You are on page 1of 12

OPINYON AT KATOTOHANAN

Maria Ruby De Vera Cas


Pasong Buaya II E/S
Imus City, Cavite
KATOTOHANAN
Ang katotohanan ay isang pahayag na nagsasaad
ng ideya o pangyayaring napatunayan at tanggap ng
lahat na totoo at hindi mapapasubalian kahit sa ibang
lugar. Hindi ito nagbabago at maaaring i-verify ang
pagkamakatotohanan nito sa ibang sanggunian tulad
ng mga babasahin at mga taong nakasaksi nito.
KATOTOHANAN

Mas higit na mauunawaan ang teksto.


Maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan.
Maiiwasan ang pagkalat ng mga maling
impormasyon.
OPINYON

Ang opinyon ay isang pananaw ng isang tao o


pangkat na maaaring totoo pero puwedeng
pasubalian ng iba. Ito rin ay isang paniniwala na
mas malakas pa sa impresyon, mas mahina sa
positibong kaalaman na batay sa obserbasyon at
eksperimento.
OPINYON
Pahayag ng tao hinggil sa paksang pinaguusapan
Batay sa kanyang paniniwala at prinsipyo
Haka-haka lamang
Sariling pananaw
Maaari kang sumang-ayon o tumutol
Hindi pa ganap na napapatunayan
Hindi kailangang paniwalaan agad
Sa pagpapahayag ng katotohanan at opinyon,
maaaring gumamit ng mga sumusunod na
pananda:
Katotohanan – batay sa resulta, pinatunayan
ni, mula kay, sang-ayon sa, tinutukoy ng,
mababasa sa….
Halimbawa:
1. Batay sa tala ng Department of Education, unti-
unti ng nababawasan ang mga out-of school youth.
2. Mababasa sa naging resulta ng pananaliksik
ng mga ekonomista na unti-unting umuunlad ang
turismo ng ating bansa.
Opinyon – sa aking palagay, sa tingin ko, sa
nakikita ko, pakiwari ko, kung ako ang tatanungin,
para sa akin, sa ganang akin
Halimbawa:
1. Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa
magkaibigan ang pagtitiwala sa isa’t isa.
2. Sa aking palagay, mas payapa ang buhay ng
isang tao na may takot sa Diyos.
Gawain
Basahin ang bawat pangyayari. Tukuyin kung ito ay
isang opinyon o katotohanan. Ibigay ang kahulugan
kung bakit ito naging opinyon o katotohanan.
1. Masakit magparusa ang kalikasan.
2. Nag-iinat si Atoy nang bumangon.
3. Kapag umuulan-ulan ay talagang masarap
mahiga sa kama.
Gawain
4. Tiningnan ni Atoy sa labas ng bintana ang ilog.
5. Tumataas ang tubig sa ilog.
6. Nalungkot siya nang Makita ang basurang
inaanod ng ilog.
7. Kinuha ni Atoy ang malaking dram.
8. Pinasok ng basura ang kuwarto.
Gawain

9. Maraming nagkakasakit kapag marumi ang ilog.


10. Iwasan ang pagtatapon ng basura sa ilog.
Paunlarin ang Kasanayan
Basahin ang bawat katotohanan. Magbigay ng
opinyon kaugnay nito.
1. Mahalin ang kalikasan.
2. Matulog nang maaga.
3. Pinagmasdan ni Atoy ang basurang inaanod-
anod ng ilog.
4. Sumikat ng araw.
5. Nagpupulong-pulong ang mga tao.

You might also like