You are on page 1of 2

SAINT GENEVIEVE SCHOOL OF PATEROS, METRO MANILA, INC.

SY 2023 – 2024

IKAAPAT NA PRELIMINARYANG PAGSUSULIT

Araling Panlipunan 6

Name: _________________________________________ Petsa: _____________ Iskor: _____/40

Pangkat: ______________________________________ Guro: Bb. Camille Angelica Gutierrez

I. A. Isulat ang T kung wasto ang pahayag tungkol sa suliranin at hamon sa ilalim ng Batas
Militar at M naman kung hindi.

_______1. Ipinapatupad ng isang pamahalaan ang Batas Militar kapag hindi na magampanan ng
maayos ang pamamahala sa kapangyarihan ng sibilyan,
_______2. Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand E. Marcos na ilagay sa ilalim ng batas militar ang
Pilipinas noong Setyembre 25, 1972.
_______3. Nagpatupad ng curfew kung saan may takdang oras ang paglabas ng mga taong
sibilyan.
_______4. Nag-angkat ang Pamahalaang Marcos sa ibang bansa kaya’t bumaba ang halaga ng mga
bilihin.
_______5. Ipinangutang sa mayayamang bansa ang mga proyektong sinimulan,
_______6. Nilapastangan ang mga likas na yaman ng bansa ng mga dayuhang namumuhunan,
_______7. Nagtatag ang mga mayayaman at pulitiko ng kani-kanilang private army,
_______8. Pag-aaklas na sinuportahan ng mga aktibistang mag-aaral na halos araw-araw laman
ng lansangan ay mga rally o demonstrasyon.
_______9. Sinuportahan ni Senador Aquino ang planong pagdeklara ng Batas Militar.
_______10. Pinasabog ang Plaza Miranda sa Maynila noong Setyembre 27, 1972.

B. Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot.

______11. Kailan muling nahalal si Pangulong Ferdinand E. Marcos?

A. Nobyembre 11, 1969 C. Nobyembre 13, 1969
B. Nobyembre 12, 1969 D. Nobyembre 14, 1969

______12. Ano ang ibig sabihin ang samahang NPA?

A. National Police Army C. New People’s Army
B. New People’s Activity D. National Person Army

______13. Bakit sinuspinde ni Pangulong Marcos ang writ of habeas corpus?

A. Dahil sa naganap na pagbomba
B. Dahil sa suliranin tungkol mga rebelde sa Mindanao
C. Dahil sa demonstrasyon na pinangunahan ng mga mag-aaral
D. Dahil bumaba ang presyo ng mga iniluluwas na produkto ng bansa

______14. Alin ang HINDI ninais na makamit ng mga mag-aaral sa pagbabago ng bansa?
A. Pagpapabuti ng sistema ng edukasyon
B. Hanapbuhay para sa mga walang trabaho
C. Pagpapatigil ng mga pagbomba
D. Higit na mababang presyo ng mga pangunahing bilihin

______15. Ano ang layunin ng Bagong Lipunan?

A. Gawing disiplinado, maayos at mapayapa ang sambayanang Pilipinas
B. Mahalal muli sa susunod na eleksyon ang mga namumuno
C. Makapagbigay-proteksyon sa mga biktima ng mga rebelde
D. Makapagbigay ng maraming trabaho
II. A. Tukuyin ang pagkakaiba at pagkakahalintulad ng dalawang konsepto gamit ang Venn
diagram.

BATAS MILITAR BATAS MILITAR

SA PANAHON NI SA PANAHON
MARCOS NI DUTERTE

19.
16.

18.

17. 20.

B. Magbigay ng mga positibo at negatibong pangyayari sa ilalim ng Batas Militar sa panahon

ni Marcos na nakaapekto sa kasalukuyan gamit ang talahanayan sa ibaba.

POSITIBO NEGATIBO

21. 26.

22. 27.

23. 28.

24. 29.

25. 30.

III. Sa pamamagitan ng 3-5 pangungusap, sagutin ang bawat tanong. Mamarkahan ito base sa
Nilalaman – 3 puntos, Organisasyon ng ideya – 1 puntos at Kalinisan – 1 puntos.

31-35. Sa iyong palagay, nanaisin mo pa bang mapasailalim muli ang Pilipinas sa Batas Militar?
Oo o Hindi? Pangatwiranan ang iyong sagot.
________________________________________________________________________________

36-40. Makatutulong ba ang muling pagdeklara ng Batas Militar upang masolusyunan ang mga
kasalukuyang suliranin ng Pilipinas? Oo o Hindi? Pangatwiranan ang iyong sagot.
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

You might also like