You are on page 1of 2

Mahal na Patnugot,

Magandang Araw! Isa po akong mag-aaral sa ikapitong baitaing ng ating Mataas na Paaralang Mariano
Ponce at labis kong ikinatutuwa na mapabilang sa tahanang ito. Bilang parte ng Ang Maglalala,
natunghayan ko ang pagsisikap ng mga manunulat ng ating sintang paaralan. Nagbunga ang kanilang
paghihirap sa naganap na Eddis School Press Conference matapos nating mag overall champion.

Bagamat hindi nakamit ang tagumpay sa Divison Schools Press Conference namamayagpag pa rin ang
kanilang angking integrad at kredibilidad sa pagsulat. Bukod pa rito, nais ko ring bigyang -pagpupugay
ang mga manunulat sapagkat tunay na masisilayan ang pagbabagong magiging daan upang mamulat ang
mga kabataang Poncenian sa mga isyung kinahaharap ng ating lipunan na may kaugnayan sa ating
kinabukasan at bilang pagpupugay sa ating sintang paaralan ang MPNHS. Sa tulong ng kapitag-pitagan
nating punong-guro, ulong guro at mga gurong-tagapayo ng ANG MAGLALALA, sa inyo po ang aking
pagpupugay.

Sumasainyo,

Sharmaine Santos

7- STE

Pagbati!

Pagpalain tayo ng Maykapal. Lubos akong nagpapasalamat sa iyong pagpupugay sa mga manunulat at
sa ating pahayagang ‘’Ang Maglalala’’. Batid natin lahat na hindi matatapos ang laban ng ating
pahayagan sa ngalan ng mabuting pamamahayag.Hanggat may panulat, patuloy na maghahabi ng mga
dekalidad na impormasyon na maghahatid ng kaliwanagan sa mga isyung may mabuting hatid sa ating
kamalayan bilang mga kabataan…mga balita at impormasyong may kredibilidad at integridad.

Lubos po ang aming pasasalamat una sa ating punungguro sa walang- sawang pagsuporta gayun din
po sa mga ulongguro. Sa aming mga guro na palagian at handang umuwa sa maraming sandali na
kinailangan namin. Kayo po ang DAHIL sa lahat ng ito. Maraming Salamat po sa pagtitiwala.

Sumasainyo,

Ang Patnugutan
Ang Patnugutan.

You might also like