You are on page 1of 7

Ikaapat Markahang Pagsusulit sa Makabayan HEKASI V

TALAAN NG ESPISIPIKASYON

Bilang ng Bilang
Pagsasaayos
Mga Nilalaman Araw ng ng %
ng mga Aytem
Pagtuturo Aytem
I.ANG PAMAMAHALA SA ILALIM NG BATAS MILITAR AT
IKAAPAT NA REPUBLIKA

A. Naipaliliwanag ang pagbabago sa pamamahala sa bansa


6 9 12% 1-9
sa panahon ng Batas Militar

B. Nailalarawan ang kalagayan ng panlipunang pamumuhay


ng mga Pilipino sa panahon ng Batas Militar 6 9 12% 10-18

C. Nabibigyang katwiran ang nagging reaksyon ng mga


8 11 15% 19-29
Pilipino sa patakaran ng Batas Militar

II. ANG PILIPINAS SA PANAHON NG BAGONG


REPUBLIKA 1981-1988

A. Nasusuri ang kalagayan ng pamumuhay sa panahon ng


6 9 12% 30-38
“Bagong Republika”

B. Naipagmamalaki ang pakikipaglabanng mga Pilipino sa


13 19 25% 39-57
muling pagkamit ng demokrasya sa mapayapang paraan

III. ANG PILIPINAS PAGKARAAN NG EDSA REVOLUTION


(1986-KASALUKUYAN)

A. Nasasabi ang mga patakaran at programa sa pamamahala


ng mga pangulong nanungkulan pagkatapos ng EDSA 12 18 24% 58-75
REVOLUTION at sa kasalukuyan

KABUUAN 51 75 100% 75

Inihanda ni:

Gng. DAISY B. MENDOZA


Gov.P.F.Espiritu Elementary School

Ipinasa ni: Hinihiling na Pagtibay:

Gng.MERCEDES V. PARAISO JESUS B. BAṄAS, Ed.D.


Susing Punongguro sa Araling Panlipunan EPS-Araling Panlipunan

Pinagtibay:

EDITHA B. GREGORIO Ed.D.


Office of the Chief
Curriculum and Implementation Division
Ikaapat na Markahang Pagsusulit sa ARALING PANLIPUNAN V
SY. 2015-2016
Pangalan: _________________________________________ Petsa:_______________________

Baitang/Seksyon:____________________________________ Guro: _______________________

I. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang idineklara noong Setyembre 21, 1972?


A. Batas Militar C. People Power
B. Open City ang Maynila D. EDSA Revolution
2. Sino ang nagdeklara ng Batas Militar?
A. Diosdado Macapagal C. Ferdinand Marcos
B. Carlos P. Garcia D. Ramon Magsaysay
3. Ano ang binomba noong Agosto 21, 1971na naging dahilan ng marahas na pagkilos na
nakasira ng mga ari-arian at buhay ng di-iilan, habang nagdaraos ng political rally ang Partido
Liberal dito.
A. Plaza Roma C. Plaza Marcos
B. Plaza Ruiz D. Plaza Miranda
4. Ito ang nagbibigay ng karapatan sa mga akusado na mabigyan ng kaukulang paglilitis sa
hukuman.
A. Korte Suprema C. Writ of Habeas Corpus
B. Cedula D. Pambansang Hukuman
5. Sa Batas Militar, lubos ang naging kapangyarihan ni Pangulong Marcos. Namahala siya sa
pamamagitan ng mga Atas Kautusang Pangkalahatan, Liham Tagubilin at
________________.
A. Pampanguluhan C. Pambatasan
B. Pampalakasan D. Pangkalahatan
6. Ano ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa Batas Militar?
A. Nangamaba ang marami baka magbunga ito ng kamatayan sa karamihan sa kanila.
B. Ang iba ay nagalit dahil alam nilang marami silang karapatan na mawawala.
C. May mga Pilipinong natuwa sa pangyayari,sumang-ayon sila dahil mababawasan ang
krimen, karahasan, at kaguluhan.
D. Lahat ng nabanggit
7. Ano ang tawag sa pagtatakda ng oras mula 12:00 ng hatinggabi hanggang 4:00 ng umaga sa
panahon ng Batas Militar?
A. eleksyon C. Batas sa Walong Oras
B. curfew hours D. Batas sa mga Mangagawa
8. Alin sa mga sumusunod ang kabutihang dulot ng pagpapatupad ni Pangulong Marcos ng
curfew hours sa panahon ng Batas Militar?
A. Masaya ang bawat pamilya sa kanilang pamumuhay.
B. Naging malaya ang mga tao sa kanilang nais.
C. Naiwasan ang pagkadamay g mga taong walang kasalanan sa panghuhuli ng mga
sundalo sa mga taong kalaban ng pamahalaan.
D. Napahamak ang mga mamamayang ayaw sumunod sa ipinatupad na batas.
9. Ang mga sumusunod ay ipinatupad ni Pangulong Marcos sa panahon ng Batas Militar
maliban sa isa. Alin ito?
A. Ipinagbawal ang pangingibang-bansa, maliban sa mga kinatawan ng ibang bansa
B. Hindi pinayagan ang pagkakaroon ng mga rali, demonstrasyon at anumang uri ng pag-aalsa.
C. Ipinadadakip ang sinumang tao na nagging sangkot sa pagbuwag ng pamahalaan o hinihinalang
may balak gawin ito.
D. Maaaring magdala ng anumang armas.
Isulat ang T kung tama ang ipinahahayag ng pangungusap at DT kung di-tama
________ 10. Inilunsad ang BLISS bilang programang pabahay ng pamahalaan para sa mga
pamilyang mababa ang sweldo.
________ 11. Malaking tulong sa mga magsasakang walang sariling lupa ang reporma sa lupa.
________ 12. May mabuti at di-mabuting epekto sa mga mamamayan ang ibang programa at
proyekto ng pamahalaan.
________ 13. Tumutulong sa kaayusan ng pamahalaan ang NPA o New People’s Army
________ 14. Pinarami ang mga sentrong pangkalusugan at pinalawak ang programang
Medicare para sa mga kawani o manggagawang may sakit.
________ 15. Itinatag ang pagpaplano para sa maayos na panahanang pantao at pagpapabuti
ng mga pook-iskwater.
16. Layunin ng reporma sa lupa na mapabuti pamumuhay ng mga magsasaka sa pamamagitan ng
________________.
A. Pagkakaroon ng kalayaan sa pagsasaka
B. Pagiging may-ari ng kanilang lupang sinasaka.
C. Pagbabayad ng mababang halaga ng buwis sa lupa na kanilang sinasaka
D. Pagkakaroon ng malaking bahagi sa ani ng lupang sinasaka.

17. Ang mga panahanan para sa mga iskwater ay tumutugon sa pangunahing layuning ito:
A. Maisaayos ang kapaligiran sa lungsod.
B. Mabigyan ng maayos na pabahay ang mga Pilipino.
C. Mailipat ang nandarayuhan sa lungsod sa isang maayos na panahanan.
D. Pagkakaroon ng dalawang pabahay sa isang pamilya na makikita sa lungsod.
18. Ang pinakamaselang suliranin na hinarap ng pamahalaang krisis ay ang _______________.
A. Paghihimagsik ng mga rebelde laban sa pamahalaan.
B. Pagsusumikap na mapaayos an gating ugnayan sa bawat isa.
C. Pagpoprotesta ng mga magsasaka dulot ng kanilang matinding paghihirap.
D. Pagtutol ng mga iskwater sa paglipat sa mga panahanang ginawa para sa kanila .
19. Layunin nitong maagaw ang pamahalaan sa pamunuang nasa kapangyarihan. Ano ang tawag dito?
A. Moro National Liberation Front( MNLF)
B. Mindanao Independence Movement ( MIDM)
C. Barrio Revolutionary Committee (BRC)
D. New People’s Army (NPA)
20. Layunin nitong ihiwalay ang Mindanao at Sulu sa buong Pilipinas at makapagsarili.
A. Moro National Liberation Front( MNLF)
B. New People’s Army (NPA)
C. Barrio Revolutionary Committee (BRC)
D. Mindanao Independence Movement (MIDM)
21. Noong Oktubre 16, 1976 pinagtibay ang isang plebisito upang pagtibayin ang ________________
Kasama nito ang pagsang-ayon ng mamamayan sa pagpapatuloy ng Batas Militar at pagpapa
tibay din ng pagkakaroon ng Asemblea ng mamamayan sa bawat barangay upang makatulong sa
paglutas ng mga suliranin nito.
A. Saligang-Batas ng 1971 C. Saligang-Batas ng 1973
B. Saligang-Batas ng 1972 D. Saligang-Batas ng 1974
22. Ipinatupad ang Saligang-Batas noong Enerob 17, 1973, sa pamamagitan nito nagkaroon ng isang
________________ na pamahalaan at pinagtibay an gang pagpaapatuloy ng Batas-Militar.
A. Malaya C. Olarkiya
B. Monarkiya D. Parlamentaryo
23. Alin sa mga sumusunod ang naging epekto ng pagbibigay ng higit na kapangyarihan sa pangulo?
A. Naging diktador ang pangulo ng bansa.
B. Nadakip ang mga Pilipinong laban sa pamahalaan.
C. Napalaya ang mga Pilipino sa mga dayuhang nanakop.
D. Binatikos ang mgakatiwalian na nangyayari sa pamahalaan.
24. Naging makapangyarihan si Pangulong Marcos sa ilalim ng Saligang Batas. Ano ang ginawa ng
mga mamamayan nang hindi nasiyahan sa pangangasiwa ng pangulo sa bansa?
A. Nagparami ang mga rebelde C. Binatikos ang kanyang pangasiwaan
B. Sinuportahan ang mga programa D. Pinahuli ang pangulo ng bansa
25. Paano pinaabot ng mga mamayan ang kanilang kawalan ng kasiyahan sa pamamalakad ni
Pangulong Marcos?
A. Ipinahuli si Pangulong Marcos C. Nagsawalang kibo ang mamamayan
B. Nagsagawa ng demonstrasyon,rali at pag-aalsa D. Binomba ang mga matataong lugar
26. Nang ipatupad ang Batas-Militar, marami ang nagalit dahil ___________________.
A. Naging mapayapa ang paligid C. Nawala ang katiwalian
B. Namuhay sila sa takot at nawala ang karapatang pantao D. Nagkaisa ang mga Pilipino
27. Marami rin ang natuwa sa pagpapatupad ng Batas- Militar naging ________________.
A. Payapa at nabawasan ang mga krimen C. Lumaganap ang mga kilos protesta
B. Dumami ang mga magnanakaw D. Pinahuli ang pangulo ng bansa
28. Maraming mga pangyayari sa ilalim ng Batas-Militar ang naging dahilan ng pagtutol ng mga
mamamayan kabilang dito ang pang-aabuso ng militar kaya nabuhay ang mga partidong komunista
sa pamamagitan ng NPA. Ano ang NPA?
A. No Permanent Address C. New People’s Army
B. New People’s Assembly D. No Permit Association
29. Ang pamahalaan ay naglunsad ng ilang programa para sa mga rebeldeng tulad ng MNLF at NPA,
angpagbibigay ng patawad sa mga rebeldeng susuko nang mapayapab at makikiisa sa
pamahalaan. Saan ito napapaloob?
A. Atas at Kautusang Blg. 96 at 496 C. Atas at Kautusang Blg. 95 at 497
B. Atas at Kautusang Blg. 96 at 497 D. Atas at Kautusang Blg. 95 at 496
Isulat ang D kung ang pangungusap ay nagsasabi ng dahilan ng pagbagsak ng ekonomiya at DD kung
di dahilan ng pagbagsak ng Ekonomiya noong 1983.
_________ 30. Pagtaas ng halaga ng mga bilihin.
_________ 31. Ang pagtaas ng halaga ng langis.
_________ 32. Ang pagmamalabis at pagpapayaman ng maraming opisyal ng pamahalaan.
_________ 33. Marami ang nawalan ng hanapbuhay.
_________ 34. Guminhawa ang pamumuhay ng mga Pilipino.
Isulat ang T kung ang inihahayag ng pangungusap ay tama at M kung mali sa mga programang
pangkabuhayan sa Bagong Republika.
_________35. Ang kilusang “Kabuhayan at Kaunlaran” (KKK) ay inilunsad upang bigyan ng kasanayan
sa pamumuhunan ang mga tao.
_________ 36. Ang proyektong “Sariling Sikap” ay isinagawa upang malinang sa bawat mag-anak ang
pag-asa sa kanilang sariling kakayahan.
_________ 37. Ang mga pinunong bayan ay hindi nagpapataw ng buuwis sa mga mamamayan.
_________ 38. Ang mga mamamayan ay naging maligaya sa mga patakaran ng pamahalaan.
39. Ang mga babae noong panahon ay pambahay lamang, ngunit nagkaroon ng malaking pagbabago
noong panahon ng Bagong Republika. Alin sa mga sumusunod ang nagbigay nagpagkakataon sa
mga kababaihan?
A. Nakapag-asawa ng maaga C. Nasa tahanan at nag-aalaga ng mga anak
B. Nakapag-aral at nakakapagtrabaho D. Mabuting ina at may bahay
40. Sino ang naging tanyag sa kanyang pagiging matapat at makatarungan bilang isang hukom?
A. Cecilia Munos Palma C. Mita Pardo de Tavera
B. Carmen Planas D. Ma. Paz Guanzon
41. Sino ang taos-pusong naglilingkod sa mga mahihirap bilang isang manggagamot?
A. Cecilia Munos Palma C. Mita Pardo de Tavera
B. Carmen Planas D. Ma. Paz Guanzon
42. Ano ang tawag sa itinatag ng mga mamamayan upang masiguro ang malinis at malayang halalan?
A. NAMFREL C. KBL
B. UNIDO D. COMELEC
43. Tinutulan ng maraming mamamayan ang resulta at proklamasyong inihayag ng Batasang
Pambansa, sa tingin nila nawala ng halaga ang karapatan nila sa pagboto. Ano ang ginawa ng
maraming mamamayang Pilipino?
A. Nagpakasaya sa resulta ng halalan C. Tinanggap ng buong-puso
B. Umayon na lang sa naging resulta D. Sila ay nagprotesta
44. Ano ang naganap noong Pebrero 22-26,1986? Kung saan napatalsik ng People Power si
Pangulong Ferdinand Marcos at ang kanyang diktatoryal na pamahalaan.
A. EDSA Revolution C. Makati Revolution
B. Maynila Revolution D. Lawton Revolution
45. Ilang araw sila nagdasal, kumanta, at nagsaya habang nagbabantay sa EDSA, nag-aantay sa
pagbabalik ng kalayaan at demokrasya?
A. dalawang araw C. apat na araw
B. talong araw D. limang araw
46. Bakit ang EDSA Revolution ay tinawag na mapayapang rebolusyon sa kasaysayan ?
A. Rebolusyon na walang pakialam ang mga tao
B. Rebolusyon na kung saan nagkanya-kanya ang mga Pilipino
C. Rebolusyon na walang nagawa ang mag taongbayan sa nangyari.
D. Rebolusyon na walang karahasan at walang dumanak na dugo.
47. Saan nagtungo si Pangulong Ferdinand Marcos matapos ang People Power?
A. Canada C. Hawaii
B. Los Angeles D. Japan
48. Ano ang naging simbolo ng EDSA Revolution sa mga Pilipino?
A. Pagkanya-kanya C. Pagkakaisa
B. Pagsasarili D. Pagpapabaya
49. Nang lumikas si Pangulong Ferdinand Marcos, sino ang pumalit sa kanya?
A. Fidel V. Ramos C. Cardinal Sin
B. Salvador Laurel D. Corazon C. Aquino
50. Ano ang opisyal na nagbalita ng pagbagsak ng rehimeng ni Pangulong Marcos kinaumagahan
noong Pebrero 26, 1986?
A. mga tao C. pangulo
B. media D. kabataan
51. Ano ang mahalagang ginampanan ng media sa panahon ng EDSA Revolution?
A. Gumising at nagpaalab sa damdamin ng taumbayan upang sumunod sa kanilang panawagan
B. Hinayaang sarilinin ang mga nangyayari sa mga panahong iyon.
C. Nalungkot dahil sa paglisan ni Pangulong Marcos.
D. Binalewala ang mga kaganapang nangyayari sa paligid.
Lagyan ng bilang 1-9 ang mga sumusunod na pangungusap upang ipakita ang tamang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Isulat ang sagot sa patlang.
_______ 52. Pagpapahayag ng resultang si Pangulong Marcos ang nanalo sa madaliang
halalan.
_______ 53. Pagtatakda ng snap election ng Batasang Pambansa
_______ 54. Pagsasagawa ng rali at parlamento sa kalye upang ipakita ang pagtutol ng mga
tao sa pamahalaan ni Pangulong Marcos.
_______ 55. Pagkandidato ni Gng. Corazon C. Aquino
_______ 56. Pagpapahayag ng civil disobedience campaign
_______ 57. Pagpatay kay Benigno Aquino
_______ 58. Pagbaba ni Pangulong Marcos sa tungkulin sa pamamagitan ng pag-alis
Patungong Hawaii.
_______ 59. Bumalik ang demokrasya sa bansa dahil sa People Power
_______ 60. Pagkakaroon ng People Power/Rebolusyon sa EDSA
Isulat ang / kung nagsasabi ng tungkol sa demokrasya at X kung hindi.
_______ 61. Sinusunod ang pasya ng nakararami.
_______ 62. Nasa iisa tao ang kapangyarihan sa pamamahala ng bansa.
_______ 63. Nakapipili ng kinatawan sa pamamahala sa pamamagitan ng halalan.
_______ 64. Iisa ang pinanggalingan ng kapangyarihan.
_______ 65. Walang karapatang sumalungat sa pasya ng marami.
Isulat ang PP kung ang suliranin ay pampulitika, PK kung pangkabuhayan at PL kung
panlipunan.
_______ 66. Pagbaba ng halaga ng piso at pagtaas ng presyo ng bilihin.
_______ 67. Pagkakaroon ng cou d’ etat
_______ 68. Pagbagsak ng moralidad.
_______ 69. Pagrerebelde.
_______ 70. Pagkakaroon ng madalas na brownout sa bansa.
Pumili sa kahon kung sinong pangulo ang tinutukoy ang naglunsad ng sumusunod na mga
programa ng pamahalaan para sa mga mamamayan.
Corazon C. Aquino Fidel V. Ramos Joseph Ejercito Estrada Gloria Macapagal-Arroyo

_______________________ 71. Nilikha ng pangulo ang Presidential Commission on Human


Rights (PCHR) upang magsiyasat ng mga labag sa mga karapatang pantao.
_______________________ 72. Inilunsad ng pamahalaan ang Enhanced Retail Access for the
Poor (ERAP).
_______________________ 73. People Empowerment o ang pagbibigay-lakas sa taong-bayan
bilang kabalikat ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng bansa.
_______________________ 74. Comprehensive Agrarian Reform para sa mga magsasaka.
_______________________ 75. Ipinamahagi ang 20,000 ektaryang lupain para sa repormang
pansakahan.
GOODLUCK! GODBLESSS!
Inihanda ni:

Gng. DAISY B. MENDOZA


Gov.P.F.Espiritu Elementary School

Ipinasa ni: Hinihiling na Pagtibay:

Gng.MERCEDES V. PARAISO JESUS B. BAṄAS, Ed.D.


Susing Punongguro sa Araling Panlipunan EPS-Araling Panlipunan

Pinagtibay:

EDITHA B. GREGORIO Ed.D.


Office of the Chief
Curriculum and Implementation Division

SUSI NG PAGWAWASTO SA IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN V

1. A 26. B 51. A

2. C 27. A 52. 4

3. D 28. C 53. 2

4. C 29. C 54. 5

5. A 30. D 55. 3

6. D 31. D 56. 6

7. B 32. D 57. 1

8. C 33. D 58. 7

9. D 34. DD 59. 9

10. T 35. T 60. 8

11. T 36. T 61. /

12. T 37. M 62. X

13. M 38. M 63. /

14. T 39. B 64. X

15. T 40. A 65. X

16. B 41. C 66. PK

17. C 42. A 67. PP

18. A 43. D 68. PL

19. D 44. A 69. PL

20. B 45. B 70. PL

21. C 46. D 71. CORAZON C. AQUINO

22. D 47. C 72. JOSEPH EJERCITO ESTRADA

23. A 48. C 73. FIDEL V. RAMOS

24. C 49. D 74. CORAZON C. AQUINO

25. B 50. B 75. GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

You might also like