You are on page 1of 1

Pag-uusig (Gawa 5:12-42)

BS 9

OBJECTIVE:
1. Upang magiging handa tayo sa ano mang maging pag-uusig na maranasan natin.
2. Upang maintindihan natin kung bakit tayo nakakaranas nap ag-uusig simula ng sinusunod natin
ang kalooban ng Diyos.
3. Ito’y magsisilbing gabay ng bagong Kristiyano kung papano haharapin ang mga pag-uusig na
maaring na pwedeng mararanasan.

INTRODUCTION:
Simula nang sumampalataya tayo sa Panginoong Jesus hindi natin maiiwasan na makakaranas tayo ng
mga pag-uusig na mula sa ating mga kapitbahay, kaibigan, o kaya sa mga kamag-anak o pamilya.
Nangyari na po ba ito sa inyo?

DISCUSSION:

(Gawa 5:12-42) - Maraming himalang ginawa ang mga apostol, na pawang nasaksihan ng mga tao.
Parami nang parami ang mga nananalig sa Panginoon. Dala ang kanilang mga maysakit at mga
pinapahirapan ng masasamang espiritu; at gumaling silang lahat.
Nainggit sa mga apostol ang pinakapunong pari at ang mga kasamahan niya. Dinakip nila ang mga
apostol at ibinilanggo. Ngunit binuksan ng isang anghel ng Panginoon ang bilangguan at inilabas ang
mga apostol. Nagtipon naman ang pinakapunong pari at ang kanyang mga kasamahan. Pagdating ng
isang taong ganito ang sabi, "Tingnan po ninyo, ang mga lalaking ipinakulong ninyo ay nagtuturo sa
mga tao." Kaya't isinama nila ang mga apostol. Siniyasat sila ng pinakapunong pari. Sinabi niya,
"Hindi ba't mahigpit namin kayong pinagbawalang mangaral sa pangalan ng Jesus na iyan? Ngunit
tingnan ninyo ang inyong ginawa! Laganap na sa Jerusalem ang inyong itinuturo.” Sumagot si Pedro
at ang ibang mga apostol, "Sa Diyos kami dapat sumunod, at hindi sa tao.” Nagngitngit sa galit ang
mga bumubuo ng Sanedrin nang marinig ito, at nais nilang ipapatay ang mga apostol. Pinapasok
nilang muli ang mga apostol, at matapos ipahagupit at pagbawalang mangaral sa pangalan ni Jesus,
ang mga ito'y pinalaya. Sila'y galak na galak sapagkat minarapat ng Diyos na sila'y magdanas ng
panlalait alangalang sa pangalan ni Jesus. At araw-araw, nagpupunta sila sa mga bahay-bahay upang
magturo at mangaral tungkol kay Jesus.

Magtanong
1. Sinu-sino ang tauhan kuwento?
2. Papaano pinag-usig ang mga apostol?
3. Ano ang posibleng nadarama ng mga tao sa kuwento?
4. Tumigil bas a pagsunod ang mga apostol kay Hesus dahil sa mga pag-uusig?
5. Anu-ano ang gustong ituro ng Dios sa atin sa kuwentong ito?

DADAG LINAW
Sabi ng 2 Timoteo 3:12 - Ang lahat ng nagnanais mamuhay nang matuwid bilang tagasunod ni Kristo
Hesus ay daranas ng mga pag-uusig.
1. Sinu-sino ang makakaranas ng mga pag-uusig, ayon sa 2 Timoteo 3:12?
2. Papaano kayo nakakaranas ng mga pag-uusig? At kung hindi ka nakakaranas ng pag-uusig, bakit
kaya?
3. Anong dapat nating gawin kung inuusig tayo?

Conclusion:

Ang Panginoon nangangako sa atin na kalianman ay hindi tayo iiwan lalo na sa oras ng pag-uusig. Kung
maging tapat lamang tayo sa kanya, kahit gaano man kabigat o hirap ang naging pag-uusig wag tayong
bibitaw….dahil mas dakila ang pangako ng “buhay na walang hanggan” kaysa 10 taon hanggang
40 taon na paghihirap natin sa mundo dahil sa pagsunod natin sa Panginoon.

You might also like