You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Administrative Region
Bislig City Division
Bislig III District
SAN FERNANDO INTEGRATED SCHOOL
San Fernando, Bislig City
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8

I. Layunin
Pagkatapos ng 60 minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natutukoy ang iba’t-ibang salik na naging bunga ng pagsisimula ng unang digmaang
daigdig
b. napapahalagahan ang pagkakaisa at pagmamahal sa bayan
c. mabigyang halaga ang mga naging sanhi ng unang digmaan sa daigdig

II. Paksang Aralin


a.Paksa: Ang Unang Digmaang Pandaigdig
Mga Salik sa pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaidig.
b.Sanggunian: Kasaysayan ng Daigdig
Nina Teofista L. Vilvar et al..,pahina 446-452. CODE: AP8AKD-Na-1

c.Kagamitan: , kartolina, pentel pen, laptop, pictures, TV, cellphone, internet


III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b.Pagbati
c. Pagtala ng Lumiban sa Klase

B. Pagganyak
Magpapakita ang guro ng mga larawan gamit ang Picture Reveal Game
Hatiin ng mga estudyante sa dalawang grupo.

Baril
Mapa ng Mundo

Digmaan
1. Anong ideya ang ipinapahiwatig ng mga larawang iyong nakikita?
2. Anu-ano kaya ang mga dahilan kung bakit sumiklab ang digmaan?
3. Kung magiging saksi ka sa ganitong pangyayari, ano ang iyong gagawin?
C. Paglalahad
Tingnan ang Video
SANHI AT PAANO NAGSIMULA ANG UNANG DIGMAANG
PANDAIGDIG o WORLD WAR I ( K-12 CURRICULUM)
https://www.youtube.com/watch?v=2HGyJm-8CUw&t=2s
a. Pangkatang-Gawain (Actvity)
-Hahatiin ang klase sa dalawang grupo. . Ang bawat grupo ay bibigyan ng tahas.
Ilalahad ang mga salik ng pag-usbong ng Unang Digmaang Pandaigdig, Maaaring sa
pamamagitan ng
 Pag-Guhit,
 News Casting,
 Pagsasadula o
 Sabayang Pagbigkas.
-Ang bawat grupo ay bibigyan ng (5) limang minuto para gawin ang kanilang tahas.
Unang pangkat: Nasyonalismo at Miltarismo
Pangalawang Imperyalismo at Pagbuo ng alyansa
Rubriks sa pag-iskor: Pag-guhit Rubriks sa: Pagsasadula
Nilalaman – 30% Nilalaman – 30%
Kalinisan- 20% Presentasyon- 20%
Pagkamalikhain- 50% Impormasyon - 50%
100% 100%
Rubriks sa News casting Rubriks sa: Sabayang Pagbigkas
Nilalaman – 25% Nilalaman – 25%
Presentasyon - 25% Presentasyon- 25%
Impormasyon -50% Kooperasyon - 50%
100% 100%

b. Pagsusuri (Analysis)
Gumamit ng cellphone at buksan ang quizizz.com code: 941863
1. Ano ang panitikong pagmamahal sa sariling bansa at pagkakaroon ng
persepsyon na mahina o mababa ang ibang bansa o lahi?
a) Nasyonalism
b) Militarismo
c) Alyansa
d) Imperyalismo

2. Ito ang pagpapalakas ng hukbong sandatahan ng isang bansa


a) Nasyonalismo
b) Alyansa
c) Militarismo
d) Imperyalismo

3. Ito ang pagsakop sa iba pang bansa


a) Nasyonalismo
b) Alyansa
c) Militarismo
d) Imperyalismo

4. Ito ang pagbuo ng samahan upang maging magkakampi


a) Nasyonalismo
b) Alyansa
c) Militarismo
d) Imperyalismo

5. Sino ang binaril na naging sanhi rin ng Unang Digmaang Pandaigdig?


a) Francis Ferdinand
b) Ferdinan Magellan
c) Ferdinand Marcos
d) King Ferdinand

c. Paglalahat (Abstraction)

1. Bilang isang mag-aaral, bakit mahalagang maunawaan ang dahilan ng pagsiklab ng


unang digmaamg daigdig?

2. Bilang isang mag-aaral paano mo maipaliwanag ang pangyayaring


naganap noon? May pagkakataon kayang maulit ito sa kasalukuyan? Ano ang iyong
gagawin?
d. Paglalapat (Application)
Ilahad ang sagot sa pamamagitan ng

 Pag-Guhit,
 News Casting,
 Pagsasadula o
 Sabayang Pagbigkas.

Kung isa ka sa mga kilalang lider ng bansa noong panahon ng digmaan,paano mo


ipapakita ang paghangad ng kapayapaan?

V. Panghuling Pagtataya ( Evaluation)

Panuto : Tukuyin ang mga salitang inilalarawan ng bawat tanong. Hanapin sa loob ng
kahon ang sagot.
Alyansa Militarismo Imperyalismo
Nasyonalismo Europe The Great War
Franz Ferdinand Central power 1914

1. Tumutukoy sa kampihan ng dalawang bansa. (Alyansa)


2. Pagpapalakas ng bansang sandatahan ng mga bansa sa Europe. (Militarismo)
3. Ang entablado ng unang digmaang daigdig. (Europe)
4. Tumutukoy sa labis na pagmamahal sa bayan. (Nasyonalismo)
5. Panghihimasok ng makapangyarihang bansa sa mahinang bansa. (Imperyalismo)
6. Alyansang binubuo ng Germany, Australia-Hungary at Italy . (Central Power)
7. Archuduke na pinatay na nagging hudyat sa unang digmaang daigdig. (Franz
Ferdinand)
8. Nagsimula ang unang digmaang daigdig. (1914)

VI. Takdang-Aralin (Assignment)


Magsaliksik sa naging epekto ng Unang Digmaang Daigdig.

Prepared by:
FLORENCIO N. COQUILLA Checked and Observed:
SST-II ARVIN T. GARSUTA
School Head

You might also like