Professional Documents
Culture Documents
Ang Karunungang ito ay mabisang gamit ng mga tao bilang tanglaw sa landas na ating tinatahak tungo sa
ating ikapagtatagumpay. Para sa mahiligin tumuklas ng lihim at banal na kasaysayan ng Mahal na Birhen
ay inihahandog po namin ang aklat na ito upang malaman ninyo ang mga panawagan ng Mahal na
Birhen, mga Milagro at Kababalaghan, mga pamamaraan ng pagpapagaling niya sa lahat ng uri ng
karamdaman nang walang ginagamit na gamot butika. Sa magmamana ng kabanal-banalang pangalan ng
Dios ay magmamana na rin ng kaluwalhatian sa langit, kung magbabait, bago ipagpatuloy ang mga
ORACIONES ay manalangin ng mataimtim sa iisang Diyos na makapangyarihan sa lahat.
DIYOS AMANG A-VI-AY,AUEI,DIYOS INANG E-IOU, I-U-A-E, DIOS ANAK IO-U-A-UE-I,DIYOS SPIRITO SANTO
O-UA, A-UE-I NUNONG-KANUNUAN UC-A, UOC,KAYO PO ANG TUNAY NG AMING ESPIRITO AT
KATAWAN AT GABAY SA LAHAT NG SANDALI.
Ito po ang sinabi ng Mahal na Virgen o ni Sta. Maria ng patulugin ang dalawang gentil. Sa tamang hangin,
ihihip sa tuktok ng tatlong beses, ang paggamit ng ORACION ay tatlong beses sasambitin.
Sa sakit ng ulo, ibulong sa tubig at ipainom. Isulat sa tatlong bilog na papel at isubo- Pangkaligtasan. Sa
inuubo, ibulong sa langis na panghilot sa likod at sa leeg, at ibulong sa tubig na ipaiinom. Mahihiling na
mapisa ang bukol, tumawag sa apat na sulok ng mundo, at isunod ang oraciong ito.
Gamot sa sakit ng ulo, lagnat at pulmonia- Sambitin ang oraciong ito at hipan at mawawala, at ibulong sa
tubig na ipaiinom at pantapal.
Pangkaligtasan- Isulat sa tatlong bilog na papel at isubo. Ibulong sa langis na panghilot sa masakit ang
likod, at ibulong sa tubig na ipaiinom sa masakit ang lalamunan.
Sa sunog- Tumawag sa apat na sulok ng mundo at isunod banggitin ang oraciong ito habang tinititigan
mo ang bahay na nasusunog at siguradong mapapatigil mo ang apoy. Sa pilay-Banggitin ang oraciong ito
at hipan ang parting may pilay at batakin. Sa gaway, para makita –Banggitin ang oraciong ito at ihihip sa
baso ng tubig at patinginin ang maysakit at makikita niya kung ano ang nasa baso.
Tagabulag- Isulat ang oraciong ito sa tatlong bilog na papel at isubo. Sa pilay- Ibulong sa langis na
panghilot. Upang makita ang gaway- Ihihip sa papel at patingnan sa kanya.
Tagabulag, pangpatigil at pangpabagsak. Isulat sa tatlong bilog na papel at isubo at banggitin ang
oraciong ito ng paulit-ulit habang ikaw ay naglalakad at palisang masasamang tao sa iyong daraan, at
isunod ang salita PHU kung kailangan.
Kaligtasan- Isulat sa tatlong bilog na papel at isubo. Sa umalis ay pangpabalik- Banggitin ng tatlong beses
ang kanyang pangalan kasunod ng oraciong ito at sabay suntok sa pasinamo. Sa kulam,ketong,galis at
lagnat- Banggitin ang oraciong ito at hipan at gagaling. Kahit saan at makikita ang taong nagbibigay ng
sakit:
Sambitin ang oraciong ito ng paulit-ulit habang naglalakad – Matatakot ang haharang, at idugtong ang
salita salvame kung kinakailangan, at sa natuka ng ahas- Banggitin ang oraciong ito at hipan ang parting
nakagat ng ahas at gagaling. Sa kinukulebra- Sambitin ang oraciong ito at ihihip sa kanyang tuktok at sa
buong katawan at sa langis na panghilot.
Pangalang lihim ni Sta. Maria ng siya’y mata pa lamang. Magaling ito sa: Galis at kumakating mga sugat.
Walang kahirapang sasapitin ang kaluluwa ng maysakit kapag nasambit bago malagot ang hininga.
Kaligtasan- Sambitin ang oraciong ito ng paulit-ulit habang ikaw ay naglalakad. Sa pilay- Sambitin ang
oraciong ito, at ihihip sa kamay at ihilot.
Liwas sa kapahamakan- Sambitin ang oraciong ito at itadyak ang kanang paa sa lupa kung nasa panganib.
Pangbuhay sa mga gamit.
Panawag ng Mahal na Virgen kay Jesus. Kung mananalangin ka ng taimtim sa kalooban ay darating siya
ng walang pagsala, kung may kapalaran ka ay iyong makikita ang ating Panginoong Jesu Cristo.
DEUS MEUS JEOS JUS UC JESUS JESUS JESUS JERUSALEM MARIA BATO AC ALAB COCOROCOC
COROCOTO COCOCO ELEBATE ELEBILA ELECULAPA ELEBINA CO CO Y OCOC COC COR OC OTOC OC OCO
OC MOOC GOMOOC LOOC GOMOC OC MOOC OC MOOC CO MOOC LOOC.
Tigalpo, ang demonio ay hindi makalalaban sa iyo, tungo ang ulo nilang lahat. Sambitin ang oraciong ito,
at ligtas ka sa lahat ng bagay. Pangpatigil ng ulan o unos.
Panawag sa palipad hangin, kung wala sa katawan ng maysakit. Tatlong beses babanggitin ang oraciong
ito sabay hihip sa tuktok ng maysakit.
Ito ang sinabi ng Dios ng gawin ang mundo, maaari ring pangpalipat o pangpabalik sa taong nagbibigay
ng sakit o karamdaman, itapal lamang ang oraciong ito sa tiyan ng maysakit.
Tigalpo sa kaaway- Sambitin ang oraciong ito sa kanyang harapan. Maaring makita ang matanda sa
punso- Tumawag sa apat na sulok ng mundo,at magdasal ng sumasampalataya hanggang sa
makapangyarihan, at darating at iyong makikita ang matanda sa punso. Sa lumpo, Ketong at pulmonia-
Sambitin ang oraciong ito at ihihip sa iyong kamay at ihagod.
Kaligtasan- Isulat sa tatlong bilog na papel at isubo. Ibulong ang oraciong ito sa tubig at ipainom sa may
sakit at gagaling. Ito rin ang salitang sinambit ni Jesus ng siya’y lumakad sa tubig.
Narito po ang ORACION:
Sambitin ang oraciong ito at ihihip, hindi puputok ang ano mang bagay. Makapagbubukas ng sarado-
Magdasal ng sumasampalataya hanggang sa makapangyarihan sa lahat at isunod mong banggitin ang
ORACION na nasa ibaba po nito. Sa Pilay- Sambitin ang oraciong ito at hipan ang parting may pilay at
gagaling. Pipi- Hipan sa lalamunan at makakausap. Sa bukol- Isulat sa kapirasong papel ang oraciong ito
at itapal ay puputok ang bukol.
Pangalan katutubo ng Infinito Dios na kinauuwian ng lahat ng bagay. Bago gamitin ito ay isiping mabuti
kung pag kakasala sapagkat ang ibigin mo ay siyang mangyayari.
AOE-UI (IYAOWUEI)
Pagpapabalik sa mga ninakaw o sa mga magnanakaw para isauli ang mga ninakaw.
Matiryal: Isang kandilang sperma. Pasimula ng pagganap: Kahit anong araw ay pwedeng pasimulan, sa
hapon at umaga maaaring sa pasikat at palubog ang araw.
Pamamaraan: Sindihan ang kandila Magdasal muna ng isang Sumasampalataya hanggang sa ipinako sa
krus. At pagkatapos ay magpoder ka sa iyong sarili ng hindi ka ma-apektuhan ng iyong ginagawa, at
pagkatapos nito ay tumawag ka sa apat na sulok ng mundo sa labas at loob, at isunod ang oraciong ito
CRISTOS SANCTA TRINITAS OMO DAUB JESUS KRUS, pagkasambit ng salitang KRUS ay sabay hihip sa
lugar na pasikat o paglubog ng araw. Ang ibig ko pong sabihin ay ganito: Kung ang pamamaraang ito ay
inumpisahan mo sa papalubog ng araw ang iyong gagawing paghihip pagkasambit ng salitang KRUS,
pagkatapos ay humarap ka uli sa may sinding kandila at usalin o sambitin ang mga sumusunod:
EXEDEUM EXETUUMEX EVACSHUM, at isunod ang mga salitang ito: Kung sino man ang kumuha ng
nawawala kong ________ ay mapapahamak kung hindi ibabalik, at hipan ang kandila, at kinabukasan ay
gawing muli ang pamamaraang ito hanggang isan linggo, at kung sa loob po ng isang linggo ay hindi pa
rin isinasauli ang mga ninakaw sa iyo ay ganito po naman ang iyong gagawin: Ang dasal na
sumasampalataya hanggang sa magkasakit, ibinaon o inilibing, at isunod sa pabilin ang ganito. Ang sino
mang kumuha o nagnakaw ng nawawala kong______
_________ ay magkakasakit pagdating ng tatlong araw o hanggang isang linggo mula ngayon, at huwag
mo ng hipan ang kandila, at pabayaang nakasindi hanggang sa maubos ang kandila hanggang hindi ka
niya hinahanap upang maisauli ang gamit.
SATOR AREPO TENET OPERA ROTAS ADONADAM REHOP OGNAT SAUGNAT TADHACSAC REX CHRISTUM
DEUM IN DEUM MEUM ABAAM ABELIM ABEIS ABEISTE sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan ay
pahintulutan mong maibalik sa akin sa lalong madaling panahon ang nawawala kong
_____________________.
34. Pangpasabog sa mga masasamang espirito na nagpapahirap sa katawan ng may sakit ----- Itapal
ang orasciong ito sa tiyan ng maysakit.
Sa suntukan.
Sambitin ang oraciong ito at ihihip sa iyong palad at itikom bago isuntok.
Kinauuwian ng lahat ng bagay. Laban sa mga masasamang espirito- Sambitin ang oraciong ito at ihihip sa
buong katawan nya, Ibulong sa langis na panghilot, at ibulong sa tubig na ipaiinom.
VIMVAWIA
Oracion na pangpalubag loob ni Sta. Mariang Virgen. Sambitin lamang ng tatlong beses na paulit-ulit sa
iyong isipan habang ikaw ay lumalapit sa isang tao at mawawala na ang kanyang galit sa iyo.
Ang oraciong sinambit ng Mahal na Virgen habang nagsisiyasat ang mga sundalo sa bahay-bahay at hindi
sila pinasok ng mga sundalo.
SANCTISSIME VIRTUDE SATI POTESTATEM DEI SOCORET IN MEIBANUCAL BANDATAL LEOPAL LALPAL
LIBRAME ENGARCO ENCANTO SALVAME.
Salita ng Mahal na Virgen na ibinulong sa dahon ng kahoy upang ilagay sa noo ng may karamdaman ng
sa ganoon ay gumaling ang karamdaman nito.
41. Sambitin ang oraciong ito bago isigaw sa mga kaaway, at sila’y susubasub na lahat.
Upang mapigil ang isang tao ng pagsugod sa iyo ay ganito po ang iyong gagawin: Sambitin ang oraciong
ito at sumigaw ng TIGIL.
Upang mapigil ang pagdating ng bagyo. Tumawag ka muna sa apat na sulok ng mundo sa labas at loob,
at isunod mo.
Noong dinurog nang Mahal na Virgen ang infierno. Ito po ang kanyang sinabi:
PAMAMARAAN: Sambitin ang oraciong ito at ihihip sa iyong hintuturo at panggitnang daliri ng iyong
kanang kamay at sabay turo ng iyong daliri sa taong kinukulam, at sigurado po na hindi na ito
magpupumiglas o makakalaban sa iyo.
Ito po ang oraciong ginamit ng Mahal na Virgen noong itinatakas niya ang Niño Jesus at hindi sila
inabutan ng mga sundalo. Ito po ay magagamit din ninyo sa habulan ng hindi po kayo maabutan ng
iyong mga kalaban.
49.Ito po ang sinambit ng Mahal na Virgen ng magluto siya sa gitna ng bukid na malakas ang ulan.
Tumawag muna siya sa apat na sulok ng mundo saka niya isinunod itong oracion:
+++++++++++++++++++++