You are on page 1of 1

YOU DECIDE!

Acts 4:19
“But Peter and John replied, "Whether it is right before God to obey you rather than God, you
decide,”

Ang goal nating mga Kristiyano ay ang ibahagi ang pag-ibig at mensahe ni Hesukristo. Sina
Pedro at Juan ay dinakip, kinulong at nilitis, ngunit hindi ito isang masamang kapalaran para sa
kanila kundi isang dakilang pagkakataon. Pagkakataon na makita ng mga pinuno, mga
tagapagturo ng kautusan at ibang namamahala sa bayan ang kapangyarihan ng Dios sa buhay
nina Pedro at Juan. Sometimes our greatest trials are our greatest opportunities kung titingnan
lamang natin ang ating buhay bilang tunay na lingkod ni Kristo. Kung kailangan ba ni Kristo na
magsuffer tayo o kailangan makulong, willing at handa ba tayo magpatuloy sa paglilingkod
alang-alang sa ebanghelyo?
Buong tapat na ipinahayag nina Pedro at Juan ang mensahe ni Hesus, maging ang mga nang-
aakusa sa kanila ay hinamon nilang maniwala kay Hesus. Buo ang kanilang loob at nagdesisyon
na sumunod sa Dios, hindi sa tao kahit ano pa man ang maging kahihinatnan nito. Kaya naman
maging ang mga lider ng bayan ay namanha sa kanilang tapang at iyon ay dahil nakasama nila si
Hesus at napupuno sila ng Banal na Espiritu. Ang desisyon na iyon ang nagpalaya sa kanila.
Kalayaan sa pagsisikap na maplease ang kanilang mga lider, kalayaan mula sa opinyon ng tao,
kalayaan na mabuhay para lamang sa Dios.
The goal of our lives is to spread love and message of Jesus. Yes, it’s not that easy in this world
of unbelief, maraming accusers and judgemental. Hindi man natin nakasama si Hesus physically
pero nananahan sa atin ang Banal na Espiritu, kaya sa ating paglilingkod at pamumuhay bilang
Kristiyano, ang tanong ay, “Ano ang matuwid sa paningin ng Dios, sundin ang tao o ang mundo
sa halip na ang Dios?”, you decide.
Paano ba natin ipapamuhay ang misyon ng Dios ngayon? Are you free from trying to please
others?

Panalangin:
Panginoon, tulungan mo po ako na maipamuhay ang misyon na ipinagkatiwala mo sa akin.
Patuloy na punuin ng iyong Banal na Espiritu at bigyan ng kalakasan at katapangan na ipahayag
ang Iyong pag-ibig at mensahe whatever it takes. Ikaw nawa o Dios ang palagi kong piliin na
iplease at sundin hindi ang mundong ito. Ito ang aking panalangin, sa dakilang pangalan ng
Panginoong Hesus. Amen!

You might also like