You are on page 1of 5

ANG OSTIYA’

Sa Misa, madalas nating makita ang isang uri ng tinapay na ito. Kulay puti, bilog ang hugis at manipis.
Ano nga ba ang kahalagahan ng tinapay na ito na kung tawagin ay Ostiya?

Tanong: BAKIT KAILANGANG MAY TINAPAY O OSTIYA PA SA MISA?

✔️DAHIL SI HESUS ANG TINAPAY NG BUHAY. Juan 6:51 “Ako nga ang tinapay na nagbibigay-buhay na
bumabâ mula sa langit. Mabubuhay magpakailanman ang sinumang kumain ng tinapay na ito. At ang
tinapay ay ang aking katawan na ibibigay ko upang mabuhay ang sangkatauhan.”

✔️HINDI TAYO INIWAN NI HESUS. Nangako ang Panginoon Hesus na kahit Siya’y umakyat na sa
kalangitan, kasama natin Siya palagi. Mateo 28:20 “Tandaan ninyo, ako'y laging kasama ninyo hanggang
sa katapusan ng panahon.” SA ANYO NG TINAPAY LAGI NATIN SIYANG KASAMA.

✔️DAHIL SI HESUS AY INIAALAY NATIN SA DIYOS AMA. Mga Hebreo 10:5 (5-6) “Dahil diyan, nang si
Cristo'y naparito sa daigdig, sinabi niya sa Diyos: “Ang mga pang-alay, pati mga handog, at ang mga
hayop na handang sunugin, hindi mo na ibig sa dambana dalhin, hindi mo kinalugdan ang mga handog
na sinusunog, at ang mga handog upang pawiin ang kasalanan. Kaya't inihanda mo ang aking katawan
upang maging handog.”

Tanong: ANONG KATIYAKAN NATIN NA SI HESUS ANG TINATANGGAP NATING TINAPAY SA ANYO NG
OSTIYA?

✔️SI HESUS ANG NAGTAGUBILIN KUNG PAANO SIYA AALALAHANIN. MAHIGPIT ANG KANYANG BILIN NA
GAWIN ITO SA PAGALALA SA KANYA. Lucas 22:19 “Dumampot din siya ng tinapay, at matapos
magpasalamat sa Diyos ay kanyang pinaghati-hati iyon at ibinigay sa kanila. Sabi niya, “Ito ang aking
katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.”Samakatuwid, hindi
lamang ito basta tinapay, ito ay nagiging TUNAY NA KATAWAN ng Panginoong Hesukristo.

Tanong: KELAN MAGIGING BANAL ANG SIMPLENG OSTIYA at ALAK?

✔️Ito ay ganap ng nagiging katawan at dugo ng Panginoong Hesus sa bahagi ng Misang PANALANGIN NG
PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT (CONSECRATION). SA MISA, MARIRINIG:

“Ama naming banal, ikaw ang bukal ng tanang kabanalan Kaya’t sa pamamagitan ng iyong Espiritu gawin
mong banal ang mga kaloob na ito upang para sa ami’y maging Katawan at Dugo + ng aming Panginoong
Hesukristo.”

Samakatuwid, ang Ostiyang ipinapamahagi tuwing Misa ay hindi miryenda o pamatid gutom, bagkos ito
ang TUNAY NA KATAWAN NI KRISTO na makikipagisa sa atin! ITO AY BANAL, SAGRADO, at DAPAT PAG-
UKULAN NG RESPETO’T PAGSAMBA!

Kinakailangang tayo’y handa sa pagtanggap. 1 Mga Taga-Corinto 11:27 “Ang sinumang kumakain ng
tinapay at umiinom sa kopa ng Panginoon sa paraang di nararapat ay nagkakasala sa katawan at dugo ng
Panginoon.” 1 Mga Taga-Corinto 11:28 “Kaya't dapat siyasatin ng tao ang kanyang sarili bago siya
kumain ng tinapay at uminom sa kopa.”
Ang pananampalatayang Katoliko ay lubos na naniniwala sa kasagraduhan ng Banal na Eukaristiya.
Anumang pang-babastos o pang-babalahura sa Banal na Sakramentong ay hindi natin pinahihintulutan.

❌HUWAG PAGLARUAN ANG OSTIYA. Kapag ito’y tinanggap na, lunukin. Tayo ay inaasahang manahimik.

❌HUWAG IUWI ANG OSTIYA

❌HUWAG TUMANGGAP KUNG HINDI KATOLIKO

❌HUWAG TUMANGGAP KUNG HINDI PA NAKAKAPAG-FIRST COMMUNION

❌HUWAG TUMANGGAP KUNG HINDI NAMAN NAGSIMBA

✔️TANGGAPIN SI KRISTO NG MAY PAG-GALANG

✔️MANGUMPISAL BAGO MANGUMUNYON.

✔️MAGING MAPAGMASID SA PALIGID. MAGING MAPAGBANTAY KUNG MAY PANGAABUSO SA BANAL

NA EUKARISTIYA AT KUNG MAY MAKITA AY IPAGBIGAY ALAM SA KURA PAROKO.

Sana’y kahit papaano’y magkaroon tayo ng pangunawa kung gaano kabanal sa ating paniniwala ang
EUKARISTIYA, Si Hesus SA OSTIYA upang sa susunod na tayo ay magsimba, tayo ay handa sa isip, sa salita
at sa gawa. Tayo ay handa espiritwal at pisikal. Bagamat hindi tayo karapat-dapat na magpatuloy sa
Kanya, ang grasya at awa ng Diyos ay dadaloy sa atin. Amen.‘ANG OSTIYA’

Kanya, ang grasya at awa ng Diyos ay dadaloy sa atin. Amen.
BANAL NA EUKARISTIYA

Dalawa ang ginugunita natin sa bawat pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya. Una, ang Huling Hapunan na
pinagsaluhan ng Panginoong Hesus at ng mga alagad noong gabi ng Huwebes Santo. Sa Huling Hapunan,
itinatag ng Panginoong Hesus ang Sakramento ng Banal na Eukaristiya para sa Simbahan. Iniutos ni
Hesus sa mga alagad, "Gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa Akin." (Lucas 22, 19)

ikalawa, ang paghahain ni Hesus ng Kanyang buhay sa krus ng Kalbaryo. Inialay ni Hesus ang Kanyang
buhay sa krus alang-alang sa ating lahat. Ginawa Niya ito para sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan ng
sangkatauhan .
Masasabi nating ang Banal na Eukaristiya ay ang Sakramento ng pagbibigay ni Hesus ng Kanyang sarili.
Ibinibigay ni Hesus ang Kanyang sarili sa Banal na Eukaristiya sa anyo ng tinapay at alak.

Pinili ni Hesus na ibigay ang Kanyang sarili dahil sa Kanyang awa sa atin. Dahil sa kadakilaan ng Kanyang
awa, ibinigay ng Panginoong Hesus ang Kanyang sariling Katawan at Dugo para sa atin. Kaya, masasabi
din nating Sakramento ng Awa ang Banal na Eukaristiya.

Sa Eukaristiya, nararanasan natin ang awa at pagpapala ng Diyos. Sa Eukaristiya, ibinibigay ng

Panginoong Hesukristo ang Kanyang Katawan at Dugo sa atin.

Noong idineklara ni Hesus na ang tinapay ang Kanyang Katawan at ang alak ang Kanyang Dugo, isang
pagbabago ang naganap. Mula sa pagiging ordinaryong tinapay at alak, ito ay naging Katawan at Dugo
ng Panginoong Hesus. Ibinibigay ni Hesus ang Kanyang sarili bilang pagkain at inuming pang-kaluluwa.

Ibinibigay ni Hesus ang Kanyang sarili sa Banal na Eukaristiya dahil sa Kanyang awa. Ang pagbibigay ng
sarili ni Hesus sa atin ay isang Gawa ng Awa na mula sa Kanya. Ibinibigay Niya ang Kanyang sarili bilang
pagkain at inuming espirituwal.

Kusang-loob na ibinibigay ni Hesus ang Kanyang sarili sa atin. Nais pawiin ni Hesus ang mga matitinding
pagka-gutom at pagkauhaw natin.

Pinili Niyang gawin ito dahil sa Kanyang awa sa atin. Awa ang dahilan kung bakit ibinigay ni Hesus ang
Kanyang Katawan at Dugo bilang pagkain at inuming pang-espirituwal

You might also like