You are on page 1of 3

Bilang ng Kontrol:

________________

MODYUL SA SARILING PAGPAKATUTO SA FILIPINO 7


KWARTER 3/ UNA AT IKALAWANG LINGGO (Enero 18-29)

Pangalan: _________________________ Baitang/ Seksyon: ______________________


Guro: _____________________________ LRN: __________________________________

I. LAYUNIN:
1. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng suprasegmental (tono, diin, antala)
F7PN-IIIa-c-13
2. Naihahambing ang mga katangian ng tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan
F7PB-IIIa-c-14
3. Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pagpapangkat, batay sa konteksto
ng pangungusap, denotasyon at konotasyon, batay sa kasing kahulugan at kasalungat nito
F7PT-IIIa-c-13 F7PT-IIIh-i-16 F7PT-IIi-11
4. Naisusulat ang sariling tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan batay sa
itinakdang mga pamantayan F7PU-IIIa-c-13
Target sa Pagkatuto:
1. Magagawa kong ipaliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng suprasegmental (tono, diin,
antala)
2. Magagawa kong ihambing ang mga katangian ng tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at
palaisipan
3. Magagawa kong ipaliwanag ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pagpapangkat, batay
sa konteksto ng pangungusap, denotasyon at konotasyon, batay sa kasing kahulugan at
kasalungat nito
4. Magagawa kong isulat ang sariling tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan
batay sa itinakdang mga pamantayan
II. PAKSA:
Panitikang Luzon
Ponemang Suprasegmental

III. KAGAMITAN:
Batayang Aklat: Pinagyamang Pluma 7 nina Baisa- Julian, Lontoc, Esguerra et. al.
Gabay Pangkurikulum sa Filipino 7

IV. PAMAMARAAN:
Paunang Kaalaman
Ano ang panunudyo? Ipaliwanag ang sagot sa espasyo na nakalaan.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Panitikang Luzon: Larawan ng Pagkakakilanlan

Mga Kaalamang-Bayan
Maituturing na pinakamatandang sining ang tula sa kulturang Pilipino. Tula ang pinagmulan ng iba
pang mga sining tulad ng awit, sayaw at dula. Ang pagkadiwang makata ay likas sa ating mga ninuno. Ayon
kay Alejanfro Abadilla, “Bawat kibot ng kanilang bibig ay may ibig sabihin at katuturan.

1. Tulang/Awiting Panudyo
Ito ay isang uri ng akdang patula na kadalasan ang layunin ay manlibak, manukso o mang uyam. Ito
ay kalimitang may himig nagbibiro kaya’t ito ay kilala rin sa tawag na “Pagbibirong Patula”.

2. Tugmang de-Gulong
Ito ay ang mga paalala o babala na kalimitang makikita sa mga pampublikong sasakyan. Sa
pamamagitan nito ay malayang naipararating ang mensaheng may kinalaman o pagbibiyahe o
paglalakbay ng mga pasahero. Karamihan ang mga uri ng tugmang ito ay binuo ni Dr. Paquito
Badayos.
Halimbawa:
-Ang di magbayad mula sa kanyang pinanggalingan ay di makababa sa paroroonan.
-Aanhin pa ang gasolina kung jeep ko ay sira na.
-Ang di magbayad walang problema, sa karma pa lang, bayad ka na.
3. Bugtong
Isang pangungusap o tanong na kadalasang nilalaro ng mga batang pinoy at ng mga nakakatanda. Ito
ay may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan.
Ang bugtong ay gumagamit ng talinghaga, o mga metapora sa pagsasalarawan isang partikular na
bagay o mga bagay na hulaan. Madalas itong nangangailangan ng katalinuhan at maingat ng
pagninilay-nilay para mahulaan ang palaisipan o tanong.
Halimbawa:
1. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay. Sagot: kandila
2. Baboy ko sa pulo, ang balahibo'y pako. Sagot: langka

1
Mga Ponemang Suprasegmental

            Ang mga ponemng suprasegmental ay tumutukoy sa mga makahulugang yunit ng tunog na
karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat. Sa halip, sinisimbulo ito ng mga notasyong
ponemiko upang matukoy ang paraan ng pagbigkas. Ang mga uri ng ponemang suprasegmental ay ang diin,
intonasyon at hinto.

            Diin at Haba.  Ginagamit ang simbolong /:/ upang matukoy ang pantig ng salita na may diin. Sa
Filipino, karaniwang binibigkas nang may diin ang salitang higit sa isang pantig. Malimit ding kasama ng diin
ang pagpapahaba ng patinig. Tulad nito:
                              /ba:hay/ - tirahan                     /pagpapaha:ba?/ - lengthening
                              /kaibi:gan/ - friend                   /sim:boloh/ - sagisag
            Mahalaga ang diin sapagkat sa pag-iiba ng patinig na binibigyang-diin, karaniwang nababago ang
kahulugan ng salita. Tulad nito:
                              /ba:lah/ - bullet                         /kasa:mah/ - companion
                              /bala?/ - threat                          /kasamah/ - tenant
                              /tu:boh/ - pipe                          /maŋ:gaga:mot/ - doctor
                              /tu:bo?/ - sprout                       /maŋga:gamot/ - to treat
                              /tuboh/ - sugar cane                /kaibi:gan/ - friend
                              /paso?/ - flower pot                 / ka:ibigan/ - lover
                              /pa:so?/ - burn /pasoh/ - expired

            Intonasyon/ Tono.  Tumutukoy ang intonasyon sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita, na


maaaring maghudyat ng kahulugan ng pahayag. Tingnan ang mga sumusunod na halimbawa, kung saan
ipinahihiwatig ng pagtaas o pagbaba ng tinig.
            Hindi dapat ipagkamali ang intonasyon sa punto at tono ng pagsasalita. Ang punto ay tumutukoy sa
rehiyunal na tunog o accent. Iba ang punto ng Ilokano sa Maranao o ng Cebuano sa Ilonggo. Maging sa
rehiyong Tagalog, iba ang punto ng mga Batanggenyo at kahit mga taga-Cavite. Sa probinsiya ng Quezon,
karaniwang iba’t iba ang punto sa iba’t ibang bayan. Samantala, ang tono ng pagsasalita ay nagpapahayag ng
tindi ng damdamin. Maaaring magkaiba-iba ang punto at tuno bagamat iisa ang intonasyon.

            * Pagsasalaysay/paglalarawan                Dumating sila kanina.


                                                                                    Maganda talaga si Rona.
            * Masasagot ng OO o HINDI                      Totoo?
                                                                                    Sila iyon, di ba?
            * Paghahayag ng matinding damdamin  Naku, may sunog!
                                                                                    Hoy! Alis dyan!
            *Pagbati                                                         Kumusta ka?
                                                                                    Magandang umaga po
                                                                                    Salamat sa iyo.
            * Pagsagot sa tanong                                    Oo, aalis na ako.
                                                                                    Hindi. Hindi ito ang gusto ko.

            Hinto o Antala.  Nangangahulugan ito ng pagtigil sa pagsasalita. Maaaring huminto nang panandalian


habang sinasabi ang isang pangungusap, at maaari rin sa katapusan na ng pangungusap ang paghinto. Sa
pagsulat, sinisimbulo ng kuwit (,) ang panandaliang paghinto at ng tuldok (.) ang katapusan ng pangungusap.
Sa mga pangungusap sa ibaba, nilalagyan ng isang bar (/) ang isang saglat na paghinto at ng dobleng bar (//)
ang katapusan ng pahayag. Mapapansing naiiba ang kahulugan ng pangungusap sa pag-iiba ng hinto sa
pangungusap.

Tito Juan Anton ang pangalan niya//              (Sinasabi ang buong pangalan ng ipinakikilala.)

Tito/ Juan Anton ang pangalan niya//               (Kinakausap si Tito, o kaya’y isang tiyo, at ipinakikilala Si Juan
Anton)

Tito Juan/ Anton ang pangalan niya//               (Kausap ang isang tiyo na Juan ang pangalan. Ipinakikilala si
Anton)

Tito/ Juan/ Anton ang pangalan niya//             (Ipinakikilala sina Tito at Juan kay Anton)

GAWAIN BLG. 1
Panuto: Sagutin ang bawat bugtong. Piliin ang tamang sagot sa hanay B at isulat ang titik sa patlang.
Hanay A Hanay B
___ 1. Dalawang batong maitim, malayo ang dinarating. a. daliri
___ 2. Dalawang balon, hindi malingon. b. ampalaya
___ 3. Isang bayabas, pito ang butas. d. alon
___ 4. Limang puno ng niyog, isa’y matayog. c. Mata
___ 5. Nang hatakin ko ang baging, nagkagulo ang mga matsing. e. kampana
___ 6. Walang paa, walang pakpak, naipamamalita ang lahat. f. aklat
___ 7. Heto, heto na, malayo pa’y halakhak na. g. mukha
___ 8. Pagsipot sa liwanag, kulubot na ang balat. h. tainga
2
GAWAIN BLG. 2
Panuto: Tukuyin kung ang binibigay na pangungusap ay tulang panudyo, tulang de-gulong bugtong at
palaisipan.
___________1. Ako ay nasa gitna ng dagat, nasa huli ng daigdig, at nasa unahan ng globo! Sagot: letrang 'G'
__________ 2. Sitsit ay sa aso, Katok ay sa pinto, Sambitin ang "para" sa tabi tayo'y hihinto.
__________ 3. Pasaherong masaya, tiyak na may pera.
__________ 4. Sa pagtaas ng gasolina, kaming mga drayber ay nag-hahabol ng hininga.
___________5. Kung ang gumagapang sa aso ay pulgas, sa damo ay ahas, sa ulo ng tao ay kuto... ano
naman ang gumagapang sa kabayo? Sagot: Plantsa

V. PAGTATAYA:
Panuto: Basahin ang bawat katanunagan at isulat ang titik ng tamang sagotsa patlang.

___ 1.Tumutukoy ang ito sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita, na maaaring maghudyat
ng kahulugan ng Pahayag
a. bagal b.Intonasyon c.Diin d.Haba
___ 2. Ang ________ ay nagpalilinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap.
a. Tono b.Intonasyon c.Diin d.Haba
___ 3. Tinatawag itong rehiyonal na tunog o a!!ent. $a anumang lugar mayroon tayong pagkakaibasa
pagsasalita. Ano ang tawag dito?
a. punto b.Intonasyon c.Diin d.Haba
___ 4. Ito ay tumutukoy sa lakas ng pagbigkas sa isang pantig ng salitang binibigkas.
a. Tono b.Intonasyon c.Diin d.Maragsa
___ 5. Ang ______ay ang pagbigkas nang mahaba sa patinig (a, e, i, o, u ) ng bawat pantig.
a. Mabilis b. Intonasyon at tono c.Diin at diin d. Maragsa

VI. TAKDANG-ARALIN:
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga gawain na inihanda at ipasa sa itinakdang araw
na pagsusumuti na may kalakip na mga kasagutan. Mangyaring bisitahin ang chatroom gamit ang
messenger para sa karagdagang atas/impormasyon.

Nabatid ni:

_______________________________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang/ Tagapangalaga

____________________________
Petsa

GAWAIN BLG. 1 GAWAIN BLG. 2 PAGTATAYA


1. C 1. Bugtong at palaisipan 1. B
2. H 2. Bugtong at palaisipan 2. C
3. G 3. Tulang de gulong 3. B
4. A 4. Tulang de gulong 4. C
5. E 5. Bugtong at palaisipan 5. C
6. C
7. D
8. B

You might also like