You are on page 1of 7

Nagpatuloy si Hesus, “May isang ama na may dalawang anak na

lalaki. Sabi ng nakababatang anak sa kaniyang ama, ‘Ama, ibigay mo na


sa akin ang parte ko sa iyong kabuhayan.’ Kaya hinati ng ama ang
kaniyang kabuhayan sa pagitan ng kaniyang dalawang anak.

“Pagkaraang makuha ng nakababatang anak ang parte niya sa


kanilang kabuhayan,naglayas ito papunta sa malayong bayan at
winaldas ang kaniyang salapi sa magarbong pamumuhay. Ngunit nang
maubos na ang kaniyang kayamanan, saka naman dumanas ng
matinding taggutom ang buong bayan at wala siyang mapagkunan ng
pagkain. Kaya ipinirisinta niya ang sarili bilang utusan sa isang
mamamayan.
19
Ipinadala siya nito sa bukid upang magpakain ng baboy.
Gustong-gusto niyang lamnan ang kaniyang sikmura ng gulay na
ipinakakain sa mga baboy, ngunit walang magbigay sa kaniya ng kahit
ano.

Nang makapag-isip-isip, nasabi niya sa sarili: “Gaano karami sa


mga utusan ng aking ama ang may sobrang pagkain, samantalang
heto ako at namamatay sa gutom! Babalik ako sa aking ama at
sasabihin ko sa kaniya, ‘Ama, nagkasala ako sa iyo at sa langit. Hindi
na ako karapat-dapat tawaging iyong anak, gawin mo na lang akong
tulad sa iyong mga utusan.” At umuwi siya sa kaniyang ama.

Malayo pa sa tahanan ng kaniyang ama ay namataan na siya nito


at ang ama’y napuno ng habag para sa kaniyang anak. Patakbong
sinalubong ng ama ang kaniyang anak at niyakap nang mahigpit at
hinagkan.

20
At sinabi ng anak sa kaniyang ama,’Ama, nagkasala ako sa langit
at sa iyo. Hindi na ako karapat-dapat tawaging iyong anak.’

Ngunit sabi ng ama sa kaniyang mga utusan, ‘Dali! Dalhin dito ang
pinakamagandang roba at isuot sa kaniya. Suotan niyo rin ng sngsing
ang kaniyang daliri at sandalyas ang kaniyang mga paa. Dalhin dito
ang pinakamatabang baka at katayin. Maghahanda tayo ng piging at
magdiriwang. Dahil patay na ang anak kong ito at ngayon ay muli
siyang nabuhay. Nawaglit siya at muling natagpuan.’ At sila nga ay
nagdiwang.

Samantala, nasa bukid ang panganay na anak. Nang bumalik siya


sa bahay, malayo pa ay narinig na niya ang musika at nakita ang
sayawan. Kaya tinawag niya ang isang utusan at tinanong kung ano
ang nangyayari. ‘Bumalik po ang inyong kapatid.’ sagot ng utusan.
21
‘At ipinakatay ng inyong ama ang pinakamatabang baka dahil nakauwi
ang inyong kapatid nang ligtas at maayos.’
“Ikinagalit ito ng nakatatandang kapatid at tumanggi siyang pumasok
sa bahay. Kaya ang ama ang lumabas at nakiusap sa kaniya. Ngunit
sumbat niya: “Tingnan mo, lahat ng panahong ito, nagpapakaalipin ako
sa iyo at hindi kailanman nilabag ang iyong mga kautusan. Pero
kailanman ay hindi mo ako binigyan kahit isang batang kambing para
makapagdiwang ako kasama ng aking mga kaibigan. Pero nang umuwi
dito ang anak mong iyan, siya na nagwaldas sa iyong salapi sa piling ng
mga puta, kinatay mo ang pinakamatabang baka para sa kaniya!”
“Anak’, sabi ng ama, ‘palagi kang nasa piling ko at iyo ang lahat ng
mayroon ako. Ngunit dapat tayong magdiwang at magsaya, dahil patay
na ang kapatid mong ito at siya ay muling nabuhay; nawaglit siya at
muling natagpuan.”
Salin ng “The Parable of the Lost Sheep” mula sa mga berso sa New King James
Version (NKJV). Karapatang-ari 1982 ni Thomas Nelson. Ginamit nang may
pahintulot. Reserbado ang lahat ng Karapatan.

22
Mahahalagang Kaisipan:
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang katangian ng ama sa binasang parabula?


Ang ama ay isang mapagmahal na ama at napakasipag at mabait sa kaniyang pamilya.

2. Ano ang kinahinatnan ng nakababatang anak matapos niyang kunin ang


kaniyang parte sa kanilang kabuhayan?
Ang kinalabasan ng anak na nakibahagi sa kanyang kabutihan ay naging isang iginagalang
na tao sa kanyang kabuhayan
.

23
3. Paano ang naging pagtanggap ng ama nang makitang bumalik na
ang kaniyang nakababatang anak? Makatuwiran ba ang kaniyang
ginawa? Bakit?
Ito ay may katuturan dahil kung ako ang ama ay magugulit din akong na makitaang aking anak
na bumalik bilang isang matalinong binata pagkatapos ng ilang buwan ko sya hindi nakita.

.
4. Ano ang naging reaksiyon ng nakatatandang kapatid sa ginawang
pagtanggap ng ama sa kaniyang nakababatang kapatid? Ano ang
magiging reaksiyon mo kung ikaw ang nasa kalagayan ng
nakatatandang kapatid?
Ganoon din ang magiging reaksyon ko kay kuya dahil magugulat ako.

.
24
5. Ano ang aral na mapupulot mo mula sa parabula?
Huwag kailanman i-take for granted ang mga bagay

25

You might also like