You are on page 1of 1

Intro to Prominent Writers and Works

Ang panitikan ng Pilipinas sa panahon ng Amerikano ay pinasimulan ng dalawang mahahalagang


pagbabago sa edukasyon at kultura. Ang isa ay ang pagpapatupad ng libreng pampublikong pag-aaral
para sa lahat ng mga bata sa edad ng pag-aaral at pangalawa ang paggamit ng Ingles bilang isang paraan
ng edukasyon sa lahat ng mga yugto ng edukasyon sa pampublikong paaralan.

Naging mayaman at sari sari ang naging tema ng panitikan sa panahon ng amerikano. Nariyan
ang oda, na isang uri ng tulang inaawit, pumupuri at naglalarawan sa isang tao.

Oda- isang mahabàng tulang liriko na nagpapahayag ng matayog at masidhing damdamin hinggil
sa isang tao, bagay, o pangyayari.

Ginamit rin ng mga "Thomasites" ang fairy tale, upang isama sa kanilang pagtuturo.

Fairy tales- ay isang kwento, na madalas na inilaan para sa mga bata, na nagtatampok ng mga
mapanlikha at kamangha-manghang mga karakter tulad ng mga duwende, goblin, wizard, at iba pa.

Ngunit ang pangunahing panitikan sa panahong ito ay ang dula. Karaniwan sa mga ito ay
tumatalakay sa pamumuhay ng mga tao, mga isyung panlipunan, pag-ibig at iba pa, na karaniwa'y
dinadaan sa sayaw, awitin, at drama. Naging prominente ang Sarsuwela bago pa man dumating ang mga
Amerikano at ito'y natabunan ng bodabil na isang uri ng dula na puro aliwan, sayawan at musika ang
itinatanghal.

Sarsuwela- isang dulang may kantahan at sayawan, na mayroong isa hanggang limang kabanata, at
nagpakita ng mga sitwasyon ng Pilipino na may kinalaman sa mga kuwento ng pag-ibig at
kontemporaryong isyu.

Bodabil- ay tumutukoy sa mgateatrong pagtatanghal na nagtataglay ng samu't saring musikal at


katatawanan napalabas, skit at monolog, mga akrobatik na bilang, solos at chorus lines

Dala rin ng mga Amerikano ang pelikula sa bansa, ngunit nag-umpisa ito sa mga artistang
gumagalaw lamang at nagsasalitang walang tinig (silent films); unti-unting naisantabi pansamantala ang
dulang panteatro sa bansa dahil sa nakahiligan na ng mga Pilipino ang panonood ng pelikulang-tahimik.

Sa panahong ding ito isinilang ang mga ilang imortal na makatang Pilipino na nagsisulat sa Ingles
at Tagalog.

You might also like