You are on page 1of 1

A.

Marami akong natutunan mula sa aking mga kaibigan kagaya ng


pagiging masmabuti at masmahusay na nilalang, pagiging positibo,
pagiging masaya palagi at sila ang sumu-suporta sa akin at
naniniwala sila sa aking kakayahan.

B. Ang aking pananaw tungkol sa pagkakaibigan bago ko sila


nakilala ay ang kaibigan ay langing nasa tabi mo ano man ang
mangyari at dapat kayo ay magmahalan at magsuportahan.

C. Maraming naidulot sa akin ang aking pananaw sa pagkakaibigan .


Hindi nila ako binigo sa aking pananaw talagang pinatunayan nila sa
akin ang totoong depinisyon ng pagkakaibigan sa katunayan, sila ay
sumobra pa sa aking inaasahan. Hindi lang nila ako itinuring na
kaibigan kundi parang kapatid narin.

D. Naging masmabuti at masmahusay akong tao at ipinaramdam


nila na ako ay mahalaga. Sila rin ang nagpatatag ang aking loob para
masolusyunan ang mga problema. Tinatanggap rin nila ang aking
pagkakamali at tinutulungan nila ako sa lahat ng bagay na walang
inaasahang kapalit.

E. Para sa akin tunay ngang napakahalaga ang ating mga kaibigan


dahil nandiyan sila parati sa tabi natin hindi lamang kung mayroon
tayong problema. Tinutulungan nila tayo upang maging
masmabuting tao at sila rin ang tumutulong sa ain upang malutas
ang ating mga problema. Pinatatatag rin nila ang ating loob at
pinapasaya rin nila tayo upang makalimutan natin ang pait ng
kaulungkutan. Palagi tayong nagkakamali pero ini-intindi nila tayo.
At higit sa lahat hindi sila gumagawa ng anumang bagay na
ikasisisra ng aming pagkakaibigan at sa halip pinapatatag rin nila
ang amin pagkakaibigan at huwag na huwag naming susukuan ang
aming relasyon. Kaya, pahalagahan natin ang ating mga kaibigan at
maging tapat ka sa iyong kaibigan dahil yan ang susi upang maging
matatag at masmahaba ang iyong realsyon sa isast-isa.

You might also like