You are on page 1of 6

MUSIKA

Ika-apat na Baitang
Modyul 1

PULSO NG AWIT

ALAMIN MO

Ang maayos at regular na pagkakasunod-sunod ng mga tunog ay tinatawag na


ritmo. Ito ay isa sa mga pinakamahalagang sangkap ng musika.

Ang kumpas o beat ay ang pulso ng musika. Ito ay regular na galaw na


maaaring marinig, makita o maramdaman. Ang bawat awit ay nagtataglay ng pulso.
Ang pulso ay nadaramang tuloy-tuloy, regular at pantay-pantay mula sa simula
hanggang sa katapusan ng awit.

Dahil sa ito ay regular at pantay-pantay, ito ay maaaring itulad sa:

tibok ng puso tik-tak ng orasan hampas ng alon


sa dalampasigan

Sa modyul na ito ay madarama mo ang pulso na patuloy na dumadaloy sa


buong awit at ang pagtugon dito ay patuloy din, may tunog man na naririnig o wala.

1
GAWIN MO

1. Isagawa mo ang sumusunod na gawain at damahin ang palagiang pulso.

pagpitik ng daliri
pagmamartsa

pagtapik sa hita pagluluksong lubid

Naisagawa mo ba ang mga ito nang tama?


Mabuti!

2. Ipikit mo ang iyong mga mata at pakinggan ang mga tunog sa paligid: Aling
tunog ang may patlang o katahimikan?

Maaari mong lagyan ng marka ang narinig mo.


Tulad nito:

     

2
 ____    _____  
aw aw aw aw aw aw

3. Sabayan mo ng pagpapatunog ng dila ang tik-tak ng orasan

     
tik tak tik tak tik tak

PAG-ARALAN MO

1. Ilagay ang kaliwang kamay sa tapat ng iyong puso at damahin ang tibok nito.
Itapik sa mesa ang tibok ng puso na ginagamit ang kanang kamay.

Ano ang masasabi mo sa galaw nito?


Nadama mo ba ang regular na tunog tulad nito?

       

3
2. Awitin mo ang “Chua-Ay. Ito ay ay isang awiting bayan ng Igorot. Inaawit
nila ito habang nagbabayo ng palay.

3. Damahin mo sa pamamagitan ng pagpalakpak ang kumpas o pulso ng awit.


Umawit habang pumapalakpak.

Ganito ba ang ginawa mo? Ang mga guhit I ang nagsasaad kung saan dapat
tumapat ang iyong palakpak.

I I I I I I I I I I I I
Chu – a – ay Chu – a – ay ta – lum a – lay

I I I I I I I I I I I I
Ta – ku – ay Oe – – – Oe – – –

Tingnan mo ang huling bahagi. Ano ang napansin mo?


 Nadama mo ba ang pulso ng awit?
 Paano ito gumalaw?
 Ano ang nangyari sa pulso kahit wala tayong tunog na naririnig?

Tama! Patuloy na dumaloy ang pulso kahit walang tunog na naririnig.

4
SUBUKAN MO

Awitin ang “Leron Leron Sinta”


Magmartsa habang umaawit upang madama ang pulso ng awit.

TANDAAN MO

Ang pulso ay ang regular na galaw o daloy ng tunog.


Ang pagdama at pagtugon sa pulso ay tuloy-tuloy, may naririnig man o wala.

PAGTATAYA

Lagyan ng marka ( I ) ang mga tunog na tuloy-tuloy na naririnig at ( – ) kung


ang tunog ay may patlang o kahimikan.

Halimbawa: Patak ng ulan I I I I I I


Kahol ng aso I I – – I I I – – I – I

1. paglakad ng tao
2. tiktak ng orasan
3. busina ng dyip
4. pukpok ng martilyo
5. dial tone ng telepono
6. iyak ng sanggol
7. patak ng tubig gripo
8. tunog ng makina
9. sirena ng ambulansiya
10. tibok ng puso

5
Binabati kita at matagumpay mong
natapos ang modyul na ito! Maaari mo
na ngayong simulan ang susunod na
modyul.

You might also like