You are on page 1of 8

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LUNGSOD NG MABALACAT

Pangalan: ____________________________Baitang at Seksiyon: ________________


Paaralan: ____________________________________ Petsa: ____________________

MGA PILYEGO NG GAWAING PAMPAGKATUTO Blg. 4


Filipino 8: Balagtasan: Pagsang-ayon at Pagsalungat sa isang
Argumento

I.Panimula

Sa isang argumento, hindi maiiwasan ang sumalungat o sumang-ayon sa


isang isyu o sa paksang pinag-uusapan. Sa pagpili ng iyong papanigan,
inilalahad mo ang iyong sariling opinion o pananaw nang may paninindigan
at paggalang.

II.Kasanayang Pampagkatuto

Nakapaglalahad sa paraang pagsulat ng pagsang-ayon at pagsalungat sa


isang argumento. (F8PU-11c-d-25)

III.Mga Layunin

Pagkatapos ng mga pilyego ng gawaing pampagkatutong ito,


ikaw ay inaasahang:

1. mapili ang mga pangungusap na nagpapahayag ng pagsang-ayon


at pagsalungat sa binasang teksto;
2. mabibigyan ng kapasyahan ang mga sitwasyon;
3. makasusulat ng fliptop na nagpapakita ng pagsang-ayon at
pagsalungat.

1
IV.Pagtalakay

Pagsang-ayon at Pagsalungat sa isang Argumento

Argumento – elemento ng pangangatwiran, mabisang paraan ng


pakikipagtalastasan at ng kakayahang mangatwiran at manghikayat. Ito ay
pagpapahayag ng mga dahilan at ebidensiya upang maipagtanggol ang
katuwiran ng isang panig. Ang nangangatwiran ay kailangang may sapat na
kaalaman sa proposisyon upang makapaglahad ng mahusay na argumento.

Balagtasan: Tradisyunal na pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol


sa isang paksa. Hinango mula sa pangalan ni Francisco Balagtas, inilalahad
ang sining na ito ang isang uri ng panitikan na kung saan ipinapahayag ang
mga saloobin o pangangatwiran sa pamamagitan ng pananalitang may mga
tugma sa huli

Pahayag ng Pagsang-ayon- nangangahulugan ito ng pagtanggap, pagpayag,


pakikiisa o pakikibagay sa isang pahayag o ideya.
Pananda o hudyat ng salita o parirala sa paggamit ng pagsang-ayon:
Sang-ayon ako... Ganyan din ang palagay ko....
Tama Oo
Iyan ang nararapat... Tumpak
Tunay ... Talaga
Sadyang... Sumasang-ayon ako...

Pahayag na Pagsalungat – ito’y pagpapakita ng pagtanggi, pagtaliwas,


pagtutol, pagkontra sa isang pahayag. Ginagamitan ito ng mga pang-abay na
pananggi.
Pananda o hudyat ng salita o parirala sa paggamit ng pagsalungat:
Hindi ako sang-ayon...
Mabuti sana kung...
Ngunit
Nauunawaan kita subalit...
Ayaw, Hindi, ngunit, subalit, mali, walang katotohanan...

V. Mga Gawain

Gawain 1: Pagbasa, Paunlarin


Panuto: Basahing mabuti ang teksto. Piliin ang mga pangungusap na
nagpapahayag ng pagsalungat at pagsang-ayon. Isulat sa talahanayan ang
inyong sagot. (10 puntos). Isulat sa hiwalay na sagutang papel ang sagot.

2
Kulturang Pagtanaw ng Utang na Loob

“Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, di makararating sa


paroroonan.” Ito’y kasabihang palasak sa pandinig ninuman.
Likas sa lahing Pilipino ang pagtanaw ng utang na loob. Nasa isip na
hindi nila nararating ang tugatog ng tagumpay kung hindi sa tulong ng mga
taong nakiisa at nagmalasakit upang makamit nila ito. Totoong kabahagi na
ang mga ito sa panukalang magbigay ng anumang bagay na ikatutuwa o kaya
naman ay panghabambuhay na pagsuporta lalo pa’t batid na walang
hanapbuhay dahil sa katandaan.
Sang-ayon ang mga magulang na alalahanin sila sa panahong may
okasyon o kaya ay may-sakit ngunit di nila inoobliga ang mga anak na
magbayad sa kanilang naging gastusin sa pagpapalaki at pagpapaaral.
Sapat na ang tularan sila sa paraan ng pagpapalaki sa mga anak.
Hindi rin maitatatwa ang senaryong paninisi ng mga tumulong sa mga
taong nagtagumpay subalit ‘di man lamang lumingon o tumanaw ng utang
na loob. Bukambibig ang salitang “karma” lalo pa’t ibinuhos talaga ang lahat
ng kaya o yaman para lang mapag-aral ang mga ito.
Simpleng sitwasyon ang dumarating sa bawat isa- ang pagkakataong
nagigipit. Humingi ng tulong sa isang tao na sa halip gamitin ang pera sa
talagang paggagamitan nito ay ipinautang nang walang tubo. Oo nga’t
naibalik na ang perang inutang ngunit mananatili ang kulturang pagtanaw
ng utang na loob habang may buhay batay sa ginawang pagtulong sa
panahong gipit.
Ang taos-pusong pagpapasalamat sa paraang pasalita o pasulat ay
nakapagpapataba ng puso ng mga pinagkakautangan ng loob.
Oo, lumingon sa pinanggalingan ngunit ang nasa isip ay maghiganti.
Tumanaw nga ng utang na loob sa pamamagitan ng paggawa ng masama
upang ‘di mapahiya o hamakin. Ibang usapan na ang mga ito na di dapat
maging bahagi ng katauhan.
Tunay na walang paroroonan ang taong ‘di marunong lumingon sa
pinanggalingan. Gawin lamang ang pagtanaw ng utang na loob sa positibong
paraan. Pinahahalagahan sapagkat sila ay mahal natin. Sinuklian ang
pagsasakripisyo at pagmamahal na ipinadama sa atin.
-Hango sa Hiyas ng Diwa 1

Pahayag na Pagsang-ayon Pahayag na Pagsalungat

3
Gawain 2: Desisyon mo, Ibahagi mo
Panuto: Ipahayag ang inyong pagsang-ayon at pagsalungat sa sumusunod
na sitwasyon. Bigyang- kadahilanan ang pasya. (Tandaan, Huwag
kalilimutang gumamit ng mga pananda o hudyat ng mga salita o pariralang
pagsang-ayon o pagsalungat.) 5 puntos bawat bilang. Isulat sa hiwalay na
sagutang papel ang sagot.

Sitwasyon Pasya at Dahilan

1. Sinabihan ka ng magulang mo na
hihinto ka muna sa iyong pag-aaral
sa taong ito dahil hindi sapat ang
kanilang kita lalo na ngayong
mayroong pandemya.

2. Alam mo na kasama sa mga


modyul na natanggap mo ang kopya
ng susi sa pagwawasto ngunit ito’y
nakalimutang alisin ng iyong
magulang.

3. Niyayaya kang maglaro ng ML ng


iyong dabarkads ngunit hindi mo pa
natatapos sagutin ang iyong mga
modyul.

VI.Pagsusulit
Panuto: Isulat sa patlang ang letrang A kung ang pangungusap ay
nagpapahayag ng pagsang-ayon at letrang S naman kung nagpapahayag ng
pagsalungat. Isulat sa hiwalay na sagutang papel ang tamang sagot.

______1. Sa panahon ng pandemya, tunay na napakahalaga ng tamang


pagpapakalat ng impormasyon gamit ang iba’t ibang pamamaraan
upang makaiwas sa sakit na Covid-19.

______2. Huwag kang magpapadala sa bugso ng iyong damdamin sapagkat


sa bandang huli, ikaw rin ang masasaktan.

4
______3. Mabuti sana ang kaniyang layunin ngunit nagbigay ito ng
masamang epekto sa ating kapaligiran.

______4. Nakalulungkot isipin na marami sa mga kababayan natin ang


nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya.

______5. Ang pagtulong sa kapwa nang hindi naghihintay ng kapalit ay


sadyang nakapagpapagaan ng kalooban.

______6. Ang Covid-19 ay totoong nakamamatay kaya huwag natin itong


ipagwalang bahala.

______7. Ang ating pamahalaan ay gumagawa ng paraan upang maiwasan


ang paglaganap ng pandemya, at bilang mamamayan, tama
lamang na tayo’y sumunod sa kanilang panukala.

_____8. Ang pagpapakamatay ay hindi sagot upang masolusyunan ang


kinakaharap na problema sa buhay.

_____9. Nakabubuti para sa lahat ang iyong panukala kaya akin itong
sinasang-ayunan.
_____10. Ang kaniyang kahusayan sa pag-awit at pagsayaw ay talagang
kahanga-hanga.

VII.Pangwakas

Panuto: Sumulat ng Fliptop hinggil sa kasalukuyang nagaganap sa ating


panahon. Gumamit ng mga pahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat. Isulat sa
hiwalay na sagutang papel ang sagot.

Pamantayan:

Orihinalidad - 10 puntos
Pagkamalikhain- 10 puntos
Akma sa paksa - 10 puntos
Kabuuan - 30 puntos
.

5
VIII.Sanggunian

Amog, Maybel V.Cuano, Felicidad Q. Tulaylay, Mercedes, D.L. at Santos,


Corazon L. 2007.” sambotani II”. Sampaloc, Manila. Rex Book Store,
Inc.

Hernandez, Emelita A, Hernandez, Ruth R. at Reyes, Emma A. 2007.


“Hiyas ng Diwa 1”. Quezon City: ABIVA Publishing House, Inc.

Nato, Rochelle S. Nov.1, 2017. “Pagsalungat at Pagsang-ayon”.


https://www.slideshare.net/RochelleNato/pag-sang-ayon-at-
pasalungat

Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya. Sept 5, 2019


https://tl.wikipedia.org/wiki/Balagtasan

6
7
1.pagsang-ayon
2. Pagsalungat
Isaalang-alang 3. Pagsalungat
ang Rubriks sa 4. Pagsalungat
pagwawasto 5.Pagsang-ayon
6. Pagsang-ayon
7. Pagsang-ayon
8. Pagsalungat
9. Pagsang-ayon
10.Pagsang-ayon
Pangwakas Pagsusulit
Magbabatay sa pamantayan Magbabatay sa
pamantayan
Gawain 1
Gawain 2
IX.Susi sa Pagwawasto
X.Grupong Tagapaglinang

Bumuo sa Pagsulat ng mga Pilyego ng Gawaing Pampagkatuto

Manunulat: Marideth G. Lising


Patnugot ng wika: Remedios C. Gerente
Tagasuri: Remedios C. Gerente/ Melanie M. Flores
Tagaguhit: Marideth G. Lising
Tagalapat: Gian Carlo C. Baldovino
Tagapamahala: Engr. Edgard C. Domingo PhD CESO V
Leandro C. Canlas PhD CESE
Elizabeth O. Latorilla PhD
Sonny N. De Guzman EdD
Remedios C. Gerente

For inquiries or feedback, please write or call:


Department of Education – Division of Mabalacat

P. Burgos St., Poblacion, Mabalacat City, Pampanga

Telefax: (045) 331-8143

E-mail Address: mabalacatcity@deped.gov.ph

You might also like