You are on page 1of 19

Group 1

MAKRONG KASANAYAN
PAKIKINIG
MAKRONONG KASANAYAN SA PAKIKINIG 01

PAKIKINIG
Ang pakikinig ay isang proseso ng pagtanggap ng mensahe mula sa tunog o
salita na narinig. Isang paraan sa pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng
pandinig. Mayroong itong kumbinasyon ng tatlong bagay: tinanaggap na tunog,
nauunawaan, natatandaan.

MAKRONONG KASANAYAN SA PAKIKINIG 02

KAHALAGAHAN NG PAKIKINIG
Ang pakikinig ay isang mabisang paraan ng pagkuha ng impormasyon.
Ang pakikinig ay nagsisilbing daan upang ang bawat isa ay magkaunawaan.
Ito ay nangangailangan ng ibayong konsentrasyon sa pag-unawa.
Ang pakikinig ay nakatutulong sa pagpapalawak ng kaalaman ng lahat.
Ang pakikinig ay nakakatulong sa pag-unawa ng damdamin, kilos at gawi ng
iba.
Ito ay nakatutulong sa pagbuo ng pagkakaisa.

MAKRONONG KASANAYAN SA PAKIKINIG 03

MGA PARAAN NG PAKIKINIG


Maging handa sa pakikinig.
Tukuyin ang mga pangunahing kaisipan.
Magkaroon ng layunin sa pakikinig.
Magbigay ng pokus sa pinakikinggan.
Huwag punahin ang tagapagsalita at huwag husgahan agad ang
mensaheng ipinararating.
saisip at tandaan ang mga bagay na napakinggan.

MAKRONONG KASANAYAN SA PAKIKINIG 04

ELEMENTONG MAKAKAIMPLUWENSYA
SA PAKIKINIG
TSANEL - daanan ng pakikipagtalastasan. Maaaring pasalita, pasulat o
pagguhit.
KULTURA- ang pagkakaiba-iba ng kultura ay maaaring maging sagabal sa
pagkakaunawaan ng tao. Maaaring asahan na higit na mahusay na
tagapakinig ang taong naturuan ng tamang asal tulad ng paggalang sa kapwa
at may sariling disiplina.
EDAD – ang mga bata ay matalas ang memorya ngunit mainipin samantala
ang matatanda'y mahilig makinig ngunit mahina na ang katawan.
MAKRONONG KASANAYAN SA PAKIKINIG 05

ELEMENTONG MAKAKAIMPLUWENSYA
SA PAKIKINIG
ORAS O PANAHON – Ang panahon ay sagabal halimbawa kapag mainit o malamig
ang panahon o di kaya'y inaantok ang tagapakinig.
KASARIAN – mahaba ang pasensya ng mga babae sa pakikinig dahil interesado sila
sa mga detalye ng mga ideya. Samanatalang ang mga lalake nama’y madaling
mabagot at ibig nila ang diretsong pagpapahayag.
LUGAR O KAPALIGIRAN – kailangan ng isang tao ng lugar na tahimik, maaliwalas at
komportable upang siya ay epektibong nakapakinig.Malaki ang magagawa na
kapaligiran at sitwasyong kinaroroonan ng tagapakinig sa paraan ng kanyang
pakikinig.
MAKRONONG KASANAYAN SA PAKIKINIG 06

ELEMENTONG MAKAKAIMPLUWENSYA
SA PAKIKINIG
KONSEPTO SA SARILI – maaaring ang taong may malawak na kaalaman ay
magkaroon ng sagabal sa pakikinig sapagkat mataas ang pananaw sa sarili, at
dahil dito, ang ilang maririnig ay maaaring hindi paniwalaan o maunawaan dahilan
sa taglay na konsepto sa sarili.
DISTANSYA - Pag malayo ang kausap, anumang sigaw di maririnig, marinig ma ay
bahagya’t di pa maintindihan. Pag naman sobrang lapit nagkakailangan.
TIMBRE NG BOSES
MAKRONONG KASANAYAN SA PAKIKINIG 07

PROSESO SA PAKIKINIG
TAAL NA TUNOG AT IMAHEN - Ito ang unang pagproseso ng mga tunog mula sa
ispiker na magaganap nang mabilisan kasama ang mga imahe.
INTERPRETASYON SA MENSAHE
LAYUNIN NG SPEAKER - Prosesong ito ay inuunawa ng tagapakinig ang layunin
ng ispiker
BAKGRAWN NG IMPORMASYON - Dito nag-iisip ang tagapakinig o kung paano
niya inuunawa ang kahulugan ng paksa.
LITERAL NA KAHULUGAN - Sa prosesong ito ay ang pagbibigay ng tagapakinig ng
karaniwas o tunay na kahulugan.
MAKRONONG KASANAYAN SA PAKIKINIG 08

PROSESO SA PAKIKINIG
METAPORIKAL NA KAHULUGAN - Ang susi sa pakikipagkomunikasyon ng tao
ay ang kakayahang umunawa sa inaakala at tunay na kahulugan ng mensahe.
RETENSYON SA MENSAHE - Dito pinoproseso ng tagapakinig kung anong
mensahe ang dapat pananatilihin o dapat kalimutin.
PAGBUBURA SA NATANGGAP NA MENSAHE
MAKRONONG KASANAYAN SA PAKIKINIG 09

PROSESO NG PAKIKINIG
MAKRONONG KASANAYAN SA PAKIKINIG 10

URI NG PAKIKINIG
PASSIV O MARGINAL- pakikinig na kung saan ang pinakikinggan ay di gaanong
napagtutuunan ng pansin dahil sa ibang gawain.
ATENTIBO - pakikinig ng taimtim at puno ng konsentrasyon. Ang layunin ng
tagapakinig ay makakuha ng kawastuhan ng pagkaunawa sa paksang narinig.
ANALITIKAL - layunin ng pakikinig na ito na magbigay ng husga o reaksyon sa
napakinggan.
KRITIKAL- mapanuring pakikinig, pagkuha ng mensahe at pagpapahalagang moral
sa paksang narinig.
MAKRONONG KASANAYAN SA PAKIKINIG 11

URI NG PAKIKINIG
APRESYATIV O PAGPAPAHALAGANG PAKIKINIG - pakikinig na ginagawa ng tao
para sa sariling kasiyahan.
PAGGAMOT- matulungan ng tagapakinig ang nagsasalita na madamayan sa
pamamagitan ng pakikinig sa suliranin ng nagsasalita.
DISKRIMINATIBO - malaman ang pagkakaiba ng pasalita at di-pasalitang paraan
ng komunikasyon.
MAKRONONG KASANAYAN SA PAKIKINIG 12

URI NG TAGAPAKINIG
EAGER BEAVER - tagapakinig na ngiti ng ngiti o tangu ng tango ngunit hindi talaga
naiintindihan ang pinakikinggan.
SLEEPER - tagapakinig na inaantok
TIGER - tagapakinig na laging handang magreak sa anumang sasabihin ng
nagsasalita.
BEWILDERED - tagapakinig na kahit anong pilit ay walang maintindihan sa
naririnig.
MAKRONONG KASANAYAN SA PAKIKINIG 13

URI NG TAGAPAKINIG
FROWNER - tagapakinig na wari bang lagi na lang may tanong at
pagdududa.
RELAXED - tagapakinig na hindi kakikitaan ng anumang reaksyon habang
nakikinig.
BUSY BEE - tagapakinig na abala sa ibang gawain habang nakikinig.
TWO-EARED LISTENER - tagapakinig na ginagamit ang utak sa pakikinig
MAKRONONG KASANAYAN SA PAKIKINIG 14

MALING PANINIWALA SA
PAKIKINIG
Ang pakikinig ang pinakamadali sa apat na makrong kasanayan (pakikinig,
pagsusulat, pagbabasa, pagsasalita)
Tanging marurunong lamang ang may kakayahang makinig ng mahusay.
Hindi na kailangan ng plano sa pakikinig.
MAKRONONG KASANAYAN SA PAKIKINIG 15

HADLANG SA PAKIKINIG
PAGBUO NG MALING KAISIPAN - may pagkakataon na tayo ay nakikipag-
usap sa ating sariling isipan habang nakikinig at sa pamamagitan nito.
PAGKILING SA SARILING OPINYON - nakabubuo tayo ng sarili nating
kaisipan habang nakikinig sa isang nagsasalita mula sa sarili nating opinyon
na wala namang matibay na basehan.
PAGKAKAIBA-IBA NG PAKAHULUGAN - ang nabubuo nating interpretasyon
sa ating narinig ay maaaring iba sa pakahulugan ng nagsasalita.
MAKRONONG KASANAYAN SA PAKIKINIG 16

HADLANG SA PAKIKINIG
PISIKAL NA DAHILAN - isa rin sa hadlang sa pakikinig ang epekto ng kapaligiran.
PAGKAKAIBA NG KULTURA- posibleng mangyari na hindi natin matanggap ang
mensaheng ipinadala ng tagapagsalita dahil sa kaibahan ng kultura.
SULIRANING PANSARILI - hindi natin gaanong mauunawaan ang ating
pinakikinggan kung namamayani ang ating pinakikinggan at umuukilkil sa ating
isipan ang ating sariling problema sapagkat nakapokus tayo sa problema at
hindi sa ating pinakikinggan.
MAKRONONG KASANAYAN SA PAKIKINIG 17

KABUTIHANG NAIDUDULOT NG
AKTIBONG PAKIKINIG
Napapaamo ang matigas na damdamin ng kapwa.
Naiiwasan ang mga negatibong puna kung ang pakikinig ay ginamit sa
wastong paraan.
Mas madaling magtutulungan ang lahat dahil sa aktibong pakikinig.
Mauunawaan ang kalagayan at posisyon ng iba kung makikinig sa kanya.
Magkakasundo at magkakaunawaan ang lahat kung nakikinig sa bawat isa.
Malalaman at masusubok ang kahinaan ng bawat isa.
SALAMAT SA
"PAKIKINIG"
JED CAHINOD ALVIN BOOC

MARAH ALMEIDA JASON CAPOQUIAN

LORENZ ANGUILO ROJAN CATINDIG

SHAIRO BACO MATTHEW CONSTANTINO

REFERENCE: https://iriscollarin.tumblr.com/post/111455257110/makrong-kasanayan-sa-pakikinig?
fbclid=IwAR2SkeH3abfDkuevwer0RwrY0qoGC57XqP-ry08U0yA_OrTKrAID9KalBzg

You might also like