You are on page 1of 2

Ang Alamat ng Calculator

Noong panahon ng Kastila, itinuto nila sa atin ang paggamit ng Matematika at


Sibika sa mga eskwela at Unibersidad.

Si Kakul Atores ay isang propesor sa isang malaking Unibersidad. Nagturo


siya ng Matematika. Maluput at masama ang kanyang ugali, at laging
nagmumura siya sa kanyang studyante. Wala siyang galang sa ibang tao.

Isang araw, may dumating na isang bagong estudyante sa kanyang klase


habang nagtuturo siya ng Matematika.

“Magandang hapon po, propesor! Ako po ay si Mariano Juanito!” sabo mg


bagpmg estudyante. Nagalit ang propesor dahil nasira niya ang kanyang
konsentrayson sa pagtuturo.

“Umupo ka nga! Nasira mo ang aking konsentrasyon!” sigaw ng propesor.

Nahiya tuloy si Mariano at umupo siya sa likod ng silid-aralan.

………………Ilan minuto ang nakalipas……………

“Ikaw, nasa likod! Yung bagong estudyante! Sagutin mo nga ang tanong na ito!
Madali lang ito.” Ang sabi ng propesor. Mukhang mahirap ang tanong na
ibinigay ng propesor. “Ikaw! Sagutin mo ‘yan! Bobo ka kung hindi mo masagot!”

Ilang minuto na ang naka lipas at walang pang naisulat na sagot si Mariano.
“Hindi ka makasagot?! Ang simple lang niyan! Hindi mo ba natuto yan? Siguro,
mababang-kalidad ang inyong dating paaralan!” ang sabi ng propesor sa bagong
estudyante.

“Maria Juana! My toyo ba sa ulo mo, o bobo ka lang?” sabi ng propesor at


tumawa ang klase. “Maria Juana, wala kang kwenta…”

Pinalo ng propesor si Mariano gamit ng isang malapad na patpat. Natamaan


niya ang ulo ni Mariano.

“Mariano Juanito ang pangalan ko!” sagot ng bagong estudyante, habang


umiiyak.

“Hindi karapat-dapat ang panglang iyan sa iyo! Dapat ay maging babae ka!”
sagot ng propesor.

Uminit ang ulo ni Mariano. Biglang nagbago ang anyo niya; siya ay naging isang
diwata. Nagulat ang buong klase. Sa lahat, si propesor ang pinakagulat.

“Kakul Atores.. Matagal ng ang iyong masamang ugali, at hindi ka pa rin


nagbabago… maghanda ka sa iyong parusa!” ang sabi ng diwata. “Magiging
isang maliliit na instrumento ka! Kung may isang ekwasyon ng nakasulat sa
katawan mo, sasagutin mo!” ang utos ng diwata.

At ganoon ang ginaway ng propesor habang buhay: nagsasagot ng equation.


Tapos sa pagdaan ng panahon, tinawag itong ‘calculator’ galing sa pangalan ng
propesor (Kakul Atores).

You might also like