You are on page 1of 4

Femmie S.

Magbojos VED101 (PANANAMPALATAYA)


BEED 2ED2 Gng. Estrella Eusebio

I BELIEVE – TOM JONES (Lyrics)

I believe for every drop of rain that falls


A flower grows,
I believe that somewhere in the darkest night
A candle glows,
I believe for everyone who goes astray,
Someone will come to show the way,
I believe, I believe.

I believe above the storm a smallest prayer


Will still be heard,
I believe that someone in the great somewhere
Hears every word,
Every time I hear a newborn baby cry,
Or touch a leaf, or see the sky,
Then I know why,
I believe.

Every time I hear a newborn baby cry,


Or touch a leaf, or see the sky,
Then I know why,
I believe.
REPLEKSYON SA AWITIN NI TOM JONES
Base po sa aking pagkakaunawa sa kantang I Believe ni Tom Jones ay ang bawat tao
ay may PAGASA na kahit sa kabila ng anumang suliranin o problema na dumadating sa
buhay natin ay may solusyon, at kahit na anong kahirapan ay may kapalit na ginhawa.
Kumbaga po ay hindi tayo mananatili sa hirap kundi may ginhawa tayong matatamasa.
Tumatak po sa akin ang unang verse ng kanta dahil nakikita ko po sa bawat linya ng
unang verse ay nagpapahayag ito ng isang magandang produkto sa dulo ng bawat oras
ng walang kasiguraduhan; isang bulaklak na uusbong sa bawat patak ng ulan, isang
kandilang liliwanag sa dilim, at isang taong tutulong sa mga nawawala sa tamang
landas.
Makikita din po natin sa huling stanza na “I believe above the storm a smallest prayer
will still be heard, I believe that someone in the great somewhere hears every word,
every time I hear a newborn baby cry, or touch a leaf, or see the sky, then I know why I
believe.
Ipinararating din ng awiting ito na sa pagkakataon ay mag PAGASA na kahit sa
pinakagrabeng sitwasyon o pagkakataon sa ating buhay una naandiyan ang ating Diyos
na handing tumulong at gumabay sa atin upang makabangon muli tungo sa tamang
landas at pangalawa mga taong laging handang tumulong sa atin.
Pinapahiwatig din dito na maging positibo tayo palagi sa ating buhay gaya na lamang
ng pagulan o paginit, hindi sa lahat ng oras uulan at pag huminto ang ulan ay madalas
makakakita tayo ng bahaghari na nagsisimbolo bilang pagasa at paglubog o pagsikat
ng araw. Kung unti unting namamaalam ang araw sa dapithapon. Ito ay muling sisikat
sa umaga para ating simulan at harapin ang bagong araw, bagong umaga at bagong
pag-asa.
Femmie S. Magbojos VED101 (KALIKASAN)
BEED 2ED2 Gng. Estrella Eusebio

GUMAWA NG TULA TUNGKOL SA KALIKASAN

“KALIKASAN, PAGKAINGATAN”

Tayo’y mabahala sa panahon ngayon


Dumarami kalat dito, kalat doon.
Kalikasang lumalala sa polusyon
Nanganganib pati mga hayop at ibon.

Panahon na para tayo’y magkaisa,


Wakasan ang polusyon ng sama-sama.
Simulan natin sa pagtapon ng tama,
Upang mga kanal ay hindi magbara.

Ating kapaligiran ay linisin na,


Polusyon sa hangin ating maapula.
Para ng mapanatili ang ginhawa,
Sambayanan, tayo ay kumilos na.

Kalikasan ay ating pagkaingatan


Dahil nandito, ating pangangailangan.
Maling pamamaraan ay ating iwasan
Panatilihin lagi ang kaayusan.

You might also like