza, Pangulo ng DLSU, dahil sa magandang hangarin ng proyektong OLSF, magtutuloy-tuloy pa rin ang proyektong ito sa kabila ng pagtatapos ng Sentenaryo. Kaugnay nito, magpapatuloy rin ang proyektong OMT sa kadahilanang malaking tulong ang nagagawa nito sa ating kapaligiran. Layunin ng proyektong itong magtanim ng mga puno sa ibat ibang lugar sa bansa. Matapos ang ilang taong paghahanda, pormal na bubuksan ng DLSU ang pagdiriwang ng Sentenaryo nito ngayon. Magkakaroon ng isang ispesyal na misa sa kapilya ng Most Blessed Sacrament na susundan naman ng pagdambana sa relics ni San Juan Bautista de La Salle. Pagsapit ng hapon, matutunghayan naman ng mga Lasalyano ang pagtatamin ng ika-1,000,000 puno sa Marian Quadrangle bilang bahagi ng proyektong OMT. Pagkatapos nito, magkakaroon ng isang konsyertong maghahatid ng saya sa mga Lasalyano na gaganapin sa Amphitheatre. Magtatanghal naman sa gabi ang ilang tanyag na mga Lasalyano sa Isang Daan, Sangandaan Centennial Show na gaganapin sa Teresa Yuchengco Auditorium. Kasama rito ang mga kilalang personalidad katulad ng batikang mamamahayag na si Mike Enriquez at ang batikang direktor na si Jose Javier Reyes. Bukod pa sa kanila, kasama rin sa programang ito sina Edu Manzano at Ryan Agoncillo. Bilang pagtatapos ng selebrasyon ng Sentenaryo ng Pamantasan, magkakaroon ng isang pyromusical show sa Amphitheatre.

8:30
11:30

Pagdiriwang ngayong araw ng Sentenaryo

benerasyon ng relics ni San Juan Bautista de La Salle

misa para sa sentenaryo


Chapel of the Most Blessed Sacrament

Chapel of the Most Blessed Sacrament

pormal na pagbubukas ng selebrasyon ng sentenaryo

community salusalo 12:00 iba't ibang lugar sa loob ng DLSU


parade: THE GREEN MILE
magsisimula sa Marian Quadrangle Central Plaza, SJ Lobby, Agno Walk

3:00

Selebrasyon ng sentenaryo para sa mga Pilipino

Bago pa man sumapit ang araw na ito, matagal nang pinaghandaan ng DLSU ang pagdiriwang ng Sentenaryo nito. Katuwang ang iba pang institusyong Lasalyano sa bansa, ipinagdiriwang din ng pamayanang Lasalyano ang ika100 taong presensya nito sa bansa. Patunay rito ang parami nang paraming mga proyektong inilulunsad ng DLSU at iba pang Lasalyanong institusyon upang higit pang

greenstory

4:45

pagtatanim sa ika-1,000,000 na puno Marian Quadrangle CHEERS! dance and band concert
Ampitheater

5:00

7:30

ANIMO street party


Agno Walk

Isang Daan, Sangandaan centennial concert


Teresa Yuchengco Auditorium

APP / Jenirose Lozano

Matapos ang matagal na panahong paghihintay, nakamit na ng pamayanang Lasalyano ang ika-100 taon nito. Bukod sa bilang ng taon, kaakibat nito ang isandaang taon ng pagsusumikap ng DLSU na tuparin ang layunin ni St. La Salle na makatulong sa mga nangangailangan.

Pagtupad sa misyon ni St. La Salle

Strings & Stanzas: University Library Walk acoustic music and poetry reading Ampitheater pyromusical show 10:00

selebrasyon ng

mga aktibidad para sa

SENTENARYO

2 BALITA
Mula sa pagbangon sa digmaan, hindi na napigilan pa ang pag-unlad ng De La Salle College (DLSC) bilang isang akademikong institusyon. Kinilala ng Commission on Higher Education (CHED) ang DLSC bilang isang pamantasan noong 1975 bilang pagkilala sa malalaking ambag nito sa larangan ng edukasyon sa bansa. Mula sa pagiging isang munting paaralan sa Paco, Maynila noong 1911, kilala na ngayon ang Pamantasang De La Salle (DLSU) hindi lamang sa edukasyon, kundi pati sa ibat ibang aspekto at larangan. Malayo sa pedestal kung saan kasalukuyang nakatindig ang Pamantasan, hindi aakalaing dumaan ito sa maraming pagsubok na sumukat ng katibayan nito bilang isang institusyon. Gayunpaman,hindi magsusumikap ang mga naging miyembro ng institusyong ito upang lalo pang payabungin ang sinimulan ng mga tagapagtatag nito kung hindi dahil sa mga ito.

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

SENTENARYO

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

SENTENARYO

BALITA

Electronic Purse o e-Purse. Maaari itong gamitin ng mga mag-aaral sa pagbabayad ng ilang mga bayarin sa loob ng Pamantasan tulad ng kabayaran sa pagkuha ng mga dokumento sa Office of the University Registrar, University Library fine, at marami pang iba. Kilala rin ang DLSU bilang kauna-unahang paaralan sa bansa na nagkaroon ng smart classroom na itinayo noong 2000. Kompleto sa mga makabagong pasilidad sa pagtuturo at mga kompyuter ang naturang silid-aralan. Dagdag pa rito, lalo pang pinaunlad ng Pamantasan ang kalidad ng pagtuturo sa pamamagitan ng proyektong Technology Enabled Learning Environment ng ITC. Ilan lamang ang mga ito sa mga ipinagmamalakaking inobasyon ng Pamantasan upang mapabuti nito ang serbisyo sa mga Lasalyano kasabay ng pagbabago ng panahon.

Mula sa ika-100 taon, DLSU tungo sa susunod na mga taon


kinalap nina John Mark Cario at Gerard Contreras
Patnugot ng Balita at Kasapi

Dibuho ni Albert Depano

SIMULA noong 1911, samut saring kontribusyon na ang naiambag ng Pamantasang De La Salle (DLSU) sa lipunang Pilipino. Sa pagbubukas ng panibagong yugto sa kasaysayan ng DLSU ngayong Hunyo 16, 2011, ano-ano nga ba ang nakalaan sa kinabukasan ng ating pinakamamahal na Pamantasan? Kinapanayam ng Ang Pahayagang Plaridel ang mga haligi ng Pamantasan upang sagutin ang tanong na Ano sa palagay ninyo ang magiging mukha ng DLSU sa susunod pang 100 taon?

Kaunlaran at pagbabago,
nina Justin Kenneth Carandang at Henri Frederic Reforeal
Tagapamahalang Patnugot at Senyor na Kasapi

mga hamong hindi uurungan ng mga Lasalyano


ISANDAANG taon na ang nakalilipas mula nang itatag ng De La Salle Brothers ang kauna-unahang paaralang Lasalyano sa bansa. Dumaan man ang mga pagsubok na dumagok sa institusyong ito, wala pa rin itong palya sa pagsasakatuparan ng sinumpaan nitong tungkulin bilang isang paaralan.

Isa ang DLSU sa mga itinuturing na pangunahing institusyon ng bansa dahil sa mataas na kalidad ng edukasyong handog nito sa mga Lasalyano. Kaugnay nito, layunin ng Pamantasan na maging isang ganap na research university na maaaring makipagsabayan sa mga nangungunang paaralan sa ibang bansa. Maituturing lamang na isang research university ang isang paaralan kung nakatuon ito sa pagbuo ng mga bagong kaalaman. Hinihikayat ng DLSU ang mga pakultad at mag-aaral na magbigay-pansin sa pananaliksik bilang parte ng kanilang pag-aaral upang maisakatuparan ito. Hinirang naman ng Commission on Higher Education (CHED) ang Pamantasan bilang isang Zonal Research Center noong 2000 bilang patunay sa masidhing pagsisikap ng Pamantasan sa pagbuo ng bagong kaalaman tungo sa pangakademya at panlipunang kaunlaran. Patunay ito na malaki ang ginagampanang papel ng Pamantasan pagdating sa pananaliksik dito sa bansa. Sa kasalukuyan maraming pag-aaral at pananaliksik ang isinasagawa ng Pamantasan sa ibat ibang larangan. May ilan ding pananaliksik ang isinasagawa ng Pamantasan ang hindi lamang dekalibre, ngunit nakatutulong din sa pagpapaunlad ng ating lipunan. Isa sa mga ito ang proyektong pinapangunahan ng Center for Micro-Hydro Technology for Rural Electrification ng College of Engineering noong 2002. Layunin nitong malagyan ng kuryente ang mga liblib na lugar sa pamamagitan ng pagdidisenyo ng mga micro hydro generator. Pamoso rin ang tatlong kauna-unahang solar car na nilikha ng mga mag-aaral at pakultad ng College of Engineering na tinawag na Sinag, Sikat, at Sikat II. Kailangan ng mga bagong kaalaman at imbensyong magpapaunlad ng ating mga buhay para makasabay sa pagbabago ng panahon. Dahil dito, pinagsusumikapan ng Pamantasan ang pangunguna sa pananaliksik, hindi lamang upang maging isang research university, ngunit upang mapaunlad ang ating lipunan.

Pananaliksik bilang pangunahing salik ng pag-unlad

Karangalang hatid ng serbisyong walang hinihinging kapalit

Kung may isang paaralan man sa ating bansa ang pinakanakakasabay sa teknolohiya, iyan ang DLSU. Hindi lamang kalidad ng edukasyon ang pinagtutuunan ng Pamantasan pagdating sa serbisyong inihahatid nito sa mga Lasalyano. Sinisiguro rin nitong mapapadali ang lahat ng prosesot transaksyon sa loob ng DLSU sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya. Sa katunayan, DLSU ang pinakaunang paaralan sa bansa na nagkaroon ng koneksyon sa Internet noong 1994. Mula noon, patuloy na nagkaroon ng inobasyong pang-teknolohiya ang Pamantasan upang lalo pa nitong mapabuti ang kalidad ng serbisyong inihahatid nito sa mga Lasalyano. Sa kasalukuyan, automated na halos lahat ng proseso at transaksyon sa loob ng Pamantasan. Dahil ditto, mas madali na para sa mga miyembro ng DLSU ang ilang proseso tulad ng enrollment at panghihiram ng libro sa University Library. Noong nakaraang akademikong taon, inilunsad ng Information Technology Center (ITC) ang

Inobasyon at pagbabago tungo sa mas dekalidad na serbisyo

Maituturing na isa ang DLSU sa mga pangunahing paaralan sa bansa. Patunay rito ang mga karangalang natatanggap ng Pamantasan mula sa ibat ibang organisasyon sa loob at labas ng bansa. Sa katunayan, ang DLSU ang kaunaunahang paaralan sa bansa na nakatanggap ng Level IV accreditation, ang pinakamataas na lebel ng akreditasyon mula sa Philippine Association of Schools, Colleges, and Universities. Bukod pa rito, ginawaran din ng CHED ang ilang mga kurso sa Pamantasan ng Center of Excellence at Center of Development na estado bilang patunay sa mataas na kalidad ng edukasyon sa DLSU. Maituturing na isa pa sa mga kaunaunahang pagkilala sa DLSU ang pagkakahirang ng programang Computer Science ng College of Computer Studies ng Level III mula sa CHED noong 2005, ang kauna-unahang programang Computer Science sa bansa na nabigyan ng nasabing akreditasyon. Noong 2008 naman, binigyan din ng mataas na pagkilala ng ASEAN University Network Quality Assurance ang programang Chemical Engineering at Economics ng Pamantasan. Maliban sa Pamantasan, wala nang ibang paaralan sa bansa ang kabilang sa nasabing samahan ng mga kolehiyo at paaralan sa timog-silangang Asya. Layunin ng akreditasyong itong maitaas ang antas ng pagkakakilala ng mga Pamantasan sa loob ng rehiyon. Maganda rin ang iniiwang marka ng mga mag-aaral ng Pamantasan pagdating sa mga board examination. Tila pangkaraniwan na para sa DLSU ang makasungkit ng matataas na marka sa mga pagsusulit na ito. Ilan sa mga halimbawa nito ang pagkakaroon ng matataas na passing rate sa board exams tulad ng sa Accountancy at Chemistry. Bukod dito, marami ring mag-aaral ang gumagawa ng marka sa mga parangal at kompetisyon sa loob at labas ng bansa. Pinapatunayan ito nina Aimee Chua, Student Council (SC) President noong akademikong taong 2009-2010, at Nadia Ong, Vice President for Academics ng SC sa kaparehong taon, nang makamit nila ang Jose Rizal Model Student Award, at Outstanding Student of the Philippines, ayon sa pagkakasunod.

I think La Salle in the next 100 years will ideally follow [DLSUs] vision and we see to that na kapag LA Salle, hindi siya equated na elitista, spoiled brat, but you equate it to an immediate tool to give back to the country.

I think mastre-strengthen ang ating vision, mastre-strengthen ang ating [Lasallian] character na alam talaga natin kung sino tayo.

Pangulo, University Student Government


We did some strategic planning for the next 100 years [of De La Salle University]. [De La Salle Universitys] direction for [the next] 5 years, 10 years from now. We have arrived at is we would like to see De La Salle as a student-centered research university.

Cabe Aquino

Pangulo, De La Salle Alumni Association


Sa susunod na 100 taon ng Pamantasan, ang aking palagay ay mas marami ng disiplina ng pag-aaral ang maaaring pasukan ng mag-aaral at mas marami na itong napapaaral na scholars.

Henry Atayde

Dibuh n tepha o ni S ie Ure ta

Br. Narciso Erguiza, Jr. FSC


Pangulo at Chancellor, DLSU
Sa palagay ko, patuloy ang pagiging mabuti ng ating institusyon at ipagpapatuloy nitong [maging] isa sa mga leading education institution dito sa bansa at ganun din sa Asia.

Chairperson, Council of Student Organizations


I think, in the next 100 years, we would be able to establish or remind everyone, remind the world that Lasallian education is an institution for the poor and of the poor.

Candice Co

Ms. Fritzie De Vera


Dekana, Student Affairs
Sa palagay ko, ang magiging mukha ng DLSU sa susunod pang isandaang taon, kung ang panglabas na anyo ang pag-uusapan ay isang unibersidad na puno ng matataas na gusali.

Pangulo, Faculty Association


In the next 100 years, De La Salle University has so much to contribute in being a resource [University] for the Church and Nation.

Mr. Dante Leoncini

Pangulo, De La Salle Philippines

Br. Ricardo Laguda FSC

Pangulo, DLSU-Parents of University Students Organization

Ignacio Manipula

Salamin ng kasaysayan, sagisag ng kahusayan


nina Joselle Mariano at Gabriel Levon Frilles
Senyor na Kasapi at Kasapi
ISA sa pinagmamalaki ng Pamantasang De La Salle (DLSU) ang kakayahan nitong makapagbigay ng holistikong edukasyon sa kanilang mga mag-aaral. Malaya ang mga mag-aaral na magtayo at sumali sa ibat ibang organisasyong makatutulong sa kanilang holistikong pag-unlad bilang mga Lasalyano. Sa kabila ng mga hamong kinaharap ng Pamantasan sa pagdaan ng panahon, maraming organisasyong pangmagaaral ang nananatiling matatag sa kabila nito. Ito ang mga organisasyong nanindigang ipagpatuloy ang pagbibigay-serbisyo sa mga Lasalyano. transcribe to. Its not just something you claim after you graduate. Its suppose[d] to be a portfolio, a collection of the memory you had during your stay in college. Ngayong selebrasyon ng Sentenaryo ng DLSU, asahan ang isang espesyal na edisyon ng yearbook na ihahatid ng G&W sa mga Lasalyano. With Green and White 2011, we have a special issue and aside from that a special token so all the subscribers get to have this edition or a compilation of all the work of the subscribers, ani Malong. corps ng ROTC, patuloy ang ROTC sa paghubog sa mga Lasalyano upang maging disiplinado at responsableng mamamayan ng bansa. Sa katunayan, nanguna ang ROTC unit ng DLSU na tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy sa Maynila noong 2009. Nakamit din ng 247th Naval ROTC Unit ng DLSU ang kampeonato sa Annual General Tactical Inspection na pinaglabanan ng ibat ibang ROTC unit sa buong bansa. Ito ang patunay sa buong-buong dedikasyon ng ROTC unit ng DLSU na magbigay serbisyo sa Pamayanang Lasalyano at lipunang Pilipino. sa hindi makatarungang pagtaas ng matrikula ng halos 30%. Nagdulot ito sa pagkakabuo ng Multi- Sectoral Committee on Budget, o Multi-Sectoral Committee on Student Fees kung tawagin ngayon. Ito ang komiteng masusing pinagaaralan kung nararapat ba na magtaas ng matrikula ang DLSU. Nakikiisa ang USG sa selebrasyon ng Sentenaryo ng DLSU sa pakikilahok sa mga aktibidad at programang inihanda ng DLSU. at kakayahan ng mga mag-aaral sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa kanilang kurso.

Organisasyong pangmag-aaral:

Lasalyano: Pangunguna sa pag-unlad at pagbabago

Hindi maikakailang isa ang DLSU sa mga nangungunang pamantasan sa bansa. Sa nakalipas na 100 taon, ibat ibang problema man ang pinagdaanan ng DLSU, patuloy itong bumabangon at pinapaunlad pa ang nakasanayan na nitong tradisyon ng kahusayan. Sa pamamagitan ng mga nagawa na nitong pagbabago sa sistema ng edukasyon, mga teknolohikal na inobasyon, at pati na rin mga mag-aaral na ipinagpapatuloy ang kanilang mga natutunan sa labas ng Pamantasan, nakapagbahagi ang mga Lasalyano ng mga sagot sa problemang kasalukuyang kinahaharap ngayon ng lipunan. Unti-unti, sa paglipas ng panahon, masasabi ng bawat Pilipino na naging malaking bahagi ang DLSU sa pagpapaunlad ng bansa.

Naitatag ang Green & White (G&W) noong 1924 bilang isang pahayagang pangmag-aaral. Pagkatapos ng ilang taong paglilingkod sa pamayanang Lasalyano ng G&W, sila na ang naging opisyal na gumagawa ng yearbook para sa mga mag-aaral. Sa halos siyam na dekadang pagbibigay-serbisyo ng G&W sa pamayanang Lasalyano, tinutupad pa rin nito ang tagline na Capturing images of Lasallian excellence. Ayon kay Paola Malong, Punong Patnugot ng G&W, A yearbook is not just a simple publication you can

Green & White

Discipline, Loyalty, Service and Unity - ito ang mga salitang nakatatak sa bawat mag-aaral na sumasailalim sa Reserve Officers Training Corps (ROTC) mula namg nabuo ito noong 1936. Nagsimula naman bilang pagsasanay-militar ang ROTC sa De La Salle College nang magsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nang matapos ang digmaan, nagkaroon muli ng ROTC sa DLSU noong 1952 at naging parte ito ng National Service Training Program noong 2002. Ayon kay Victoria Echavez, Deputy

Reserve Officers Training Corps

Ayon kay Cabe Aquino, Pangulo ng University Student Government (USG), laging handa ang USG para ipaglaban ang mga karapatan ng mga mag-aaral. Mula pa noong kauna-unahang halalan para sa sangguniang mag-aaral noong 1969, patuloy pa rin ang USG sa pagsulong ng mga karapatang pangmagaaral tungo sa mas progresibong mga Lasalyano. Dekada 80 nang pangunahan ng Student Council ang pagbabarikada sa labas ng Pamantasan bilang tugon

University Student Government

Noong dekada 70, ipinagbawal ng dating Pangulong Ferdinand Marcos ang pagkakaroon ng mga sangguniang pangmag-aaral sa mga paaralan at pamantasan sa buong bansa. Nabuo ang Council of Student Organization (CSO) dahil sa kawalan ng sangguniang pangmag-aaral na tutulong sa kapwa mga mag-aaral nito. Layunin ng CSO at ng mga organisasyong nasa ilalim nito na makatulong sa holistikong pag-unlad ng mga Lasalyano sa pamamagitan ng mga proyekto at serbisyong ibinibigay nito. Ayon kay Candice Co, Chairperson ng CSO, katuwang ng DLSU ang CSO sa pagsigurong yumayaman ang kaalaman

Council of Student Organizations

Mayroong mga kaalamang hindi matututuhan sa loob ng silid-aralan. Naibibigay ito ng DLSU sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga organisasyong pangmag-aaral na tumutulong sa mga Lasalyanong umunlad sa ibat ibang aspekto. Ayon kay Fritzie Ian de Vera, Dekana ng Student Affairs, natatangi ang ating pamantasan dahil naghahangad itong makapagbigay ng holistikong edukasyon para sa mga mag-aaral. Aniya, Aside from developing the human side of a person, which is the competency and skills, here are also developing of other skills, like the soft skills or the values, the formation of the student. Ngayong selebrasyon ng Sentenaryo ng DLSU, suportahan natin ang mga proyekto at programang inihanda ng mga organisasyong pangmag-aaral. Bunga ito ng malikhaing pag-iisip at mahusay na pamumuno ng mga mag-aaral na nagbibigay-serbisyo sa Pamantasan.

Holistikong edukasyon tungo sa mas progresibong Lasalyano

1924
Kasama ang De La Salle College sa mga Pamantasang nagtatag ng National Collegiate Athletic Association. Ito ang kauna-unahang collegiate league sa bansa.

1924
Kinilala ang DLSC noong 1924 ng Board of Educational Survey sa ilalim ng Philippine Legislature. Basehan sa survey na ito ang kalidad ng edukasyon at pasilidad ng mga paaralan.

1939
Nakamit ng DLSU ang una nitong General Championship sa NCAA. Apat na kampeonato pa ang naiuwi ng Taft-based squad noong 1947, 1956, 1971, at 1974.

Nagsimula ang tinaguriang ginintuang panahon para sa Mens track and field team matapos nilang makamit ang anim na magkakasunod na kampeonato.

1972

OPINYON EDITORYAL
Lasalyano, saan ka patungo?
Lasallian Achievers for God and Country. Isang hamong namumuhay na ng isang daang taon sa bawat sulok ng Pamantasang De La Salle (DLSU). Sa pagpasok natin sa Pamantasan, ito ang isa sa mga katagang siguradong makikita mo saanman tayo magmasid. Ipinapaalala lamang nito na bilang bahagi ng pamayanang Lasalyano, dapat nating isaalang-alang ang Diyos, at ang ikabubuti ng ating bayan sa pang-araw-araw nating gawain. Upang maisakatuparan ang layuning ito, naghahain ang DLSU ng mga programang naaayon sa bisyon-misyon nito na makapaghuhubog ng mga indibidwal na tutulong at gagawa ng pagbabago sa ating lipunan. Napakasarap pakinggang isa kang Lasallian achiever for God and country! Gayunpaman, tila hanggang sa paningin at pandinig na lamang ata ang kasarapan ng mga katagang ito para sa ilang mga Lasalyano. Kung ano ang ikinadali nitong basahin at pakinggan, siya namang ikinahirap nitong isabuhay. Sa estado ng mga Lasalyano, tila lumalala na ang hindi pagsusumikap ng nakararaming Lasalyano na gampanan ang inaasahan sa kanila. Masasabing maraming proyekto at programa ang DLSU na naglalayong tumulong sa mga mahihirap at nangangailangan. May mga gawaing socio-civic ang halos lahat ng mga organisasyon sa Pamantasan ang idinisenyo upang paunlarin ang mga mag-aaral. Hindi rin naman maitatangging sa usapin ng pagtulong sa mga mahihirap at nangangailangan, mayroon ding mga nakahaing programa ang DLSU. Oo ngat maraming proyekto ang inihahain, subalit nakikibahagi ba ang mga mag-aaral sa pagsasagawa ng mga programang ito? Kung atin kasing mapapansin, marami ngang bilang ng mga aktibong mag-aaral ang gumagawa ng mga socio-civic na proyekto sa kani-kanilang organisasyon subalit pansariling kapakanan lamang ang isinasaalang-alang ng ilan sa kanila. Sa puntong ito, hindi gaanong nakakamit ang kabuuang layunin ng bisyon-misyon ng DLSU. Nakalulungkot mang isipin, tila Lasallian achievers for themselves na ang karamihan sa mga Lasalyano. Sa halip na magsumikap umunlad para sa Diyos at bayan, sarili na lamang ang iniisip ng karamihan. Sa Pamantasang nagawang maging matatag sa kabila ng samut saring hamon ng panahon, matutugunan din nito ang problema sa mga Lasalyanong salungat ang pananaw sa pananatili sa loob ng DLSU. Kailangan lamang na epektibong maibahagi ng DLSU sa bawat isang miyembro ng pamayanan nito ang tunay na diwa ng pagiging Lasalyano. Maaaring isamang ituro sa mga asignatura ng mga mag-aaral kung ano ang aplikasyon ng kanilang mga leksyon sa paggawa ng pagbabago sa lipunan. Higit sa lahat, ang pagsasabuhay ng

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

SENTENARYO

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

SENTENARYO

OPINYON

Ang unang pagpiglas

Ang pag-unlad ng kasalukuyang sistemang umiiral sa Pamantasan ang tangi naming hinahangad.

Saan nga ba patungo?


Magbalik-tanaw sa nakaraan at tingnan kung nasaan na tayo ngayon.

DibUHO Ni STePHANie COreeN UreTA


tunay na diwa ng pagiging Lasalyano ang pinakamagandang paraan para maisakatuparan ang hinahangad ng Pamantasan para sa mga mag-aaral nito. Huwag makibahagi sa mga proyektong tanging ikagaganda lamang ng resume ang hangad. Ngayong araw ng selebrasyon ng Sentenaryo ng DLSU, magsilbi sana itong paalala sa buong pamayanang Lasalyano na bumalik sa mga turo ni San Juan Bautista De La Salle. Sa mga susunod pang taon ng DLSU, magtungo sana ang pamayanang Lasalyano sa daang tinahak ni St. La Salle, ang daang magbibigay oportunidad sa mga Lasalyano na makagawa ng pagbabago sa ating lipunan.

Bawat papuri ay may kakambal na batikos. Ito ang mga salitang aking napagwari noong unang naglabas ng isyu ngayon akademikong taon 2011-2012 ang Ang Pahayagang Plaridel(APP). Ibat iba ang naging pagtanggap ng pamayanang Lasalyano sa inilabas na spoof isyu ng APP. Marami ang natuwa, may ilan din namang nadismaya at binatikos ang kahalagahan ng pagkakaroon ng ganitong klase ng spoof isyu. Ano nga ba ang kahalagahan ng ganitong klase ng pagbabalita sa loob ng isang premyadong institusyon tulad ng De La Salle University (DLSU)? Nagbubukas ng mga pintuan tungo sa pagbabagot kaunlaran ang mga ganitong klase ng pagbabalita. Naglilimbag ang APP taon-taon ng spoof isyu hindi lamang para makapagbigay-saya sa mga Lasalyano kundi para mailantad ang ibat ibang suliraning hindi gaanong napapansin at dapat mabigyang solusyon. Paumanhin ang nais naming iparating sa mga taong nabagabag sa inilabas naming isyu. Gayunpaman, walang intensyon ang APP na bigyan ng hindi magandang representasyon ang DLSU. Ang pagunlad ng kasalukuyang sistemang umiiral sa Pamantasan ang tangi naming hinahangad. Aral na walang katumbas Sa loob ng tatlong taon masasabi kong naging maganda na ang hugis na kinalabasan ng paghuhubog ng DLSU sa kamalayan ko bilang isang mag-aaral at Pilipino. Naging daan ang pagiging Lasalyano ko upang mas mamulat pa ako sa mga isyung dapat kasungkutan bilang isang mamamayan. Naging daan ang pagiging Lasalyano ko upang mapagtanto ko ang kahalagahan ng pagiging isang tunay na Pilipino. Higit sa lahat, Naging daan ang

Mahirap Magbingi-bingihan sa katotohanan. Mahirap Magsulat ngunit kinakailangan.

Ebolusyon at ang aking pagiging Lasalyano


Mayo 11, 2007 ito ang unang araw ko bilang Lasalyano. Isang napakalaking karangalan at oportunidad para sa akin ang pangyayaring ito dahil ni minsan sa buhay ko ay hindi ko inisip na mabibigyan ako ng pagkakataong mabuhay bilang isang Lasalyano. Sa kabila nito, magkahalong saya at takot ang aking nararamdaman kasabay ng pag-usad ng panahon. Takot ako dahil pihadong ibang-iba ang mundong ito sa nakagisnan ko. Dahil dito, minsan na ring pumasok sa isipan ko ang wakasan na ang pagiging Lasalyano ko ngunit malinaw naman sigurong hindi ako nagtagumpay. Ika nga ni Mr. G, Organisms do not change in order to survive. They survive because they change. Marahil, sumailalim ako sa tinatawag nating adaptation kung kaya ako nanatili sa kung nasaan man ako ngayon. Isang malaking salik ang adaptasyon sa ikatatagumpay at ikalalago ng pagkatao ng isang nilalang. Walang sinumang matagumpay ang nasa kanyang kinatatayuan kung hindi siya nakibagay at nagpadala sa nagpupumagaspas na pagbabago ng mundong kanyang kinagagalawan. Katulad ko, ito rin marahil ang pinagdaanan ng mga unang Lasalyano na nagtatag ng ating minamahal na Pamantasan at pamayanan. Isang pakikibagay sa lipunang dayuhan para sa kanila upang mabigyan ang mga Filipino noon ng isang de-kalibreng uri ng edukasyong Kristiyano. Mula noong 1911, masasabi nating napakarami ng pagbabago ang naganap sa ating bansa mga pagbabagong kinaayunan at kinabagayan ng mga miyembro ng pamayanang Lasalyano kaya ito nanatiling matatag sa kasalukuyan. Dahil sa mga ito, napuno ng kulay ang napakagandang kasaysayan ng pamayanang Lasalyano sa bansa na tunay namang tumatak sa isipan at puso ng bawat Pilipino na umapak sa mga bulwagan ng DLSU kagaya ko. Totoong survival of the fittest ang buhay sa La Salle. Sinasabi man ng ibang hindi mahirap ang makapasok ang mas nabigyan ng kalinawan sa aking isipan. Napakaraming tao na rin ang nadagdag sa listahan ng mga matatawag kong kaibigan. Dahil dito, napagtanto kong tama ang sinabi ni Ms. Fanny na, isang malaking kasalanan sa buhay ang hindi man lamang sumubok. Kagaya ng sinumang Lasalyano, ang pagsubok din marahil sa mga bagay na hindi nila aakalaing magdadala sa kanila sa tagumpay ang ginawa ng mga administrador ng Pamantasan kung kaya nito naabot ang anumang mayroon ito ngayon. Patuloy na nililinang at pinauunlad ng DLSU ang mga kalakasang taglay nito sa tuluyang pagpapabuti ng mga mag-aaral nito at pati na rin ng lipunang Pilipino. Pinatutunayan nitong walang imposible kung buong puso mong iaalay ang iyong panahon, at dedikasyon sa paggawa ng isang bagay kahit pa sa simulay wala itong positibong kahihinatnan. Dahil dito, nanatiling matatag ang DLSU sa kabila ng mapanghamong galaw ng lipunan. Isang karangalan para sa ating lahat na makakasaksi sa sentenaryong pagdiriwang ng presensya ng pamayanang Lasalyano sa bansa. Kaalinsabay ng ating mga sariling pagunlad, huwag sana tayong makalimot sa mga taong tila nakakalimutan na. Lalo pa nating pag-alabin ang mga ningas ng kabutihan sa ating mga puso at gamitin ang mga kaalamang ating natutunan mula sa apat na sulok ng Pamantasan upang mas lalo pang mapalago ang buhay ng ating mga kapwa. Gamitin ang ating mga pagkakaiba upang tuluyang palakasin ang pa ang lipunan. Religio, Mores, Cultura. Live Jesus in our Hearts, Forever.

pagiging Lasalyano ko upang matuto akong pumiglas at ipaglaban ang katotohanan. Napakaraming bagay ang nais kong ipagpasalamat sa DLSU dahil kung wala ito, wala ako sa pedestal kung nasaan ako ngayon. Sa pagdiriwang ng ika-100 taon ng Pamantasan, nais kong himukin pa ang mga Lasalyano na maging mas aktibo pa sa ibat ibang programa at proyektong inihahain sa kanila. Hindi lamang saya at tuwa sa paglilingkod o pagsasakatupakaran ng isang proyekto ang maaari mong makukuha mula rito kundi mga aral na babaonin mo, pagtungtong mo sa tunay na mundo. Nais ko ring himukin ang mga Lasalyano na gumawa ng mga bagay na alam nilang makatutulong pa sa pag-unlad ng ating minamahal na Pamantasan. Gumawa kayo ng mga bagay na mas magpapataas pa sa kasalukuyan nating estado kahit dumating pa ang pagkakataong kailanganing tumaliwas sa mga nakagawian. Hindi mararating ng DLSU ang kasalukuyang tugatog nito kung nanatili lang itong hindi gumagalaw at palutanglutang. Bunga ng pagsisikap ng mga nakaraang henerasyon ng mga Lasalyano ang kagitingan at kagalingang tinatamas natin sa kasalukuyan. Nararapat lamang na mas pagyamanin at pag-unlarin pa natin kung ano ang mayroon ang kasalukuyang henerasyon ng mga Lasalyano. Patuloy nating itaas at iwagayway ang putit berdeng bandila at patuloy nating isigaw ang mga katagang Animo La Salle! Para sa anumang kumento at suhestiyon sa nabasa ninyong opinyon, magpadala lamang ng liham sa cathleen_manamtam@ dlsu.edu.ph

De La Salle. Isang pangalang malaki ang naging epekto sa akin. Para sa kaalaman ng lahat, sampung taon ng aking pag-aaral ang ginugol ko sa mga paaralang Lasalyano. Mula Kindergarten hanggang sa pagtatapos ng elementarya, nagaral ako sa De La Salle Lipa. Ngayon naman, narito ako ngayon sa DLSU para sa aking kursong undergraduate. Bukod sa pagbibigay sa akin sa mga impormasyong kailangan kong malaman tungkol sa mundo, ilan pang aral sa buhay ang itinuro sa akin ng La Salle, at hindi lamang ako ang maaaring magpatunay rito. Sa Pamantasang ito, marami kami, na mas marami pa sigurong taon ang inilagi sa mga paaralang Lasalyano, na makapagbibigay ng mga aral sa buhay na hindi makikita sa mga libro ngunit itinuro sa amin ng La Salle. Marami na ngang naituro sa akin ang La Salle. Gayunpaman, bago pa ako maging bahagi ng pamayanang ito, marami nang Lasalyano ang nagkaroon ng malaking kontribusyon sa lipunan. Minsan ko nang tinawag ang mga Lasalyano para tumugon sa lipunang naghihintay sa pagsagot sa mga problema nito. Gayunpaman, akin ding napagtanto na mas maganda ring balikan at suriin nating mga Lasalyano ang ginagalawan nating Pamantasan. Sa isang panayam ko kay Br. Jun

Muling pagsusuri

Erquiza FSC noong kauupo niya bilang DLSU President, isa raw sa magandang gawain natin ngayong parating na tayo sa 100 taon ang muling pagsuri sa ating sarili at kung nasaan na nga ba tayo ngayon. Kung tatanungin kayo, nasaan na nga ba tayong mga Lasalyano ngayon? Ano na ang ating mga nagawa? Minsan na tayong bumaba, tumaas, lumagpak, at namayagpag. Hahayaan pa ba nating bumaba ang sarili nating bandila? Saan nga ba tayo patungo? Tama pa ba ang landas na ating binabagtas? Oo, malaking pangalan na nga ang La Salle sa ating bansa. Maaari ngang ito na ang halimbawa ng pinakamahusay na edukasyong iyong makukuha sa bansa. Gayunpaman aminin nating sa ating maliliit na pagkakamali bilang Lasalyano nagmumula ang ilan sa ating pinakamalalaking kabiguan. Bilang Lasalyano, siguro dapat nating mas bigyang pansin ang mga hindi gaanong napapansing bagay na may malaking epekto sa karamihan. Dito, mas mapapabuti ang lahat dahil kung maayos na ang lahat sa maliliit na aspekto pa lamang, maaari at paniguradong magiging mas maayos ang kinalabasan nito. Hindi nga bat ang muling pagsuri natin sa ating mga sarili at sa paligid na ating ginagalawan ang isa sa pinakamagandang paraan para ipagdiwang ang ating Sentenaryo? Magbalik-tanaw sa nakaraan at tingnan kung nasaan na tayo ngayon.

Mula rito, ating alamin kung natutupad ba ang ating mga pangunahing layunin at alamin ang ating mga kahinaan at kalakasan. Matapos nang muling pagsuring ito, saka tayo sumulong sa daang ating dapat tahakin. Binabati ko ang DLSU at ang buong pamayanang Lasalyano sa pagdiriwang ng ating Sentenaryo sa bansa. Malaki ang pasasalamat at utang na loob ko sa institusyong humulma sa akin at dinala ako kung nasaan ako ngayon. Ipagpatuloy sana ng La Salle ang paghulma ng mga kaisipan, pagantig ng mga puso, at pagbabago ng buhay ng bawat isang Pilipino sa loob at labas ng bansa. *** BAGHAWI- Mula sa Philippine Military Academy Batch 2008 na nangangahulugang Bagong Halaw ng Lahi. Kabataan, ito na ang panahon para tumugon sa tawag ng lipunan. Gamitin natin ang edukasyong Lasalyano upang maging salik sa pagpapataas ng estado ng mga Pilipino. Tayo na ang bagong kabataan ang bagong halaw ng lahi. Para sa anumang kumento at suhestiyon sa nabasa ninyong opinyon, magpadala lamang ng liham sa justin_carandang@ dlsu.ph

Baghawi I

MAHIRAP MAGBINGI-BINGIHAN SA KATOTOHANAN. MAHIRAP MAGSULAT NGUNIT KINAKAILANGAN.

May nais ka bang iparating o ibahagi sa Ang Pahayagang Plaridel? Magpadala lamang ng liham sa APP@dlsu.edu.ph at sisikapin naming matugunan agad ito.

***

Sumali sa Ang Pahayagang Plaridel. Miguel Walk., Hunyo 21-25. Luntiang Palaso: Sandata ng pagbabago
Hindi ko hinihingi na magtungo ang mga Lasalyano sa kalsada upang ipahayag ang kanilang damdamin, ang nais ko sanang makita ay ang tunay na malasakit ng mga mag-aaral sa bayan.
Palaso. Iyan ang dalang armas ng isang Arkerong maituturing na isa sa mga simbolong pagkakakilanlan ng mga nagmula sa Pamantasang De La Salle. Palaso ang armas na ginagamit upang maigupo ang kalaban. Isang sandatang simbolo ng lakas at kakayahang supilin ang problema ng lipunan. Palaso rin kaya ng isang Lasalyano ang maging daan para isakatuparan ang nagbabagang pagnanais tungo sa mabuting pagbabago? Ilang taon na rin ang lumipas mula nang magtapos ako mula sa ating mahal na Pamantasan. Subalit, mula noon hanggang ngayon, tila wala ring pagbabago ukol sa pananaw ng iba sa mga mag-aaral ng La Salle. Iisang salita pa rin ang nangingibabaw sa kaisipan ng karamihan. Iisang salita pa rin ang namumutawi sa bibig ng masa patungkol sa mga tagaLa Salle. Kapag sinabing mag-aaral ng La Salle, kadalasang kakabit nito ang salitang elitista. Marahil, hindi tahasang sadya ng mga taga-La Salle na magkaroon ng ganitong imahe. Marahil, nagkakamali lamang ng pananaw ang masa ukol sa mga tao mula sa ating Pamantasan. Marahil, dulot lamang ito ng katotohanang malaking porsyento ng mag-aaral sa Pamantasan ang maykaya o nakaririwasa sa buhay. Subalit, hindi ba kayo nagtataka kung bakit hindi ito mabura-bura sa isipan ng sambayanan? Sadya nga bang mga elitista ang mga mag-aaral ng La Salle; mga taong nakaaangat sa buhay at walang pakialam sa dinaranas ng iba? Tatlong taon o higit pa Tatlong taon ang karaniwang inilalagi ng isang mag-aaral sa Pamantasang De La Salle upang matapos ang kanilang kurso. Sa iilan, hihigit pa sa nasabing panahon ang iginugugol sa Pamantasan, dulot na rin ito ng pagkakaroon ng double degree at mga kursong sadyang mas mahaba ang kinakailangang panahon upang matapos. Sa loob ng tatlong taon, anu-ano nga ba ang natutunan mo sa pagiging isang mag-aaral ng Pamantasang De La Salle? Natuto ka bang sumakay ng mga pampublikong sasakyan tulad ng MRT at LRT upang mas mabilis na marating ang Araneta Coliseum sa tuwing may laban ang Ateneo-La Salle sa basketball sa UAAP? Baka naman, nagpakasasa ka lamang sa taguring Lasalyano o mas masarap bang pakinggan para sayo ang tawag na Lasalista? Sana sa loob ng tatlong taong pamamalagi sa Pamantasan, natutunan mo ang magkaroon ng pakialam at tunay na malasakit. Isinabuhay mo sana ang paulit-ulit na turuan ng Pamantasan, Achievers for God and country. Palaso ng pagbabago Ang pakikisangkot sa mismong isyu sa ating lipunan ang dapat mong tutukan. Magtanong. Makinig. Magsuri. Makialam. Magmalasakit. Pasintabi sa mga tinaguriang student leader ng Pamantasan, ngunit ilan nga ba sa inyo ang nagbabasa ng pahayagan o nakikinig man lamang sa mga balita ukol sa ating lipunan? Ilang beses nang napatunayan, sa mga RTR tuwing General Elections, may mga kandidatong puro ngiti at pagapapalabok lamang ang alam. Minsan kong naranasan, sa loob ng silid-aralan nang may kamag-aral akong nagtanong sa isang kumakandidato ukol sa stand nito sa nooy plano pa lamang na USG. Puros ngiti lamang ang tinanggap ng klase namin mula sa nasabing kandidato. Sa huli, wala rin naman syang naisagot, bagkus inulit lang ang RTR. Lasalyano. Makinig ka. Hindi ko hinihingi na magtungo ang mga Lasalyano sa kalsada upang ipahayag ang kanilang damdamin, ang nais ko sanang makita ay ang tunay na malasakit ng mga mag-aaral sa bayan. Isang paghamon, sa ika-100 taon. Sa ika-100 anibersaryo ng Pamantasang De La Salle, ang hamon sa mga Lasalyano: maging palaso ng pagbabago. Lasalista, patunayang hindi ka isang elitista. Isa kang Lasalyano. Isang Pilipino.

DLSU, may 100 (Pagkaka)taon ka pa sa hinaharap!


Nagtagumpay ang DLSU sa pagsabay sa pagbabago ng panahon dahil umabot ito sa ika-100 taon.
Tulad ng ibang mga Lasalyano, taas-noo rin akong nakikidiwang sa pagmarka ng isang siglo ng ating Pamantasan. Kaliwat-kanang mga paghahanda ang ginawa ng DLSU upang maipaalam sa lahat ang mahalagang okasyong ito. Animo La Salle! Lagi kong ipinagmamalaking parte ako ng institusyong ito. Bihira para sa taong umabot ng 100 taon ang kanyang buhay, ngunit, nagagawa ng mga organisasyong lumampas ng isang siglo dahil sa pagkakaisa ng mga adhikain ng mga indibidwal. Sinimulan ang DLSU ng mga Lasallian Brothers na may misyong ikalat ang edukasyon. Marami sa kanila ang inalay ang kanilang buong buhay alang-alang sa dekalidad na edukasyon. Ngunit, ang La Salle ngayon ay hindi lamang pag-aari ng mga brothers. Isa na itong multisektoral na komunidad na kinabibilangan ng mga mag-aaral, pakuldad, iba pang manggagawa ng DLSU, mga magulang, mga alumni, atbp. Ang kawalan ng suporta ng isang grupo ay magdudulot ng malaking problema sa ating mumunting lipunan. Ito ang ecosystem na nagpapanatili sa daloy ng buhay ng ating pamantasan. Hindi lamang nasa kamay ng iisang indibidwal ang pagtataguyod sa ating paaralan. Lahat tayo ay may kinalaman dito. (Parehas sa bansang Pilipinas!) Kailangan natin ng konkretong aksyon Sa kasalukuyan, madalas nating naririnig ang malalaking salitang tulad ng pagbabago (change) at pagkakaloob ng kapangyarihan para sa ating sarili (self-empowerment). Masarap pakinggan ngunit hindi nabubuhay nang mag-isa ang mga salitang ito. Kailangan nito ng mga katumbas na konkretong direksyon upang itoy maging isang kasiguruhan. Nagtagumpay ang DLSU sa pagsabay sa pagbabago ng panahon dahil umabot ito sa ika-100 taon. Sa kung anong mangyayari pagkatapos nito, hindi pa natin alam. Napupunta na sa internasyonal na arena ang kompetisyon sa pagbibigay ng dekalikad na edukasyon tulad ng QS International University Rankings. Siguro, pareho lang ito sa malalabong sarbey sa pagitan ng ABS-CBN at GMA sa laban sa kung sino ang nangunguna sa kanila. Nakayayamot lang minsan ang patuloy na pagpunta sa baba ng ating Pamantasan sa mga ulat na tulad nito. Magpokus tayo sa ating kagalingan sa mga programang may tatak na Center of Excellence. Sa huli, ang mahalaga naman ay makapaglabas ang paaralan ng kapaki-pakinabang na mga tao para sa lipunan. Aanhin natin ang isang premyadong institusyon kung hindi naman ito nagagamit nang maayos?

Nanatiling matatag ang DLSU sa kabila ng mapanghamong galaw ng lipunan.


dito ngunit hindi madali ang mabuhay sa isang pamantasang napakabilis ng takbo ng oras. Kahit nahihirapan ka na ay kailangan mo pa ring ibigay ng buo ang lakas na iyong tinataglay upang labanan at suungin ang lahat ng makakasalubong mo patungo sa iyong nais paroonan. Kasama ang aking mga kaibigan at kapamilya mula sa organisasyong minamahal namin ng lubusan, tuluyan ko pang napagtagis ang aking mga kakayahang nagdala minsan sa aking sa tugatog ng pedestal na hindi ko lubos akalain. Sa limang taon kong pagiging bahagi ng pamilyang ito, napakaraming bagay na tungkol sa lipunan at mundo

***

Lasalista, sadyang elitista?

Ang ANG PAHAYAGANG PLARIDEL ay naglalayong itaas ang ang antas ng kamalayan ng mga Lasalyano sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga usaping pangkampus at panlipunan.

ANG DAKILANG LAYUNIN

Naniniwala itong may konsensya at mapanuring pag-iisip ang mga Lasalyano; kailangan lamang na mailantad sa kanila ang katotohanan. Inaasahan ng Plaridel makatutulong ito sa unti-unting pagpapalaya sa kaisipan ng mga mag-aaral tungo sa kanilang pagiging mapagmalasakit na mamamayan. Sa pamamagitan ng paggamit ng sariling wika, nananalig ang Ang Pahayagang Plaridel na maikintal sa puso at isipan ng mga Lasalyano ang tunay na diwa ng pagiging isang Pilipino.

BAYAN
Dibuho ni Anthony Ray Apolinario panlipunan.

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

SENTENARYO

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

SENTENARYO

BAYAN

Marka ng mga Lasalyano sa masang Pilipino

Serbisyong Lasalyano para sa mga Pilipino


nina Deborrah Anastacio, Rochelle Anne Relevo, Jai Rich Tiquio at Adrian Paul Tudayan
panlipunan. Ani Crisostomo, Alam mo yung social involvement [ng mga Lasalyano] nandyan na yan noon pa man, kaso ang pinagkaiba lang ngayon mas nakikita mo yung talagang pagtulong nila. Naging tulay ang SCDC sa mga mag-aaral upang makatulong sa mga taong nangangailangan katulad ng mga batang lansangan at nakatatanda. Para naman kay Crisostomo, malaki ang ipinagbago ng mga Lasalyano sa pakikisalamuha sa kanilang komunidad. Sinabi niyang mula sa pagiging mga mayayamang walang pakialam, unti-unting naging matulungin ang mga Lasalyano. Naniniwala naman si Aspiras na unti-unti nang nawawala ang stereotypes sa mga Lasalyano, Nagpapa-party at talagang bumabalik dahil gusto [ng mga Lasalyanong] tumulong. Biruin mo labas na sa requirement nila, pero sila na yung nagkukusang magtanong sa amin kung pwede silang mag-conduct ng service sa community. Mitsa ng pagbabago Ibat iba man ang pagtingin ng lipunan sa mga Lasalyano, patuloy pa rin ang buong pamayanang Lasalyano sa pagmamalasakit at pagmamahal sa bayan at kapwa. Hindi man nasosolusyonan ng mga Lasalyano ang lahat ng problema sa lipunan, nagsisilbi namang mitsa ang mga maliit na bagay na kanilang ginagawa upang maging simulain sa pagkakalutas nito. Naniniwala naman si Benito Teehankee, Chair ng Management and Organization Department ng DLSU at bihasa sa corporate social responsibility, na likas sa mga Lasalyano ang pagtulong hanggat kaya nilang tumulong. Umaasa rin siyang tuluyang mababago ang UWEBES, alas tres ng hapon. Hindi pa man tapos na klase ng mga mag-aaral, nakahilera na sa bawat pasukan ng mga gusali ang mga sasakyang nakahandang sunduin ang mga mag-aaral. Walang sawang pamamasyal at pamimili tuwing Sabado at Linggo- marangya kung titingnan, ngunit para sa mga Lasallista, parte lamang ito ng kanilang normal na pamumuhay. Isa ang Pamantasang De La Salle (DLSU) sa mga prestihiyosong pamantasan sa Pilipinas. Itinuturing ang DLSU bilang isang paaralan ng mga taong nabibilang sa mataas na antas ng lipunan. Ilan lamang ang mayaman, elitista at sosyal sa mga stereotype o tingin ng lipunan sa mga Lasallista. Maituturing na isa sa mga dahilan sa pagkakabuo ng mga stereotyope na ito ang di umanong kawalan ng pakialam sa lipunan ng mga Lasallista. Sinasabing pawang mga isyu lamang sa loob ng Pamantasan ang pinagtutuunan nila ng pansin. Kasabay ng mga pagbabago sa bansa, unti-unting namulat ang mga mag-aaral ng DLSU sa realidad ng buhay. Hindi rin nagtagal, lumitaw rin ang pagmamalasakit ng mga Lasalyano sa kapwa nila Pilipino. Programa ng Pamantasan, tulong para sa bayan Lingid sa kaalaman ng nakararami, patuloy ang Pamantasan sa pagsusulong ng mga programa upang mabigyan ng pagkakataon ang mga Lasalyano na mapaglingkuran ang bansa. Ginagawa ring bahagi ng ilang kurso sa DLSU ang pakikilahok ng mga mag-aaral sa mga gawaing

Kinalap nina Jeremiah Adriano at Ma. Felichie Ericka Valeriano Mga Halaw mula sa Internet
Lasallian Achievers for God and Country - ito ang anim na salitang makikita sa itaas ng bawat pisara ng mga silid sa Pamantasang De La Salle (DLSU). Higit pa rito, ito rin ang sumisimbolo sa pangunahing misyon ng Pamantasan ang makapaghulma ng mga kabataang mamumuno at magbibigay karangalan sa bansa sa ngalan ng Tagapaglikha. Isang daang taon mula nang magsimula ang Pamantasan sa bansa, hindi ito nabigong tuparin ang pangunahin nitong layunin. Marami nang Lasalyanong nakapagtapos ang nag-iwan ng marka sa larangan ng ekonomiya at politika sa bansa. Ano-ano nga ba ang mga katangiang nagbigay-daan sa mga matatagumpay na Lasalyano upang maging huwaran sa kanilang mga larangan?

Maliban sa kinukuhang National Service Training Program, bahagi rin ng mga rekisito ng ilang kurso tulad ng Theology and Religious Education (TRED) ang mga programang naglalayong maitaas ang antas ng kamalayan ng mga mag-aaral sa mga isyung panlipunan. Naging bahagi na nga ng buhay ng mga Lasalyano ang pagbibigay-aksyon sa mga isyung panlipunan, kaya naman naging bukal na sa loob ng mga mag-aaral ang pagtulong sa kapwa. Isa sa mga maituturing na katangi-tanging Lasalyano si Rapha-El Olegario, AB-CDM 10, miyembro ng Human Rights Education Program. Aktibo sa mga programa ng Social Action Office (SAO) o mas kilala na ngayon bilang Center for Social Action(CSA) ng De La Salle-College of Saint Benelide si Olegario noong mag-aaral pa lamang siya. Ayon sa panayam ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) kay Oligario, Aktibo ang CSA sa paghubog ng kamalayan ng mga kasapi nito at ginaganyak kaming mga volunteer na gumawa ng ibat ibang paraan para i-advocate ang ibat ibang social issue. Ipinagpatuloy ni Olegario ang pagiging matulungin sa kapwa hanggang sa kasalukuyan. Iginiit niyang dapat bukal sa loob ang ginagawang pagtulong at hindi dapat umaasa sa anumang kapalit. Pinatotohanan nina Susan Aspiras at Crisostomo Villanueva, pangulo at pangalawang pangulo ng Singalong Community Development Cooperative (SCDC), ayon sa pagkakasunod. Isa ang SCDC sa mga Non-Government Organization na tinutulungan ng Pamantasang umunlad. Binigyang diin ni Crisostomo ang kahalagahan ng pakikilahok ng mga mag-aaral sa gawaing

tingin ng lipunan sa mga Lasalyano sa patuloy na pakikialam at pakikilahok ng mga ito sa mga isyung panlipunan sa bansa. Ani Teehankee, kaakibat ng pag-aaral sa Pamantasan ang responsibilidad sa bayan, kaya nararapat lamang na gamitin ng mga mag-aaral ang mga pagkakataon na inilalaan sa kanila upang makatulong sa lipunan. Binigyang diin din niya na isang paraan ng pagsasabuhay ng mga aral ni San Juan Bautista De La Salle ang pagtulong sa ating kapwa. Ngayon hindi pa ito [imaheng elitista] agad mababago. Pero huwag [din] nating kakalimutan na ang mga pagkakataong [iyon ay] ibinigay sa atin para makatulong tayo sa iba, lalong-lalo na sa komunidad, pagtatapos niya. Imahe ng tunay na Lasalyano Malasakit - isang salitang kulang ang mga Lasalyano noon, ngunit bahagya nang niyayakap ng mga Lasalyano ngayon. Malaki na nga ang pagkakaiba ng mga magaaral ng Pamantasan sa panahong nakalipas at mag-aaral sa henerasyon ito sapagkat marami nang nagawa ang mga Lasalyano para sa ikauunlad ng bansa. Maaaring hindi pa sapat ang pinapakitang pagsisikap ng Pamantasan upang baguhin ang imahe ng mga Lasalista sa mata ng mga Pilipino. Gayunpaman, huwag sanang maging dahilan ito sa tuluyang pagsuko ng mga Lasalyano sa pagpapadama ng kanilang malasakit. Laging isaisip ang tunay na diwa na kaakibat ng pagtulong: ang isaisip ang kapakanan ng kapwa at hindi ang kasikatang matatamasa mula sa papuri ng iba.

Mga naging posisyon: Kinatawan sa Mababang Kapulungan (1965 1969), Senador (1995 2007), Chairman, Asian Cable Communications Inc. (1994 1995) & Dynatrabel Management Corp. (1989 1995), President, Country Communications Nerwork Inc. (1991 1995), & Colorview CATV Inc. (1972 1995), Director, Labtech Manufacturing Industries Inc. (1978 1985), Mga karanasan bilang Lasalyano: Kasapi ng La Salle Honors Society at ingat-yaman ng Green & White Mensahe para sa mga kapwa Lasalyano: The poor has always been there, but if you can teach them how to earn a living, how to give themselves dignity, then maybe, they wont follow movie heroes who voice themselves as para sa mahihirap.

Ramon MAGSAYSAY, Jr
Lasalyanong Edukasyon: De La Salle College, Elementary (1952) Secondary (1956) BS Mechanical Engineering (1961)

Cesar PURISIMA
Lasalyanong Edukasyon: De La Salle University (MFI 79)

Mga naging posisyon: Chairman and Managing Partner, Sycip, Gorres, Velayo & Company (1979-1984), Member, Global Executive Board and Global Practice Council, Ernst & Young (1999 2004), Department of Trade & Industry (2004 2005) Department of Finance (Pebrero Hulyo 2005, 2010 hanggang sa kasalukuyan) Mga dapat ipagmalaki bilang Lasalyano: Ako man ay nagagalak na maging bahagi ng institusyon na hindi lamang kinikilala bilang isang premyadong pamantasan sa bansa kundi maging sa buong Asya at buong mundo. Mensahe para sa mga kapwa Lasalyano: Sa pagbubukas ng panibagong sentenaryo, aking hinihimok ang aking mga kapwa Lasalyano na patuloy na makibahagi sa pagpapaunlad ng bayan gamit ang kanilang prinsipyo at kalinangan.

Palibot-lihammulasamganatatangingLasalyano
Kinalap nina Ma. Rollen Joy Ancheta at Ma. Chrisel Maniebo Dibuho ni Anthony Ray Apolinario
Mahal kong kapwa Lasalyano: Mainit na pagbati sa pagdiriwang ng ika-100 taong anibersaryo ng Pamantasang De La Salle! Ang araw ng pagkatatag ng Pamantasan sa ngalan ni San Juan Bautista ay isang makasaysayang araw na sumasagisag sa pagkakatayo ng isang institusyong pang-edukasyon na patuloy na nagtataguyod ng mga adhikaing maka-Diyos at makabayan. Bilang dating mag-aaral ng Pamantasan, ito ay isa sa mga naghubog ng aking prinsipyong maglingkod nang tapat sa bansa. Ito ay naging bahagi ng aking buhay na nagbigay ng hindi lamang kataasan ng kaalaman, kundi pati na rin kamalayan ng isang mabuting Kristiyano. Sa ika-100 taong anibersaryo ng ating Pamantasan, aking hinihikayat ang lahat ng Lasalyano na buksan ang sarili at maging kaagapay sa pagpapaunlad ng ating bansa. Ating itaguyod ang pagmamahal sa bayan, na siyang tunay na diwa ng pagiging Lasalyano. Ating isipin hindi lamang ang pansariling kapakinabangan, kundi, higit sa lahat, ang pagmamahal at pagtulong sa kapwa, lalo na sa mga mahihirap at naaapi. Mabuhay ang Pamantasang De La Salle! Ika-2 Hunyo 2011 LEILA M. DE LIMA Kalihim, Kagawaran ng Katarungan Una sa lahat, binabati ko ang aking alma mater, ang Pamantasan ng De La Salle, sa pagdiriwang nito ng ika-100 taon bilang isang tagapagtaguyod ng edukasyon sa Pilipinas. Ako ay nagpapasalamat dahil ang institusyong ito ay isang malaking bahagi ng pagkahubog ng aking puso at isip bilang isang mamamayan. Pinupuri ko rin ang administrasyon ng La Salle, ang bawat guro, mag-aaral at lahat ng nagbibigay-buhay sa ating Pamantasan. Ang mga paring namumuno sa kanilang walang sawang paglilingkod upang patuloy na pataasin ang kalidad ng Lasalyanong edukasyon. Ang mga guro sa kanilang walang humpay na pagsisilbi upang hubugin ang mga Lasalyanong mag-aaral bilang mabuting mga mamamayan at patuloy na nagsusumikap abutin ang kanilang pangarap sa kani-kanilang mga larangan. Higit sa lahat, ang liham na ito ay upang hikayatin ang bawat Lasalyano na magsilbing huwaran ng ating mga kababayan sa pagtataguyod ng mga gawain tungo sa pambansang kaunlaran. Hinihikayat ko ang bawat Lasalyanong magsilbi para sa bayan sa kani-kaniyang paraan. Pagsumikapan nating baguhin ang paniniwala ng ilan na ang Pamantasan ng De La Salle ay nagsisilbi lamang para sa mga nakakaangat sa buhay. Sikapin nating magkaroon ng isang paradigm shift isang pagtalon mula sa nakasanayang punto de vista sa pamamagitan ng pagmulat sa kaisipan at pakikibahagi sa mga gawaing magbubuklod sa atin hindi lamang para sa pamantasan ngunit para din sa buong bansa. CAYETANO W. PADERANGA , JR. Socio-economic Planning Secretary and NEDA Director-General

Tatak Lasalyano sa serbisyong publiko:

Mga naging posisyon: 7th Provincial of De La Salle Brothers Philippines (1997 2003), 2nd President of De La Salle University System (2004 2006), 1st President and CEO of De La Salle Philippines (2005 2009), 2nd Chancellor of De La Salle University (2006 2010), 20th President of De La Salle University (2006 2010), Secretary of Education (2010 kasalukuyan) Mga dapat ipagmalaki bilang Lasalyano: Ating maipagmamalaki ang mga produktong masinsin na hinubog ng ating edukasyon Naglipana sila bilang mga haligi ng ating lipunan. Mensahe para sa mga kapwa Lasalyano: Manatili nawang buhay sa bawat isa sa atin ang matibay na paninindigan sa kung ano ang tama, ang pagiging tapat sa ipinagkaloob na tungkulin at pagiging mahabagin at mapagkalinga sa kapwa natin. Patuloy tayong sumagot sa tawag ng ating tungkulin.

Br. Armin LUISTRO, FSC


Lasalya nong Edukasyon: De La Salle Lipa (1978) De La Salle University-Manila, Bachelor of Arts Major in Philosophy and Letters (1981) De La Salle University-Manila, Master of Arts in Religious Education and Values Education (1993) La Salle University in Philadelphia, USA, Honorary Doctorate in Humane Letters (2004) University of St. La Salle, Bacolod City, Doctor of Educational Management degree (2005)

Sergio OSMENA, III


Lasalyanong Edukasyon: De La Salle College Elementary (1957)

Mga naging posisyon: Senador (1995 2007, 2010 2016), Director, San Miguel Brewery Ltd., Hong Kong (1994 1998), Pacific CATV Inc. (1994 1995), Telecommunications Holding Corp. (199 1995), Micrologic Systems Inc. (1994 1995), San Miguel Corp. (1993 1995), & PNB Republic Bank (1992 1995).Chairman, Intervest Group (1994 1995) & Cebu Contracting Company (1968 1972) Mga karanasan bilang Lasalyano: Bahagi ng Boy Scout at nagsilbi bilang sakristan Iba pang mga pangarap para sa bansa: I want to improve the standard of living of the farmers by giving them all the technical help they need. I want to remove courses from state-owned universities that have little demand in the job market. Because currently what Im doing is Im training a guy who is going to be jobless. Mensahe para sa mga kapwa Lasalyano: Never give up on anything. If you want to become someone, or to achieve something, dont ever give up.

1974
Naitala ni Green Archer Lim Eng Beng ang pinakamataas na puntos sa isang laro (55 puntos) sa kasaysayan ng NCAA. Sa taon ding ito tinulungan ni Beng mag-kampeon ang Taftbased squad.

Kasadsaran ng diktaturya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos nabuo ang Ang Pahayagang Plaridel (APP). Nilayon ng APP na itaas ang antas ng kamalayan ng mga Lasalyano. Matapos ang halos 27 taon, patuloy ang paglilingkod ng APP sa mga Lasalyano.

1984

Nagimbal ang Pamayanang Lasalyano sa sinapit ng kambal na sina Alvin at Levi Vinculado nang masangkot sila sa isang alitang humantong sa barilan na halos ikamatay ni Levi at ikinasawi naman ng kanyang kambal na si Alvin. Tatlong taon matapos ang krimen, ikinalungkot ng Pamayanang Lasalyano ang pagpapawalang sala kay Galvez mula sa kasong murder.

1993

1995
Kabilang sa AUN ang mga nangungunang pamantasan at institusyon sa Timog-silangang Asya. Layunin ng AUN na palakasin ang relasyon ng mga miyembro nito.

8 BAYAN | BUHAY AT KULTURA


Isang maligayang pagbati ng ika-isangdaang anibersaryo ng pagkakatatag sa lahat ng kapwa ko Lasalyano! Sa nakalipas na sentenaryo, tunay na naging malaking bahagi ang mga Lasalyano hindi lamang sa sektor ng edukasyon kundi ng buong bansa sa paghubog ng mga natatanging propesyonal sa ibat ibang larangan ng serbisyo-publiko. Ako man ay nagagalak na maging bahagi ng institusyon na hindi lamang kinikilala bilang isang premyadong pamantasan sa bansa kundi maging sa buong Asya at buong mundo. Ilang nagdaang kalihim na rin ng Pananalapi ang nagmula sa La Salle kabilang sina Cesar E.A. Virata, Ramon R. Del Rosario, Jr., Jose T. Pardo at Jose Isidro Camacho.Lahat sila, katulad ko, ay nagsilbi ayon sa pangaral ng santong si John Baptist de La Salle at iyon ay ang pagbibigay halaga sa mga mahihirap at tulungan silang umahon mula sa kahirapan. Sa ilalim ng administrasyong Aquino, itinalaga si Bro. Armin A. Luistro bilang kalihim ng edukasyon. Ang pagtitiwala ng gobyerno sa mga Lasalyano na umupo bilang pinuno ng Kagawaran ng Edukasyon ay isang pagkilala sa isa pang katangian ng ating patron: ang pagiging malikhain sa pagtuturo batid ang relasyon nito sa umuunlad na mundo. Ang tiwalang ipinagkaloob ng ating Pangulong Benigno C. Aquino III kay Bro. Armin ay isang pagpapatunay ng importansya na ibinibigay ng ating gobyerno sa pagpapatibay pa ng ating sistemang pang-edukasyon, isang malaking bahagi ng pag-unlad ng bansa tungo sa daang matuwid. Sa pagbubukas ng panibagong sentenaryo, aking hinihimok ang aking mga kapwa Lasalyano na patuloy na makibahagi sa pagpapaunlad ng bayan gamit ang kanilang prinsipyo at kalinangan. Muli, maligayang bati at mabuhay kayong lahat! Animo La Salle! Para sa mga minamahal kong Lasallians:

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

SENTENARYO

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

SENTENARYO

BUHAY AT KULTURA

Isang mabunying pagbati sa ika-isandaang taon ng ating pananalagi. Tunay ngang napapanahon na ipagdiwang hindi lamang ang paggunita sa simulain ng ating unibersidad may isang siglo na ang nakalilipas, kung hindi nararapat lamang din kilalanin higit sa lahat ang mga labang ating napagtagumpayan at mga kontribusyon ng ating institusyon sa lipunan. Hindi maipagkakaila ang pagyabong ng ating komunidad. Mula sa Maynila hanggang sa Ozamiz at Iligan sa Mindanao, nagpapamalas ng kagalingan at kasanayan ang mga Lasallian sa ibat ibang larangan. Kaya naman hindi na rin natin mapigilan maging ang pagtanghal sa La Salle bilang isa sa mga patuloy na iginagalang na unibersidad sa bansa. Ating maipagmamalaki ang mga produktong masinsin na hinubog ng ating edukasyon. Naglipana sila bilang mga haligi ng ating lipunan. Nagawa nilang manindigan sa mga panahong mas madali na lang ang sumang-ayon sa kagustuhang tumaliwas sa prinsipyo sapagkat ito ang tunay na sinasagisag ng isang tatak Lasallian ang walang pasubaling ipaglalaban kung ano ang nararapat para sa bayan at sa mga kababayan at ang maging tagapagtaguyod ng pagbabagong nais para sa mabuting kapakanan ng pangkalahatan. Mga kapatid, magkaroon nawa tayo ng tapang at lakas upang sundan ang yapak ni St. John Baptist de La Salle mga hakbang ng isang maprinsipyong landasin. Kanyang iniwan ang karangyaan at hindi alintanang isinantabi ang pansariling kapakanan upang ialay ang buhay sa pagtuturo sa kabataan. Kanyang pinahalagahan ang pagkakapantay-pantay ng pamamahagi ng kaalaman. Kanyang binuksan ang pinto ng pamantasan para sa parehong nakakariwasa at salat sa yaman. Kayat sa pagpasok natin sa susunod pang dantaon, manatili nawang buhay sa bawat isa sa atin ang matibay na paninindigan sa kung ano ang tama, ang pagiging tapat sa ipinagkaloob na tungkulin at pagiging mahabagin at mapagkalinga sa kapwa natin. Patuloy tayong sumagot sa tawag ng ating tungkulin. Mabuhay ang La Salle!

Kinang ng kolehiyong sumasagisag sa pamayanang

Lasalyano
nina Vernette Anne Arellano at Emmanuel Elijah Songcuya
Reyes, isang batikang direktor at Mike Enriquez, isang multi-awarded na tagapagbalita, sa mga sikat na produkto ng kolehiyong ito. Inc. sa mga prominenteng nagtapos mula sa COS.

pitong

Mga kuha nina John Louie Cabrera, Harlene Marie ilagan, Camille infante, edward Allen Lim, Cassandra Louise Singson, at Justin ryan Siy

CESAR V. PURISIMA Kalihim, Kagawaran ng Pananalapi

BR. ARMIN A. LUISTRO FSC Kalihim, Kagawaran ng Edukasyon

BUHAY

AT KULTURA
Mga salitang tatak Lasalyano
nina Kim Jerome Alcantara at Wilma Patricia Diguangco
na madalas naririnig sa mga paligsahan lalo na tuwing University Athletic Association of the Philippines (UAAP) season. Pangungusap: Rektikano! Keenakeena! (2x) Rektikano, Rektikano, Rektikano, Rah! 7. SEx tayo! bastos mang pakinggan para sa iba, nakakatakam naman ito para sa mga Lasalyanong mahilig kumain sa Sinangag Express. Isa itong tanyag na kainan kung saan matitikman ang mga pagkaing Pinoy tulad ng tapsilog, longsilog, at taho na ibinebenta sa abot kayang halaga. Pangungusap: Uy pre! Gusto ko ng tapsilog, SEx tayo! 8. Gox ang pinaikling tawag sa gusali ng Gokongwei kung saan karaniwang ginaganap ang mga klase ng College of Computer Studies (CCS). Pangungusap: Bago at mabilis ang computers sa Gox, dun tayo gumawa ng homework! 9. Frosh tumutukoy ito sa mga mag-aaral na nasa unang taon pa lamang sa Pamantasan na wala pang kamuwang muwang sa pamamalakad at pasikot sikot sa Pamantasan. Pangungusap: Tingnan ninyo, kumpol kumpol na naman sila kung maglakad. Mga frosh nga naman. 10. LPEP Hindi uusad ang buhay ng isang Lasalyano kung hindi siya daraan sa Lasallian Personal Effectiveness Program o LPEP. Nilalayon ng LPEP na gawing pamilyar ang mga mag-aaral sa pasilidad, sa kapaligiran at sa mga bagay na nabibilang sa Pamantasan. Pangungusap: Guys, alam niyo bang hindi kayo makakapagtapos ng pag-aaral hanggat hindi kayo sumasailalim sa LPEP?

NARANASAN mo na bang magpaprint ng mga proyekto sa Speed Bytes? Naabutan mo na ba ang rush hour sa Light Rail Transit (LRT) sa istasyon ng Vito Cruz? Nakaramdam ka na ba ng kaba sa tuwing bubuksan mo ang iyong My La Salle (MLS) account upang tingnan ang iyong mga grado? Narinig mo na ba ang melodiya ng kantang Beautiful Dreamer sa pagsisimula at pagtatapos ng iyong mga klase? Natikman mo na ba ang mga murang pagkain sa Castro? Kung sumasang-ayon ka sa mga katanungang ito, hindi nakapagtatakang isa ka ngang tunay na Lasalyano! Mula sa makasaysayang gusali ng St. La Salle Hall na itinuturing bilang unang istrukturang itinayo sa loob ng Pamantasan; ang Don Enrique Yuchengco Hall na kinakatayuan ng mga opisina; ang warpzone na nagsisilbing tulay mula St. Miguel Hall papunta sa kakaibang mundo ng Gokongkwei Building, hanggang sa pinakabagong gusali na Br. Andrew Gonzalez Building na kadalasang ginagamit ng mga frosh; ating suyurin ang Pamantasang De La Salle na nagsisilbi ng ikalawang tahanan ng mga Lasalyano. Halika at mas kilalanin pa natin ang mga berdeng arkero o mas kilala sa bansag na Lasalyano. Malayang kultura ng mga fashionista

Negosyo ang kasagutan sa ekonomiya ng bayan

Pangunahing karunungang dapat isaalang-alang

sa kasalukuyan? Paano nga ba naging kakaiba ang mga simpleng salitang ito? Ano-ano nga ba ang kahalagahan ng mga salitang ito sa pamumuhay natin bilang bahagi ng isang matatag na pamayanan? Halinat alamin ang mga salitang naging bahagi na ng ating pagkakakilanlan sa loob ng 100 taon.

LA SALLE , isang pamantasang

nagsisilbing kanlungan ng dekalidad na edukasyon sa ibat ibang larangan. Masasabing isa rin itong pamayanang naglalayong linangin ang abilidad at katangian ng bawat taong nabibilang dito. Kasabay ng paghubog na nagaganap sa loob ng Pamantasan ang pagkabuo ng katangiang masasabing Lasalyano lamang ang nagtataglay. Tunay nga talagang mayroong mga bagay na sa Pamantasan lamang makikita o maririnig. Isang halimbawa nito ang mga salitang maituturing na tatak Lasalyano. Ano-ano nga ba itong mga salitang naging bahagi na ng buhay ng isang Lasalyano mula noon hanggang

Kung tunay kang Lasalyano alam mo dapat ang mga sumusunod na salitang masasabing naging bahagi na ng kultura ng Pamantasan, noon at ngayon: 1. Conserve ang pinaikling salitang tumutukoy sa Marilen Gaerlan Conservatory Hall sa loob ng Pamantasan. Pangungusap: Tara, lets go to conserve. Like, its so cold there and so quiet pa. Game? 2. Nayu-Yuch ang kadalasang sinasambit ng mga mag-aaral tuwing kinakailangan nilang maglabas ng sama ng loob na tumutukoy sa mga palikuran ng Yuchengco Building. Pangungusap: Dude! Mauna na kayo sa class, nayu-Yuch yata ako e. 3. MLS ang MyLaSalle o MLS

Ilan dito ang alam mo?

ang ginagamit ng mga Lasalyano sa pakikipag-ugnayan sa mismong Pamantasan. Ilan sa mga serbisyong hatid nito ang pag-enroll ng mga kurso, pagreserba ng adjustment pass, at ang pagbili ng UAAP tickets. Pangungusap: Guys, nag-apply na ba kayo sa MLS para sa majors natin next term? 4. Not a Good Sign nangangahulugan itong No Grade Submitted na nagbibigay ng panghihinayang sa mga Lasalyanong sabik nang malaman ang kabuuan ng kanilang grado sa pagtatapos ng termino. Pangungusap: Ang tagal naman ng grade ko, hanggang ngayon NGS pa rin! 5. EAF sa Enrollment Assesment Form o EAF makikita ang listahan at talatakdaan ng mga mag-aaral para sa kasalukuyang termino. Pangungusap: Pila na tayo sa may faculty room para kunin ang EAF natin for next term! 6. Retikano nangangahulugang the right to rule, ito ang isa sa mga pinakasikat na cheer ng Pamantasan

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-100 taon ng Pamantasang De La Salle, isang malaking hamon para sa bawat isa ang ipagpatuloy ang pagpapayaman ng kulturang nakapaloob sa bawat sulok ng Pamantasan. Bagamat bahagi lamang ng kabuuang kultura sa Pamantasan ang mga salitang maituturing na tatak Lasalyano, hindi pa rin dapat binabalewala ang mga ito bilang bahagi ng pakikiisa sa kultura ng komunidad na kanilang ginagalawan. Isang patunay lamang ang mga salitang ito sa makulay at kakaibang katangian ng bawat isa. Gaya nga ng sinabi ni Jarvin Marcelo, ID number 10828281, isang Lasallian Ambassador, Mahalaga ang pagkakaroon ng mga sariling salitang umiikot lamang sa mga Lasalyano dahil ipinapakita nito na malakas at buhay ang kultura sa loob ng Unibersidad. Gayunpaman, hindi tumitigil ang ating responsibilad sa pagpapaunlad ng mga salitang ito dahil bahagi rin n gating pagiging tinay na Lasalyano ang pagpapayaman ng bawat bahagi ng ating pagkakakilanlan. Sa huli, iba-iba man ang boses at hinaing ng bawat isa sa atin, iisang boses pa rin ang ating binubuo ang boses Lasalyanong nagpupugay sa ating sentenaryo.

Sa susunod na 100 taon

Makulay at masaya, sa ganitong paraan karaniwang inilalarawan ang College of Liberal Arts (CLA). Bago tuluyang makilala bilang ang Kolehiyo ng Malalayang Sining, nagsimula muna ito bilang bahagi ng College of Arts and Sciences sa Pamantasan noong 1918. Halos 70 taon na ang nakalipas bago ito tuluyang naging isang indibidwal na kolehiyo. Gayunpaman, hindi maitatangging nanatili pa rin ang pagiging malikhain ng kolehiyong ito hanggang sa kasalukuyan. Masasabing madali lamang makilala ang mga estudyanteng tinguriang mga fashionista sa loob ng Pamantasan. Ayon sa panayam ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) kay Arnel Ian Cosme, BS- MFI 06, isang dating Lasallian Ambassador, tila nakakabit na ang salitang fashion sa kolehiyong ito dahil bahagi na ng buhay ng mga mag-aaral dito ang sumunod sa uso bilang pagpapahayag ng kanilang identidad. Dagdag pa ni Cosme, karaniwang taga-CLA ang mga mag-aaral na mayroong dalang ibat ibang uri ng makabagong kagamitan tulad ng Digital Single Lense Reflex (DSLR) at video camera. Ilan lamang sina Jose Javier

Simula pa lamang noong nabuo ang College of Commerce sa Pamantasan noong 1919, mailalarawan na bilang isa sa pinakamadiskarte ang kolehiyong ito. Mula sa dating College of Business and Economics (CBE) noong 1988, tuluyan nang nagkaroon ng dalawang sangay ang CBE, ang College of Business (COB) at School of Economics (SOE). Masasabing nananatili pa rin hanggang sa ngayon ang pagiging likas na maabilidad ng mga mag-aaral mula sa dalawang nasabing kolehiyo. Sa panayam ng APP kay Cosme, nabanggit niyang itinituring na mga kapitalista ang mga mag-aaral mula sa dalawang kolehiyong ito. Dagdag pa ni Cosme, Kadalasang makikitang may dalang calculator o journal ang mga taga COB at SOE. Hindi rin maitatangging patuloy ang pagdami ng bilang ng mga Tsino na nag-aaral sa COB at SOE kaya naman binansagang Little China ang dalawang kolehiyong nabanggit. Ilan lamang sina Gilberto Teodoro, Jr., dating kalihim ng Department of National Defense ng Pilipinas, at Henry Sy, Jr., Presidente ng SM Land Inc. sa mga nagtayo ng bandera ng COB at SOE.

Mula sa kagustuhan ng Master of Science in Education noong 1930, nabuo ang isa sa mga sinasabing pinakamatiyaga at pormal na kolehiyo sa Pamantasan, ang College of Education (CED). Matapos ang 80 taon, patuloy pa rin ang pagsusumikap ng CED upang maging sentro ng edukasyon, pananaliksik at pagsasanay ng mga guro sa buong bansa. Sa kasalukuyan, kapansin-pansin na mas madaming babae ang nag-aaral sa kolehiyong ito. Sa ika-16 at ika-17 na palapag ng Br. Andrew Gonzales Hall kadalasang makikita ang mga estudyanteng kabilang sa kolehiyong ito. Mailalarawan din bilang isa sa pinakadisiplinado at pormal na kolehiyo ang CED dahil sa pagkakaroon nito ng mas mahihigpit na patakaran kung ikukumpara sa ibang kolehiyo sa Pamantasan. Sila rin ang naitala ng Disciplines Office na mayroong pinakamababang kaso ng minor offenses patungkol sa dress code noong una at ikalawang termino ng akademikong taong 20092010. Napatunayan ito ng modelong si Isabelle Daza at singer na si Kitchie Nadal.

Kakaibang pagtuklas sa tulong ng Agham


Simple ngunit matalino- ito ang mga salitang maaaring maglarawan sa mga estudyante mula sa College of Science (COS). Bagamat magkasabay na naging pormal na kolehiyo ang COS at CLA noong 1982, kapansin-pansing magkaiba ang uri ng kulturang nakapaloob sa dalawa. Kung kilala bilang mga fashionista ang mga mag-aaral sa CLA, maituturing namang tahimik ngunit masisipag na mag-aaral ang mga taga-COS.Maaaring sabihin na ang mga Lasalyanong nagmumula sa kolehiyong ito ang mga taong maraming karanasan pagdating sa pagdadala ng patay na hayop sa loob ng Pamanatasan. Ayon kay Karyl Anne Factora, PSYMED 09, ID number 105, Marami [ang] nag-assume na yoga mat bags yung black bags na binibitbit ng mga taga-COS, pero sa totoo lang, mga cat bags talaga yun. Maituturing rin na ang mga tagaCOS ang pinakamatapang na Lasalyano pagdating sa pag-eeksperimento ng ibat ibang kemikal. Isa lamang si Dr. Anthony C. Lee, dating pangulo ng Philippine Society of Microbiology,

Mapanuring mata pagdating sa teknolohiya

Kung mayroong problema sa kompyuter at teknolohiya, siguradong isang Lasalyanong mula sa College of Computer Science (CCS) ang dapat lapitan. Masasabing pormal na itinatag ang CCS na nagsimula lamang bilang Center for Planning, Information and Computer Science noong 1981. Sa kasalukuyan, ang Planetang Goks ang sinasabing tahanan ng mga estudyanteng kabilang sa kolehiyong ito. Malayo man ang distansya nito sa main campus ng Pamantasan, hindi ito hadlang upang makihalubilo ang mga taga-CCS sa iba pang mag-aaral sa ibang kolehiyo. Binansagan man silang may sariling mundo noon, naging mas palakaibigan naman sila sa pagdaan ng panahon. Hindi nalalayo ang mga katangian ng mga taga-CCS sa mga mag-aaral na nabibilang sa COS. Gaya ng mga estudyante ng COS, tahimik at masisipag din pagdating sa pag-aaral ang mga taga-CCS. Mapagkakamalan pa ngang isang computer shop kung minsan ang lobby ng gusaling kanilang pinamamalagian dahil sa mga nakahilerang laptop na ginagamit ng mga taga-CCS na

ho

ni De Albe pa r t no

mapapansin dito. Isa si Raymund S. Sison, kasalukuyang presidente ng Computing Society na nagtataguyod sa Philippine Computing Science Congress sa mga nagmula sa kolehiyong ito.

Silangan ng mga inhinyero ng kinabukasan

Napapalibutan ng mga araling sukat at pormula, sa ganitong paraan kinikilala ang mga Lasalyanong mula sa College of Engineering (COE). Sinasabing pormal na sinimulan sa Pamantasan noong 1947 ang kolehiyong ito. Gayunpaman, mayroon ng mga kurso gaya ng Civil, Electrical, Mechanical at Chemical Engineering sa Pamantasan noong 1919 pa lamang. Sa kasalukuyan, itinuturing na pangalawang pinakamalaking kolehiyo ang COE sa pamantasan Dahil sa kadalasang mga lalake ang kabilang sa kolehiyong ito, hindi maiwasang isipin na itinuturing na ginto ang kababaihan dito. Ika na ng ilan sa mga taga-COE, dito dahil maswerte na kapag mayroong dalawa hanggang limang babae sa isang klase ng engineering. Madalas silang makikitang may bitbit na file case at nagsusukat ng coordinates ng property lines ng ibat

ibang lugar sa loob ng Pamantasan tulad na lamang ng Central Plaza at SJ Walk. Iilan lamang sina Ramon Magsaysay, Jr., nanungkulang Senador sa Pilipinas, at si Edgar Chua, Country Chairman ng Shell Companies sa Pilipinas at iba pang bahagi ng Asya, sa mga ipinagmamalaking nagtapos sa COE.

Di

bu

Mga Lasalyanong nagkakaisa patungong sentenaryo

Iba-iba man ang kolehiyong ating pinagmulan, hindi dapat maalis sa ating pagkatao ang pagiging isang responsableng Lasalyano. Hindi man magkahalintulad ang katangian ng bawat Lasalyano, hindi ito dapat maging hadlang upang ating maipakita ang isang pamayanang nagkakaisa lalo na ngayong ipinagdiriwang ang sentenaryo ng ating Pamantasan. Ihanda na natin ang ating mga sarili sa kinabukasan, sapagkat sa kabila ng lahat ng hamon ng panahon, kapwang Lasalyano pa rin ang ating maasahan. Palagi nating tatandaan na kahapon, ngayon at bukas, ikaw at ako, dugong Pilipino, pusong Lasalyano. Para sa pagpupugay sa mas matatag na mga kolehiyo at sa 100 taon at higit pa ng Pamantasan, Animo La Salle!

Kinilala ng PC Computing Magazine ang website ng DLSU bilang isa sa pinakamagagandang website pangpamantasan sa buong mundo. Kahilera ng DLSU ang Harvard University (USA), University of Tokyo (Japan), at University of Sydney (Australia).

1996

2000
Itinuring ng ASEAN University Network ang DLSU bilang unang virtual university sa Timog Silangang Asya.

Nakiisa ang DLSU sa panawagan sa pagbibitiw ni dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada matapos ito masangkot sa patung-patong na kaso. Itinatag ang Alliance of Lasallians Against Erap (ALSA-ERAP) upang paigtingin ang nasabing panawagan.

2000

Inilunsad ng Information Technology Services ang DLSU WISe (Wireless Information Services), ang kauna-unahan sa bansa. Nagbibigay ito ng mga impormasyon sa mga mag-aaral, pakultad at alumni ng DLSU sa pamamagitan ng Short Messaging System.

2002

Isandaang taong pagpapaalab ng dugot pusong Lasalyano


nina Krysta Mae Alcala, Adrian Joseph Garcia, at Renato Rebellon, Jr.
NAGING saksi ang kalangitan sa mga pagbabagong naganap sa Pamantasan sa loob ng isang siglo. Kasabay nito, naging saksi rin ang mga pasilyo ng bawat gusali sa araw-araw na pamumuhay ng mga Lasalyano. Higit sa lahat, hindi maitatangging naging bahagi na ng kasaysayan ng Pamantasan ang ibat ibang henerasyon ng mga mag-aaral na bumuo sa kasalukuyang imaheng taglay nito. Araneta, Del Rosario at Pumaren, ilan lamang sila sa mga pamilyang nagsilbing taga-masid sa mga pagbabagong naganap sa loob ng Pamantasan. Sa pagsapit ng ika-100 taon ng isang minamahal na Pamantasan, muling sariwain ang nakaraan mula sa karanasan ng mga taong naging bahagi mismo ng kasaysayan nito. Orihinasyon ng unang henerasyon
kababaihan sa Pamantasan upang tuluyang mabago ang kultura ng DLSU. Bagamat nagbigay-daan sa pagkakaroon ng isang pantay na komunidad para sa kababaihan at kalalakihan ang coed system, nagdulot ito ng ibat ibang uri ng pang-aabuso laban sa kababaihan noong mga panahong iyon. Hindi maitatangging marami nang pagbabago ang naganap sa loob at labas ng Pamantasan sa paglipas ng panahon. Nagambala ang mga ordinaryong araw sa Pamantasan sa hindi inaasahang paghagupit ng third quarter storm at pagbulabog ng Martial Law na nagsilbing surpresa para sa lahat. Dagdag pa ni Atayde, sa labas ng Pamantasan mayroong mga nagpapanggap na sundalo sa ilang pampublikong sasakyan na handa kang hulihin sa mga pagkakataong hindi mo inaasahan. Marami ang nagbibingi-bingihan sa mga demonstrasyon at welga na naganap sa kalsada ng Taft Avenue tuwing gabi. Bagamat pinilit ng mga Lasalyano na manatiling tahimik, ang mga kaguluhang nagaganap sa ilalim ng diktaturyang pamahalaan ang nagbukas sa kanilang isipan para lumaban. para sa mga Lasalyano ang ipagpatuloy ang pagtupad sa adhikain ni St. John Baptist De La Salle. Ito marahil ang dahilan kung bakit hindi lamang isang Lasallista ang mga estudyanteng kabilang sa kasalukuyang henerasyon ng Pamantasan kundi isang Lasalyanong may pusong Pilipino. In fact, nakakalungkot dahil itong Centennial natin, the least interested group is the [current] students and thats because they dont care about what happened in the past 100 years, ani Atayde. Hindi gaanong nakikita sa mga kasalukuyang estudyante ang malaking interes para sa pagsalubong ng sentenaryo dahil nakatuon ang mga Lasalyano sa kung ano ang mangyayari ngayon at sa mga susunod pang taon.

10 BUHAY AT KULTURA

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

SENTENARYO

SENTENARYOPLARIDEL ANG PAHAYAGANG

ISPORTS

11

Sampung kaalaman ukol sa maaksyong sentenaryong nagdaan!


nina Aldrich Dane Adiong at Quino James Legaspi
Mga Korespondente
Mga dibuho ni Albert Depano kundi isang susi na magpapatuloy sa legasiyang ipinamana ng nakaraang henerasyon. Halinat patunayan na hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang pusong handang mag-alab para sa Animo hindi lamang sa UAAP games o sa katanyagang naaabot ng Pamantasan, ngunit pati na rin ang pagsasabuhay ng bawat Lasallian values. Isang hamon para sa kasalukuyang henerasyon ng mga Lasalyano ang panatilihing buhay ang pamana ng mga naunang henerasyon, at mas lalo itong pagyamanin para sa mga susunod pang taon. Bagamat naging napakahabang paglalakbay para sa mga Lasalyano ang pagdiriwang ng sentenaryo, naging matagumpay pa rin ang pamayanang Lasalyano upang gawing isang makabuluhang kasalukuyan ang makulay na kahapon. SA 100 taong pamamayagpag ng Pamantasang De La Salle (DLSU), ipinakita nito na isang haligi ito ng collegiate sports sa paglipas ng panahon. Mula sa pagiging bahagi ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) hanggang sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP), hindi nagpahuli ang DLSU at ipinakita ang kakaibang gilas nito sa paglalaro. Halikat ating tanawin ang mahahalagang pangyayari, lugar, at mga taong nagsilbing pundasyon sa kagalang-galang na reputasyon ng Pamantasan sa larangan ng pampalakasan. Isa Nag-iisang DLSU Green Archer Mark Cardona, ang tanging nakakuha ng Most Valuable Player Award (MVP) sa Philippine Basketball Association (PBA). Nasungkit ni Cardona ang nasabing parangal sa kanyang paglalaro sa koponan ng Talk n Text sa PBA franchise Text noong 2009. Dalawa Napabilang ang DLSU sa dalawang pinakaprestihiyosong collegiate league sa bansa. Founding member ang DLSU (dating DLSC) ng NCAA noong 1924 at nagtapos noong 1980. Matapos ang anim na taon, pormal nang naging kasapi ang DLSU noong 1986 at nanatiling miyembro hanggang sa kasalukuyan. Tatlo Masasabing natatanging atleta ang isang tao kapag nairetiro ng koponan ang kanyang numerong ginamit sa paglalaro. Tatlong Arkero ang binigyan ng kakaibang pribilehiyong ito sa katauhan nina Lim Eng Beng (14), Kurt Bachman (33), at RenRen Ritualo (4). Apat Nanalo sa apat na magkakasunod na season (four-peat) ang parehong Mens at Womens basketball ng DLSU. Nakamit ng Green Archers ang nakakabilib na 4-peat noong 1998 hanggang 2001 habang sumunod naman sa yapak nila ang Lady Archers noong 1999-2002. Lima Hindi dapat bababa sa limang isport ang salihan ng Pamantasan upang makalahok ito sa taunang kasiglahan ng UAAP. Itinatalaga ng Office of Sports Development (OSD) ang limang isports na ito. Anim Patunay ang anim na kampeonatong naitala noong 1999, 2003, 2004, 2005, 2009, at 2011 na isa ang DLSU Lady Spikers sa pinakamahuhusay na koponan sa Womens Volleyball ng UAAP. Pito Bagamat 25 taon pa lamang ang inilalagi ng DLSU Green Archers sa UAAP, pinatunayan nila ang kanilang galing sa paglalaro sa pagkamit ng pitong kampeonato noong 1989, 1990, 1998, 1999, 2000, 2001, at 2007. Walo Nahahati sa dalawang semestre ang pagdaraos ng mga kompetisyon sa UAAP. Sa unang semestre, ang mga isport na basketball, swimming, judo, beach volleyball, taekwondo, badminton, table tennis, at cheerdance ang nagbibigay-kulay sa kasaganaan ng UAAP. Pagsapit ng Nobyembre, volleyball, football, track and field, softball, tennis, baseball, chess, at fencing naman ang mga larong bumibida sa torneo. Siyam Nangibabaw ang DLSU Green Booters sa NCAA mula 1932 hanggang 1940 na nagbigay karangalan sa Pamantasan dahil sa kamangha-manghang siyam na sunodsunod na kampeonato. Sampu Bilang ng palapag na bumubuo sa Enrique Razon Sports Complex na kumakalinga sa lahat ng pangangailangan ng mga atleta. Itinayo ito noong 1998 upang maging haligi ng pampalakasan ng Pamantasan. Ito ang lugar kung saan hinahasa ng mga atleta ang kanilang mga abilidad upang makapaghanda sa kanilang mga laro. Narito ang sampung bagay na nagpapaala sa ating lahat na hindi matatawaran ang legasiyang iniwan ng DLSU sa mundo ng palakasan. Ipagmalaki mo na bahagi ka ng pamayanang Lasalyano na angat sa lahat ng larangan, pang-akademiko man o kahit na sa mundo pa ng palakasan. Asahan nating sa susunod na 100 taon, mas maraming pangyayari pa ang magpapatingkad sa matikas na legasiya ng mahal nating Pamantasan.

Isa sa mga pamilyang maituturing na dugong Lasalyano ang angkan ni Antonio L. Atayde, Jr., Liberal Arts Major in History and Political Science 75, dating mag-aaral ng De La Salle College (DLSC) noong 1970. Sa panayam ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) kay Atayde, binanggit niyang nagsimula ang pagiging Lasalyano ng kanyang pamilya noong 1911 nang maging bahagi ang kanyang lolo ng unang klase sa DLSC. Kasunod nito, naging bahagi rin ng kasaysayan ng DLSU ang isa pa niyang lolo na nag-aral naman sa De La Salle Secondary School sa Hongkong na naging miyembro ng pinakaunang De La Salle Alumni Association (DLSAA) noong 1916. Dagdag pa rito, nagtapos din sa Pamantasang De La Salle (DLSU) ang kanyang mga anak na sina Tony at Aaron noong 1998 at 2002. Sa kasalukuyan, ang pinsan niyang si Henry Atayde ang pangulo ng DLSAA at ang pamangkin naman niyang si Dondon Atayde ang namamahala sa World Centennial Congress na gaganapin sa Oktubre. Mapapansing higit na mas maliit ang populasyon ng mga mag-aaral sa Pamantasan noon kung ihahambing ito sa kasalukuyan. Ito rin marahil ang dahilan ng pagiging mas malaya, matapang, at kakaiba ng mga Lasalyano noong mga nakaraang henerasyon. Ani Atayde, Palaban talaga kami pero palaban sa mabuting paraan, nationalistic. We are just conscious of our country. Tunay ngang isang rebolusyonaryong henerasyon ang panahon noon ni Atayde dahil sa laganap na social activism at paggamit ng drugs. Sa panahong iyon din nauso ang mahahabang buhok, makukulay at bulaklakang damit para sa kalalakihan. Unang nagkaroon ng tatlong babaeng estudyante sa Pamantasan noong 1972 na sinasabing naging daan upang simulan ang Co-educational(Coed) system dito. Gayunpaman, hindi naging hadlang ang pagiging baguhan ng

Bagamat sinakop na ng modernisasyon ang DLSU, hindi ito naging dahilan upang maapektuhan ang paninindigan ng mga estudyante ng makabagong henerasyon. Kasabay nito ang pag-usbong ng ibat ibang organisasyon, partidong pulitikal, at pamahalaang pampamantasang naglalayong hubugin ang mga estudyanteng kabilang dito. Dahil na rin sa mabilis na pagbabagong dulot ng lipunan, mayroong iilang nakalimot sa kahalagahan ng kahapon.

Bagong henerasyon, sa kinabukasan ang tugon

Lumipas man ang isandaan o mahigit pang taon ng Pamantasan, mananatiling bukas ang pintuan at buo ang bawat sulok nito para sa mga Lasalyano noon, ngayon, at sa mga susunod pang panahon. Maging daan sana ang katotohanang ito upang hindi lamang isang mabuting Lasalyano para sa Diyos at bayan ang bawat isa,

Legasiya ng kahapon, pamana sa ngayon

DibUHO Ni ALLAN JeFFreY bACAr

ISANG/ MULA SA PAHINA 12


naging kontribusyon ni Smit para sa DLSU. Ilan sa mga ito ang pagiging multi-titled ng parehong Mens at Womens Football team sa UAAP at ang hindi mapapantayang 9-peat ng Lady Booters sa University Games. Bunsod ng maraming titulong ipinamalas ni Smit sa DLSU, tunay na masasabing kaakibat na niya ang galing sa pagko-coach. Patunay rito ang kabi-kabilang alok sa kanya na mag-coach sa ibang team na kanya namang mariing tinanggihan. Paliwanag niya, Marami akong naging offers para mag-coach sa ibat ibang schools/universities here and abroad na matataas na sweldo, but I chose to stay kasi committed ako, at ang loyalty ko is unquestionable to La Salle and to the La Salle Brothers. Isang may karanasang atleta bago sumabak sa mundo ng pagkocoach ito ang mga salitang maglalarawan sa bantog na pangalan ni Fernandez. Bantamweight champion siya noong kolehiyo bilang bahagi ng Philippine National team ng taekwondo. 1989 nang hawakan niya ang papausbong pa lamang na taekwondo team. Tulad nang ilan, minsan ding sumagi sa isip niya na hindi siya tatagal sa kanyang tinahak na landas. Gayunpaman, lubos na siyang napamahal sa napili niyang propesyon at nanatili pa ring coach ng DLSU Taekwondo team hanggang ngayon. Sa loob ng maraming taon, maituturing na isa si Fernandez sa pinakarespetadong coaches sa DLSU dahil sa kanyang mga nagawa. Aniya, My greatest achievement would be to have guided DLSU to 10 UAAP Championships (men & women combined) in my years here as a coach. Bukod pa rito, nakapagbigay na rin ng karangalan si Fernandez tulad na lang ng pagkapanalo ng kanyang koponan bilang kampeon sa international competitions gaya ng South East Asian games at Asian games. Masaya naman si Fernandez sa tagumpay na nakakamit ng kanyang koponan at ng kanyang mga manlalaro. Aniya, When I see and know that my players become well rounded individuals who will and can contribute to the community, that is a great achievement for me.

Lasallista patungong Lasalyano

Naging opisyal ang pagiging pamantasan ng DLSU noong 1975. Gayunpaman, hindi rito natapos ang pagbabagong nangyari sa Pamantasan dahil patuloy pa itong umusbong sa pagkakaroon ng mga bagong istruktura sa paligid nito. Kasabay ng mga pagbabago ito, kapansin-pansing sumailalim din sa napakaraming pagkakaiba ang pamamaraan ng isang Lasallista. Yung henerasyon ng mga anak ko [ay] ibang-iba [at] mababait. Yung henerasyon kasi ngayon masyadong me generation. They live for themselves, ani Atayde. Kahit na napakarami nang nabago sa Pamantasan, isa lamang ang nanantiling kapansin-pansin sa paglipas ng panahon- ang pagiging isang paaralang para sa mga elitista ng DLSU. Pagbibigay diin ni Atayde, Si St. John Baptist [De La Salle], ang mission niya is to teach the poor, pero sa La Salle ang nangyari, teach the rich. Ito marahil ang dahilan kung bakit untiunting pinilit ng La Salle na ibalik ang tunay na layunin ni St. La Salle. Malugod naman itong sinusuportahan ng DLSU sa ibatibang panig ng Pilipinas sa tulong na rin ng alumni at ang walang tigil na dedikasyon ng Brothers. Ayon pa kay Atayde, Yung s ch o la rs h i p cam paign to m ake Lasallian education accessible [ay napaka-epektibo]. Nakikita ko rin na yung mga scholar ngayon, mas open sila to give back to the school. Simula noon hanggang ngayon, isang panlipunang responsibilidad

PUMAREN
MGA PAMILYANG/ MULA SA PAHINA 12
ko alam gagawin ko pag inalis ako sa DLSU. kanyang mga kapatid na sina Franz at Dindo sa kanilang paglalaro sa UAAP. Nagtagal ang pagsasama ng magkakapatid sa UAAP sa loob lamang ng isang taon dahil na rin sa paglisan ni Dindo upang tumungtong sa propesyunal na liga. Kinailangan lamang ng dalawang taon ni Derrick upang maitala ang pambihirang backto-back championships ng Green Archers. Sumunod naman sa yapak ni Derrick ang bunsong kapatid nitong si Franz. 1998 nang gulatin niya ang UAAP matapos nitong maiuwi ang kampeonato para sa DLSU sa kanyang rookie season bilang coach. Tatlong sunod na titulo pa ang ibinigay ng dating combo guard ng Green Archers sa Pamantasan. Sa kanyang taon din pinasikat ni Franz ang tanyag na full-court trap na naging susi sa mahahalagang pagkakapanalo ng DLSU. Itinala rin ni Franz ang kanyang ikalimang titulo sa UAAP nang talunin ng kanyang koponan ang walang talong University of the East Red Warriors na

SMIT
ginagabayan ng kanyang kapatid na si Dindo noong 2007. Hawak ni Franz ang titulong winningest coach of DLSU in the UAAP. Huling nagbigay karangalan sa Pamantasan si Franz taong 2008 nang makuha ng Green Archers ang Philippine Collegiate Championship League trophy. Pinalitan naman ng kasalukuyang coach ng Green and White squad na si Dindo ang kanyang kapatid na si Franz noong 2010 nang magdesisyon ang nakababata na lumahok sa politika. Sa kasalukuyan, maganda ang ipinakikitang laro ng Green Archers sa patnubay ni coach Dindo na nagtapos sa ikaapat na puwesto sa UAAP noong nakaraang taon. Para kay Dindo, pinakamahalagang ambag nila sa Pamantasan ang mga kampeonatong naiuwi ng kanilang pamilya bilang manlalaro at coach. Aniya, Malaking factor din ang pagiging loyal naming sa school. Binigay naming tatlo ang lahat ng aming makakaya para sa school. Ipinagmalaki rin ni Dindo na ang kanilang pamilya ang muling nagpabalik sa mataas na antas ng paglalaro sa DLSU. Inconsistent kasi dati. Tataas, bababa. Noong dumating si Derrick, nag-start na ulit yung competitive spirit ng school. Hopefully maibalik ko yung tradition na binigay ng family namin sa DLSU. kanyang pagtatapos.

ALINA
taon ng kanyang paglalaro ang bunsong si Pemrik na nagtapos ng dalawang runner-up finish noong nakaraang taon. Pribilehiyo para sa kanilang magkakapatid ang maging parte ng isang institusyon pagdating sa palakasan tulad ng DLSU. Sa kanyang pagpasok sa Pamantasan, inamin ng nakababatang Alina na naging madali ang kanyang adjustments sa koponan. Aniya, Kilala na nila kaagad ako na kapatid nina Krissy at Pereme dahil sa apelyido ko na Alina kaya mas naging mas malapit ako sa kanila. Wala namang nakikitang negatibo si Pemrik sa pagkakaroon ng mga kapamilya sa isang koponan. Sa halip, naging bentahe pa para sa kasalukuyang Alina ang pagkakaroon ng mga kapatid na manlalaro rin ng Pamantasan. Tinuruan na ako ng mga kapatid ko ng mga dapat iasal at ugali sa La Salle kaya naging maganda ang pagpasok ko rito. pagbabahagi ni Pemrik. Para rin kay Pemrik, ang mga naiwan nilang mga panalo at mga tagumpay ang pinakamahalagang kontribusyon ng kanilang pamilya sa DLSU Tennis. Hindi masama ang magkaroon ng kamag-anak sa koponan dahil maari kang gabayan ng mga ito para sa iyong pag-unlad.

Derrick, Franz at Dindo: Tatlong Ulo ng Green Archers

Stephen Fernandez

Coaches ng DLSU, tatak ng tunay na ehemplo

Bukod sa sinusubaybayan ang bawat aksyong katatampukan sa larong basketball sa Pamantasan, hindi rin ito magpapahuli sa paggawa ng dinastiyang tatatak sa lahat ng Lasalyano. Pinakaunang naging ama ng DLSU mens basketball team ang panganay sa tatlong magkakapatid na si Frederick Pumaren o mas kilala sa tawag na manong Derrick. Siya ang naging kauna-unahang coach ng nasabing koponan sa pagpasok nito sa UAAP noong 1986. Sa unang taon ni manong Derrick sa posisyon, hinawakan niya ang Taftbased squad na haharap sa bagong hamong dala ng kanilang pagsali sa bagong liga. Kapwa tinutukan ni Derrick ang

Maituturing naman na pinakamatagumpay sa DLSU Tennis team ang Pamilya Alina na binubuo ng magkakapatid na sina Krissy, Pereme at Pemrik Alina. Miyembro ng 3-peat champions ng UAAP womens tennis ang nakatatandang si Krissy na nagsimulang pumasok sa koponan noong 2002. Sa pagtatapos ni Krissy noong 2004, si Pereme naman ang umukit ng pangalan sa DLSU. Tumulong siya sa paghahatid ng isang kampeonato at dalawang runnerup finishes para sa Green Tennisters. Kasalukuyan namang nasa ikalawang

Pamilyang Alina at ang DLSU Tennis

May isang malinaw na pagkakatulad ang tatlong pamilyang ito, ang kanilang naging katapatan at dedikasyon para sa DLSU. Tunay ngang hindi matatawaran ang nagawang kontribusyon ng mga nabanggit na pamilya sa larangan ng DLSU sports. Makikitang ang pagmamahal nila sa kanilang napiling larangan ang isa sa pangunahing dahilan ng kanilang patuloy na pagsuporta sa DLSU. Mahirap makahanap ng mga taong tulad nila na pinagbibigkis ng isang layuning magtagumpay hindi lamang para sa kanilang mga sarili, kundi pati na rin para sa Pamantasan.

Dinastiyang Lasalyano sa daan ng tagumpay

Tulad ng isang magulang sa kanyang anak, masasabing ang mga coach ang humuhubog at gumagabay sa mga atleta. Sa mas positibong paggabay nila sa kanilang mga manlalaro, napagtatagumpayan nila ang bawat kinahaharap na hamon sa mundo ng palakasan. Manalo man o matalo, nariyan pa rin ang mga coach upang sumuporta sa kanilang koponan. Asahan nating sa darating na mga taon, nasa tugatog pa rin ang DLSU sports dahil sa walang patid na kontribusyon mula sa kanila. Magsilbi sanang inspirasyon sa mga Lasalyano ang hindi matatawarang pagmamahal na ipinapakita ng mga coach upang mapagningning ang pangalan ng DLSU.

Katulong ang ibat ibang partidong politikal sa bansa, inilunsad ang Boto Lasalyano, Sulong Pilipino na naglalayong imulat ang mata ng mga Lasalyano ukol sa paparating na pambansang halalan.

2007

Itinatag ang Committee on National Issues and Concerns (CoNIC) sa tulong ng ibat ibang organisasyon sa Pamantasang De La Salle (DLSU). Binuo ang komiteng ito upang tumalakay at magbantay sa mga pagbabagong magaganap sa lipunan.

2007

Matapos magpahinga ng isang taon dahil sa kontrobersiyang kinasangkutan ng Green Archers, nasungkit nila ang kampeonato laban sa University of the East (UE) Red Warriors.

2007

Nakuha ni Green Woodpusher at Chess Grandmaster John Paul Gomez ang ika-5 niyang Athlete of the Year award. Siya ang natatanging atleta na limang beses nakuha ang prestihiyosong parangal na ito.

2009

12

SENTENARYO

ANIMO: Sagisag ng diwang Lasalyano


nina Justin Kenneth Carandang, Mark Albert de Silva, at Celina Marie Santos
Tagapamahalang Patnugot at Mga Kasapi
LINGGO, ikaapat ng hapon, nagmamadaling pumasok ang mga Lasalyano sa loob ng Araneta Coliseum para sa pinaka-aabangang laro ng taon ng De La Salle University (DLSU). Pagkapasok sa loob, makikita ang kalahating panig ng Big Dome na kulay berde patunay na malakas ang suporta ng bawat Lasalyano sa kanilang koponan. Sa bawat hampas sa tambol at sigaw ng Animo, damang-dama ang pagsuporta sa bawat atletang namamayagpag sa sa mata ng kanilang kapwa Lasalyano. Ganito ang pangkaraniwang eksena sa bawat labang kinahaharap ng mga atletang Lasalyano. Sa bawat laro, nangingibabaw lagi ang dugo ng pagiging Lasalyano sa bawat magaaral. Nagiging instrumento ang mga labang ito sa pagkakabuklod-buklod ng mga Lasalyano. Malaking tulong para sa mga manlalaro ang suportang ibinibigay sa kanila ng mga Lasalyano. Nakapagpapataas ng kanilang kumpiyansa ang hindi mapapantayang paniniwala ng pamayanang Lasalyano sa kanilang kakayahan. Pagbuo ng Animo Hindi na bago sa mga Lasalyano ang katagang Animo. Kung tatanungin ang karamihan ng mga Lasalyano, maisasagot nila ito bilang school spirit o diwa ng bawat Lasalyano para suportahan ang kapwa nilang Lasalyano. Idadagdag pa ng karaniwang Lasalyano na makikita ang diwang ito tuwing may laban ang Green Archers. Ngunit isang maliit na parte lamang ito ng pagsasabuhay ng Animo.Ngunit, hindi lamang sa kanilang laban mararamdaman ang diwa ng Animo. Pagpasok sa DLSU, mas mararamdaman ang lumiliyab ng Animo sa bawat Lasalyano. Una nang nailantad sa DLSU sports si Leslie Ann Sy, photographer ng Greenarchers.ph, nang pumasok ang kanyang kapatid sa DLSU. Aniya, Noong una, sa TV [ko] lang napapanood sina Ritualo, Cortez, [at] Yeo. Noong nag-aral na ako sa DLSU, nagsimula na akong manood ng live tapos parami nang parami ang basketball games na napapanood ko. Matapos nito, pumasok siya bilang photographer, at naging mas aktibo sa DLSU sports. Animo: Simula hanggang pagtatapos Tila isa nang normal na eksena sa loob ng DLSU ang pagsuporta sa mga atletang Lasalyano. Binibigkis ng bawat laro ang mga Lasalyano upang lumakas pa ang kumpiyansa ng mga koponang kanilang sinusuportahan. Bilang isang atleta, ipinapakita ni Princess Que, dating Lady Trackster, ang kanyang Animo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng matinding dedikasyon sa kanyang mga laro. Aniya, Matinding ensayo at paghahanda ang ginawa ko noon para masiguradong maging maganda ang resulta ng bawat laban ko, at para maipakita [ko rin] na magaling ang DLSU hindi lang sa basketball [kundi] maging sa iba pang sports. Para naman kay Sy, hindi lamang sa panonood ng mga laban ng koponan ng

ISPORTS

DLSU niya naipapakita ang pagsuporta niya sa mga Lasalyano. Naipapakita niya rin ito sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga gawaing pampamantasan na nakatutulong sa pag-unlad ng lipunan. Hanggang makapagtapos sina Que at Sy, angkin pa rin nila ang pagsuporta sa kanilang Pamantasan sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga aral na natutunan nila rito. May mga bagay ring napulot ang mga atleta gaya ni Que bukod sa diwa ng pagkakaisa. Aniya, Mas nagkaroon ako ng faith mula nang naging Lasalyano ako. Dagdag pa niya, natutunan din niyang maging

determinado at maipakita ang kanyang kagalingan bilang Lasalyano na hindi sumusuko sa anumang pagsubok. Ani Que, Sa huli, as they say Never shall we fail! Higit pa sa pagkakaisang dala Kahit nagsipagtapos na ang ibang mga manlalaro, isinasapuso pa rin nila ang kanilang pagiging Lasalyano sa pamamagitan ng pagsuporta sa laban ng mga atleta. Isang halimbawa na lamang nito ang panonood ng mga laro na kinalalahukan ng mga atletang Lasalyano. Gaya ni Que, patuloy silang

nanunuod at sumusuporta sa ibat ibang laban ng DLSU kahit wala na sila rito. Malaking bagay ang pagiging bahagi ng DLSU Sports para kina Que at Sy upang kanilang matamasa ang tagumpay. Pareho nilang natutunan ang pagiging determinado sa kanilang mga ginagawa. Ang buhay naman, parang isang laro rin. Minsan panalo, minsan natatalo rin. Basta lagi lang tayo lumaban, sa huli hindi tayo magsisisi dahil binigay natin ang lahat ng ating makakaya, pagtatapos ni Sy.

APP File

Mga tao sa likod ng tagumpay ng mga atleta:

Isang pagtanaw sa buhay ng DLSU coaches Mga Pamilyang nakabuo nina Ronald Allan Francis Sunga, Joan Jao, at Precious Que ng dinastiya sa DLSU!
Patnugot ng Isports, Senyor na Kasapi, at Korespondente

Sandigan sa loob at labas ng court:

MAPALAD ang Pamantasang De La Salle (DLSU) dahil sa mahuhusay at magagaling na coach ng kanilang mga koponan magmula noon hanggang sa kasalukuyan. Hindi maitatangging malaki ang naiaambag ng mga coach sa tagumpay ng isang koponan sa mundo ng palakasan dahil sa suporta at gabay na ibinabahagi nila sa mga manlalaro. Sila ang mga taong bihirang mabigyan ng papuri dahil sa mga sakripisyong ibinibigay nila sa kanilang koponan. Silipin natin ang natatagong kwento ng mga nag-angat sa DLSU bilang isa sa tinitingalang institusyon sa mundo ng palakasan.
1999 nang pumasok si Kraut bilang coach ng Tennis team na maituturing nang beterano larangang ito. Kinakitaan na siya ng kakaibang gilas sa larong tennis noong kabataan niya. Una niyang pinasok ang mundo ng tennis sa La Salle Greenhills at ipinagpatuloy pa ito bilang bahagi ng DLSU tennis team. Maganda ang iniwang legasiya ni Kraut sa kanyang koponan sapagkat bukod sa pagiging team captain, naging bahagi rin siya ng championship team ng DLSU. Hindi mapapantayan ang naihatid

nina Mark Albert De Silva at Quino James Legaspi


Kasapi at Korespondente
PAMILYA - isang mahalagang bahagi sa pag-unlad ng pagkatao ng isang nilalang. Ito ang itinuturing na pinakamaliit, ngunit pinakamahalagang yunit sa ating lipunan. Inaasahan sa isang pamilya na magtutulungan ang bawat miyembro nito upang makamit ang inaasam nilang tagumpay. Hindi maikakailang marami nang pamilyang nagtagumpay dahil sa kanilang pagkakaisa. Sa larangan ng palakasan sa Pamantasang De La Salle (DLSU), sumikat ang mga pamilyang nagtulongtulong upang magkapagbigay karangalan sa matatag na pangalan nito. Dinastiyang Smit sa loob ng DLSU Football Tatlumpung taon na ang nakalipas noong pumasok ang unang miyembro ng pamilyang Smit sa Pamantasan. Sa pamamagitan ni Romy Sotto, Head ng DLSU Athletics noong 1987, itinalaga si Hans Smit na maging mentor ng mens football team ng La Salle. Maganda ang naging pagsisimula ng coaching stint ni Smit sa DLSU. Nagpakitang-gilas kaagad si Smit at nakuha ang kanyang unang kampeonato bilang head coach ng Green Booters noong University Athletic Association of the Philippines (UAAP) season 54. Naging dominante naman ang DLSU noong 1993-1994 UAAP season upang itala ang walang dungis na kartada na nagpatibay sa legasiya ni Smit bilang isan mahusay na coach. Matapos mapasinayaan ang womens football sa UAAP, ibinigay na rin kay Smit ang posisyon bilang coach ng koponang lalahok sa nasabing palakasan. Ilang taon ang lumipas, itinala ng Lady Booters ni Smit ang 4-peat championship sa liga mula 2002 hanggang 2005. Nasundan pa ito ng apat pang kampeonato na naitalang pinakahuli noong 2009 kontra UST. Pinatunayan din ni Smit ang kanyang katapatan sa DLSU nang ipasok niya sa Pamantasan ang kanyang taltong anak. Pinili ng mga anak ni Smit na sina Gian Carlo, Arie Kim at Larson Peter, na samahan ang kanilang ama sa DLSU upang doon na rin maipagpatuloy ang kanilang hilig sa football. Naging opisyal na bahagi ng football varsity sina Gian Carlo at Arie Kim noong 2002 at 2003, ayon sa pagkakasunodsunod. Kasalukuyan naman naglalaro pa para sa Green Booters ang bunsong si Larson Peter na nasa ikatlong taon ngayon. Ayon kay coach Smit, malaki ang naitutulong ng pagkakaroon ng mga kapamilya sa koponan. Aniya, Hindi ako nawawalan ng support group kahit anong mangyari dahil lagi silang andiyan for me. Hindi naman kaila kay coach Hans na may negatibong epekto rin ang pagkakaroon ng mga kapamilya sa koponan. Hindi maiiwasan[g] aakalain ng ibang players na mga favoritism ako dahil mga anak ko sila kaya I see to it na kapamilya rin ang turing ko sa ibang mga players ko. Ibinahagi rin ni Smit ang kanyang saloobin bilang coach ng DLSU Booters. Unang-una sa lahat, ang commitment and loyalty ko DLSU is unquestionable. Hindi ito isang trabaho para sa akin. Parte na nga sistema ko ito kaya hindi

Roland Kraut

na karangalan ni Kraut para sa DLSU. Apat na titulo mula sa Womens Division habang tatlo naman para sa Mens Division ang kanyang naihatid para sa Taft-based squad. Bukod pa rito, humawak na rin ng mga bigating pangalan si Kraut sa Philippine team tulad nina Francis Alcantara at Jeson Patrombon. Patunay ito sa nag-aalab na pagmamahal ni Kraut sa kanyang napiling larangan. Noong 2006, isang taon bago masuspinde ang Taft-based squad, gumawa ng kasaysayan ang Green at Lady Tennisters sa UAAP. Hindi ito malilimutan ni Kraut sapagkat nangyari

ito isang taon bago masuspinde ang DLSU sa UAAP. Sa tulong niya, nakamit ng DLSU ang parehong titulo sa Mens at Womens division. Tunay na isa ito sa mga hindi malilimutang markang iiwan ni Kraut para sa Pamantasan. Bantog na ang pangalan ni Smit sa larangan ng football. Una siyang naging coach ng De La SalleZobel noong 1981 at kaagad siyang kinakitaan ng galing sa paghawak ng grupo. Pagkalipas ng anim na taon,

Hans Smit

ISANG/ SUNDAN SA PAHINA 11

MGA KUHA NiNA HArLeNe MArie iLAGAN, CAMiLLe iNFANTe, AT CASSANDrA LOUiSe SiNGSON

MGA PAMILYANG/ SUNDAN SA PAHINA 10

You might also like