You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III-Central Luzon
Schools Division of Zambales
Botolan District
LOOB BUNGA HIGH SCHOOL

Paggamit ng mga
Hudyat
sa Pagsang-ayon
at Pagsalungat
CARMI F. LACUESTA
TEACHER I
Pagsang-ayon at Pagsalungat sa
Paghahayag ng Opinyon
Gabby: Naniniwala akong talino ang mas mahalaga dahil kailanman ay hindi ito
mawawala.
Neneth: Sang-ayon ako sa iyong sinabi. Kapag may dunong ka,
makakamit mo ang tagumpay.
Cesar: Iginagalang ko ang inyong opinyon ngunit hindi mo ito maaaring gamitin
sa lahat ng pagkakataon. Madalas, walang nagagawa ang talino ng isang tao lalo
na kapag kumakalam ang sikmura. Hindi maaaring pambayad ang talino. Kaya sa
aking palagay, mas mahalaga talaga ang yaman.
Gabby: Hindi totoo ang iyong sinasabi at lubos akong sumasalungat sapagkat ang
salapi ay may hangganan. Hindi sa lahat ng panahon ay mayroon kang yaman.
Nauubos din yan.
Neneth: Magkatulad tayo sa paniniwala. Ang tao kapag matalino ay maaaring
umasenso.
Gabby: Tunay ang sinabi mo.
1.Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng pagsang-
ayon?
2.Alin naman sa mga ito ang nagpapahayag ng
pagsalungat?
3.Paano mo malalamang sumasang-ayon o sumasalungat
ang isang tao?
Pahayag sa Pagsang-ayon

Ito ay nangangahulugan din ng pagtanggap,


pagpayag, pakikiisa o pakikibagay sa isang pahayag o
ideya.
A. Ganap na pagsang-ayon

➢ Bilib ako sa iyong sinabi na…


➢ Ganoon nga.
➢ Sang-ayon ako.
➢ Kaisa mo ako sa bahaging iyan.
➢ Maaasahan mo ako riyan.
➢ Iyan din ang palagay ko.
➢ Iyan ang nararapat.
➢ Lubos akong nananalig.
➢ Magkatulad tayo sa paniniwala.
B. Pagsang-ayon na may pasubali

➢ Iginagalang ko ang iyong opinyon ngunit….


➢ Sumasang-ayon ako sa iyong punto pero….
➢ Maaaring tama ka bagaman…
➢ Sumasang-ayon ako pero…
➢ Sumasang-ayon ako sa iyo subalit….
Pahayag sa Pagsalungat

Ito ay pahayag na nangangahulugan ng pagtanggi,


pagtaliwas, pagtutol, pagkontra sa isang pahayag o ideya.
A. Ganap na pagsalungat

➢ Ayaw ko ang pahayag na…


➢ Hindi ako naniniwala riyan…
➢ Maling-mali yata ang iyong paniniwala.
➢ Hindi ako sang-ayon dahil…
➢ Hindi ko matatanggap ang iyong sinabi…
➢ Hindi tayo magkasundo…
➢ Hindi mo ako mahihikayat sa…
➢ Hindi totoo ang iyong sinabi at lubos akong sumasalungat
sa…
B. Pagsalungat na may paggalang

➢ Sumasalungat ako sa iyong sinabi pero…


➢ Sa anggulong iyon masasabi kong may punto ka pero…
➢ Hindi ako sumasang-ayon pero…
➢ Maaaring may punto ka ngunit….

You might also like