You are on page 1of 2

Si Miguel Malvar y Carpio (27 Setyembre 1865 - 13 Oktubre 1911) ay isang Pilipinong heneral na

naglingkod noong Himagsikang ng Pilipinas at kalaunan sa kasagsagan ng Digmaang Pilipino-Amerikano.


Ginampanan niya ang pamamahala ng panghimagsikang hukbong katihan ng Pilipinas noong huling
bahagi ng sigalot pagkatapos sumuko si Emilio Aguinaldo sa mga Amerikano noong 1901. Ayon sa ilang
mga mananalaysay, maaari siyang itala bilang isa mga pangulo ng Pilipinas subalit kasalukuyang hindi
kinikilala ng pamahalaan ng Pilipinas.

Pagkabata at kanyang pamilya

Ipinanganak si Malvar noong 27 Setyembre 1865, sa San Miguel, isang baryo sa Santo Tomas, Batangas,
nina Máximo Malvar (higit na kilala bilang Kapitan Imoy) at Tiburcia Carpio (higit na kilala bilang
Capitana Tibo). Hindi lamang tanyag ang mag-anak na Malvar sa kanilang bayan dahil sa kanilang yaman
subalit pati sa kanilang pagkamapagkaloob at kasipagan.[1] Unang nag-aral si Malvar sa paaralang bayan
ng Santo Tomas. Kinalaunan, pumasok siya sa isang pribadong paaralan na pinatatakbo ni Pari Valerio
Malabanan sa Tanauan, Batangas, isang tanyag na institusyon pang-edukasyon sa Batangas noong mga
panahong iyon, at kung saan naging kamag-aral niya ang kapwa rebolusyonaryo na si Apolinario Mabini.
Lumaon lumipat siya sa isa pang paaralan sa Bauan, Batangas, at pagkatapos noon ay napagpasiyahan
niya na huwag nang ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo sa Maynila, na pinili na lamang na maging
isang magsasaka. BIlang kapalit, tinulungan niya ang kanyang higit na masipag mag-aral na kapatid na
lalaki, si Potenciano, na makapag-aral ng medisina sa Espanya. Kinalaunan, nahalalal siya bilang capitan
municipal ng kanyang bayan.[1]

Noong 1891, napangasawa ni Malvar si Paula Maloles, ang magandang anak ng capitan municipal ng
Santo Tomas, na si Don Ambrocio Maloles. Si Don Ambrocio ang naging kapalit niya bilang capitan
municipal. Higit na kilala sa kanila bilang "Ulay", isinilang niya ang kanilang labintatlong anak, subalit
labing-isa lang ang nabuhay:Sina Bernabe, Aurelia, Marciano, Maximo, Crispina, Mariquita, Luz
Constancia, Miguel (Junior), Pablo, Paula, at Isabel. May ugali si Malvar na dalhin ang kanyang mag-anak
kasama niya kapag siya ay nagpupunta sa mga labanan noong kasagsagan ng Himagsikang Pilipino at
noong Digmaang Pilipino-Amerikano.[1]

Koneksiyon kay Rizal

Magkaibigan sina Malvar at José Rizal pati ang kanilang mga pamilya. Inayos ni Doktor Rizal ang bingot
ng asawa ni Malvar, at pinahiram ni Saturnina Malvar ng 1,000 piso si Malvar bilang paunang puhunan
upang makapagsimula ng ikabubuhay.[1] Ang asawa ni Saturnina, na si Manuel, ay kamag-anak ni
Malvar, at ang anak na babae ni Soledad Rizal Quintero ay naging asawa ng panganay na anak na lalaki
ni Malvar, na si Bernabe. Kasamahan din ni Paciano Rizal si Malvar sa himagsikan.[1]

Si Malvar bilang ikalawang Pangulo ng Pilipinas

Noong 18 Setyembre 2007, inihain ni Rodolfo Valencia, Kinatawan ng Oriental Mindoro, ang Panukalang
Batas 2594, na naghahayag na si Malvar ang ikalawang Pangulo ng Pilipinas, na nagsasabi na maling
kilalanin na si Manuel L. Quezon ang Ikalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas na naglingkod
pagtapos ni Emilio Aguinaldo: "Pinalitan ni Heneral Malvar ang pamahalaang rebolusyonaryo
pagkatapos mahuli si Heneral Emilio Aguinaldo, ang unang Pangulo ng Republika, noong 23 Marso 1901,
at ipinatapon sa Hong Kong ng Pamahalaang Kolonyal ng Amerika — dahil siya ang sunod sa
kapangyarihan."[2] Noong Oktubre 2011, naghangad ng tulong si Pangalawang Pangulo Jejomar Binay sa
mga mananalaysay na iproklama bilang karapat-dapat na ikalawang pangulo ng Pilipinas, ang
rebolusyonaryong Heneral Miguel Malvar.[3]

You might also like