You are on page 1of 2

Ang pinagkaiba ng Talaarawan sa kaibigan

Ano nga ba ang pinagkakaiba ng talaarawan at sa taong lubos nating pinagkakatiwalaan? Bakit
natin sila pinagkukumpara? At alin nga ba ang iyong mas pipiliin pagdating ng panahon?

Ang isang talaarawan ay isang libro na puno ng impormasyon tungkol sa mga nilalaman ng
isipan ng isang manunulat batay sa kanyang mga naranasan, damdamin at iba pa. Dito niya rin
nilalagay ang mga bagay na maaaring gusto niyang sabihin sa isang tao na hindi niya kayang
sabihin sa personal o sa kahit sino man. Ano naman ang kinalaman nito sa kaibigan? Ang totoo
o  matalik na tropa ay dito rin natin nilalabas ang ating mga karanasan, hinanakit, sikreto,
problema  at iba pa. Minsan pa nga ay kasama rin natin sila sa ating mga karanasan maaaring
sila rin ang tumutulong sa atin tumayo para sa ating mga prino-problema at ang tumutulong i-
tama ang ating mga mali o kaya ng ibang tao na ating nakasalamuha. Alin ang mas pipiliin mo?
Ang isang Libro o tao?

Ang talaarawan ay ginagamit bilang instrumento para ilagay natin ang ating mga dinadanas, dinadama,
at kung ano pa. Ito ay isang libro na maari maging maliit , makapal o kaya Malaki, depende sa
manunulat. Maaaring marami pa rin ang gumagamit nito kahit hanggang sa ngayong panahon na ng
teknolohiya kung baga’t lahat na ng bagay ay pwede mo ng gawin sa pamamagitan lang ng paggamit ng
mobile na aparato, kompyuter, at iba pa. May mga tao na ang gusto pa rin ay ang pisikal na libro at papel
kaysa kung saan doon sila magsusulat at hindi sa pag tayp ng kanilang mga nilalaman. Siguro dahil ito ay
mas nararamdaman ng manunulat kapag sa libro o papel siya nagsusulat kung saan mas nailalahad niya
pa ang kanyang mga saloobin.

Ang kaibigan naman ay may dalawang aspeto . Una maaari ito maging kakilala, kaklase o katrabahador
natin. Pangalawa ay ito ang ating pinakamatalik o malapit na kaibigan o kapamilya kung saan kahit saan
tayo magpunta, ano man ang ating gustong gawin, pinagdadaanan, ay sila lagi ang ating kasama sa araw
araw nating pamumuhay. Malaking epekto ang isang kaibigan sa atin lalo na kung marami tayong mga
paglalakbay na kasama sila subalit pagdating sa dulo ay maaaring nandiyaan pa rin sila o wala na. Ang
epekto ng kaibigan ay pwede maging mabuti o masama sa atin o kaya naman pareho. Magiging mabuti
ang epekto ng isang kaibigan sa atin kung sila ay tinutulungan tayo tumayo at sumulong para sa ating
kinabukasan, tinutulungan nila tayong sumulong kung saan tayo pa ay maging mas magaling kaysa sa
ating sarili. Kung ang tunay na kaibigan ay kaya yun gawin sa atin, dapat na rin ay maging tunay at ibalik
natin ang kanilang mga nagawang tama sa atin bilang ating pasasalamat sa kanila. Kung hindi naman
maganda ang epekto ng isang kaibigan sa atin ay malalaman natin ito kung hindi na tama ang ating
ginagawa, wala na tayo sa ating tamang sarili at kung kailan pa na kailangan natin sila ay doon sila wala.

Ang pagkakaroon ng kaibigan ay maaari rin maging parehong mabuti at masama sa atin. Ang isang
halimbawa nito ay tinutulungan nila tayong magsagot sa isang pagsusulit, ngunit tayo na ay
nangangailangan na ng tulong, tinutulungan nila tayo pero sa pamamagitan ng pandaraya . Pero may
mga pangyayari rin na dahil sa ganong mga pangyayari ay doon tayo nakakakuha ng aral o leksyon kung
saan doon tayo mas aangat at malalaman ang tama sa mali.
Kung ako ay papapiliin kung alin sa dalawa,(kaibigan at talaarawan) ang aking pipiliin ay yung kaibigan sa
malamang, hindi lang sa dahil hindi naman ako nagsusulat sa isang talaarawan pero dahil sa kaibigan ay
tao yan. Madami yan pwedeng magawa sayo depende pero nakadepende na lang rin yan kung ang tao
na yan ay may masamang ugali na maaaring mahawa sayo. Pero kapag dating naman sa mga ganong
pangyayari, hindi naman yun ang totoong kaibigan. Kapag may totoo kang kaibigan, magiging masaya
ang buhay mo o kaya naman sila ang magbibigay buhay sayo dahil nandiyan sila lagi para sa’yo dahil
nandiyan ka rin para sa kanila at mahal niyo ang isa’t-isa. Kaya mas pipiliin ko ang kaibigan kasi ang
kaibigan marami ako makukuhang aral, pwede akong sumulong, sumaya, maranasan ang mga hindi ko
pa nararanasan, kilalanin ang tunay kong pagkatao at iba pa. Maraming bagay ang pwedeng magawa ng
isang kaibigan kung baga’t para sa’kin pa nga ay sila ang nagiging pundasyon ng ating pagkatao. Wala
tayo kung wala sila at ganoon din sa kanila. At sa kaibigan pa ay kaya nilang pagaaanin an gating mga
nararamdaman kung tayo man ay may prino-problema, kung hindi na natin kinakaya, ay sila ang
nandiyan para tayo tulungan.

Ang kaibigan at talaarawan ay may onting pagkakapareho pagdating sa paglabas ng ating mga
hinanaing, mga naranasan, saloobin at iba pa. Pero pagdating sa kaibigan, mas malawak pa ang
magagawa nito, bukod sa pwede natin sila paglabasan ng saloobin, pwede pa nilang pagaaanin ang ating
loob. Maraming mga importansya na kayang lagpasan ang pagkakaroon ng kaibigan kaysa sa libro o ng
talaarawan dahil ang kaibigan ay nararamdaman mo ito, kinakausap mo at hindi mo lang isinusulat.

You might also like