You are on page 1of 2

CTSR TEACHING MATERIAL G12 WIN MODULE (SALVATION) (5)

SUBJECT: APAT NA MAHAHALAGANG DESISYON SA BUHAY


DECISION #1: MAGSISI AT MAGBALIK LOOB
AIM: Na pagkatapos ng araling ito ay napagtanto ng tinuturuan na siya
ay nagsasarili at malayo sa Diyos dahil sa kasalanan. Gayundin, ay
kanyang naunawaan na kailangan niyang magbalik-loob upang
umayos ang kanyang buhay at umayon sa nais ng Diyos.

TITLE: MAGSISI AT MAGBALIK-LOOB SA DIYOS

METHOD: DISCOVERY METHOD


SCRIPTURE; LUKAS 15:11-24 – Sinabi pa ni Jesus, Isang tao ang may dalawang anak
na lalaki. Ang wika ng bunso, ‘Ama ibigay nap o ninyo sa akin ang mamanahin ko.’ At
binahagi sa kanila ng ama ang kanyang ari-arian. Pagkatapos ng ilang araw, ipinagbili
ng bunso ang kanyang ari-arian at nagtungo sa malayong lupain, taglay ang buo niyang
kayamanan, at doo’y nilustay na lahat sa ‘di wastong pamumuhay.
Nang malustay na niya ang kanyang kayamanan, nagkaroon ng matinding taggutom sa
lupaing yaon, at nagdalita siya. Kaya’t namasukan siya sa isang mamamayan sa
lupaing yaon. Siya’y pinapunta nito sa bukid upang mag-alaga ng baboy.
Ibig sana niyang punan ang kanyang pagkain kahit ng mga bugang-kahoy na ipinaka-
kain sa mga baboy ngunit walang magbigay sa kanya.
Nang mapag isip-isip niya ang kanyang ginawa, nasabi niya sa sarili: ‘Ang mga alila ng
aking ama ay may sapat na pagkain at lumalabis pa, samantalang ako’y namamatay
ng gutom dito! Babalik ako sa kanya, at sasabihin ko: ‘Ama, nagkasala po ako sa Diyos
at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawagin ninyong anak, ibilang na lamang
po ninyo akong isa sa inyong mga alila.’ At tumindig siya at pumaroon sa kanyang ama.

Malayo pa’y natanawan na siya ng kanyang ama at ito’y labis na nahabag sa kanya,
kaya’t patakbo siyang sinalubong, niyakap, at hinagkan. Sinabi ng anak: ‘Ama, nagka-
sala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawagin ninyong
anak.’ Ngunit tinawag ng ama ang kanyang mga alila, Madali! Dalhin dito ang pinaka-
mahusay na damit at isuot sa kanya. Suutan siya ng singsing at panyapak. Kunin ang
pinatabang guya at patayin, ‘Kumain tayo at magsaya! Sapagkat namatay na ang anak
kong ito, ngunit muling nabuhay, nawala, ngunit nasumpungan’
At sila’y nagsaya.
(6)
BODY OF THE LESSON:

“ALIBUGHA” = walang pakundangan, walang utang na loob, taksil


“PAGSISISI” : ay ang pagkamulat at pagkakaunawa sa maling ginagawa o maling
direksyon ng pamumuhay kasabay pagpapasyang ibalik ito sa tama.

MGA KASALANAN NG ALIBUGHA.


1. Pinairal ang Sariling Kalooban... “akin na ang ganang akin”
2. Pagsasarili... “nagpakalayu-layo”
3. Pagwawalang-bahala.... “naglustay”
4. Pamumuhay sa Kasalanan... “sa masasamang gawain”

MGA BUNGA NG KASALANAN


1. Nakakaranas ng Kakulangan “hungkag o hindi panatag, may kulang”
2. Gumon o Lubog sa paghihirap, suliranin, panganagailangan, atbp.

MGA DAAN NG PAGSISISI


1. Pagkamulat sa Katotohanan “napag isip-isip niya”
2. Pagpapasya..... “babalik ako sa kanya”
3. Pagtupad sa pasya..... “at pumaroon sa kanyang ama”
4. Pagpapakumbaba... “hindi na po ako karapat-dapat”
5. Pag-ako ng Pagkakamali..... “nagkasala po ako”
6. Paghilng ng pagkakataon... “one more chance/ituring nang alipin”

PAGNINILAY-NILAY:
(Bigyang pagkakataon ang mga mag-aaral na magnilay-nilay sa kanilang
kalagayan sa harapan ng Diyos bago sila pangunahan sa panalangin ng
pagsisisi at pagbabalik-loob sa Panginoon)

You might also like