You are on page 1of 3

CTSR TEACHING MATERIALS G12 WIN MODULE (SALVATION) (11)

SUBJECT: APAT NA MAHAHALAGANG DESISYON SA BUHAY


DECISION #4: ANG MAHALIN AT PAGLINGKURAN SI JESUS
AIM: Na matapos maituro ang araling ito ay nalaman ang mga mag-aaral na
dapat nilang pag-ukulan ng pagmamahal ang Diyos nang malalim sa
kanilang mga puso, magdesisyong paglingkuran Siya sa hangganan
ng kanilang mga kakayahan at sa abot ng kanilang mga pagmamay-ari.

TITLE: BIGAY TODO KAY CRISTO


METHOD: DISCOVERY GROUP
SCRIPTURE:
Lukas 14:26 – Hindi maaaring maging alagad ko ang sinumang umiibig sa kanyang ama
at ina, asawa at mga anak, mga kapatid, at maging sa sarili niyang buhay nang higit
sa akin.
Juan 21:15-17 – Pagkakain nila, tinanong ni Jesus si Simon Pedro, “Simon, anak ni Juan,
Iniibig mo ba ako nang higit sa mga ito??” “Opo Panginoon, nalalaman ninyong
Iniibig ko kayo” tugon niya. Sinabi sa kanya ni Jesus, “Kung gayon pakainin mo ang
aking mga tupa.”
Muli siyang tinanong ni Jesus. “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?” Sumagot
si Pedro, “Opo Panginoon, alam po ninyong iniibig ko kayo.”
Sabi ni Jesus, “Alagaan mo ang aking mga tupa.”
Pangatlong ulit na tinanong siya ni Jesus, “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?”
Nalungkot si Pedro sapagkat tatlong beses na siyang tinanong ng
“Iniibig mo ba ako?” At sumagot siya, “Panginoon, alam po niyo ang lahat ng bagay;
Alam ninyong iniibig ko kayo.” Sinabi sa kanya ni Jesus. “Pakainin mo ang aking
Sinabi sa kanya ni Jesus. “Pakainin mo ang aking mga tupa”

LESSONS DRAWN:
1. Mataas na uri ng Pagmamahal ang hanap sa atin ni Jesus.
-na kung ikukumpara sa Malaking Pag-ibig natin sa ating mga kaanak ay manliliit
ito dahil sa Lubhang Napakalaki ng Pag-ibig na inaasahan niya mula sa atin.
(12)
2. Wagas at Dakila ang Pag-ibig na Inaasahan Niya mula sa Atin.
2.1 - Na Handa natin itong Panindigan.
-matatandaan na noong gabing inaresto si Jesus ay itinatwa’ ito ni Pedro
ng tatlong beses. Ito ang dahilan kung bakit tatlong beses din siyang
tinanong ni Jesus ng: “Iniibig mo ba ako”

2.2– Na Handa nating Iwan ang Lahat ng makaka-agaw sa Atin Mula sa Kanya.
-kaya niya tinanong si Pedro ng: “Iniibig mo ba ako ng higit sa mga ito”
*Naroroon ang Bangka..................... “dating pamumuhay”
*Naroroon ang Isda.......................... “ikinabubuhay”
*Naroon ang Pagkain........................ “mga pangangailangan ng laman”
Tanong: “Iniibig ba natin si Jesus nang higit sa lahat ng bagay?”

2.3– Na Handa nating Ibigay ang ating Oras o Panahon sa Paglilingkod.


-matatandaang nagsabi si Pedro na pupunta upang mangisda at sumama
sa kanya at sumama pa ang ibang apostol (Juan 21:1)
*iniwan ang paglilingkod at ‘di sadyang nakadamay ng ibang naglilingkod.

**”Pakainin/Alagaan mo ang aking mga tupa”


-Ito ay nagpapahiwatig ng:
*Walang sagabal na paglilingkod.......... “iwaksi ang sagabal”
*Walang pagsala na paglilingkod.......... “tuloy-tuloy, laging nandiyan”
*Walang sawa na paglilingkod.............. “laging Ganado”

2.4 – Na Handa nating Ialay at ipagamit sa Kanya ang ating mga Pag-aari,
Kaalaman at mga Kakayahan.
Marcos 1:17- Sumunod kayo sa akin at kayo’y gagawin kong
mamamalakaya ng tao.
1 Pedro 4:10 – Bilang mabuting katiwala ng iba’t-ibang kaloob ng Diyos,
Gamitin ninyo sa kapakinabangan ng lahat ang katangiang tinanggap
ng bawat isa,

Panalangin ng Pangako:
Panginoong Jesus, patawarin mo po ako sa mababaw na pag-ibig na iniukol ko
sa Iyo nitong nakaraang mga panahon ng aking buhay.
Pangako Panginoon, mamahalin kita ng ayon sa iyong inaasahan mula sa akin.
Mula sa oras na ito ipinangangako ko, maglilingkod ako sa iyo. Ibibigay ko ang
oras at panahon ko sa paglilingkod sa iyo pati na ang aking mga pag-aari at mga
kakayahan.

You might also like