You are on page 1of 12

TAGUMPAY MO,

KASIYAHAN KO
Palagi siyang may nakahandang ngiti
Pagod ko at pagkabagot ay kaniyang
pinapawi
Karamay ko siya sa aking
pagpupunyagi
Matiyagang umaalalay sa akin palagi.
At nang dumating na itong oras ng
paligsahan
Ngumiti siya at sinabing “Kaya mo
yan!”
Nakita ko siya na yumuko nang
marahan
Taimtim na nanalangin sa Diyos
Amang makapangyarihan.
At nang tinawag na itong aking
pangalan,
Kagalakan niya, aba’y walang
pagsidlan!
Kay taas ng kaniyang talon dahil sa
kasiyahan
Aking tagumpay, kaniyang
kagalakan!
Ako ay nagwagi dahil sa tulong mo
Karangalang ito ay utang ko sa iyo
At kung sakali mang hindi ako nanalo
Sa panahon ng pagkabigo, ikaw ay
sandigan ko.
Salamat sa isang tunay na kaibigan
Walang kaparis ang iyong kabaitan
Hindi kita malilimutan kailanman
Pagpalain ka ng Diyos sa iyong
kabutihan
Kung ikaw ang tatanungin,
ano ang nababagay na
pamagat para sa tula?
Paano ipinakita sa tula ang
pagmamahal at
pagmamalasakit ng isang
kaibigan?
Kilala mo ba si Ferdinand
Blumentritt?
Isang beses lamang sila nagkita ngunit
tumagal ang kanilang pagkakaibigan
nang halos sampung taon.
Tandaan Natin!
Ang isang mapagmahal na
kaibigan ay laging
maaasahan.
Sa panahon ng kalungkutan,
nariyan siya para damayan ka.
Lagi siyang handbag tumulong
sa abot ng kaniyang
makakaya.

You might also like