You are on page 1of 1

Hulog ng Langit

Maraming pangyayari sa ating buhay ang hindi natin malilimutan, ngunit

mayroong isa na lagi nating matatandaan. Masaya sa pakiramdam ang

magkaroon ng kaibigan na handang making sa’yo tuwing may problema ka at

kailangan mo nang kausap—lalo na kung dalawa pa sila. Ako yung tipo ng tao na

mahiyain at awkward sa una—dahilan kung bakit wala akong kaibigan nung ako

ay nasa 2nd year hayskul pa lamang. Sobrang lungkot ko nung mga araw na ‘yon

dahil palagi akong out of place; loner ako kumbaga. Pero nagbago ito nang

kaibiganin ako ng dalawang kaklase ko na ayaw pa sa akin noong una.

Kasali ako noon sa grupo na akala ko’y mga totoong kaibigan ko. Subalit

lagi kong naririnig na pinaguusapan nila ako tuwing ako ay nakatalikod. Marami

akong narinig na masasakit na mga salita galing sa kanila, ngunit wala akong

nagawa dahil sa aking takot—natatakot ako na magsalita para sa aking sarili.

Dinaan ko ang lahat sa pag-iyak. Tuwing gabi, napapaisip ako kung bakit ayaw

nila sa akin, dahil ba mahiyain at awkward ako? Dahil ba tahimik ako?

Sinusubukan ko naman na mag-fit in, subalit bakit kailangan nila akong

plastikin? Nagiging totoo lamang ako sa kanila, na hirap akong makipagkaibigan.

Tinanggap ko na na wala akong magiging tunay na kaibigan hanggang sa

nilapitan at kinausap ako ng kambal kong kaklase—sina Mary Angel at Mary

Grace. Doon namulat ang aking mga mata sa katotohanan na mayroon pa ring

mga pwedeng maging totoo sa akin.

Apat na taon na kaming magkakaibigan nina Angel at Grace. Walang araw

ang lumipas na hindi ko naramdaman ang pagmamahal nila para sa akin.

Hinding hindi ko makakalimutan yung araw na kinaibigan nila ako. Napakasaya

ko na nakilala ko rin ang mga tunay kong kaibigan. Nakakatuwang isipin na may

mga taong tanggap ako maging sino man ako at kaya maging totoo sa akin. Ang

kambal na itinuturing ko nang mga kapatid ay tunay na hulog ng langit.

You might also like