You are on page 1of 4

SANAYANG PAPEL SA FILIPINO BAITANG 6

Bilang 3 Kuwarter 4

Pangalan ng Mag-aaral: ____________________________________


Baitang/Seksiyon: _____________________ Petsa: _____________

Sa araling ito ay matututuhan mo ang tamang pagbibigay ng sariling


opinyon o reaksiyon sa isang napakinggang balita, isyu o usapan.

Naipahahayag ang sariling opinyon o reaksiyon sa isang napakinggang


balita, isyu o usapan.
(F6P5-IVc-1)

A. Balikan Mo!
Matukoy mo pa kaya ang mga salitang magkakaugnay? Subukin nating
muli sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga magkakaugnay na
salita. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.

1
kambing Sampaguita Gregoria De Jesus
Melchora Aquino Rosas Langaw
kalabaw lamok Gabriela Silang

B. Pag-aralan Mo!

Pag-aaralan sa araling ito ang pagbibigay ng sariling opinyon o reaksiyon sa


isang napakinggang balita, isyu o usapan. Kung napakahalaga o
napapanahon ang balitang narinig, kailangang makapagbigay ang bawat
tagapakinig ng opinyon o reaksiyon ukol dito, pagsang-ayon man o
pagsalungat. Sa ganitong paraan, mapalalawak ang kaalaman. Tiyakin
lamang na gumagamit ng magagalang na pananalita sa pagbibigay opinyon
o reaksiyon.
Ang opinyon ay mga impormasyon na batay sa saloobin at damdamin
ng tao. Nag-iiba ang mga ito sa magkaibang pinagmulan ng impormasyon
at hindi maaaring mapatunayan kung totoo o hindi.
Sa pagbibigay opinyon gumagamit ng mga ekspresyon tulad ng:
Sa aking palagay…
Kung ako ang tatanungin…
Sa aking pananaw…
Para sa akin…
Sa nakikita ko…
Sa pakiwari ko…
Ang reaksiyon ay damdaming nagpapakita ng pagsang-ayon,
pagsalungat, pagkatuwa, pagkalungkot o pagkadismaya matapos makita,
malaman, marinig o mapanood ang isang bagay na may halaga.
Ang mga pahayag naman na karaniwang ginagamit sa pagbibigay
reaksiyon ay ang sumusunod:
Sumasang-ayon ako…
Nais ko lamang magbigay ng puna…
Tutol ako sa sinabi…
Payag ako pero sa palagay ko ay dapat…
Magaling ang iyong ideya o naisip…

C. Pagsanayan Mo!
Panuto: Ibigay ang iyong sariling opinyon o reaksiyon tungkol sa usaping
nasa kahon.

2
Maraming pamahiin o paniniwala ang mga Pilipino.
Sa iyong palagay, dapat bang paniwalaan ang mga ito?
Bakit?

D. Tandaan Mo!
Ang pagbibigay ng opinyon o reaksiyon ay isang mabuting kasanayan
dahil naipahahayag natin ang sariling saloobin, opinyon o pananaw hinggil
sa kaisipang inilahad. Sa ating pakikipag-usap sa ibang tao, mahalagang
gumamit tayo ng magagalang na pananalita lalo na sa pagbibigay opinyon
at reaksiyon sa isang napakinggang balita, isyu o usapan. Nakatutulong ito
upang lalong mapalawak ang ating kaalaman at malayang maipahayag ang
ating saloobin. Kinakailangan lamang na gumamit tayo ng tama at angkop
na pahayag sa pagbibigay ng sariling opinyon o reaksiyon.

E. Pagtataya
Panuto: Ibigay ang sariling opinyon o reaksiyon.
Ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural kung saan malawak ang ating
mga lupang sakahan subalit napakamahal ng bigas sa ating bansa at
nagkukulang pa nga sa suplay na nagreresulta sa pag-aangkat natin ng tone-
toneladang bigas sa ibang bansa sa Asya upang matustusan ang ating
pangangailangan sa bigas. Bakit kailangan pa natin mag-angkat sa kabila ng
pagiging bansang agrikultural?

Pamantayan sa Pagbibigay Opinyon o Reaksiyon


Pinakamahusay Malinaw, maganda at angkop ang ginawang reaksiyon.
4-5 Gumamit ng magagalang na salita.
Mahusay Hindi gaanong malinaw at angkop ginawang reaksiyon.
2-3 Gumamit ng magagalang na salita.
Di-Gaanong Malabo at hindi maintindihan ang ginawang reaksiyon.
Mahusay Hindi gumamit ng magagalang na salita.
0-1

3
Balik-aral
Hayop / Insekto Bulaklak Bayani
kambing Langaw Sampaguita Gregoria De Jesus
kalabaw lamok Rosas Gabriela Silang
Melchora Aquino

B. Pagsanayan Mo!
(Maaaring iba-iba ang sagot, opinyon o reaksiyon ng mag-aaral.)

E. Pagtataya
(Maaaring iba-iba ang sagot, opinyon o reaksiyon ng mag-aaral.)

• Kontekstuwalisadong Banghay-Aralin sa Filipino 6 pahina 109-


113,183-186, 238-242
• Belvez, Paz M. 2011, Landas sa Wika 6. Batayang Aklat sa Filipino,
pahina 39-41,70-72. Quezon City; EduResources Publishing, Inc.

Inihanda ni:
MA. THERESA P. BAYNAS
Dalubguro 2
Pandan Elementary School
Cabusao District

You might also like