You are on page 1of 2

Fatima S.

Sulog FIL 102 – Cc


IPALIWANAG MO
Ang kantang napili ko para sa takdang-aralin na ito ay pinamagatang “Masdan mo ang
Kapaligiran” na siyang kinanta ng Asin. Tanda ko pa na matagal-tagal na itong kanta simula pa
noong ako ay nasa elementarya kung saan ito ay patungkol sa kapaligiran mismo. Kung ating
pakikinggan ito simula hanggang dulo, masasabi natin na ginawa itong kanta bilang panggising
sa mga puso natin sapagkat tila nakakalimutan na nating alagaan ang biyaya na binigay ng
Diyos, ito ay ang kalikasan. Nasabi sa kanta na “hindi masama ang pagunlad”, pinapaliwanag na
tayo ay nasa sibilisasyon at modernisasyong panahon kung saan lahat ay naiimbento, nagiging
instant, pag-usbong ng teknlohiya, at iba’t-ibang mga struktura. Ngunit, kahit na tayo’y
nangangarap na mas umunlad pa ang ating bansa, o maski ang mundo, ay huwag nating sisirain
ang kalikasan sapagkat hindi lamang ito biyaya kundi ito ang kinabukasan natin at ng mga
darating pang henerasyon. Kung ako ang tatanongin, kahit na ito ay matagal ng kinompos na
kanta, tila napapanahon parin ang tema ng kantang ito sapagkat ang mensahe nito ay
makapangyarihan at isang kamalayan kung saan kailangan nating ipaglaban at panatiliin ang
kaayusan ng ating kapaligiran at kalikasan. Sa panahon ngayon, nag-iiba na ang klima, iba’t-
ibang mga sakuna ang dumaraan, at mga kapahamakan na may kaugnay sa kalikasan ang ating
nararanasan dahil sating mga tao mismo at mga illegal na gawain natin na siya lamang
nagpapahirap at nagpapasira nito. Ang kantang ito ay tila’y nakikiusap na ating pagmasdan muli
ang sitwasyon ng kapaligiran, mga punong paubos na, mga ibong wala ng madadapuan, ang
kulay ng dagat, ang ating mga bulubundukin, pagkalipol ng mga uri ng hayop, hangin, at ang
klima, lahat ng ito ay dapat mas bigyan natin ng pansin. Sinasabi rin sa kanta na dapat tayo’y
mabigyang malay sa hinaharap kung patuloy ang pagkasira nito, pahalagahan natin ang
kinabukasan ng mga batang isisilang pa lamang dahil para saan pa ang kaunlaran kung ang
biyaya na siyang mismong ipinagkaloob sa atin ng Maykapal ay siya rin nating winakasan.

Isang mensahe rin na gustong iparating ng kantang ito ay dapat tayong mga tao ay mas
mabahala. Dahil tayo mismo ang gumagawa ng mga paraan ng ikakasira nito, isa nang
halimbawa ang mga factories o pagawaan na sila’y nakakasira sa yamang-tubig natin, pati na
ring ang mga sasakyan kung saan sila ay nakakaapekto sa hanging ating nilalanghap. Binibigyan
lamang tayo ng babala ng kantang ito na ating bigyang aksyon at oras dahil tayo rin ang
makikinabang sa kalikasan sapagkat ito na ay parte ng ating araw-araw na pamumuhay. Kung
kaya’t gawin natin ang responsibilidad sa kalikasan dahil tayo rin ang magiging kawawa sa
darating pang mga taon kung ito ay magpapat

Huwag tayong magtatakip ng tenga at magbubulag-bulagan dahil lamang sa tayo ay


namumuhay ng marangya sa mundo habang wala tayong kamalay-malay na kalikasan na pala
ang ating sinisira. Sa dulo ng kanta, sinasabing kahit man tayo ay pumanaw na, sariwa pa rin
ang hangin na ating malalanghap roon, at ang pinaka-importante ay may maganda at maayos
na kinabukasan at bukod-tanging masaganang kalikasan tayong maiiwan sa mga darating na
henerasyon.

You might also like