You are on page 1of 1

ANO ANG SARSUWELA?

Ang sarsuwela ay isang dulang may kantahan at sayawan, na


mayroong isa hanggang limang kabanata, at nagpakita ng mga
sitwasyon ng Pilipino na may kinalaman sa mga kuwento ng pag-ibig at
kontemporaryong isyu. Ang sarsuwela ay impluwensiya ng mga Kastila.
Kung ihahalintulad natin ang sarsuwela sa isang realistikong dula, ito ay
walang gaanong kaibahan, kaya lamang ang ibang linya sa sarsuwela ay
kadalasang kinakanta at patula ang dialogo nito. Kadalasan ang
sarsuwela ay nagtatapos palagi sa masayang pagwawakas, kasiyahan o
nakakaaliw na tagpo. Ang tunggalian nang sarsuwela ay pahaplis at
pahapyaw lamang. Ito ay ipinangalan sa la Zarzuela ng Espanya.

SINO SINO ANG MGA TAUHAN?


Iskrip, actor, tanghalan, director, manonood, at eksena

ILAHAD ANG BOUD NG SARSWELANG WALANG


SUGAT.
Ang kuwento ng "Walang Sugat" ay tungkol sa pag-iibigan sa gitna
ng digmaan. Ito ay tungkol sa pag-iibigang Julia at Tenyong na sinubok
ng pagkakataon dulot ng pananakop ng mga Kastila. Napagkamalang
rebelde ang tatay ni Tenyong kaya ikinulong at pinatay.Dahil dito
sumumpang maghigante is Tenyong at naging rebelde kahit ayaw ni
Julia. Sa huli ay sinuportahan na rin ito ni Julia at nagsumpaan pa rin
silang mag-iibigan. Akala ni Julia ay patay na si Tenyong kaya pumayag
na lang magpakasal kay Miguel ngunit biglang dumating si Tenyong sa
araw ng kasal na puno ng sugat at agaw-buhay. Hiniling ni Tenyong na
ikasal siya kay Julia bilang bahagi ng kanyang huling kahilingan dahil siya
ay mamamatay na. Pumayag naman si Miguel dahil mamamatay din
naman si Tenyong ngunit pagkatapos ng kasal ay biglang tumayo si
Tenyong. Nagsigawan ang mga nakakita "Walang sugat! Walang sugat!"

You might also like