You are on page 1of 28

Panuto:Isenyas sa pamamagitran ng kamay ang logo

ng MCDO kung nagpapakita ng magandang


pakikitungo sa kapwa at logo ng PIZZA HUT kung
hindi.
1.”E ano kung anak ka ng aming kasambahay?
Basta ikaw ang bestfriend ko! “
2. “ Nakakahiyang katabi si Mara.Lumang-luma
ang suot.Baka isipin ng iba na kaibigan ko siya
3.“Hoy,tumabi ka nga! Daraan ako.”
4.” Dito ka sa tabi ko. Share tayo sa aklat ko.”
5.”Sori, natapakan kita.Hindi ko sinasadya.”
Panuto: Itaas ang puting kamay kung Opinyon at kayumangging
kamay kung Katotohanan ang mga pahayag sa ibaba.

1. Ang pambansang watawat ng Pilipinas ay may


kulay bughaw, pula, puti, at dilaw.
2. Sabado ang pinakamasayang araw para
sa akin.
3. Karapatan ng bawat batang Pilipino ang
makapag-aral.
4. Ang Bulkang Mayon ay may halos perpektong kono.
5. Ang asignaturang Math ay mahirap intindihin.
• Video clip para sa pagganyak, Unilab commercial Kevin the artist
Bigyang kahulugan ang mga salitang
may salungguhit sa pangungusap.
1.Ang alibughang si Lito ay naubos ang
pera sa pagsusugal.
Sagot : mapagwaldas,walang habas
na paggasta
2.Ang suwail na anak ay napahamak
dahil hindi sinunod ang payo ng
kanyang magulang.
Sagot: matigas ang ulo
3.Walang habas ang kanyang paggasta
kaya madaling naubos ang pera niya.
Sagot: malabis
4.Naging marangya ang kanyang
pamumuhay dahil sa kanyang sipag.
Sagot: magarbo
5.Siya ang nagwaldas ng malaking
pera kaya siya nakulong.
Sagot: nag-ubos
ANG ALIBUGHANG ANAK
Isang mayamang ama ang
may dalawang anak. Ang bunsong
anak ay nagsabi sa ama ng ganito,
“Ama ibigay mo na sa akin ang aking
mana”
Hinati ng ama ang kanyang kabuhayan.
Ibinigay ang 50 porsiyento ng kanyang
kayamanan sa bunsong anak. Wala
siyang magawa sa matigas na loob ng anak.
Ano ang masasabi mo sa ginawa
ng bunsong anak nang hingin
niya ang kanyang mana sa
kanyang ama?
Bakit ibinigay ng ama ang hinihi-
ngi ng bunsong anak?
Nang makuha ng bunsong anak ang
kanyang mana, naglayas siya,buhat sa
Silangan ay naglakbay siya ng malayo
patungo sa Timog na bahagi ng lugar.
Doon ay ginasta nang walang habas sa
rangya at luho ang kanyang mana
nang maubos ang kanyang minana, nagkaroon ng
taghirap sa pinuntahang lugar.Lumipat siya sa
bahaging Kanluran,ngunit sadyang mailap ang
kapalaran.Wala na ni isang kusing na natira sa
kanyang mana.
Ang bunsong anak ay namasukan bilang
tagapagpakain ng mga baboy at nakaranas ng hirap.
Kung minsan ang mga tirang pagkain ng baboy ang
kanyang kinakain. Para siyang pulubi. Gusgusin ang
Naalala niyang sa bahay ng
kanyang ama ay napakasarap ng
kanyang kinakain, pati na rin ang
mga alipin. Nagpasya siyang
bumalik.
Humingi siya ng tawad,
‘‘ Ako’y ‘di karapat dapat bilang iyong
anak. Ama, gawin mo na lang akong
alipin”.
Subalit inutusan ng ama ang kanyang
mga tagapamahala, “Kumuha ng magan-
dang damit at bihisan ang aking anak.
Lagyan ng singsing ang kanyang daliri.
Katayin ang pinakamalusog na baka.
Ipagdiwang natin ang kanyang pagdating
Batay sa ginawang pagbalik ng
bunsong anak,ano ang nais
nitong ipahiwatig?
Paano naipakita ng ama ang
kanyang kasiyahan sa pagbalik
ng bunsong anak?
Nang dumating ang panganay na anak
mula sa bukid, nagtaka siya sa ginawa ng
kanyang ama. Sinabi niya sa kanyang
ama, “ Ako ama ay hindi sumuway sa mga
utos mo sa lahat ng pagkakataon, pinag-
silbihan kita. Ngayon na dumating ang
anak na naging suwail sa iyo, nagwaldas
ng iyong mga ipinamana, ipinaghanda mo
pa siya nang marangya !!”.
Nagpaliwanag ang Ama, ipinagdiriwang
natin ang pagdating ng iyong kapatid dahil
siya ay namatay at muling nabuhay!
Nawala na siya ngunit ngayo’y muling
nagbalik! Nararapat lang na tayo ay
magsaya at magdiwang!”.
Ano ang kahulugan ng sinabi at
ikinilos ng panganay na anak sa
ginawang pagsalubong ng ama
sa kanyang bunsong kapatid?
Paano mo bibigyang kahulugan
ang sinabi ng ama na ang iyong
kapatid ay namatay at muling
nabuhay?Anong damdamin ang
nakapaloob dito?
1.Wasto ba na humingi ng tawad ang
anak sa ama?
2.Anong kahalintulad na kasalanan ang
nagawa mo sa iyong magulang?Ano ang
ginawa ng magulang mo?Bakit kaya niya
ito ginawa?

3.Kung nakagawa ka ng kasalanan sa


iyong kapwa?
Paano mo ipinapakita ang iyong pagsisisi
Bigyang kahulugan ang kilos ng mga tauhan
batay sa kanilang ikinilos at sinalita.
BUNSONG PANGANAY
AMA
ANAK
“Ama ibigay mo na sa Ibinigay ang kalahati ng Hindi iniwan ang ama
akin ang aking mana”. kayamanan sa bunsong at patuloy na
anak. nagtrabaho sa bukid
Winaldas ang lahat ng
pera sa luho at sugal. Sinalubong ng yakap Ako ama ay hindi
ang busong anak nang sumuway sa mga utos mo,
‘ Ako’y ‘di karapat dapat siya’y magbalik. pinagsilbihan kita. Ngayon,
bilang iyong anak. Ama, na dumating ang anak na
gawin mo na lang akong Ipinaghanda ng naging suwail sa iyo,
alipin”. marangya ang ipinaghanda mo pa siya
pagbabalik ng anak. nang marangya!”.
Pangkatang Gawain
Pangkat I- – Bigyang kahulugan
ang kilos na isinasaad sa bawat
bilang.Bilugan ang titik ng tamang
sagot.
Pangkat II – Gumawa ng maikling
dula-dulaan na ngpapakita ng
pagmamahal sa magulang.Ilara-
wan ang katangian ng bawat
tauhan.
Pangkat III- Pagtukoy sa
damdaming namamayani batay
sa pangyayaring nakalahad.

Pangkat IV- Pagbibigay kahulugan


sa kilos ng tauhan na nakasaad
sa larawan.
Paano malalaman ang
kahulugan ng kilos ng isang
tauhan sa kuwento?
Ang kahulugan ng kilos o
damdamin ng tauhan ay natutu-
koy sa pamamagitan ng mga
salitang ipinahayag o kilos na
isinagawa kaugnay ng isang
sitwasyon.
Video sa paglalapat “ pitaka”
1.Paano mo ilalarawan ang ikinilos ng
kuya sa simula ng kuwento?
2.Ano ang masasabi mo sa katangian
ng nakababatang kapatid sa
kuwento?
3.Bakit di pinansin ng kuya ang
nakababatang kapatid ng ihabol
nito ang baong pagkain?
4.Paano ginantihan ng nakababatang
kapatid ang ginawa ng kanyang kuya?
Ano ang kahulugan ng kanyang mga
ikinilos at sinabi ?
Ibigay ang kahulugan ng ikinikilos ng
tauhan sa bawat sitwasyon.Pumili ng
tamang sagot sa kahon.
nagagalit nag-aalala natutuwa
naiirita tumututol
1.”Owww! Ang sakit sa tainga.Ano iyon?”
2.” Huwag naman.”
3.Natanggal ako sa trabaho.Paano na
tayo?”
nagagalit nag-aalala natutuwa
naiirita tumututol

4. Bwisit! Lumayo ka nga sa akin.


5.“Salamat sa ibinigay mong regalo!”
Takdang Aralin:
Sumulat ng isang maikling talata
tungkol sa kung paano maipapakita
ang pagmamahal sa magulang.

You might also like