You are on page 1of 5

Teoryang Ginamit

Sosyolohikal

Sinusuri nito kungg anong klaseng lipunan ang mayroon sa panahong sangkot sa dula.
Kadalasan, salamin ng nagaganap sa kapaligiranang nangyayari sa mga tauahan sa dula.

Arkitaypal

Ang mga tauhan, bagay, at kaganapan aymay kanya-kanyang sinisimblo na kapag sinuri ay
naglalarawan ng kalagayan ng Pilipinas sa ilalim ng kolonyal na pananakop ng mga
Amerikano.

Tanikalang Ginto

Isang dula na nagpapakita ng nationalismo at di pagsang-ayon sa kanilang pamamahala. Tulad


nga ng naturan, sa dulang ito makikita ang mga tagong mensahe ukol sa pagmamahal sa bayan.
May Akda

Si Juan Abad ay isang makabayang mamamahayag at mandudula. Naging mahalaga siyá sa


teatrong Filipino dahil sa kaniyang mga patriyotikong dula na Ang Tanikalang Guinto at Isang
Punglo ng Kaaway.

Isinilang siyá noong 8 Pebrero 1872 sa Sampaloc, Maynila kina Ambrosio Abad, isang
bookbinder, at Bonifacia Domingo. Ang kaniyang unang dulang Suenos dela mala fortuna ay
itinanghal sa Dulaang Arevalo sa Sampaloc noong 1895, noong siya ay 23 taóng gulang.
Kompositor siyá sa isang palimbagan ng mga Heswita nang magsimula ang Himagsikang 1896.

Noong 1898, naging kasapi siyá ng La Independencia sa Malolos, Bulacan at ng La Republica


Filipina sa San Fernando, Pampanga. Bago matapos ang 1899, bumalik siyá sa Maynila, at
naging kasapi ng Ang Kapatid ng Bayan. Noong 30 Disyembre 1899, kasáma sina Jose Palma,
Faustino Salomon, Emilio Reyes, at Felipe Mendoza, inilathala niya ang Laong-Laan. Siyá at
si Palma ay inaresto nang lumabas ang Laong-Laan. Pinalaya rin silá at isinailalim sa
probasyon.

Nagsulat muli si Abad ng dula. Binuo niya, kasáma sina Mariano Sequera at Honorio Lopez,
ang organisasyong La Juventud Filipina na naglayong paunlarin ang patriyotikong drama at
kontrahin ang komedya. Inimbestigahan ang ilang miyembro ng Juventud, kasáma si Abad na
inaresto rin dahil sa hindi nitó pagsasagawa ng oath of allegiance sa Estados Unidos. Ipinatapón
siyá sa Olongapo kasáma si Honorio Lopez. Ang mga naging karanasan niya sa Olongapo ang
naging materyales sa kaniyang Manila-Olongapo na itinanghal sa Teatro Zorrilla noong Hunyo
1901.

Noong 7 Hulyo 1902, umani ng papuri at pagkilála si Abad dahil sa matagumpay na


pagtatanghal ng kaniyang Ang Tanikalang Guinto sa Teatro Libertad. Noong 10 Mayo 1903,
nang itanghal ito sa Batangas, inakusahan siyá ng sedisyon. Nahatulan si Abad ng dalawang
taóng pagkabilanggo at minultahan ng dalawang libong dolyar. Nang makapagpiyansa, at
hábang naghihintay ng desisyon sa kaniyang kaso, isinulat niya ang Ang Punglo ng Kaaway
na itinanghal sa Teatro Rizal, Malabon noong 8 Mayo 1904. Muli siyáng dinakip. Nailathala
lámang niya ang Ang Tanikalang Guinto noong 1907. Naging editor siyá ng Araw, ang
diyornal ng Legionarios del Trabajo, at noong 1928 ay ipinadalá sa China para sa isang misyon.
Ilang kaibigang Chinese ang nag-imbitang muli sa kaniya sa China. Hindi na siyá nakauwi
dahil nagkaroon ng problema sa kaniyang pasaporte. Namatay siyá noong 24 Disyembre 1932
sa Xiamen.
Buod

Nag-umpisa ang dula sa isang monologo ng isa sa pangunahing tauhan na si Liwanag. Si


Liwanag ay nalilito sa kung ano ang gagawin; pakasalan ang nag-iisang mahal na si K’ulayaw
o ang pagtanaw ng utang na loob sa kanyang amain na si Maimbot. Hindi nais ni Maimbot na
magpakasal si Liwanag kay K’ulayaw nais niyang makasama at pagsilbihan siya ni Liwanag
hanggang siya ay sumakabilang buhay. Binigyan ni K’ulayaw si Liwanag ng panyong galing
sa kanyang ina na si Dalita bilang patunay ng kanilang pagmamahalan. Isinumbong ito kay
Maimbot ng kanyang alipin na si Nagtapon. Dahil dito, inatasan niya si Nagtapon na bantayan
at pagbawalan ang pagkikita ng dalawa. Ginawa ni Maimbot ang lahat ng kanyang makakaya
upang hadlangan ang pag-iibigan ng dalawa. Binigyan niya si Liwanag ng tanikalang ginto at
pinangakuan ng marami pang kasaganahan sa buhay upang makuha ang hiling niyang ampunin
si Liwanag. Ang tanikalang ginto ang nagsilbing isang kontrata na pinanghahawakan ni
Maimbot kay Liwanag. Subalit nanaig ang kagustuhan ni Liwanang na sumama at magpakasal
kay K’ulayaw. Dahil dito nauwi sa marahas na paraan ang pagpupumilit ni Maimbot. Sa huli’y
si Nagtapon din ang nakapatay sa sariling kapatid.

MGA TAUHAN

Liwanag

K’ulayaw

Maimbot

Nagtapon

Dalita

Diwa
TANIKALANG GINTO
Juan Abad

Ipinasa ni:

Jinky Caole

BSA 2E

Ipinasa para kay:

G. Jayson D. Santos

You might also like