You are on page 1of 4

Holy Cross College

Sta. Lucia, Sta. Ana, Pampanga


SCHOOL OF ARTS, SCIENCES AND EDUCATION
Unang Semestre, T.P. 2022-2023

SULATING ULAT SA KURSONG

PANIMULANG LINGGWISTIKA

NA MAY PAKSANG

KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO SA KONTEKSTONG PILIPINO

Unang Grupo:
Mercader,Krylle May Y.
Bobis, Shameiah Eunice C.
Esteban , Micah Lee Angel C.

(BSEd Filipino 1A)

Ipinasa kay:
Joselito Macapagal, LPT
Guro
Panimulang Linggwistika

Introduksyon:

Aralin 1: Prinsipal na Sangkap sa Pagsasalita


Nilalaman
1.Labi
Yamang bahagi ito ng bibig at malaki ang ginagampanan nito sa pagbigkas ng mga salita, ang
“labi” ay ginagamit sa makasagisag na paraan para sa pagsasalita o wika at paminsan-minsan ay
ginagamit ito sa paralelismo kasama ng “dila”Ang mga labi ay hindi isang tiyak na batayan ng
nilalaman ng puso, yamang ang mga ito ay maaaring gamitin ng isa upang bumigkas ng
mapagpaimbabaw na pananalita

2.Dila
Ang dila ay isang bahagi ng katawan ng tao na nasa loob ng bibig, at kasangkapan ng tao sa
pagsasalita. Maraming posisyon ang nagagawa ng ating dila. Maaari itong mapahaba, mapaikli,
mapalapad, maipalag, maitukod sa ngipin o sa ngalangala, mailiyad o mapaarko nang ayon sa
tunog na nais likhain.

3. Uvula
Ang uvula ay may isang mapagpasyang impluwensya sa pagbuo ng isang boses ng tao.
Pangunahin ang pagbuo ng mga consonant ay apektado. Halimbawa, ang pagbigkas ng isang
“Ach” o isang “R” ay maaaring makagambala o kahit imposible kung ang uvula ay wala.Ang
uvula ay maaaring gampanan ang isang mahalagang papel sa pagsasalita. Ang uvula ay partikular
na mahalaga para sa pagbuo ng mga consonant. Ang uvula ay mahalaga din sa panahon ng
paglunok.
4. Ngipin
Ang ngipin ay hindi lamang nagagamit sa pag nguya ng mga pagkain ,malaking bagay din ang
ngipin sa pagsasalita ,Ang mga ngipin ay nakakatulong sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan
ng pagkontrol sa daloy ng hangin mula sa bibig.

Aralin 2 : PAGKONTROL SA TONO NG TINIG

KWERDAS PANTINIG (VOCAL CORDS)


- Ang dalas ng pag palag ng mga kwerdas pantinig ay nakokontrol sa pamamagitan ng pag-
iiba-iba ng tensyon ng mga ito.

Holy Cross College


Panimulang Linggwistika

Sa madaling salita Nagbabago ang tono ng ating tinig sa pamamagitan ng pagbabago sa dalas
ng pagpalag ng ating mga Kwerdas Pantinig.

PUMAPALAG NA KWERDAS PANTINIG


-Dahil sa kinokontrol nito ang lumalabas na hangin mula sa ating baga (lungs) during
Phonation.

PHONATORY PROCESS/PHONATION
-Ang proseso na kung saan ang ating Kwerdas Pantinig ay nakakalikha ng tunog sa
pamamagitan ng “vibration”
-Sa ibang larangan ng mga Phoneticians gaya ng Linguistics Phonetics, ay Voicing ang
kanilang tawag sa prosesong ito.

PROSESO
-Nangyayari ito sa tuwing ang hangin na ating nililikha o nailalabas natin sa ating diaphragm
na dumadaan sa ating baga ito ay ating naipapalabas sa pamamagitan ng ating glottis na kung
saan nakakalikha tayo ng presyon ng hangin na naging dahilan ng pagpapapalag ng ating mga
kwerdas pantinig.
-Ang pag palag ng ating mga kwerdas pantinig ay nagsisilbing taga ayos o taga adjust ng
presyon at daloy ng hangin sa pamamagitan ng ating laringhe, at ang hanging ito ay ang
pangunahing sangkap sa proseso ng VOICING.

PAGLALAGUM SA MGA NATALAKAY TUNGKOL SA PAGSASALITA:


-Ang pinagmulan ng enerhiyang kailangan sa pagsasalita ay ang presyon ng palabas na
hininga.
-Pumapalag na mga bagay ay ang kwerdas pantinig na matatagpuan sa laringhe.
-Hanging mula sa baga ay nakakaabot sa laringhe sa pamamagitan ng pagdaraan sa trakya.
-Laringhe ay binubuo ng kartilago o lamad.
-Glottis ang tawag sa daanan ng hangin sa pagitan ng kwerdas pantinig
-Kung tayo’y humihinga ng karaniwan, ang glottis ay bukas na bukas.
-Bahagyang bubukas at magkakaroon ng tensyon kung tayo nama’y magsasalita.
-Presyon ng palabas na hininga ang siyang nagpapapalag sa mga kwerdas pantinig
-Napapadalas o napapabagal ang pagpalag ng mga kwerdas pantinig sa pamamagitan ng
pagpapalakas o pagpapahina sa tensyon ng mga ito.

KARAGDAGAN: (PAGKAKAIBA NG MGA KWERDAS PANTINIG)

BABAE
-Magkaibang laki ng kwerdas pantinig

-Between 1.25 cm and 1.75 cm (approx 0.5” to 0.75”) in length.

-May mas maputing kwerdas pantinig

Holy Cross College


Panimulang Linggwistika

-Dahilan kung bakit magkaiba ang tono ng babae at lalaki dahil sa magkaibang haba at kapal
ng kanilang mga kwerdas pantinig

LALAKI
-Magkaibang laki ng kwerdas pantinig

-Between 1.75 cm and 2.5 cm (approx 0.75” to 1.0”) in length.

-May mas mahabang tono dahil sa mas mahaba at makapal na mga kwerdas pantinig

KONKLUSYON

Ang ating mga kwerdas pantinig ay bumubukas sa tuwing tayo ay lumalanghap (inhale).
Sumasara ito sa tuwing tayo ay nagpipigil ng hininga at Pumapalag sa tuwing tayo’y
nagsasalita o kumakanta, Puti ang kulay ng ating kwerdas pantinig because of scant blood
circulation.
May paraan para mahinto o maibaba ang tyansa nang hindi pagkakaintidihan sa loob ng
komunikasyon. Matatamo ito sa pamamagitan ng sapat na kaaalaman sa wika, kamalayan sa
loob ng komunikasyon at pagkonsidera sa kapaligiran ng komunikasyon.

KONKLUSYON

Ang ating mga kwerdas pantinig ay bumubukas sa tuwing tayo ay lumalanghap (inhale).
Sumasara ito sa tuwing tayo ay nagpipigil ng hininga at Pumapalag sa tuwing tayo’y nagsasalita o
kumakanta, Puti ang kulay ng ating kwerdas pantinig because of scant blood circulation.

Holy Cross College

You might also like