You are on page 1of 2

napakadaming nangyayari dito sa mundong ibabaw

karapatan kong sumaya tila sakin ay inagaw


lapit nakong bumitaw parang hikaw nawalan ng pakaw
sobra ang kalungkutan parang presong nawalan ng dalaw

ang pag asa kakaunti nalang ang nalalabi


sinabayan pa ng problema sa pamilya't salapi
sinabayan pa ng problema sa puso at relasyon
sinabayan pa ng karamdaman at komplikasyon

putang ina sana non palang ako pinaslang


baliwala lahat ng ito kung ako'y matikas lang
sumasagi saking isipan minsan magbigti nalang
para mahabang pagdurusa ay maigsi nalang

buhay kong kinamulatan dami daming dinadalang


mga ahirap kaya ang mabuhay sana di nalang
ako ay tao lamang literal hamak na nilalang
kaya mga pagsubok sakin sana isa isa lang

ang pagsubok sating buhay mga simpleng pagsusulit


minsan dapat mahirapan upang tagumpay ay sulit
oo parang napupunit puso mo at ang bungo
pero bangon lang sa buhay bumalik ka ng buo

hindi mo man ako kasama hindi ka nagiisa


lahat kame, ikaw, ako, sila walang pinag iba
lahat tayo ay sinusubok lang upang tumapang pa
kaya kayanin mo kayang kaya mo lumaban ka

diko inaasahan na ganito pala


ang mabuhay sa mundo di palaging masaya
sa likod ng kasiyahan may lungkot na nakalakip
umiiyak mong kalooban pag ngiti ang pagtakip

maligaya ka ngayon bukas puot ang kapalit


sinisisi mo lahat at sa mundo ika'y galit
kaya iyong hinihiling sa kabataan magbalik
upang iwanan sa nakaraan iyong dalang sakit

pero anong magagawa ko? ako'y nandito na


at lahat ay may problema din kahit na sino pa
kaya yung iba sa atin naging manghinginum na
dahil tayo'y umaasa din na maghihilom pa

ang mga sugat sating pagkatao satin hinulma


nakatayo parin tayo pilit man tayong tinumba
muntik nakong sumuko dahil ang problema libo na
ang mali ko lang sariling buhay lang ang pinuna

ang pagsubok sating buhay mga simpleng pagsusulit


minsan dapat mahirapan upang tagumpay ay sulit
oo parang napupunit puso mo at ang bungo
pero bangon lang sa buhay bumalik ka ng buo

hindi mo man ako kasama hindi ka nagiisa


lahat kame, ikaw, ako, sila walang pinag iba
lahat tayo ay sinusubok lang upang tumapang pa
kaya kayanin mo kayang kaya mo lumaban ka

isinulat ko ito nung ako'y pinanghinaan


ng aking kalooban sa sarili kong digmaan
ibig sabihin lang ang magwagi ako'y sabik
kaya sa buhay ko ako ay lumaban pabalik

pag ako'y muling humina kantang to ay babalikan


negatibong pag iisip ay muli kong papalitan
ang AKO sa hinaharap ay paapringan
ang AKO sa nakaraan ay papakinggan

kaya AKO sa hinaharap ba't ka tatahimik jan?


ito ang sinulat mo noon iyong pinandigan
mga pagsubok sayo date dami mong nalagpasan
tuloy ka lang sa paghakbang kahit madami mang pasan

kaya wag kang umarte jan na parang drama sa takilya


salamat ka nanjan palagi ang iyong pamilya
mga kaibigan at mga nagmamahal sayo
kaya ang lungkot sa puso sana matanggal na to

kahit magtagal kato sa napakadilim na kuweba


sa dulo may liwanang ikaw mismo ang pruweba
nandirito ka parin kahit ikaw ay sugatan
matatag at di sumusuko kahit anong dumaan

balang araw ang tagumpay mo ay matutunghayan


di ka nabigo purkit ngayon ikaw ay luhaan
masarap ang maglabas ng galit dito sa kanta
sige labas mo galit mo sigaw, PUTANGINA!!!

ang pagsubok sating buhay mga simpleng pagsusulit


minsan dapat mahirapan upang tagumpay ay sulit
oo parang napupunit puso mo at ang bungo
pero bangon lang sa buhay bumalik ka ng buo

hindi mo man ako kasama hindi ka nagiisa


lahat kame, ikaw, ako, sila walang pinag iba
lahat tayo ay sinusubok lang upang tumapang pa
kaya kayanin mo kayang kaya mo lumaban ka

You might also like