You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI– Western Visayas
Schools Division of Iloilo
Schools District of Lambunao East
LANOT GRANDE INTEGRATED SCHOOL
Lambunao, Iloilo

Unang Lagumang Pagsusulit sa Filipino 8


Ikalawang Markahan- Modyul 1-3

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1. Ito ay nagpapahayag sa kaisipang tuwirang pinag-uusapan sa buong talata.
a. pantulong b. pangunahin c. pasubali d. panimbang
2. Nagbibigay ng detalye o paliwanag sa isinasaad ng pangunahing kaisipan.
a. pantulong b. pangunahin c. pasubali d. panimbang
3. Alin sa mga sumusunod ang nalilinang ng pangangatwiran?
a. kagandahang-asal at pagtitimpi
b. pagsusuri ng tama at maling katuwiran
c. mabisang pananalita at paghahanay ng kaisipan
d. lahat ng mga nabanggit
4. Isang anyo o paraan ng pagpapahayag na ang isang katotohanan ay pinagtibay ng
katuwiran o rason.
a. pangangatuwiran b. paglalarawan c. pagpapahayag d. pagtutol
5. Hindi ko matanggap kailanman ang mga pagbabagong magdudulot ng kasamaan sa ating
lipunan sapagkat nandito tayo sa mundo upang gumawa ng mga pagbabagong
makabubuti sa lahat. Anong hudyat ng parirala ang kaniyang ginamit sa
pangangatuwiran?
a. Makabubuti sa lahat
b. Sapagkat nandito tayo sa mundo
c. Hindi ko matanggap kailanman
d. Tanggap ko ang mga pagbabago
6. Lubos akong nanalig sa sinabi mo na ang buhay dito sa mundo ay maganda kung ang
lahat ng tao ay marunong magpatawad at tumanggap ng kapatawaran. Anong parirala
ang ginamit sa pagtanggap ng pahayag?
a. Maganda kung ang lahat ng tao
b. Marunong magpatawad at tumanggap ng kapatawaran
c. Tunay nga ang sinabi mo
d. Lubos akon nanalig.
7. Maaaring hindi kapani-paniwala para sa inyo ang aking pahayag ngunit sa ipinapakita ng
estadistika malinaw na marami pa ring karahasan ang nagyayari sa ating lipunan. Ang
pahayag na ito ay:
a. Nangangatuwiran b. naglalarawan c. nagpapahayag d. nagtatanong
8. Ito ang tawag sa kaisipang sentro o pangunahing tema sa talata.
a. detalye b. pangunahin c. pantulong d. panimbang
9. tawag sa mga detalye o impormasyon bilang suporta ng pangunahing kaisipan.
a. detalye c. pantulong
b. pangunahin d. panimbang
10. isang anyo o paraan ng pagpapahayag na ang isang katotohanan ay pinagtibay ng
katuwiran o rason.
a. pangangatuwiran c. paglalarawan
b. pagpapahyag d. pagtutol
11. hindi mangyayari at ang puso niya’y karogtong ng aking pusong nagdurusa. Puso ni
bulaklak ‘pag iyong kinuha, ang lalagutin mo’y dalawang hininga.
a. nagpapahayag ng opinion, pagsang-ayon
b. Nagpapahayag ng opinion, pagsalungat
c. Nagpapahayag ng katwiran, pagsang-ayon
d. Nagpapahayag ng katwiran, pagsalungat
12. Kung hahatiin po’y ayoko rin naman, ‘pagkat pati ako’y kusang mamamatay;
a. nagpapahayag ng opinion, pagsang-ayon
b. Nagpapahayag ng opinion, pagsalungat
c. Nagpapahayag ng katwiran, pagsang-ayon
d. Nagpapahayag ng katwiran, pagsalungat
13. Dinaramdam ko rin ang dinaranas mo at sa kasawia’y magkauri tayo; Ako ma’y
mayroong nawawalang bango ng isang bulaklak kaya naparito.
a. nagpapahayag ng opinion, pagsang-ayon
b. Nagpapahayag ng opinion, pagsalungat
c. Nagpapahayag ng katwiran, pagsang-ayon
d. Nagpapahayag ng katwiran, pagsalungat
14. Huwag kang matuwa sapagkat kaniig niyaring bulaklak na inaaring langit; ‘Pagkat tantuin
mo sa ngalang pag-ibig, malayo ma’t ibig, daig ang malapit.
a. nagpapahayag ng opinion, pagsang-ayon
b. Nagpapahayag ng opinion, pagsalungat
c. Nagpapahayag ng katwiran, pagsang-ayon
d. Nagpapahayag ng katwiran, pagsalungat
15. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng mga pahayag na naglalahad ng pagsang-
ayon maliban sa isa.
a. Kung hindi ako nagkakamali
b. Lubos kung pinaniniwalaan
c. Tama ka riyan
d. Naniniwala ako sa iyong ideya
16. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng mga pahayag na naglalahad ng pagsalungat
maliban sa isa.
a. Mabuti sana iyan subalit
b. Ikinalulungkot ko ngunit
c. Kung hindi ako nagkakamali
d. Nauunawaan kita subalit
17. Ang paglalahad ng opinion sa mga pangyayaring nagaganap o namamalas sa ating
paligid ay bahagi na ng .
a. Pang-araw-araw na buhay ng tao
b. Komunikatibong pangangailangan ng tao
c. Emosyonal na bahagi ng buhay ng tao
d. Sosyal na pangangailangan ng tao.
18. Naalala ko kaagad kaya ayaw ko ang pahayag na iyan. Alin sa pangungusap na ito ang
nagsasaad ng pagsalungat?
a. Naaalala c. ayaw ko ang pahayag na
b. Kaagad d. pahayag na
19. Huwag kang lumabag sa utos ng Diyos. Alin sa pangungusap na ito ang nagsasaad ng
hudyat ng pagsalungat?
a. ng Diyos
b. huwag kang
c. sa utos
d. lumabag
20. Tunay nga na ang kaligayahan at tagumpay ay makakamit sa pagkakaroon ng kalinisan at
kabutihan ng loob. Saang pahayag ito napabilang?
a. Pagsasalaysay c. Pagsang-ayon
b. Pagsalungat at pagsang-ayon d. Pagsalungat
21. Ayon kay ang mga pahayag na pagsalungat at pagsang-ayon ay isang
paraan upang maging kapani-pakinabang ang pakikilahok sa anumang usapan o
pagbibigay ng mga palagay, opinyon, ideya o kaisipan
a. Asuncion B. Bola c. Asuncion de Bola
b. Asuncion Reyes d. Asuncion de Vera
II. Panuto: Pagtuunan ang mga pahayag sa ibaba at tukuyin kung ito ba ay Pagsang-ayon o
Pagsalungat.
22. Tama ang sinabi mo sa kanila, Stephen..
23. Sa ganyang bagay kaisa mo ako sa bagay na iyan.
24. Totoong kailangan ng pagbabago kaya't gawin natin ito sa tamang
paraan.
25. Huwag kang magtiwala ka agad, Carl.
26. Hindi ako sang-ayon dahil sa kanyang kapalpakan.
27. Tunay ngang kilala c Dave sa paaralan, sapagkat nanalo siya sa botohan.
28. Ikinalulungkot ko Jhon Mherlan ngunit hindi ko matatanggap ang iyong tinuran.
29. Bilib ako sa inyong sinabi 'pagkat ito'y nagaganap sa kasalukuyan.
30. Nauunawaan kita ko ang pinanggagalingan mo subalit mahirap maging bulag sa
katotohanang nasa harapan mo.
Inihanda ni:
Jeva Concepcion L. Lenisen
Guro sa Filipino

You might also like