You are on page 1of 1

SI HESUS ANG PINTUAN

John 10:7,9

Kaya’t sinabi muli ni Hesus sa kanila, “Katotohanan ang sinasabi ko sa inyo, ako ang pintuan ng
mga tupa.

Ako ang pintuan. Sinumang pumapasok sa pamamagitan ko ay maliligtas. Siya ay papasok at
lalabas at makatatagpo ng pastulan.

Sa ating buhay, madalas tayong nahaharap sa iba’t-ibang mga pintuan o pagpipilian. Ang ilan sa
mga ito ay maaring pinto sa hinahangad na mas maayos na buhay o hinaharap, habang ang iba
ay maaaring pinto ng kabiguan, pagkatalo o kapahamakan. Sa Juan 10:7 at 9, tinukoy ni Hesus
ang Kaniyang sarili bilang pintuan ng mga tupa na nag-aalok ng access sa isang buhay na ganap
at kasiya-siya.

Ilang beses na ba nating sinubukan na gawin ang lahat ayon sa ating sariling kakayahan at lakas
maranasan lang ang buhay na may kalayaan, seguridad, kaligtasan, kasiya-siya at ganap?

Naalala ko nuong nasa sobrang kapos at mahirap na kalagayan kami. Ginagawa namin ng asawa
ko ang lahat ng aming makakaya para makaahon kami, basta may pinto ng oportunidad na
magbukas ay papasukin, umaasang iyon ay magdudulot ng seguridad, mas maayos at mas
masayang buhay sa amin.

Minsan, di natin namamalayan na kahit ang mga lehitimong bagay tulad ng relasyon, pamilya,
propesyon, hanapbuhay o ang nais na tagumpay ay tinuturing nating pinto na magbibigay sa
atin ng kahulugan at kahalagan sa buhay. Siguro nga mapapasaya tayo ng mga bagay na ito,
pero pansamantala lamang at tiyak na hindi ganap. Dahil ang mga bagay na ito ay hindi kayang
magdulot ng buhay na ganap at kasiya-siya na katulad sa inaalok at pangako ni Hesus.

May mga pintuan na hahantong sa pagkabihag, kapahamakan o kawalan ng pag-asa. Ang mga
pintuang ito na inaalok ng mundo ay humahantong sa lahat ng uri ng kasalanan at maging
kamatayan. Ngunit si Hesus ang pintuan kung saan maaari tayong makaranas ng kalayaan,
seguridad at kaligtasan.

Tanging kay Hesus lamang natin maaaring maranasan ang tunay na buhay, ang kahulugan at
kahalagahan nito. Kapag pumasok tayo sa pintuang ito sa pamamagitan ng personal na relasyon
kay Hesus, mahahanap natin ang mga berdeng pastulan at isang buo, masagana at puno ng
kasiyahan na buhay. Si Hesus ay dumating upang bigyan tayo ng buhay, at hindi lamang basta
buhay, kundi buhay na ganap at kasiya-siya. Si Hesus ang pintuan at wala ng iba pa.

Handa ka na ba sa isang buhay na ganap?

You might also like