You are on page 1of 2

LEARNING ACTIVITY SHEETS

PE 3
Week 1
Name:___________________________________________________________ Score:____________

Modyul 1: Paglalarawan ng Paggalaw sa Iba’t ibang Lokasyon, Direksyon, Antas, Posisyon at Daanan
(PE3BMIIIa-b17)
Layunin:
 nailalarawan ang paggalaw sa iba’t ibang direksyon;
 nakalilikha ng ritmikong ehersisyo gamit ang mga pagkilos sa iba’t ibang direksyon; at
 naigagalaw nang wasto ang katawan bilang tugon sa awit o musika

Paggalaw sa Iba’t Ibang Direksyon


Tayo ay maaaring magsagawa ng iba’t ibang pagkilos at paggalaw nang hindi umaalis sa kinatatayuan at
maaari ding lumipat o umalis sa kinatatayuan patungo sa ibang lugar. Sa aralin na ito ay bibigyang pansin
natin ang direksiyon (direction) ng kilos. Ang direksiyon (direction) ay tumutukoy sa ninanais na
patutunguhan ng galaw o kilos, kung ito ay pataas o pababa, paharap o patalikod, pakanan o pakaliwa.
Narito ang ilan sa mga halimbawa ng direksiyon (direction) sa pagsasagawa ng kilos.

Gawaing Pagkatuto Bilang 1: Matapos mong malaman ang iba’t ibang direksyon ng kilos o paggalaw,
subukan mo namang hanapin ang mga ito sa loob ng "Hanap Salita”. Bilugan mo ang mga salitang may
kaugnayan sa direksyon.

Gawaing Pagkatuto Bilang 2: Piliin at bilugan ang salitang naiiba ang kaisipan sa bawat bilang. Gawin ito sa
iyong sagutang papel.
Gawaing Pagkatuto Bilang 3: Punan ang graphic organizer sa ibaba ng mga tradisyunal na Laro ng Lahi o Lead-up
Games na ginagamitan ng paggalaw sa iba’t ibang direksyon.

You might also like