You are on page 1of 10

Matatawag na opinyon ang mga pahayag mula sa mga paliwanag

lamang batay sa mga totoong pangyayari. Ang opinyon ay mga


impormasyon na batay sa saloobin at damdamin ng tao. Nag-iiba ang mga
ito sa magkakaibang pinagmumulan ng impormasyon at hindi maaaring
mapatunayan kung totoo o hindi.
Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: sa aking palagay, sa
nakikita ko, sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin, para sa akin, sa
ganang akin atbp.
Halimbawa:
1. Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa magkaibigan ang
pagtitiwala sa isat isa.
2. Sa aking palagay, mas payapa ang buhay ng isang tao na may
takot sa Diyos.
Ang mga pahayag na may katotohanan ay kadalasang sinusuportahan ng
pinagkunan. Ang katotohanan ay mga impormasyon na maaaring
mapatunayang totoo. Bihira itong magbago mula sa isang pinagmumulan
ng impormasyon sa iba pa.
Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: batay sa, resulta ng,
pinatutunayan ng, pinatutunayan ni, sang-ayon sa, mula kay, tinutukoy
Halimbawa:
1. Batay sa tala ng Department of Education, unti-unti ng nababawasan
ang mga out-of school youth.
2. Mababasa sa naging resulta ng pananaliksik ng mga ekonomista na
unti-unting umuunlad ang turismo ng ating bansa.
Ano-ano ang kaugalian ng
mga Pilipino?
Ibigay ang kahalagahan ng
mga ito sa ating buhay.
Pangatwiranan
Sumulat ng isang editoryal na
argumentasyon na may kaugnayan sa
kaugaliang Pilipino bilang sandigan ng
isang pamilyang Pilipino at ng bansa
Tatasahin sa sumusunod na kraytirya:

1) lohikal ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari 5


2) malikhain at masining ang presentasyon 5
3) maikli at nakakakuha ng interes ang pamagat 5
4) malinaw na naipahayag ang argumento sa editoryal. 5
KABUUAN 20
IV.Takdang-Aralin:
1. Ano ang Sarsuwela?
2. Bakit ito kinagiliwan ng mga Pilipino noong Panahon
ng Amerikano?
3. May Sarsuwela pa ba sa kasalukuyan? Patunayan.
4. Bakit dapat pahalagahan at palaganapin ang
Sarsuwela?
5. Masasalamin ba sa Sarsuwela ang kulturang
Pilipino? Ipaliwanag

You might also like