You are on page 1of 9

Lesson Proper for Week 1

MGAKATANGIANNG WIKA

1. MASISTEMANG BALANGKAS

KAPAG SINABING MASISTEMA,


ANG IBIG IPAKAHULUGAN NITO AY MAY KAAYUSAN O
ORDER. MAY PROSESONG SINUSANDAN ANG WIKA.
ANG PAGKAKAROON NG KATANGGAP-TANGGAP NA
SISTEMA NG PAGSULAT(ORTOGRAPIYA), PAG-AARAL NG
MGA ISPESIPIKONG TUNOG AT MGA KOMBINASYON NITO
(PONOLOHIYA), PAG-AARALA SA PAGBUBUO NG MGA
PARIRALA(PHRASE) AT PANGUNGUSAP( NA TINATAWAG
NA SINTAKTIKA, AT IBA’T IBANG PARAAN NG PAGBUO NG
KAHULUGAN NG MGA PANGUNGUSAP( NA SIYA NAMING
TINATAWAG NA SEMANTIKA) AY PAWING KAKIKITAAN NANG MAAYOS AT
TIYAK NA PAGKAKASALANSAN O MAY SINUSUNOD NA PANUNTUNAN.

2. SINASALITANG TUNOG

ITO AY TUMUTUKOY SA PONEMA(PINAKAMALIIT


NAY UNIT NG TUNOG NA NAGTATAGLAY NG
KAHULUGAN). MARAMING URI NG TUNOG ,
MAAARING ITO AY GALLING SA KALIKASAN TULAD
NG LAGASLAS NG TUBIG SA BATIS, LANGITNGIT NG
KAWAYAN AT IBA PA. NGUNIT ANG BINIBIGKAS NA
TUNOG AY NABUBUO SA PAMAMAGITAN NG
SANGKAP SA PAGBIGKAS NG TAO TULAD NG LABI, DILA, NGIPIN,
GILAGID AT NGALA-NGALA.

ITO AY MAAARING MABIGKAS SA

PAMAMAGITAN NG TATLONG SALIK.


1. ENERHIYA – NILIKHANG PRESYON NG PAPALABAS NA HININGANG
GALLING SA BAGA.
2. ARTIKULADOR- NAGPAPAKATAL SA MGA BABAHTINGANG PANTINIG.
3. RESONADOR-NAGMOMODIPIKA NG TUNOG. ANG BIBIG AT
GUWANG NG ILONG ANG ITINUTURING NA RESONADOR.

3. PINILI AT ISINAAYOS SA PARAANG ARBITRARYO

- ANG KAHULUGAN NG ARBITRARYO AY


NAPAGKASUNDUAN. ANG BAWAT WIKA AY
PINIPILI AT ISINASAAYOS SA PARAANG
PINAGKASUNDUAN NG PANGKAT NG MGA
TAONG GUMAGAMIT NITO. SA PATULOY NA
PAKIKIPAG-UGNAYAN SA BAWAT ISA AY KUSANG UMUSBONG ANG
WIKANG GINAGAMIT NG BAWAT TAO/GRUPO NG TAO.

4. GINAGAMIT SA KOMUNIKASYON
- ANG KOMUNIKASYON NA GALLING SA SALITANG
LATIN NA COMMUNIS NA ANG IBIG SABIHIN AY TO
WORK PUBLICLY WITH AY NAGBIBIGKIS SA MGA TAO
PARA MAGKAISA. ITO AY NAGSISILBING PANDIKIT

PARA ANG MGA MAMAMAYAN AY MAGSAMA-SAMA

TUNGO SA PAGKAKAISA. WIKA ANG PANGUNAHING


BEHIKULO SA KOMUNIKASYON NG DALAWA O HIGIT
PANG TAONG NAG-UUSAP. GINAGAMIT ANG WIKA
UPANG IPAHAYAG ANG PANGANGAILANGAN, DAMDAMIN AT ANG
INIISIP SA PAKIKIPAG-UGNAYAN SA LAHAT NG PAGKAKATAON.

5. PANTAO

- ANG WIKA AY PANTAO LAMANG. NAIIBA ANG


WIKANG PANTAO SA MGA TUNOG NA NILILIKHA NG
MGA INSEKTO AT HAYOP. ANG WIKA NG TAO AY
GINAGAMIT KAUGNAY SA PAGSASALIN AT PAGUUGNAY NG NG
KULTURA SAMANTALANG ANG
TUNOG NG INSEKTO O HAYOP AY GINAGAMIT SA
SARILING LAHI. ANG TUNOG NA NILILIKA NG MGA
INSEKTO AT HAYOP AY WALANG SISTEMA NG
TUNOG AT KAHULUGAN. HINDI GINAGAMIT NG MGA INSEKTO AT HAYOP
ANG WIKA TULAD NG
PAGGAMIT NG TAO SA PAKIKIPAGTALASTASAN.

6. NAKAUGNAY SA KULTURA
- SA PAYAK NA PAGPAPAKAHULUGAN, ANG KULTURA
AY ANG PARAAN NG PAMUMUHAY.KUNG PAANONG
ANG ISANG PANGKAT NG MGA TAO SA ISANG
PARTIKULAR NA LUGAR AY NAG-IISIP, NAGREREAK SA
IBA’T IBANG MGA PANGYAYARI SA ATING BUHAY. ANG
WIKA AT KULTURA AY DALAWANG BAGAY NA DI MAPAGHIHIWALAY. AN
GATING KULTURA AY SUMASALAMIN SA ATING WIKA.
7. NAGBABAGO
- ITO AY DINAMIKO, NAGBABAGO ANG PARAAN NG PANANALITA NG MGA
TAO MAGING ANG ANGKING KAGULUGAN NG SALITA SA PAGLIPAS NG
PANAHON.
MARAMI ANG NAIDARAGDAG SA MGA
WIKANG BUKAS SA PAGPAPAHIRAM BUNSOD NG UGNAYAN NG IBA’T
IBANG KOMUNIDAD WIKA.

8. NATATANGI
ANG BAWAT WIKA AY MGA KANIKANIYANG SARILING SET NG MGA
TUNOG, MGA YUNIT PANGGRAMATIKA AT KANYANG SISTEMA NG
PALAUGNAYAN.
ANG BAWAT WIKA AY MAY KATANGIANG PANSARILI NA NAIIBA SA IBA
PANG WIKA.
9. MALIKHAIN
- TAGLAY NG WIKA ANG MGA TUNTUNIN NA
MAKABUBUO NG SALITA, PARIRALA, SUGNAY
AT PANGUNGUSAP. ANG KATUTUBONG
NAGSASALITA NG WIKA AY MAY KAKAYAHANG
LUMIKHA NG MGA BAGONG SALITA, PARIRALA,
SUNAY AT PANGUNGUSAP NA MAAARING HINDI PA NIYA
KAILANMAN NASASABI, NABABASA O NARIRINIG.

TAPSILOG, JOLOGS, ERPAT, AMBOY,


SYOTA, NA-123, KSP AY ILAN
LAMANG SA MGA NALIKHANG SALITA
NA MADALAS NAGYONG GAMITIN NG MGA PILIPINO LALO NG MGA
KABATAAN.

- Kilala sa taguring “Teorya ng Kalituhan” matatagpuan sa ika-11 kabanata sa aklat ng


Genesis, bersikulo 1-8

- Ang tala mula sa Pentecostes ay matatagpuan sa ika-2 aklat ng mga Gawain


bersikulo 1-12

- Ang Pentecostes ay nangangahulugang pagdating o pagsapit ng banal na Espiritu Santo.


Ito ang kaganapan ng pangako ni Hesukristo sa Kanyang mga Apostol na di umano’y
bibigyan sila ng Diyos Ama sa langit ng Banal na Espiritu upang mapalaganap nila sa
buong mundo ang mabuting balita ng kaligtasan bilang saksi ni Hesukristo.
(Gawa 1:6-10)
- Nakasaad dito na habang nagkakatipon sa isang lugar ang mga apostol ay bigla
silang may narinig na ugong mula sa langit at may nakita silang mala-dilang apoy na
lumapag sa bawat isa sa kanila at silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at
nagsalita sa iba’t ibang wika.
- Ang Teoryang ito ay mula kay Max Mveller na isang Aleman. Ayon sa kanya, ang
wika ay nagsimula buhat sa paggaya ng tao sa mga tunog ng kalikasan.
- Tulad ng langitngit ng kawayan, lagaslas ng tubig at ihip ng hangin.
- Nakasaad sa Teoryang ito na bawat bagay ay may sariling tunog na
kumakatawan dito.
- Ayon dito ang wika ay mula sa tunog ng mga bagay na nilikha ng tao. -
Tulad ng “Tiktak” ng orasan, tunog kampana.
- Sa teoryang ito sinasabing sumesenyas ang tao sang-ayon sa mga tunog na kanyang
sinasambit. Ang mga pagkilos o pagkumpas ng mga bahagi ng katawan ng tao ay siyang
naging simula ng kanyang pagsasalita.
- Sinasabi rin sa teoryang ito na unang kumukumpas ang tao bago nakapagsalita at
pagdating ng tamang panahon, kailangan niyang palitan ng mga salita ang kanyang
mga nais sabihin. Halimbawa nito ay ang pagtango na
nangangahulugang pag sang-ayon at pag-iling na nangangahulugang di-pagsang-ayon.
- Halos magkatulad ang Yum-yum at Ta-ta sapagkat kumpas o galaw ang batayan
ng pagkakaroon ng wika a mga Teoryang ito.

- Halimbawa ay ang pagkumpas ng kamay nang pataas pababa tuwing


magpapaalam at ang pag-iling upang magpahayag ng di pagsangayon.
- Ang Ta-ta ay nagmula sa salitang Pranses na nangangahulugang Paalam.
Tinatawag din itong muestra.
Ø Nanggaling sa damdamin ng tao ang anumang salitang ibinubulalas ng kanyang labi.
Ito ang naging batayan sa teoryang ito sapagkat maging ang ekspresyon ng sakit tulad
ng “aray”, pagkagalak “wow” at iba pang emosyon ay mula sa kalooban at damdamin
ng tao.
Ø Sa tuwing gumagamit ang tao ng pisikal na lakas ay nakasasambit ito ng mga
kataga na siyang tinatayang pinagmulan ng wika.
- Kapag nagbubuhat ng mabigat na bagay, umiiri, lumulundag o iba pang kauri nito ay
nagagawa ng taong magsalita.
Ø Pinaniniwalaaan sa teoryang ito na ang mga tao ay natutong humabi ng mga salita
mula sa mga seremoniya at ritwal na kanilang ginagawa.
Ø Sa mga ritwal na ito kalimitan ay may mga sayaw, sigaw, at iba pang gawain,
nagkakaroon ng mga salitang kanilang pinananatili upang maging bahagi na ng
kanilang kultura.
Ø Ito ay mula sa isang linggwistang tagaDenmark na si Otto Jespersen kung saan
sinabi niya na ang salik na nagtutulak sa tao upang magsalita ay ang mga pwersang
may kinalaman sa romasa tulad ng pag-ibig na makikita sa lenggwahe ng mga tula at
awitin.
Ø May paniniwalang ang kaunaunahang wikang ginagamit sa daigdig ay ang
lenggwahe ng mga Aramean. Sila ang mga sinaunang taong nanirahan sa Syria at
Mesopotamia. Aramaic ang tawag sa kanilang wika.
Lesson Proper for Week 2
MGA KONSEPTO NG WIKA

WIKA AT DIYALEKTO
Magkaibang konsepto sa lingguwistika ang wika at diyalekto.
WIKA – Tinitingnan ito sa larangan ng lingguwistika sa punto ng sintaks o paraan
ng pagbuo ng pangungusap at bokabularyo o talasalitaan. Samakatwid, maituturing
lamang na may nabubuong panibagong wika sa sandaling nagkaroon na ng
malaking pagkakaiba sa sintaks at bokabularyo na humahantong sa di
pagkakaunawaan ng mga tao sa isang komunidad.
DIYALEKTO – Kung ang pagkakaiba sa loob ng isang wika ay makikita lamang
sa baybay o ispeling, punto, tono, o paraan ng pagbigkas, itinuturing lamang itong
Diyalekto.
- Ito ay baryasyon/pagkakaiba sa loob ng isang wika.
- Hal. Sa mga lugar na Rizal, Bulacan, Batangas at Quezon Tagalog ang wikang
kanilang ginagamit ngunit nagkakaiba sa tono, punto o paraan ng pagbigkas.
PANGUNAHING WIKA O LINGUA FRANCA
- Ito ay ang wikang malawakang ginagamit ng tao sa pang-araw araw na
pakikipagdiskurso.
- Malawakang sinasalita at nauunawaan ng nakararaming bilang ng mamamayan sa
isang dimensyong heograpiko.
WIKANG PAMBANSA, OPISYAL NA WIKA AT WIKANG PANTURO
WIKANG PAMBANSA
- Kailangang nasa estado ng pagiging lingua franca at nararapat na sumailalaim sa
pagkilala ng batas.
- Palatandaan ng pagiging malaya ng isang bansa ang pagkakaroon ng Wikang
Pambansa.
- Sa kaso ng Pilipinas, batay sa Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV Seksyon 6
ay ganto ang nakasaad:
- “ Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililining ito ay
dapat payabungin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika.”
OPISYAL NA WIKA
Ø Sa pagiging pambansang wika, ang Filipino ay awtomatikong opisyal na wika.
Ito ay ang wikang naisabatas o itinadhana ng batas na maging wika ng opisyal na
komunikasyon, transaksyon o pakikipagugnayan ng sambayanan sa pamahalaan sa
pasalita at lalo na sa pasulat na paraan.
WIKANG PANTURO
Ø Nauukol ito sa wika ng pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral kaya dito
nakasalalay ang pagiging literado ng sambayanan.
Ø Kung babalikan ang Artikulo XIV, Seksyon 7 ng Saligang Batas 1987, malinaw
ang naging banggit sa Wikang Panturo:
“Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang ibang itinadhana ang batas, Ingles. Ang
mga wikang panrehiyon ay pantulong ng mga wikang opisyal sa mga rehiyon at
magsisilbing pantulong sa mga wikang panturo roon.”
BILINGGWALISMO, MULTILINGGWALISMO AT
MULTIKUTURALISMO
BILINGGWALISMO
Nangangahulugan ito ng pagkakaroon ng dalawang opisyal na wikang panturo sa
bansa na kailangang maging dalubhasa o bihasa ang mga mag-aaral para sa
kapakinabangang pansarili, pambansa, at pandaigdig.
MULTILINGGWALISMO
Ø Ito ay nauukol sa paggamit nang higit sa dalawang wika bilang wikang panturo.
Ø Nangangahulugan ito ng paggamit ng unang wika (mother tongue/wikang
kinagisnan), wikang pambansa, at isa o higit pang internasyonal na wika.
Ø Unang wika – simula 1-3 antas sa elementarya
Ø Sinimulang gawing asignatura ang wikang pambasa sa 2 o 3 antas ng
elementarya kasama ang internasyonal na wika na sa kalauna’y nagiging wikang
panturo mula ikaapat na antas hanggang sa mataas na yugto ng pag-aaral.
Ø Unang wika – simula 1-3 antas sa elementarya
Sinimulang gawing asignatura ang wikang pambansa sa 2 o 3 antas ng elementarya
kasama ang internasyonal na wika na sa kalauna’y nagiging wikang panturo mula
ikaapat na antas hanggang sa mataas na yugto ng pag-aaral.
MULTIKUTURALISMO
Ø Nauukol sa pag-iral ng maraming kultura o samu’t saring paraan ng pamumuhay
sanhi ng pagtatagpo sa iisang lugar o teritoryo ng
mga taong nagmula sa iba’t ibang lingguwistiko at kultural na komunidad.

WEEK 3

BARAYTI NG WIKA
PURONG TAGALOG O PURISTIK TAGALOG
-Lumikha ng mga salita sa halip na manghiram. Ayaw mapahiran ng ibang wika
ang wikang Filipino
Hal.
Eroplano- Salimpapaw
Mundo- Buntala
Matematika- Bilnuran
TAGLISH/ENGALOG
- Ang TAGLISH ay nangangahulugang mas maraming bahagi ng salita sa
pangungusap na nasa wikang Tagalog na hinahaluan ng Ingles.
- Ang ENGALOG ay nangangahulugang mas maraming leksikon o salita ang
nasa wikang Ingles at kadalasan ang kabuuan ng salita ay sa Ingles
- Hal.
Taglish – Pupunta ako sa bank upang i-check ang aking akawnt Engalog- I will go
sa bank na to check my akwant.
BERTAGLISH
- Pinagsama-samang wikang bernakular, Tagalog at Ingles
- Hal. Bikol + Tagalog + Ingles
Dakula naman pala ang iyong house.
Dakula(Bikol)- Malaki

WIKA AT LINGGUWISTIKONG KOMUNIDAD


Ang ginawang pangmamaliit ng Espanya, Estados Unidos, at Japan sa mga Pilipino
sa kani-kanilang yugto ng pananakop sa bansa ay nagbunga ng mga sumusunod:
1. Convergence – pagyakap sa kultura o kalinangang banyaga sa hangaring
makapantay sa kultura at estado ng mga mananakop.
2. Divergence – Pagkiling o mas pinaigting na pagpapahalaga sa sariling
kultura at kalinangan upang maipagmalaki sa harap ng mga mananakop ang sariling
identidad ng sinakop.

Lingguwistikong Komunidad
-ito ay ang bawat grupo ng taong binibigkis ng iisang wika at pagkakakilanlang
kultural. Ngunit maaari rin itong magbago kung sakaling lisanin ng tao ang
kilakihang komunidad at umanib sa ibang komunidad.
-Halimbawa na lamang kapag mula probinsya ay kailangan mong lumuwas ng
Maynila upang doon mag-aral. Kaya kailangan mong makibagay sa kung anong
kultura ang maabutan mo sa lugar na iyong pupuntahan.
Lingguwistikong Pananaw
-lahat ng wika ay pantay at sapat para sa pangangailangang personal at panlipunan
ng mga taong gumagamit nito.
· Magkakatulad(Homogenous) na Lingguwistikong Komunidad)
-masasabing homogenous dahil sa taglay na komonalidad o pagkakatulad sa wika,
kaasalan, pagpapahalagang panlipunan, at iba pa.
· Di magkakatulad(Heterogenous) na Lingguwistikong Komunidad)
-masasabing heterogenous kung ito ay isang kadluan/melting pot. Ibig sabihin, dito
nagtatagpo o nakikipamuhay sa isa’t isa ang mga taong nagmula sa iba’t ibang
komunidad.

WEEK 4
UNANG WIKA AT PANGALAWANG WIKA

UNANG WIKA
- Ito nauukol sa wikang katutubo,taal o likas sa isang tagapgsalita (mother
tongue/bernakular na wika) na siya nitong unang natutunan dahil ito ang
nakamulatan sa tahanan at komunidad.
- Likas sapagkatnatutunan ito sa natural na paraan sa pamamagitan ng
pakikisalamuha o interaksyon sa mga bumubuo sa isang lingguwistikong
komunidad.
PANGALAWANG WIKA
- Ito ang wikang sumunod na natutuhan matapos matamasa ng tagapagsalita
ang kahusayan sa unang wika.
- Ito ay nauukol sa mga wikang nagsisilbing karagdagan lamang sa wikang
unang natutuhan.
- Sa kaso ng Pilipinas na isang kapuluan at bawat rehiyon o dimensyong
heograpiko ay may sariling wika. Ang Wikang Filipino, Ingles, Espanyol,
Mandarin, Arabic atbp ay maituturing na pangalawang wika ng iba’t ibang pangkat
etniko o komunidad wika..
KONTEKSTONG PANLIPUNAN
Ang wika ay hindi lamang sistema ng komunikasyon, isa rin itong kumbenasyong
panlipunan na pinagsasaluhan ng buong pamayanan. Maaaring pagpapakahulugan
mo sa isang bagay ay iba sa pagpapakahulugan niya dahil magkaiba kayo ng
lipunang ginagalawan.

Anumang bagay na hindi matukoy at itinuturing nasa dulo ng dila ay ipimapalagay


na mga pahiwatig (sign). Sa sandaling matukoy, maaktuwalisa, o magawang
kongkreto ang mga
abstraktong kaisipan ito ay nagiging (signify/signified). Indikasyon ito na maaari
nang ipahayag/makipagdiyalogo sa kapwa dahil mayroon nang maihahatid na
mensahe, kahulugan (signifier).

You might also like