You are on page 1of 15

DOMINICAN COLLEGE OF TARLAC

McArthur Highway, Poblacion (Sto Rosario), Capas, 2315 Tarlac , Philippine


Tel No (045) 4917579/Telefax(045) 92509
Website: dct.edu.ph/Email: domct_2314@yahoo.com.ph

Kasaysayan ng Mundo

UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG

(MODULE)

IPINASA NI:

MARIEL P.TIGLAO

BEEd 2A

IPAPASA KAY:

Dr. Dalisay v. Rigor, Phd

1
I. LEARNING TASK

 Masusuri ng mga mag-aaral ang mga dahilang nagbibigay-daan sa Unang


Digmaang Pandaigdig.
 Masusuri ng mga mag-aaral ang mahahalagang pangyayaring naganap sa
Unang Digmaang Pandaigdig.
 Matataya ng mga mag-aaral ang mga epekto ng Unang Digmaang
Pandaigdig.
 Masusuri ng mga mag-aaral ang mga pagsisikap ng mga bansa na makamit
ang kapayapaan at kaunlarang pandaigdig.

II. LINKING QUESTIONS

Bago mag simula ang klase, dapat itanong ng guro ang mga katanungan ito sa
mga mag-aaral:
1) Mayroon ba kayong ideya tungkol sa Unang Digmaang Pandaigdig?
2) Alam niyo ba Kung ano ang mga nangyari noong Unang Digmaang
Pandaigdig?
3) Alam niyo ba ang mga kagamitang ginamit sa Unang Digmaang
Pandaigdig?
4) Ano ang mga kahalagahan ng mga kagamitan sa Unang Digmaang
Pandaigdig.

III. SKILL ENCHANCER

a) VIEWING (PAGTANAW) - una, ipapakita ng guro sa harap ng klase ang


mga kagamitan noong unang digmaang pandaigdig. Kasunod nito, itanong ang
mga kahalagahan nitong mga kagamitan.

2
b) LISTENING (PAKIKINING) - habang tinatalakay ang aralin, making ng
mabuti ang mga mag-aaral sa impormasyon na binibigay ng guro sa mga mag-
aaral. Halimbaw, ano ang mga kahalagahan ng mga kagamitan noong unang
digmaang pandaigdig.
c) READING (PAGBASA) - hihilingin ng guro sa klase na basahin ang kung
paanong nabuo ang mga kagamitan na ginamit sa digmaan.
d) SPEAKING (PAGSASALITA) - ang mga impormasyong naipon ng mga
mag-aaral ay ibabahagi sa klase kung ano ang nalaman sa paksa. Sa aktibidan
na ito maipapakita ng mga mag-aaral ang kanilang talento sa pagsasalita sa
harapan.

IV. LESSON TOPIC


MAIN TOPIC:
UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG
SUB TOPIC:
a) Nasyonalismo at Militarismo
b) Mga Alyansa at Ang mga Allies
c) Simula ng digmaan at ang Pagwawakas ng digmaan
d) Epekto ng unang digmaang pandaigdig, Teknolohiya at ang
digmaan
V. MOTIBASYON

1. Ano
ang
maaring
pamagat
ng cartoon?

3
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_________________.
2. Ilarawan ang mga tao sa cartoon.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_________________.
3. Ano – ano ang simbolo, bagay, o salita na nakikita sa cartoon?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_________________.
4. Ano ang mensahe ng cartoon?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_________________.
VI. FOLLOW UP ACTIVITIES

AKTIBIDAD PARA SA UNANG PAKSA

a) Nasyonalismo at Militarismo at ang mga Alyansa at ang mga allies

Panuto: Suriin ang klasipikasyon na kinabibilanagn ng mga pahayag sa ibaba. Isulat ang titik
lamang.

a) ALYANSA
b) NASYONALISMO
c) MILITARISMO
d) IMPERYALISMO

4
____ 1. Ang pagtanggi ng Germany sa pagkakaroon ng kolonya ng France sa kaharian ng mga
Muslim.

____ 2. Ang pagbawi sa mga nawalang teritoryo.

____ 3. Ang pangamba ng mga bansa dahil sa paglakas ng ekonomiya ng Germany.

____ 4. Ang mga pagtaas ng mga gastusin ng sandatahan ng isang bansa.

____ 5. Ang paglagda sa Entente Cordiale.

____ 6. Ang agawan sa kolonya ng France at Germany.

____ 7. Ang paniniwalang Pan-Slavism ng mga Ruso.

____ 8. Ang winika ni Friedrich von Bernhardi, “ na ang digmaan ay isang pangunahing
pangangailangan.”

____ 9. Ang pagsasama ng Austria – Hungary at Italy.

____ 10. Ang pagpapalakas sa hukbong pandagat ng mga bansa.

Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod:

1) Bakit malakas ang posibilidad na magkakaroon ng digmaan sa simula pa lamang ng ika-


20 siglo?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
____.
2) Bakit ang mga pinuno ng mga bansang may mga suliranin panloob ay mas determinadong
pumasok sa digmaan kaysa sa mga bansang may matatag na kabuhayan at politika?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

5
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_____.

AKTIBIDAD PARA SA IKALAWANG PAKSA

b) ANG SIMULA NG DIGMAAN AT ANG PAGWAWAKAS.

Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod

1. Bakit nangangamba ang bansang Austria na kapag nagkaisa ang mga serbs?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Bakit nagpulong sa Paris ang mga kinatawan ng mga bansa mula sa Central powers at
Allies?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
__

AKTIBIDAD PARA SA HULING PAKSA

c) EPEKTO NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG, TEKNOLOHIYA


AT ANG DIGMAAN

Panuto: Magbigay ng mga kagamitan na ginamit sa unang digmaang pandaigdig.

6
VII. CONTENT EVALUATION

UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG

Ang Unang Digmaang Pandaigdig (: World War I o pinaikling WWI) ay isang


pandaigdigang digmaang naganap mula 1914 hanggang 1918 na kinasangkutan ng mga
makapangyarihang bansa sa mundo na noon ay napapangkat sa dalawang magkalabang alyansa:
ang Alyadong Puwersa (batay sa Tatluhang Kasunduan ng Imperyong Briton, Imperyong
Ruso at Pransiya) at Puwersang Sentral (mula naman sa Tatluhang Alyansa ng Imperyong
Aleman, Austriya-Unggarya at Italya). Ang digmaan ang isa sa mga pinakamapinsalang digmaan
sa kasaysayan

Ang pagpaslang kay Archduke Franz Ferdinand ng isang makabayang Serbiyo na


nagngangalang Gavrilo Princip noong 28 Hunyo 1914 ang itinuturing na siyang pinakasanhi ng
pagsisimula ng digmaan. Nagsimula ito noong ika-27 ng Hulyo 1914 nang magpahayag ng
pakikidigma ang Austriya-Unggarya laban sa Serbiya na siya namang nagbunsod sa dalawang
magkalabang alyansang nabanggit, kasáma na maging ang kani-kanilang kolonya, na makibáka sa
isa't isa. Makalipas ang ilan pang linggo, ang digmaan ay tuluyan nang lumaganap sa buong
mundo.

7
NASYONALISMO AT MILITARISMO

NASYONALISMO

Ang nasyonalismo ay isang positibong puwersa na nagbibigkis sa mga tao sa isang bansa.
Maaari din itong maging panganib na magsisimula sa isang alitan tulad ng mga nangyari noong
simula ng 1900.

Lubhang malakas ang nasyonalismo sa Germany at France. Mapagmalaki ang Germany sa


kanyang bagong lakas-militar at sa kanyang pangunguna sa larangan ng industriya. Inasam-asam
din naman ng France na muli niyang makuha ang dating posisyon bilang pangunahing lakas sa
Europe.

Naroroon pa rin ang poot ng mga Pranses sa kanilang pagkatalo sa Digmaang Franco-
Prussian. Mahigpit nilang tinutulan ang okupasyon ng Germany sa mga hangganang lalawigan ng
Alsace at Lorraine. Inasam-asam ng mga patriotikong Pranses na makipaghiganti sa Germany at
mabawi sa kanila ang nawalang teritoryo.

Sa Silangang Europe, niyakap na prinsipyo ng Russia ang isang malakas na anyo ng


nasyonalismo na tinawag na Pan-Slavism. Ayon sa Pan-Slavism, lahat ng mga taong Slav ay may
iisang nasyonalidad. Bilang pinakamalaking bansang Slavic, pakiramdam ng Russia na mayroon
siyang katungkulan na pamunuan at proteksiyonan ang lahat ng mga Slav. Pagsapit ng 1914,
inakala niyang kaya na niyang suportahan ang Serbia sa anumang pananakot.

Dalawang lumang imperyo ang nangangamba sa tumataas na nasyonalismo sa Europe. Ang


Austria-Hungary ay natakot na maaring magdulot ng rebelyon ang nasyonalismo sa maliit na
kaharian sa loob ng imperyo. Nangangamba ang Ottoman Turkey sa mga bagong bansa sa kanyang
mga hangganan tulad ng Serbia at Greece. Agresibo ang Serbia na pangarap ang bumuo at mamuno
sa mga estadong Slav sa gawing timog.

Noong 1912, nilusob ng ilang estado ng Balkan ang turkey at sa sumunod na taon ay
naglaban-laban sila sa nagging kinahinatnan ng digmaan. Ang maikli ngunit madugong labanang

8
ito sa Balkan ay tumulong sa pagtaas ng tensiyon sa lugar. Noong 1914, ang Balkan ay tinawag na
“Power Keg” ng Europe. Ang isang maliit na pagsiklab ay maaaring magdulot ng pagsabog.

IMPERYALISMO AT EKONOMIYA

Ang tunggaliang pang-ekonomiko ay lalo pang nagpaigting sa kalagayan ng mga bansa


nangangamba ang Britain sa lumalakas na ekonomiya ng Germany. Noong 1900, natalo ng
Germany ang Britain sa pagkakaroon ng makabagong pabrika. Ang ganitong sitwasyon ay isang
malakas na rason upang tutulan ng Britain ang Germany sa anumang paraan. Pakiramdam naman
ng Germany, hindi nirerespeto ang kanilang banda.

Hinati ng imperyalismo ang mga bansa sa Europe. Noong 1905 at muli noong 1911, ang
agawan sa mga kolonya ng France at Germany ay muntik ng magdulot ng digmaan. Hindi gusto
ng Germany na magkaroon ng protectorate ang France sa mga Muslim sa kaharian ng Morocco.
Bagama`t pinanatili ng mga diplomat ang kapayapaan, nakuha ng Germany ang ilang teritoryo sa
Sentral Africa. Dahil sa krisis sa dalawang lungsod sa Morocco, nagkalapit ang Britain at France
laban sa Germany.

MILITARISMO

Ang militarism ay isinilang sa huling bahagi ng 1800. Ang militarism ay tumutukoy sa


pagdakila sa military. Sa ilalim ng militarism ang sandatahang-lakas at ang kahandaan sa digmaan
ay pangunahing patakaran ng isang bansa. Ang militarism ay sumibol mula sa ideya ni Darwin sa
kanyang “SURVIVAL OF THE FITTEST.” Winika ni Friedrich von Bernhardi, isang sundalong
Aleman na “ ang digmaan ay isang pangunahing pangangailangan.” Habang tumataas ang tensiyon
sa buong mundo, abalang-abal naman ang mga malalakas na puwera sa pagpaparami at
pagpapalakas ng kanilang sandatahan at hukbong pandagat. Lalo pa itong nagpatingkad sa
tensiyon at hinala na lalong nagdulot ng digmaan. Ang pinakamatinding kompetisyon ay sa pagitan
ng hukbong pandagat ng Britain at Germany. Upang mabigyan niya ng proteksiyon ang kanyang
imperyo sa ibayong dagat, itinatag ng Britain ang pinakahinahangaang hukbong pandagat sa

9
panahon na iyon. Nang magsimulang mag-akin ng kolonya ang Germany, sinimulan na rin niyang
magtatag ng hukbong pandagat. Dahil sa pangamba ng Britain tinaasan ang gastusin ng hukbo.

Ang pangamba sa digmaan ay nagdulot ng malaking impluwensiya sa mga lider-militar.


Sa mga usaping pangkapayapaan at pandigma, lagging kinokonsulta ng gobyerno ang mga lider-
militar. Natamo ng mga heneral at mga admiral ng Germany at Britain ang kompiyansa ng bansa
kaya nakakuha sila ng malaking pondo upang mapalaki at mapaunlad ang kanila puwersa. Habang
tumataas ang militarism at naghahabulan ang mga bansa sa pagsasaarmas, lumalaki naman ang
nililikha nitong tensiyon.

MGA ALYANSA AT ANG MGA ALLIES

MGA ALYANSA

Takot at kawalan ng tiwala ang nagtulak sa malalakas na bansa na maghanap ng proteksiyo sa


pamamagitan ng alyansa. Lumagda ng kasunduan ang mga bansa na pangangalagaan ang bawat
isa. Layunin ng mga alyansa na lumikha ng isang makapanyarihang kombinasyon. May nabuong
dalawang malalaking alyansa sa kasaysayan.

 ANG KAPANGYARIHANG SENTRAL


(CENTRAL POWERS)

Ang unang alyansa ay nagsimula sa panahon ni Bismarck. Nalaman niya na nagbabalak


ipaghiganti ng France ang inabot na kahihiyan sa Digmaang Franco-Prussian. Nakatitiyak ang
Germany na hindi aatake ang France nang walang katulong, pumayag siyang makipag-alyansa sa
Austria-Hungary at Russia noong 1881. Nang sumunod na taon, binuo ang Triple Alliance na
kinapapalooban ng mga bansang Austria-Hungry at Italy.

Pagkatapos ng pagbibitaw no Bismarck noong 1890, ipinakilala ni Kaiser William II ang


kanyang sariling mga patakaran. Pinangalagaan niya ang Triple Alliance ngunit tinapos na ng
Germany ang kanyang kasunduan sa Russia, kaya Malaya ang Russia na humanap ng bagong
kaalyansa.

10
Noong 1914, nang sumabong ang digmaan, lumaban sa isang panig ang Germany at
Austria-Hungary. Nakilala ito na kapangyarihang Sentral.

ANG MGA ALLIES

Isang karibal na pangkat ang nabuo noong 1894, sa pagitan ng France at Russia kaya`t
noong 1904, nilagdaan ng France at Britain ang Entente Cordiale (Friendly understanding).
Bagama`t hindi simbigat ng kasunduan, ang entente ay nagbigay-daan sa diplomatiko at military
na pagkakaisa. Pagkaraan ng tatlong taon, nilagdaan ng Britain ang isang katulad na kasunduan sa
pagitan ng Russia. Nang magsimula ang digmaan, ang pangkat na ito ay kinilala bilang Allies.

May iba pang bansa ang nahikayat na bumuo o sumali sa mga alyansa. Lumagda ang
Germany sa kasunduan sa pagitan ng imperyong Ottoman, samantalang muntik nang makipag-
alyansa ang Britain sa Japan. Sa halip na matanggal ang tensiyon, lalo pang lumala ang sitwasyon.
Ang isang alitang local ay maaaring maging malaking digmaan at naganap ang kinatatakutan
noong 1914.

ANG SIMULA NG DIGMAAN AT ANG PAGWAWAKAS NG DIGMAAN

SIMULA NG DIGMAAN

Pagsapit ng 1914, hindi na maganda ang relasyon ng Seria na isang estado sa Balkan at
Austria. Ang Serbia na suportado n Russia ay nangarap na pag-isahin ang lahat ng mga Serb na
naninirahan sa Imperyong Austria-Hungary at bumuo ng kalakhag Serbia (GREATER SERIA).
Ayaw naman ng Germany, na noon ay sumusuporta sa Austria, na mahati ang kanyang imperyo.
Nangangamba ang Austria na kapag nagkaisa ang mga Serbs, ang iba pang maliliit na pangkat sa
imperyo ay maaari ding humingi ng pagsasarili,na maaaring maging dahilan sa pagbagsak ng
imperyo. Naisip ng mga pinunong Austrian na sirain ang mga nagsasariling bansa ng Serbia upang
matigil ang lumalakas na pagtutol laban sa pamahalaang Austria.

Noong hunyo 28, 1912 dinalaw ni Archduke Francis Ferdinand, ang tagapagmana ng
tronong Austria ang lungsod ng Sarajevo, isang lungsod sa Balkan. Habang nasa motorcade si
Francis Ferdinand, isang lalaki ang lumapit at binaril ang archduke at kanyang asawa. Ang
pagpatay ay ibinintang ni Konde Leopold von Berhtold, ang ministro sa kalagayang panlabas ng
France, sa gobyernong Serbia. Bagama`t hindi tama ang hinala ni Berchtold, nagpadala siya ng

11
sulat kay Kaiser Wilhelm II ng Germany na humuhingi ng tulongupang mapatigil ang panggugulo
ng Serbia. Agad na pumayag ang germany sapagkat nais niyang manatili ang Austria na kanyang
kaalyado.

Sa suporta ng Germany, nagpadala ng isang pananakot na ultimatum si Leopold von


Berchtold. Binigyan niya ang Serbia ng 48 oras upang sumagot. Handa na si Berchtold sa isang
digmaan, dahil nakasisiguro siyang tatalunin ng Austria ang Serbia.

Naniniwala pa si Berchtold na dahil kaalyado niya ang Germany, matatakot tumulong ang
ibang bansa. Upang maiwasan ang digmaan, pumayag ang Serbia sa maraming kahilingan ng
Austria, mga kahilingan na tulad ng pagtigil sa panggugulo at pagpaparusa sa mga sangkot sa
pagpatay sa tagapagman ng trono ng Austria. Pumayag din sila na sumali ang Austria sa
imbestigasyon. Tinanggihan nila ang pagpasok ng mga opisyal ng Austria-Hungary sa bansa upang
ipatigil ang mga propaganda laban sa Austria. Ang pangtanging ito ay nagging dahilan ng Austria
na gumawa ng isang marahas na hakbang. Noong hulyo 28, idineklara ng Austria ang digmaan sa
Serbia.

Sa kabilang dako, humingi naman ng tulong ang Serbia sa Russia. Mula sa St.Petersburg,
tumelegrama si Nicholas II kay William II na bawasa naman ng Austria ang kanyang mga
kahilingan. Nang hindi binibigyang pansin ang kahilingan, sinimulan ng Russia na ihanda ang
kanyang puwersang military. Tinugon ito ng Germany sa pamamagitan ng deklarasyon ng
digmaan laban sa Russia noong agosto 1, 1919.

Humingi naman ang Russia ng tulong sa kanyang kaalyadong France. Sa Paris, nakakita
ng pagkakataon ang mga nasyonalista na ipaghiganti ang sinapit nila sa digmaang Franco-Prussian.
Bagama`t may agam-agam ang France, ipinagkaloob nila sa Russia ang tulong na katulad nang
ibinigay ng Germany sa Austria. Hiniling ng Germany ang pagiging neutral ng France, ngunit
tumanggi ito, kaya`t idineklara ng Germany ang dugmaan laban sa France noong Agosto at lalo
pang lumaki ang digmaan.

Nanatiling neutral ang Italy at Britain. Ang neutrality ay isang patakaran ng hindi pagkiling
sa alinmang panig sa digmaan. Ang mga balak ng Germany ay nagpabago sa desisyo ng Britain.

12
Labis na kinatakutan ng Germany ang digmaan sa kanyang dalawang panig ang France sa
kanyang kanluran at Russia sa kanyang silangan. Dalawang taon bago ang pangyayaring ito, binuo
ni Heneral Alfred Schlieffen ang isang estratehiya upang maiwasan ang ganitong digmaan na
tinatawag niyang Schliffen Plan. Sa ilalim ng planong ito, marapat na talunin muna ng Germany
ang France bago labanan ang Russia.at upang masiguro ang madaling panalo, inatasan ang lahat
ng sundalong Aleman na pumasok sa Belgium bago pumasok sa likod patungo ng France. Noong
agosto 6,1919, sinalakay ng Germany ang Belgium. Bagama`t pumayag ang Britain at iba pang
bansa sa Europe lumagda sila sa kasunduan na nagsisigiro sa pagiging neutral ng Belgium. At
nagdeklara ang Britain ng digmaan laban sa germany.

PAGWAWAKAS NG DIGMAAN

Ang patuloy na kakulangan sa mga kagamitang pandigma at pagkain ang nagbigay-daan


upang maganap ang isang rebolusyon sa Russia at nagpabagsak sa monarkiya nio Tsar Nicholas
II. Nangako ang bagong pumalit na pamahalaan na ipagpatuloy ang pakikipaglaban. Pagsapit ng
Nobyembre 1917, naganap naman ang rebolusyong Bolshevik na pinangunahan ng komunistang
si Vladimir Lenin. Bilang bagong pinuno ng Russia, nakipagkasundo siya sa Cental Powers at
nilagdaan ang kansunduan sa Brest-Litovsk. Sa pamamagitan ng kasunduang ito, isinuko ng
Russia sa Germany ang FINLAND, POLAND, UKRAINE, ESTONIA, LATVIA, AT
LITHUANIA.

Noong marso 1918, sinimula ng mga Aleman ang malaki nitong opensiba laban sa allies.
Nakrating muli ang hukbong Aleman sa may Marne River, ngunit nahadlangan sila ng hukbong
Amerikano na panamunuan ni Marshall Ferdinand Foch, sa labanang ito, natalo ang allies ang
puwersa ng Germany.

Matapos ang pagkatalo ng Germany sa Marne, sunod naming bumagsak sa allies ang
Bulgaria noong Setyembre, 1918. Pagsapit ng oktubre 1019, pumasok naman sa isang armistice
ang imperyong Ottoman sa allies. Sa pagtatapos din ng buwang iyon, nagkawatak-watak din ang

13
matandang imperyo ng Austria-Hungary dahil na rin sa pagdedeklara ng kasarinlan ng mga sakop
nitong lupain.

Dahil sa pagkatalo ng germany, napilitang bumaba sa puwesto si Kaiser Wihelm II.


Matapos nito, nagdeklara ng isang republika ang mga mamamayang Aleman na nagnanais nang
mahinto ang digmaan. Kaagad na nakipagpulong ang mga kinatawan ng republika ng Germany
para sa isang armistice noong ika-11 ng Nobyembre 1918.

Nagpulong sa Paris ang mga kinatawan ng mga bansa mula sa Centrak powers at Allies
upang mabuo ng kasunduang pangkapayapaan. Pinangunahan ng pulong ng mga prominenteng
pinuno ng allies na sina Pangulong Woodrow Wilson ng America, Punong Mistro Lloyd Geirge
ng Britain, Punong Miniatro Georges Clememceau ng France, at Pinunong Ministro Vittorio
Orlando ng Italy. Sa ilalaim ng Paris Peace Settlement, nagkaroon ng limang kasunduang
pangkapayapaan para sa Germany, Austria-Hungary, Bulgaria, at Turkey.

Ang kasunduan ay nilagdaan ng Germany noong ika-28 ng Hunyo 1919.

 Pagbabalik sa France ng mga lalawigan ng Alsace at Lorraine


 Pagsuko ng Germany sa lahat ng kolonya nito sa Africa at Asia
 Pagkontrol ng France sa Rhineland
 Paglimita sa laki ng hukbo ng germany
 Pagbabawal sa germany na bumili at lumikha ng mga armas pandigma
 Pagbabayad ng Germany sa allies ng $33 bilyon sa loob ng 30 taon
 Pagtanngap ng tanging ang Germany ang may kasalanan sa naganap na
digmaan

EPEKTO NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG. TEKNOLOHIYA AT ANG


DIGMAAN.

Sa simula pa lamang ng kasaysayan, ang bawat henerasyon ay gumawa ng bagong armas


na nagpapataas ng pagkakaroon ng pangamba sa digmaan. Bagama`t sang armas na ginamit sa
unang digmaang pandaigdig ay hindi makapapantay sa armas nukleyar na ginamit sa ikalawang
digmaang pandaigdig, ang mga armas na ginamit noong 1914 ay malalakas.

14
Sa unang pagkakataon, ang digmaan ay hindi labanan nang harapan. Ang digman ay
naganap sa ilalim ng dagat, sa lupa, at sa dagat. Inatake ng Germany ang mga sasakyang pandigma
ng Britain na mga submarine o ang tinatawag na U-Boats. Sa simula pa lamang ng dogmaan, ang
Britain at Germany ay gumamit na ng mga eroplano para sa pag-eespiya. Pagsapit ng 1917, ang
dalawang bansa ay nakagawa ng mga fighter plane at bomber na sasakyang panghimpapawid. Ang
bawat isa ay nambobomba sa mga kaaway daan-daang milya mula sa kanilang base. Sa digmaang
ito, ipinakilala ng Britain ang paggamit ng tangke, at hindi nagtagal, ginamit din ito ng mga
Germany. Ang sea at ang land mines, mga torpedo boat, mga Granada, machine guns, at iba pang
armas ay nagawa. Ang mga malalaking kanyon tulad ng Big Bertha ng Germany ay maaaring
makapagpaputok hanggang 75 milya. Unang ginamit ng mga Aleman ang chlorine gas sa labanan
noong 1915, at nagdulot ito ng pagsusuka at pagkahilo. Hindi nagtagal, ginamit narin ng mga allied
ang poisin gas at ang mga gas mask ay nagiging pangangailangan sa mga trench.

VIII. REFERENCES
(Rex Book Store K to 12 standard based assessment)KAYAMANAN KASAYSAYAN
NG DAIGDIG Batayan at sanayang aklat sa Araling Panlipunan 8
Mga may akda
Celia D. Soriano
Eleanor D.Antonio
Evangeline M. Dallo
Consuelo M. Imperial
Marie Carmelita B. Samson

https://www.slideshare.net/EdwardTalita/ang-unang-digmaan-pan-daigdig-timeline

15

You might also like