You are on page 1of 13

KABANATA X KAYAMANAN

AT KAGUSTUHAN

BALIK ARAL: TUNGKOL SAAN ANG ATING


PINAGARALAN KAHAPON?

SINU-SNIO ANG MGA PILATO


Pagganyak:

“HULABIRA”
Mekaniks: Pumili ng isang kagrupong
magaling maglarawan. Mabibigyan ng
isang minuto upang ilarawan ang mga
bagay na nabunot gamit lamang ang
pagkilos ngunit walang pagsasalita
habang hinuhulaan naman ng kanilang
kapangkat.
Paghawan ng sagabal:

“PINAGYAMANG SALITA”
Mekaniks: Magbibigay ng manila paper ang guro. Sa
manila paper ay matatalinghagang salita at para
masagutan ito magbibigay ng clue ang guro at mag-
uunahan sa pagsulat sa sagot pagpaskil sa pisara.
1. Indulhensya- Kapatawaran
2. 2. Nag-aalangan- Nagdududa
3. Umaalipusta- Lumalait
4. Nangingislap ang mata- Umaasa
5. Mataas na pagtingin-
Iginagalang
Paglalahad:
1. Batay sa isinagawang laro ano ang inyong
napansin at anu-ano ang mga bagay na
ipinakita ng larawan?
2. Ano naman ang nahihinuha ninyo sa pag-
aaralan natin ngayong umaga?
Pagtalakay:
1. Anong alahas ang sinabi ni sinang na maaaring
ipagpalit ni Kabesang tales?
2. Nagkaroon ba ng interes si Kabesang tales sa
mga alahas ni Simoun? Nagkaroon din ba ng
interes si Simoun sa relikaryo ni Maria Clara na
hawak ni Kabesang Tales
Pangkatang Gawain:

Panuto ang unang pangkat ay magsasadula na


ang tema ay tungkol sa kahirapan, ang
pangalawang pangkat naman ay gumawa ng
awit na nagpapakita ng pagkakaiba ng mahirap
at mayaman lapatan din ito ng tono.
Pamantayan
Nilalaman- 35%
Pagkamailikhain-30%
Presentasyon- 20%
Dating sa Madla-15%
Kabuuan- 100%
Paglalapat:
1. Ano ang nais iparating ni Rizal sa inyong isipan?

Paglalahat: Paano ipinakita ni Rizal ang pagkakaiba ng


mahirap at mayaman.
Pagtataya:
Para naman makita ko kung talagang may natutunan
kayo ngayong arw maglabas ng sangkapat na papel
at sagutan ang sumusunod:
1.Sa kabesa nakipanuluyan si Simoun sapagkat ang
bahay nito ay malaki at nsa pagitan ng dalawang
bayan- tama
2. Ipinarangalan ni Simoun kay Kabesang Tales ang
kanyang baril upang matamo ang layunin ng kabesa-
mali
3. Nagulo ang kalooban ni Kabesang tales tungkol sa
relikaryo ng sabihin ni Simoun na maaari nya itong
ipagpalit sa kahit na ano-tama
4. Naisip ni kabesang Tales na isang alahas lamang ni
simoun ay maaari ng malutas ang kanyang suliranin-
tama
5. Pinili ni kabesang Tales na nakawain ang rebolber ni
Simoun-tama
Takdang aralin:
Para sa takdang aralin basahin at unawain ang tugkol
sa kabanata 11 na pinamagatang “Los Banos”
At sagutin ang sumusonod:
1. Bakit mahalaga sa kapitan Heneral ang makahuli
ng usa?
2. Ano ang maaaring mangyari sa Gobernadorcill at
Cabesa de barangay kung hindi makahuli ng usa
ang kapitan heneral?
3. Ilahad ang pagtatalo sa sugal nina padre Irene at
Padre Salvi.

You might also like