You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

SAN CARLOS PREPARATORY SCHOOL

#15 Ilang Dist., San Carlos City, Pangasinan 2420
Taong Panuruan 2020-2021

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

M O D Y U L blg. 3-4
Linggo 3-4 ( Setyembre 21-30, 2020)

Pangalan:_________________________________ Petsa ng Pagkuha: ________________

Marka: ___________________________________ Petsa ng Pagbalik: ________________

ARALIN 3 : REGISTER BILANG VARAYTI NG WIKA

Sanggunian: Taylan, Dolores R., et. al. KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT
KULTURANG PILIPINO. Quezon City: Rex Printing Company, Inc., 2016.

Panimula:
Ang modyul na ito ay para sa iyo. Ito ay inihanda upang mapag-aralan mo ang REGISTER BILANG
VARAYTI NG WIKA. Taglay rin nito ang mga ilang gawain na maaaring humasa sa iyong kaalaman ukol
dito.

Layunin:
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang:
a. nasasabi kung ano ang register bilang varayti ng wika;
b. naikaklasipika ang mga salita salita ayon sa disiplina o larangang pinaggagamitan ng mga
ito;
c. nakapagtatala ng mga halimbawa ng register ayon sa iba’t-ibang larangan o disiplina;
d. nakasusulat ng maikling talatang ginagamitan ng mga register; at
e. nakabubuo ng word list ng mga register sa iba’t ibang larangan.

Paunang Gawain:
TASAHIN NATIN ANG IYONG NALALAMAN!
1. Basahin ang mga salitang nakatala sa loob ng kahon. Tiyak na pamilyar na sa iyo ang mga
salitang ito dahil ginagamit mo ang mga ito kapag nagkokompyuter ka.
1. May mga salita ba sa loob ng kahon na ginagamit mo rin kapag wala ka sa harap ng
kompyuter o kapag hindi ka nagkokompyuter? Ano-ano ito? Itala sa ibaba.
2. Saang gawain mo ginagamit ang mga salitang ito maliban sa pagkokompyuter?
3. Alin-alin naman sa mga salita ang tanging sa pagkokompyuter mo lang ginagamit? Itala
sa ibaba ang iyong sagot.
monitor printer scroll shift delete bug window
tab ink keypad number lock memory file bite
drag crash menu document save software Wi-fi
gig paste USB motherboard copy cut font
installer megabyte firewall internet RAM virus CPU
network terminal

Mga Salitang Pangkompyuter Lamang Mga Salitang Hindi Lamang Pangkompyuter

__________________ __________________ __________________ __________________

BASAHIN ANG HAND-OUTS NA INIHANDA NG GURO SA HULING BAHAGI NG MODYUL.
*******
Mayroon ka bang bagong natutunan? Kung oo, magaling! Balikan ang paunang gawain kung may
nabago ba sa iyong kasagutan. 

Panghuling Gawain:
TASAHIN NATIN ANG IYONG NATUTUNAN!
A. Pag-aralan ang sumusunod na halimbawa ng register.
1. Bituin – sa larangan ng astrolohiya = flaming ball of gas na makikita sa kalawakan.
Masasabi mo ba kung ano ang kahulugan ng bituin sa iba pang larangang nakatala sa ibaba?
Isulat sa kahon ang iyong sagot.
Pelikula –
Edukasyon –

2. Dressing – sa larangan ng medisina = paglilinis ng sugat o pagpapalit ng takip o benda ng

sugat upang maiwasan ang impeksiyon o paglala nito.
Masasabi mo ba kung ano ang kahulugan ng dressing sa iba pang larangang nakatala sa ibaba?
Isulat sa kahon ang iyong sagot.
Agrikultura –
Fashion –
Pagluluto –

3. Beat – sa larangan ng isports = tinalo o pagkatalo

Masasabi mo ba kung ano ang kahulugan ng beat sa iba pang larangang nakatala sa ibaba? Isulat
sa kahon ang iyong sagot.
Sayaw at Awit –
Pagluluto –
Pamamahayag –
Batas Trapiko –
Medisina –

2. Salungguhitan ang register sa bawat pangungusap. Isulat kung saang larangan ito ginagamit.
Isulat din ang kahulugan ng register ayon sa gamit nito sa larangan. Maaaring magbigay ng
mahigit sa isang larangan.
Halimbawa: Pinahiram niya ako ng bat para makasali ako sa laro.
LARANGAN KAHULUGAN
Isports Kalimitang gawa sa kahoy na ginagamit panghampas ng bola sa
paglalaro ng baseball at softball
Agrikultura paniki

Magsimula rito:
1. Bumili si sally ng bagong mouse.
LARANGAN KAHULUGAN

2. Gawa sa kawayan ang organo na ginagamit ng choir namin sa simbahan.

LARANGAN KAHULUGAN

3. Mamulot kayo ng mga bato sa bakuran.

LARANGAN KAHULUGAN

4. Maraming buwaya ang nakita nila

LARANGAN KAHULUGAN

3. Basahin ang sumusunod na mga termino. Pagsama-samahin ang mga ito ayon sa larangang
kinabibilangan.
Kometa prosa memory asteroid
Teller epiko planeta interes
Meteor motherboard hardware savings
Monitor tula mito deposit
Larangan: Larangan: Larangan: Larangan:
1. 1. 1. 1.
2. 2. 2. 2.
3. 3. 3. 3.
4. 4. 4. 4.

4. Magtala ng sampung (10) register ng bawat larangang nakasulat.

POLITIKA SIYENSIYA MEDISINA KALIKASAN

5. Sumulat ng maikling sanaysay sa kursong nais mong kunin sa kolehiyo. Kinakailangang sa

sanaysay ay makapagtala ka ng sampung register tungkol sa kursong kukunin mo at bilugan mo
ito. Sa ibaba ng sanaysay ay ibigay ang kahulugan ng mga register na naitala sa sanaysay.

___________________________________________
(PAMAGAT)

__________________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

Sampung Register at Kahulugan nito:

1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
ARALIN 4 : HEOGRAPIKAL, MORPOLOHIKAL, AT PONOLOHIKAL NA VARAYTI NG WIKA
Sanggunian: Taylan, Dolores R., et. al. KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT
KULTURANG PILIPINO. Quezon City: Rex Printing Company, Inc., 2016.

Panimula:
Ang modyul na ito ay para sa iyo. Ito ay inihanda upang mapag-aralan mo ang HEOGRAPIKAL,
MORPOLOHIKAL, AT PONOLOHIKAL NA VARAYTI NG WIKA. Taglay rin nito ang mga ilang gawain
na maaaring humasa sa iyong kaalaman ukol dito.

Layunin:
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang:
a. naipaliliwanag ang heograpikal, morpolohikal at ponolohikal na varayti ng wika;
b. nasasabi kung ang mga halimbawang pangungusap ay nagpapakita ng varayti ng wika sa
heograpiya, morpolohiya, at ponolohiya; at
c. nakapagtatala ng mga tiyak na halimbawa ng varayti ng wika sa heograpiya, morpolohiya, at
ponolohiya partikular sa mga wika sa Pilipinas.

Paunang Gawain:
TASAHIN NATIN ANG IYONG NALALAMAN!
A. Mahuhulaan mo kaya ang kahulugan ng mga salitang nakasulat sa Hanay A? Hanapin sa
Hanay B ang sa palagay mo ay kahulugan ng bawat salita sa Hanay A. Isulat sa unahan ng
bawat bilang ang titik ng iyong sagot.

HANAY A HANAY B
______1. Barikan a. Nagluluto at nagtitinda ng bilo-bilo
______2. Huntahan b. Nagluluto at nagtitinda ng goto
______3. Tuklungan c. Inuman ng alak
______4. Gotohan d. Nagluluto at nagtitinda ng lomi
______5. Magpipinindot e. Lugar ng inuman ng alak ng mga
______6. Pagerperan babae
______7. Lomihan f. Kuwentuhan
g. kapilya

B. 1. Narinig mo na ba ang mga pahayag na “napatak ang mga dahon,” “nasuray ang dyipni,” at
“mapurol ang ulo”? Sa anong pagkakataon o sitwasyon mo ito narinig?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Ano-anong bagay ang alam mong pumapatak, sumusuray at mapurol? Isulat sa kahon ang sagot.
Pumapatak Sumusuray Mapurol

BASAHIN ANG HAND-OUTS NA INIHANDA NG GURO SA HULING BAHAGI NG MODYUL.

*******
Mayroon ka bang bagong natutunan? Kung oo, magaling! Balikan ang paunang gawain kung may
nabago ba sa iyong kasagutan. 

Panghuling Gawain:
TASAHIN NATIN ANG IYONG NATUTUNAN!
A. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa loob ng speech bubble.
1. Ano ang heograpikal na varayti ng wika?

2. Ano ang morpolohikal na varayti ng wika?

3. Ano ang ponolohikal na varayti ng wika?

B. Basahin at pag-aralan ang mga sumusunod. Tukuyin kung ang varayti ay A. Heograpiya;
B. Morpolohikal; at C. Ponolohikal. Titik lamang ang isulat sa unahan ng bawat bilang.

_______1. Bundok – bunrok

_______2. Lumayo – nalayo
_______3. Bigas – bugas
_______4. Hubog – hugis o korte (Maynila) / hubog – lasing (Cadiz)
_______5. Beyaran – bayaran
_______6. Hilom – tahimik (Cebu) / hilom – paggaling ng sugat (Maynila)
_______7. Anim – innem
_______8. Nagkaon – kumain
_______9. Labi – gabi (Pangasinan) / labi – bahagi ng bibig (Maynila)
_______10. Paaram – paalam
_______11. Dala – bitbit (Maynila) / dala – dugo (Pangasinan)
_______12. Dalhan – dalhi
_______13. Amo – unggoy (Visaya) / amo – taong pinaglilingkuran (Maynila)
_______14. Tahian – tahii
_______15. Hain – paghahanda ng pagkain sa mesa (Maynila) / hain – saan (Samar)
_______16. Wala – wara
_______17. Sira – ulam (Bikol) / sira – hindi buo o ayos (Maynila)
_______18. Baog – hindi magkaanak (Maynila) / baog – balat (Pangasinan)
_______19. Bago – vayo
_______20. Hugasan - hugasi

You might also like