You are on page 1of 1

The Blessing of Multiplication

John 6:11
Jesus then took the loaves, gave thanks, and distributed to those who were seated as much
as they wanted. He did the same with the fish.

We are all praying for blessings, mapa-material, financial, pisikal, o espiritwal. Nais natin na lalo
tayong lumakas, mas dumami pa ang kinikita, mas maging marunong. We want more, db?

In this miracle verse of the feeding of five thousand, Jesus wants us to learn how will the
blessing of multiplication will take place.

Kinuha ni Hesus ang tinapay. Ibinigay ng bata ang pagkain na mayroon siya sa mga kamay ni
Hesus. Kinukuha ni Hesus ang ibinibigay natin sa Kanya. Maging kagalakan dapat natin na ibigay
ang lahat sa ating Panginoon, nang walang alinlangan. Ang pagpapala ng pagpaparami ay
nagsisimula sa pagbibigay ng ating sarili kay Hesus.

Pagkatapos ay nagpasalamat si Hesus sa ibinigay sa Kanya. Nang makapagpasalamat si Hesus ay


ipinamahagi ng Panginoon ang tinapay at isda sa mga alagad upang ipamigay sa mga tao.

Ang pagbibigay ng pasasalamat ay isang tugon sa kasaganaan at pagpapalang natanggap natin


mula sa Diyos. Sapagkat ang lahat ng bagay na ating tinanggap, tinatanggap ay mula sa Kanya.
Kung tunay nating ibinigay kay Hesus ang lahat sa atin, kalakip ng ating pusong
mapagpasalamat ay ang pagmamahal sa ating kapwa na may pagmamalasakit sa kanilang
pangangailangan.

Nasa pagitan ng pagbibigay ng ating lahat kay Hesus, ng buong pasasalamat sa lahat ng ating
tinanggap at handang magbigay para matugunan ang pangangailangan ng ating kapwa ang
lugar kung saan makikita at mararanasan natin ang pagpapala ng pagpaparami o blessing of
multiplication ni Hesus.

Nais nating makita at maranasan ang blessing of multiplication mula sa ating Panginoon, ngunit
gaano natin kadalas namimiss ito dahil sa mga bagay sa buhay natin na di natin maibigay sa
Kanya? Napapalagpas natin dahil hindi tayo naging mapagpasalamat o kaya naman hindi
handang magbigay para makatugon sa pangangailangan ng iba?

Panalangin:
Panginoon Hesus, salamat sa lahat ng Iyong pagpapala. Tanggapin Mo po ang aking buhay, ang
lahat sa akin at gamitin Mong daluyan ng pagpapala sa aking kapwa. Nais kong makita at
maranasan ang blessing of multiplication para sa Iyong karangalan at kalwalhatian lamang.
Amen.

You might also like