You are on page 1of 2

CTSR TEACHING MATERIALS G12 WIN MODULE (SALVATION) (9)

SUBJECT: APAT NA MAHAHALAGANG DESISYON SA BUHAY

DECISION #3: ANG HIGIT PANG MAKILALA SI JESUS

METHOD: GROUP SHARING

AIM: Na matutunan ng mga mag-aaral na kailangan nilang makilala si


Jesus ng higit pa at magpasya ang mga ito na magpatuloy sa
pagdalo at pag-aaral ng Salita.

SCRIPTURE:
Mateo 16:13-17 – Nang dumating si Jesus sa lupain ng Cesaria ng Filipos, tinanong
Niya ang kanyang mga alagad, “Ano ang sinasabi ng mga tao patungkol sa akin?”
At sumagot sila, “Ang sabi po ng ilan, kayo si Juan na Tagabautismo. Sabi po
naman ng iba, kayo si Elias. At may nagsasabi pang kayo si Jeremias, o isa sa mga
propeta”.
Tinanong ulit sila ni Jesus, “Ngunit para sa inyo, sino Ako?”
Sumagot si Simon Pedro, “Kayo po ang Cristo, ang anak ng Diyos na buhay.”
Sinabi sa kanya ni Jesus, “Mapalad ka Simon na anak ni Jonas! Sapagkat ang
Katotohanang ito’y hindi inihayag sa iyo ng sinumang tao kundi ng aking Ama
sa langit.

DELIVERY:
1. ANO ANG PAGKAKAKILALA NG MGA TAO KAY JESUS?
*Kinilala nila si Jesus bilang tao lang.
*Kinilala nila si Jesus na kapantay ng ibang lingkod ng Diyos.
(10)
2. TULAD NI PEDRO, AN0 DAPAT ANG PAGKAKAKILALA NATIN KAY JESUS?
*Siya si Cristo, -ang tagapamagitan sa Diyos at tao.
-ang ipinadala ng Diyos na Tagapagligtas.
-ang hahatol sa sangkatauhan.

*Siya ang Anak ng Diyos,


-galing sa langit, hindi tulad ng karaniwang tao.
-itinakdang tagapamahala ng Diyos.

PAANO NATIN MAKIKILALA SI JESUS NANG MAS HIGIT PA?


1. Magpatuloy sa pagdalo sa ganitong pagtitipon. (cell grouping)
Hebreo 10;25 – Huwag kaligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon gaya
ng ginawa ng ilan kundi palakasin ang loob ng isa’t isa lalo na ngayong
nalalapit na ang pagdating ng Panginoon
2. Magpatuloy sa pag-aaral ng kanyang mga Salita.
Roma 15:4 – Anumang nasa Kasulatan noon pang una ay nasulat sa
Ikatututo natin. Sapagkat lumalakas an gating loob at nagkakaroon ng
Pag-asa kapag binabasa natin ang mga aral na nakasulat dito.
3. Dumalo sa Kapulungan kung saan dumadalo ang inyong cell leader.
(Church attendance)

Tanong na dapat sagutin:


1. Nakatulong ba ang ating aralin ngayon para higit mong makilala si Jesus?
__________________________________________________________
2. Ano ngayon ang iyong pasya na makakatulong sa iyong paglago sa
Pananampalataya?
___________________________________________________________
3. Kaylan mo ito sisimulan?..
___________________________________________________________

You might also like