You are on page 1of 9

MGA URI NG KOMUNIKASYON

BERBAL AT DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON

Kabanata 3 DALAWANG URI NG KOMUNIKASYON

Aralin 3

Halina’t Alamin

URI NG KOMUNIKASYON

Ang komunikasyon ay isang likas na kasaysasayan at kasanayan ng tao, ito ay itinuturing na


isang sining. Ang pagpapahusay nito ay nakasalalay sa kakayahan ng indibidwal na
makapagproseso ng mga kaalaman batay sa limang makrong kasanayang pangwika, ang
pakikinig,pagsasalita, pagbasa, at pagsulat at panonood. Ang paggamit ng mga makrong
kasanayang ito ay makatutulong sa iba’t ibang diskurso para sa isang matagumpay na
pakikipagkomunikasyon .

1. Berbal – Ang komunikasyong berbal ay isang anyo ng paghahatid ng mensahe sa


pamamagitan ng mga salitang simbolo na kumakatawan sa mga ideya at bagay-bagay.

Isang pormal na sumasailalimsa estruktura ng wika’t mga tuntunin nito upang maipahayag ang
mensahe sa anyong pasulat o pasalita. Karaniwang gamitin ang ganitong uri ng
pakikipagkomunikasyon sa lipunan.

Katangian ng Komunikasyong Berbal

a. Ang proseso ng komunikasyon ay tuloy-tuloy ,nagaganap at dinamik


b. Nagaganap ito sa sarili
c. Hindi nabubura at hindi naglalaho
d. May komunikasyong resiprokal
e. Ang mga nasabing na ay hindi na nauulit o nabubura
f. Transakyunal
2. Di berbal- Ang komunikasyong di berbal ay maaaring maipahiwatig sa pamamagitan
ng kilos, kulay, hugis, paggamit ng gestures at ekspresyon ng mukha sa paghahatid ng
kabuuang mensahe sa kausap.

Ito ay uri ng komunikasyong naglalahahatid at tumatanggap ng mga mensaheng walang


tinataglay na salita.

ANYO NG DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON

Mata- ang ating mata ang sinasabing bintana ng ating kaluluwa at pagkatao. Gamit ang mata
ay mahusay at mabisa tayong nakapaglalahad ng ating emosyon.

Haplos- ito ay tumutukoy sa pagpapadama gamit ang paghaplos sa taong kinakausap.


Kadalasan itong nakikita sa mga ina o kaya sa mga taong nakikibahagi ng kanilang
nararamdaman o kaya ay nagbibigay pag-asa

Galaw ng katawan- bahagi na sa pamumuhay ng tao ang paggamit ng ating katawan at hindi
niya alintana na nakapaglalahad siya ng mensahe sa kanyang kapwa sa pamamagitan ng
kanyang paggamit nito.

Bagay- minsan upang higit na maunawaan ng ating kausap kung ano ang mga mensaheng nais
nating ipaabot sakanya ay gumagamit tayo ng mga bagay na makatutulong upang malinaw na
mailahad ang kanyang mensahe

Pang-amoy- gamit ang ating mga ilongm, ito ang siyang nagsisilbing tagapag-ugnay sa atin
upang malaman natin kung anong uri ng pagkain ang ating nalalanghap .

Kulay- bawat kulay ay nagtataglay ng anyong pagpapakahulugan ito rin ang siyang nagsasabi
ng uri ng iyong pamumuhay

Mukha- ito ay tinatawag sa ingles na facial expression kung saan ang bawat paggalaw ng ating
mukha ay nakalilikha ng iba’t ibang kompleks na kahulugan.
Simbolo- saan man tayo mapadpad ay may mga natatanging simbolo tayong nakikita na siyang
ngiging palatandaan natin sa isang lugar

Oras- ito ang nagsisilbing hudyat ng ating mga gawain at siyang nagpapatakbo sa buhay ng
tao.Mapapansin natin na magkaiba ang takbo ng buhay ng mga taona nasa probinsya kaysa sa
lungsod. Distansya- maaari nating malaman ang relasyon ng dalawang tao batay sa agwat ng
kanilang pag-uusap. Mahalagang maunawaan ang uri ng komunikasyon gaya ng berbal at
di-berbal.Dito makikita na ang wika ay nagaganap hindi lamang sa sarili at kapwa kundi sa
pamamagitan ng mg abstraktong mga galaw ay naghahayag ng wika o kaisipan.
MAKRONG KASANAYAN: PAKIKINIG
MAKRONG KASANAYAN: PAKIKINIG

MGA BAHAGI NG TAINGA

PINNA – Panlabas na bahagi ng tainga.Ito ang bahaging nakikita ito rin ang bahaging pinagkakabitan ng
hikaw. Sumasagap ng tunog na dinadala nito sa ear cannal

EAR CANAL – Ito ay tubo at dito nabubuo ang ear wax . Dito tuloy tuloy na naghahatid ng mensahe

EAR DRUM – Ito ay isang manipis na balat na banat na banat tulad ng isang drum. Kapag ang tunog ay
umabot na sa ear drum, ito ay gagalaw at nagbi-vibrate

3 MALILIIT NA BUTO NA MAGKAKAUGNAY SA LIKOD NG EAR DRUM

· HAMMER

· ANVIL

· STIRRUP

Ang cochlea ang nakararamdam ng paggalaw. Ang cochlea ay hugis suso na may lamang likido na nasa
loob ay gumagalaw , naghahatid ito ng mensahe sa utak sa pamamagitan ng auditory nerve na
nagbibigay kaalaman tungkol sa tunog na naririnnig.

PROSESO NG PINAGDADAANAN NG TUNOG

PINNA
EAR CANAL
EAR DRUM
· HAMMER
· ANVIL
· STIRRUP
COCHLEA
AUDITORY NERVE
BRAIN
KAHULUGAN NG PAKIKINIG
Kahulugan ng Pakikinig

Ano ang pakikinig? Alam mo ba ang pakikinig ang pinakaunang kasanayang pangkomunikasyon na
natutunan ng ta? Kung walang kapansanan sa pandinig na nakakarinig na isang bagong panganak na
sanggol kahit pa puro lamang iyak ang mamumutawi sa mga bibig niya.

Basahin ang iba’t ibang pagpapakahulugan sa ibaba

AWTOR KAHULUGAN

Yagang

Ito ay ang kakayahang umunawa at matukoy ang mensahe o sinasabi ng nagsasalita

Alcantara

Komplikadong kasanayan na nangangailangan ng hirap at atensyon. Saklaw nito ang pagkilala, pagpipili,
pagsasaulo, at paghinuha.Kinikilala ng tagapakinig ang tunog at ang mga salita

John Marshall

Isang makapangyarihang instrument o na nagsisilbing impluwensiya upang makipag-usap ng mabuti


KAHALAGAHAN NG PAKIKINIG

KAHALAGAHAN NG PAKIKINIG   

Ayon kina Bernales, et.al ang pakikinig ay may kabutihang dulot. Ilan sa mga ito ay ang
mga sumusunod:

 1. Ang pakikinig ay isang mabisang paraan ng pagkuha ng mga mensahe, lantad man o
hindi ang mensahe.

        2.  Ito rin ang isa sa mga pinakagamiting kakayahan ng tao sa pag-unawa ng mga
impormasyong hatid ng mundo.

1.    Mahalaga ang pakikinig tungo sa mgaa pampersonal na kasiyahan o pansariling


kasiyahan.

2.    Dulot ng pakikinig ang pagkakaroon ng isang maayos na pakikipagkapwa ng tao.

Para maging isang makasanayang imbestigador, kinakailangang malinang ang iyong


kasanayan sa pakikinig. Sa mga pagkakataong magsasagawa ng isang panayam o
interogasyon sa isang testigo man o isang criminal, dapat taglay mo ang ibayong husay
sa pagbato ng tanong pakikinig sa mga sagot.

        MGA TIPS NG EPEKTIBONG PAKIKINIG           

Ano ang mga dapat tandaan upang maging epektibo ang iyong pakikinig? Ayon kay
Leticia Pagkalinawan at ang kanyang mga kasamahan (2004)

1.    Maging handa sa pakikinig

2.    Magkaroon ng layunin sa pakikinig

3.    Kilalanin ang mga mahahalagang kaalaman

4.    Unawaing mabuti ang sinasabi ng nagsasalita

5.    Hintaying matapos ang sinasabi ng nagsasalita bago magbigay ng puna


KATANGIAN NG KRITIKAL NA PAKIKINIG         

Ano ang kritikal na pakikinig? Ang kritikal na pakikinig ay nangangailangan ng mas


malalim na konsentrasyon at pag-iisip. Lubhang nakapokus at aktibo ang isip ng
tagapakinig sa mga ideyang nararapat suriin at bigyan ng kaukulang atensyon ( Alcaraz,
Villafuerte, at Jocson,2005)

TATLONG URI NG PAKIKINIG     

       1. Diskriminatibo Layunin nito na mataya ang kahulugan ng


mensahe,magbigay-puna sa mga pagkakatulad
at pagkakaiba,makakuha ng mga
pagpapahalagang -moral at iba pang layuning
nangangailangan ng mataas na antas ng pag-
unawa
2.    Pahusga Layunin nito na magbigay ng hatol o sariling
reaksyon tungkol sa napakinggan na mga
pangyayari
3.    Mapagpahalaga Layunin nito na pahalagahan ang pagiging
masining ng napakinggang talumpati,tula,
dulang dramatikoo kaya’y mga musikal na
pagtatanghal
MGA URI NG TAGAPAKINIG
 

MGA URI NG TAGAPAKINIG    

1. Eager Beaver

- ngiti ng ngiti habang may nagsasalita?


- tango ng tango habang may nagsasalita?
- walang pokus?
- nagpapanggap na masugid na nakikinig?
- hindi nakasisiguradong naiintindihan ang pinakikinggan?
2. Sleeper                                                       
- umuupo lamang sa isang sulok
- walang intensyon making?
- naiinis sa ingay
- dahan- dahan ipinipikit ang mata?
- naglalakbay sa daigdig ng pangarap?
 
3. Tiger                                                                           
 - handang mag-reak sa anumang sasabihin ng nagsasalita
- nagbabantay ng pagkakamali
 
 
4. Bewildered                                                           
- walang naiintindihan kahit anong pilit?
- madalas napapakunot na lamang ng noo?
- sumisimangot
- anyong nagtatakda o nagtatanong
- walang malay tungkol sa paksang pinag-uusapan
 
5. Frowner                                                    
- wari laging may tanong at pagdududa?
- nagtatanong para magpasikat?
 
 
 
6. Relaxed                                                               
- walang interes na making?                                       
- umuupo na para bang nasa sala ng sariling bahay?
- nakatuon ang atensyon sa ibang tao o bagay?
- walang reaksyon?
 
 
7. Busy Bee                                                                 
- hindi lamang nakikinig kundi abala rin sa ibang bagay?
 
 
8. Two- eared listener                                               
- gumagamit ng tainga at utak?
- obhektibo ang mga reaksyon?
- may kawilihan?        
 

MGA  SALIK NA NAKIIMPLUWENSIYA SA PAKIKINIG          


Ayon kina Alcaraz, Villafuerte at Jocson (2005) ang iyong kakayahang makinig ay
lubhang naiimpluwensyahan ng pitong salik.

1.    Oras/ Panahon- Ang oras na alas-12 ng tanghali ay oras kung kailan kumakalam na
ang sikmura . Sa ganitong panahon, epektibo ka pa bang nakikinig sa iyong propesor?

2.    Edad- Higit na matiyaga ang mga matatandang  tagapakinig kaysa mga batang
tagapakinig.

3.    Kasarian- mas mahaba ang pasensya ng babaeng tagapakinig samantalang


madaling mabagot ang mga babae kung ihahambing sa mga lalake.

4.    Tsanel- Ang telepono, video chat,sype , at iba pang katulad na plataporma ang
maaaring gamitin tsanel. Ang hangin ay tsanel din ng isang usapan.

5.    Lugar/ Kapaligiran- Mahirap makinig kung ang lugar ay maingay, mainit,


maalinsangan  at magulo.

6.    Kultura- Ang kulturang kinagisnan mo ay maaaring taliwas sa kultura ng kapwa mo.


Kaya maaaring magdulot ito ng epekto sa pakikinig.

7.    Konsepto sa Sarili- Ano ang mga dapat tandaan upang maging epektibo ang
iyong pakikinig?

May sagot ditto sina Leticia Pagkalinawan at ang kanyang mga kasamahan (2004) ng
mga taong may mataas ang tingin sa sarili ay maaaring maging kritikal sa sinasabi ng
ibang nagsasalita

You might also like