You are on page 1of 2

Kaibigan, Sino At Ano?

Magandang hapon sa ating lahat, sa kapwa ko kamag-aral at sa ating butihing


gurong si Gng. Santos . Sino sa atin ang walang itinuturing na kaibigan?
Mahirap mabuhay sa mundo ng walang kaibigan, kasama sa kasiyahan,
karamay sa kalungkutan, at handang umalalay sa oras ng kagipitan. Sinabi nga
na, walang mabubuhay ng mag-isa. Walang sinuman ang kayang harapin lahat
ng pagsubok at hamon ng buhay ng nag-iisa, gayundin naman, walang sinuman
ang kayang ipagdiwang ang anumang kasiyahan o tagumpay na natamo ng nag-
iisa.

Ang kaibigan ay lagi lang namang nandiyan, sila yung nakakasama mo sa


kalokohan, inuman, galaan, dramahan, kabaliwan at kabiguan. Makakasama mo
sa pangongopya at pangungodigo sa klase, panloloko sa kapwa kamag-aral,
magpapaiyak sa inyong mga guro dahil sa kapilyuhan at pagmamahal. Ngunit
ang isang tunay na kaibigan ay iyong mananatili sa iyo na dadamay at tutulong
sa anumang hamon ng buhay kahit gaano man kahaba ang panahong lumipas.

Totoo ngang mahirap makatagpo ng isang tunay na kaibigan, iyong tutulong sa


iyo sa pagbangon sa kabiguan at magbibigay inspirasyon upang ipagpatuloy ang
hamon ng buhay.

Kaibigan na parang nanay o tatay na pagagalitan ka at papayuhan dahil sa iyong


nagawang kasalanan, pupurihin ka at ipagmamalaki sa lahat dahil sa natamong
tagumpay at susuportahan sa iyong nagawang magandang desisyon, gurong
magtuturo sa iyo ng tamang landas at ipauunawa ang tunay na kabuluhan ng
buhay.

Ang kaibigan ay kusang darating, at kusa rin namang mawawala, may


pangmatagalan simula sa pagkabata hanggang pagtanda, at may panandalian,
iyong makakasama mo ng buong saya at lungkot ng isang araw lang. Ngunit
kahit mawala man sila, mananatili parin sa ating puso’t isipan ang magaganda at
malulungkot na alaala na kanilang iniwan. Mga pinagsamahang hindi na
mabibilang, simpleng bagay na naging dahilan ng yong lubos na kasiyahan at
kabiguan. Mga kalokohang nagdudulot sa inyo ng saya at sa iba’y pagluha,
kapilyuhang hindi maiwasan na naging sanhi sa pagluha ng inyong mga
butihing guro sa mga isinasagawang surpresa, tumulong sa iyo upang matamo
ang buhay na inyong inaasam, tumulong sa iyo na bumangon sa bigat na
pinapasan, nag gabay at nag paunawa na tunguhin ang tamang landas at maging
matatag sa anumang hamon ng buhay.

Para sa akin ang isang tunay na kaibigan ay ibabangon ka mula sa pagkalugmok


at magiging inspirasyon mo upang ipagpatuloy ang buhay at hindi para hamakin
ka, hatakin ka pababa, pagtawanan ka dahil sa iyong pagbagsak,
impluwensyahan na gumawa ng masama at lalo na akayin at itulak sa ‘di tuwid
na landas. Para sa inyo, sino o ano ba ang isang tunay na kaibigan?

You might also like