Professional Documents
Culture Documents
Basic Counseling (Filipino Version)
Basic Counseling (Filipino Version)
NG PAGTULONG
(BASIC COUNSELING SKILLS)
I. KASANAYAN SA PAKIKINIG
Ito ang pinaka payak na pundasyon sa lahat ng mga pag-
uusap o pakikipanayan, simple man o malalim na
pakikipanayam, o anumang uri ng pagtulong.
A. Marubdob na
pakikinig
Mga pamamaraan ng
marubdob na
pakikinig
1. ugnayang mata sa
mata habang nakikinig
2. Angpagitan ng
tumutulong sa
tinulungan ay 3
talampakan ang
layo sa isa’t-isa.
3. Paraan ng pagkakaupo sa harap
ng tinulungan
-Banayad na nakayuko sa isang
relax na posisyon
4. Ang mga tinulungan
(helpee/counselee) may madalas na
nakikipagtalastasan sa pamamagitan ng
mga kilos o galaw ng anumang bahagi ng
katawan (kamay, mata, balikat, mukha).
5. Nakakarelate sa sinasabi ng tinutulungan
(Ipaalam sa kausap na nakukuha mo ang ibig
niyang sabihin)
**(Gets kita dyan)
Ang epekto ng marubdob na pakikinig sa isang
tinutulungan (helpee/counselee) ay upang
mahikayat ito na magsalita o magpahayag ng
kanyang mga saloobin o nararamdaman ng may
kalayaan.
GABAY SA EPEKTIBONG MARUBDOB NA
PAKIKINIG
1. Tingnan ng mata-sa-mata ang tinutulungan
habang nag-uusap.
2. Panatilihin ang natural at relax na payukong
posisyon na nagpapakita ng interes sa
pakikinig sa kausap
…GABAY SA EPEKTIBONG MARUBDOB NA PAKIKINIG
3. Gumamit ng natural na kilos upang ipahayag
ang nais na mensahe sa kausap
4. Ipahayag sa kausap na nakakarelate ka sa
kanyang sinasabi, nang walang anumang
tanong, pagsansala habang nagsasalita siya at
walang pagbabago na paksa, habang nag
uusap.
B. Paraphrasing- pagpapaiksi ng mahabang
pangungusap na sinasabi ng tinutulungan, na hindi
nababawasan ang mensaheng ibig iparating.