You are on page 1of 2

Walang Kapantay na Pagmamahal

Ni: Myrna S. Elegarco


Iling Elementary School
San Jose South District

Siyam na buwan, iyong dala-dala


Sa sinapupunan mo inang sinta
Siyam na buwang di alintana
Maisilang,masilayan mundong kaaya-aya

Sa unang taon, inaruga at kinalinga


Pinamalas pagmamahal mong kusa
Sa paglaki, ika’y kasa-kasama
Humubog, gumabay, makatayo ng kusa

Sa aming paglaki, ikaw ang siyang gabay


Sa murang gulang, tumayo kang tatay at nanay
Sa aming magkapatid haligi at ilaw ang taglay
Kahit kapos, masaya yaring buhay

Naging matatag sa hamon ng buhay


Natutong suungin hirap at lumbay
Pangarap at edukasyon sa anak ibinigay
Sukdulan pang maging kasambahay

Dumating ang araw ating pinakahihintay


Labing-apat na taon sa pagkakasikhay
Natupad na pangarap, nakamtan nating sabay
Tuwa sa mukha, bakas na tunay

Subalit sadyang kay lupit ng tadhana


Ikaw sa amin, kinuha ni Bathala
Pinaghirapan na siyang bunga
Hindi man lang tumagal na tinamasa

Saan ka man naroroon Oh! aking Inay


Laging baunin pagmamahal naming tunay
Maligaya man sa piling ni itay
Umaasa pagdating ng araw, magkasama tayo
Sa pangalawang buhay……

You might also like