You are on page 1of 8

Tanikalang Ginto

NI JUAN ABAD
Buod
 Si Liwanag ay nalilito sa kung ano ang gagawin : pakasalan ang nag-iisang mahal na si
K’ulayaw o ang pagtanaw ng utang na loob sa kanyang amain na si Maimbot. Hindi nais
ni Maimbot na magpakasal si Liwanag kay K’ulayaw nais niyang makasama at
pagsilbihan siya ni Liwanag hanggang siya ay sumakabilang buhay. Inatasan niya si
Nagtapon, ang kanyang alipin na bantayan at pagbawalan ang pagkikita ng dalawa.
Ginawa ni Maimbot ang lahat ng kanyang makakaya upang hadlangan ang pag-iibigan
ng dalawa. Binigyan niya si Liwanag ng Tanikalang ginto at pinangakuan ng marami
pang kasaganahan sa buhay upang makuha ang hiling niyang ampunin si Liwanag. Ang
tanikalang ginto ang nagsilbing isang kontrata na pinanghahawakan ni Maimbot kay
Liwanag. Subalit nanaig ang kagustuhan ni Liwanang na sumama at magpakasal kay
K’ulayaw. Dahil dito nauwi sa marahas na paraan ang pagpupumilit ni Maimbot. Sa
huli’y si Nagtapon din ang nakapatay sa sariling kapatid.
Tauhan

 K’ulayaw - Pangunahaing Tauhan, Kasintahan ni Liwanag


 Liwanag – Kasintahan ni K’ulayaw at anak-anakan ni Maimbot.
 Maimbot – Amain ni Liwanag
 Nagtapon – Kapatid ni Maimbot
 Diwa – Kaibigan ni Liwanag
Thema

 Ang Thema ng Tanikalamg Ginto ay Nationalismo. Ang kwento ay


umiikot sa kalayaan at pag-ibig. Ginawa ni Juan Abad ang mga
tauhan sa kwento na naging simbolo ng pagiging nationalismo.
Sinulat niya ito sa nationalismong paraan ng pag papakita kung
paano tayo sinakop ng mga amerikano at kung gaano natin
gustong makalaya sa kanila para sa ating bayan.
Simbolo ng mga tauhan

 K’ulayaw – Sumisimbolo sa rebolusyon laban sa mga Amerikano.


 Liwanag – Sumisimbolo sa Kalayaan
 Maimbot – Sumisimbolo sa mga Amerikano
 Nagtapon – Sumisimbolo sa mga nagtaksil sa bayan at sa mga
alipin ng mga Amerikano
Simbolo

 Tanikalang Guinto (Ginto) – Sumisimbolo sa mga pangako ng mga


Amerikano na Demokrasya at karangyaan.
 Kasalan nina K’ulayaw at Liwanag – Sumisimbolo sa Kalayaan.
Mahalagang Aral

 Pinakita ng kwento na ang Tunay na pag-ibig ay kayang hamakin


ang lahat. Ang pagmamahal ni K’Ulayaw kay Liwanag kahit na
nawala ng saglit ang pagmamahal ni Liwanag sa kanya ay minahal
niya pa rin si Liwanag hanggang sa huli ng kaniyang hininga.
Katulad ng kagustuhan ng may akda na si Juan Abad na ipakita sa
mga mambabasang Pilipino, kung mahal mo talaga ang iyong
bansa hindi ka mawawalam ng pag-asa at lakas ng loob na
ipaglaban ang kalayaan ng minamahal mong bansa.
Salamat po! 😀

You might also like