You are on page 1of 8

Ariel B.

Bautista BSED FILIPINO-2B

Modyul 3 :Pagtuturo ng Pakikining

Layuning Pampagkatuto:

Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nakauunawa sa kahalagahan ng pakikinig bilang makrong kasanayan

b. Nakapagbibigay-puna sa napakinggang balita kaugnay sa nangyayari sa lipunan.

Oras: tatlong oras (3)

Panimula:

Sa modyul na ito ay mapag-aaralan ang tungkol sa Pakikinig bilang isang makrong


kasanayan.Ang pakikinig ay napakahalagang Gawain sa ating buhay dahil sa paraang ito ay
natutuklasan natin ang kabuluhan ng bawat tunog o salitang ating naririnig lalo pa’t ito’y
patuloy na nagiging bahagi ng ating pang-araw-araw na Gawain.

Sinasabing ang pakikinig ay puhunan para sa mabilis at mahusay na pakikipag-ugnayan


ng tao sa kanyang kapwa.Ito’y nakatutulong sa pagtatamo ng kalayaanat katarungan ng
bawat mamamayan. Ibig sabihin ang pakikinig ay ang kakayahang matukoy at maunawaan
ang sinabi ng ating kausap.Kalakip nito ang pag-nawa sa diin at bigkas ng nagsasalita, sa
gramatika,gayundin ang pagpapakahulugan nito.

Dahil dito ay mahalagang pagbalik-aralan at paghusayan pa ang ating pag-aaral sa


kanayang ito.
Gawain:

Hanapin sa You Tube at pakinggang mabuti ang awiting “Sad Movies Make Me Cry” ni
Sue Thompson.

a. Bakit siya napaiyak? Ipaliwanag


Dahil Nakita niya ang kanyang Jowa at bestfriend sa Sine na naghalikan.

b. Bakit pinamagatang “Sad Movies Make me Cry” ang awitin?


Dahil nangyari ang hindi niya inaasahan sa sine at ang pinapanood niya ay malungkot
na pelikula.

c. Ano ang pamagat ng pelikulang kanyang napanood?


Color Cartoon ang pelikulang kanyang pinanood.

Pagsusuri:
Walang Gawain !

Abstraksyon:

Katuturan ng Pakikinig

Ayon kay Bernales et.al. (2009) ito ay isa sa mga makrong kasanayang
pangkomunikasyon na kinasasangkutan ng sensoring pandinig at pag-iisip. Aniya, masasabing
ito ay ay aktibo dahil ito ay nagbibigay daan sa isang tao na pag-isipan, tandaan at inaanalisa
ang kahulugan at kabuluhan ng mga salitang napakinggan .Dagdag pa rito, ito rin ay
pagtugong mental at pisikal sa mensaheng nais ipabatid ng tagapagdala ng mensahe

Ipinahayag naman nina Dungo et.al. 2016 ito ay isang makrong kasanayang
pangkomunikasyon na tumutukoy sa paglalaan ng sapat na attention upang maunawaan ang
mga napakinggan.

Ito ay isang paraan sa pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng pandinig.Ito ay


proseso ng pagtanggap ng mensahe mula sa narinig. Ito ay mula sa tunog o salita na narinig sa
pamamagitan ng auditory nerve, mabilis na dinadala sa utak upang bigyan ng
pagpapakahulugan at pagsusuri kung ano ang narinog. Ang utak ang siyang nagbibigay ng
interpretasyon at pag-unawa at doon nagkakaroon ng kahulugan ang narinig.

Pagkakaiba ng Pandinig at Pakikinig

Pandinig Pakikinig

Tumutukoy ito sa ating kakayahang Isang proseso ng pag-iisipna may layunin


marinig ang anumang tunog sa pamamagitan na unawain ang kahulugang nakapaloob sa
ng ating mga tainga. mga tunog na pinakikinggan.
Mga Kategorya ng Pakikinig

 Mapanuring Pakikinig – ito’y isang uri ng pakikinig na nagsusuri at naghahatol sa


kawastuan ng mensaheng napakinggan. Ito ay kung nasasabi ang ugnayan ng mga
kaisipan o ideyang napakinggan,nasasabi ang kaibahan ng katotohanan sa pantasya,
ng totoo sa opinion, atb.

 Malugod na Pakikinig – ito ay naisasagawa nang may lugod at tuwa sa isang kuwento, dula, tula
at musika,

 Masigasig na Pakikinig – kategorya ng pakikinig na hangga’t maari ay malapit sa nagsasalita


onag-uusap para sa ganap nap ag-unawa sa nilalaman ng usapan upang magkaroon ng angkop
na kabatiran sa pangunahing ideya o paglalahat ng tagapagsalita.

 Marginal o Passive na Pakikinig – ito’y pakikinig na isinasagawa na kasabay ang iba pang
Gawain.
Halimbawa nito ay pakikinig sa isang balita habang kumakain, at nagsusulat atb.

https://www.slideshare.net/mobile/Tonieolvez24/mga-kategoria-ng-pakikinig

Layunin ng Pagtuturo ng Pakikinig

Elementarya

 Nagagamit nang may ganap na kahusayan ang mga tayang kasanayan sa


pakikinig.

Sekundarya

 Napapalawak ang mga kasanayan sap ag-unawa, pagpapakahulugan, pagsusuri,


pagbibigay-halaga at mga kaisipan o paksang napakinggan

 Nahuhubog at napapaunlad ang mga kasanayang mag-isip at kakayahang


mangatwiran sa pamamagitan ng pakikinig tungkol sa mga kaalamang
pangwika at pampanitikan.

 Napapalawak ang nakalaang pagkakataon sa pakikinig sa radio at mga kauring


talastasan bilang mabilis at matipid na daan ng impormasyon at komunikasyon.

Ang mga pumailalim na kasanayan ay maaring magsimula sa pakikinig at pagkilala ng


mga batayang tunog paligid, salita, at parirala patungo sap ag-unawa ng buong teksto.
Ang paggamit ng iba’ ibang uri ng teksto sa pakikinig ay mahalaga tulad ng mga teksto
ginawa ng mga guro, mga midya brodkast at mga awtentikong usapan.

Kinakailanganng himukin ang mga mag-aaral na tugunin ang mga impormasyong


narinig sa iba’t ibang kaparaanan.Ang mga tugon ay maaring pasalita o di-
pasalita.Pagkatapos ng ementarya, inaasahan na ang mga mag-aaral ay makapakinig at
makatutugon nang maayos sa mga tanong tungkol sa iba’t ibang paksa. Ang mga teksto na
maaring gamitin sa pakikinig ay ang mga sumusunod:mensahe, patalastas, dula, kwento ,awit,
usapan at iba pa.

https://ww.scribd/com/doc/273011209/layunin-sa-Pagtuturo-ng-Pakikinig

Kahalagahan ng Pakikinig

 Mahalaga sa pagkuha ng impormasyon


 Nagsisilbing daan upang ang bawat isa ay magkaunawaan
 Nakatutulong sa pagpapalwak ng kaalaman ng lahat
 Nakatutulong sap ag-unawa ng damdamin, kilos at gawi ng iba

https://iriscollarin.tumblr.com/post/11455893040/kahalagahan ng pakikinig

Dulog sa Pagtuturo ng Pakikinig

 Nakapokus sa paglinang ng maliit na katangian ng tunog tulad ng pag-iiba o


pagtatangi-tangi sa mga tunog na napakinggan .

 Nakatuon sa pakikinig nang may pag-unawa


https:://prezi.com/4thzodm//dulog-sa-pagtuturo---pakikinig
Aplikasyon:

Makinig ng isang napapanahong balita kaugnay sa lipunan.

A.
1. Pamagat - Habang buhay hihingi ng patawad:' Angel Locsin mourns elderly who
died while queuing at community pantry
2. Tagapag-ulat /tagapagbalita - ABS-CBN News
3. Saan ang kaganapan? - Quezon City
4. Kailan naganap? - Apr 23 2021 05:55 ng hapon.
5. Sino-sino ang mga sangkot? – Angel Locsin at si Rolando Dela Cruz.
6. Ano ang kaganapan? - Ang Kapamilya artista na si Angel Locsin, Biyernes ay
naglabas ng isang pampublikong paghingi ng tawad matapos mamatay ang isang
senior citizen habang naghihintay sa pila upang makatanggap ng ilang mga
pagkain mula sa kanyang community pantry. Ang tao ay kinilala bilang balut
vendor na si Rolando Dela Cruz, alas 3 pa lamang ng umaga ay nakapila na siya sa
linya ng community pantry ni Angel Locsin at hinimatay sa saktong oras ng
pagbukas ng community pantry ng 8 am. Ideniklarang dead on arrival sa malapit na
hospital sa Quezon City.
7. Bakit naganap ang pangyayari/insidente?
Dahil sa isinagawang community pantry na pinamumunuan ni Angel Locsin.

B. Sa palagay mo karapatdapat bang ibalita ang naturang pangyayari o kaganapan? Ano


ang impact nito sa lipunan.
-Sa aking palagay karapatdapat itong ibalita upang maihatid ang mensahe sa lahat na
kailangan nating unahin ang ating kalusugan bago paman mahuli ang lahat, lalo na sa
panahon ngayon na talamak na ang pagtaguyod ng community pantry oo, namimigay ito
ng pagkain at kung ano pa man ang ating mga kailangan ay nakaktulog ito ngunit
panatilihin sana natin ang isang metro na social distancing.
C. Pakisulat rin kung anong estasyon/ channel sa TV napakinggan , petsa ng pakikinig sa
Balita
ABS-CBN News
Posted at Apr 23 2021 05:55 PM

Pagwawakas:

Pagbati!

Sana naman ay mayroong kang natutuhan sa aralin na ito.

Ipagpatuloy ang iyong walang sawang pagbabasa at pagsasagawa sa mga


Gawain na inilaan sa iyo.

You might also like