You are on page 1of 2

Pagbuhay sa gamit

Magsindi ng dalawang puting kandila sa inyong altar o lamesa, ilatag ang mga gamit sa lamesa
rin at dasalin ito.

HAEC DONA HAEC MUNERA HAEC SANCTA SACRIFICIA ILLIBATA ALSASES


LATORES CAINIG AOEUI ADNA CELIM GAIGA PANANIGAN MECMAC MAIGSAC
MASAC MASUD UHA AHA HAH JOHAOC ABHA HICAAC JUA AHU HAI.

Gawin ito ng 49 days na sunod-sunod. Ang orasyong HAEC DONA...ay isang pangkalahatang
orasyon na maaari niyong gamitin sa pagbuhay ng isang gamit.

Kung minsan, may mga traditional na espesyal na dasal para sa isang gamit. Hindi sa lahat ng
oras ay nakakakuha tayo nyan. Kung palarin kayong makakuha ng espesyal na dasal na nauukol
lamang sa gamit na tangan mo, gamitin niyo iyan sa pagbuhay. Dasalin niyo yan sa loob ng 49
days at bawat pagkakompleto nyo ng dasal, usalin nyo sa huli ang HAEC DONA....

Pagbinyag sa gamit
Maaaring hindi binyagan ang gamit ngunit kung nais nyong i-dedicate ang isang gamit sa isang
bagay na mahalaga sa inyo, maaari nyong binyagan ito matapos nyong buhayin. Nariton ang
dasal:

EGOTE BAPTIZE ELIAP MACMAMITAM MAEMPOMAEM PUDERUM CHRISTUM


PATER FILIUM VERBUM ESPIRITUM OMNIPOTENTEM PACTENIT EGO EGOLIS
HOB TELABATH BERABATIS TARUMPANTAL PALASAC DIANCA TALINUM
PEROCAM MAYAM DARUM PILIXO BITUM BOROM NEXERD; IN NOMINE PATRIS
ET FILI ET SPIRITU SANCTI

Ikaw ay binibinyagan ko na maging magaling sa (banggitin nyo lahat ng nais nyo)

Dasalin yan ng tatlong beses. Sa bawat pagkakompleto ng dasal, usalin ang IN NOMINE PATRIS ET
FILI ET SPIRITU SANCTI sabay wisik ng tubig sa gamit.

Minsan lamang gawin ang pagbinyag. Isunod nyo ito pagkatapos ng 49 daysna debosyong iniukol
niyo para sa pagbuhay sa gamit.

Ang wastong pamamaraan ng pagkonsagra ng inyong talisman, medalya, kwintas, librito,panyo,


mystical herbs at mystical na kagamitan upang magkaroon ng bisa.

Ang inyong talisman ay dapat konsagrahan lamang sa unang biyernes (first friday) ng alin mang
buwan. Maaari din na magkonsagra kahit ordinaryong Biernes. Subalit dapat ulitin ang
konsagracion sa "first friday".
Ang pagkokonsagra ay dapat gawin lamang sa pagitan ng ika-7:00 hanggang ika-9:00 ng umaga.
Sa hapon naman ay sa pagitan ng ika-3:00 hanggang ika-6:00 ng hapon. Ang pagkokonsagra ay
dapat gawin lamang ng isang beses. Kapag nakonsagrahan na sa umaga, ay hindi na dapat pang
ulitin sa hapon at sa susunod pang "First Friday".

Lalong makabubuti kung hindi gagawa ng kasalanan sa loob ng tatlong araw bago magkonsagra.
Mainam rin na mag-fasting , purification, o magkumpisal at magkomunyon.

Pamamaraan: Gawin ang pagkokonsagra sa inyong silid na walang makakakita. Ilagay sa kaliwang
palad ang inyong talismang kokonsagrahin. Lumuhod na nakaharap sa silangan (east) at
magdasal ng 1 Sumasampalataya, 3 Ama namin, 3 Aba Ginoong Maria at 3 Luwalhati.

Pagkatapos dasalin ng tatlong beses ang mga sumusunod na "blessing" habang nakatitig sa
talisman na nasa inyong kaliwang kamay.

IN THE NAME OF GOD THE FATHER, AND OF GOD THE SON, AND THE HOLY SPIRIT, AMEN.
ALMIGHTY AND ALL WISE FATHER OF ALL PEOPLE, I HUMBLY BESEECH THY DIVINE AID IN THE
FURTHERANCE OF MY PRAYER. BLESS THIS _______________(Banggitin lahat ng gamit na
ibebless) BLESS THIS HUMBLE PENTACLE, SUPPLICANT, MAY YOU IN YOUR DIVINE WISDOM AND
MERCY FIND IT ACCEPTABLE IN YOUR SIGHT TO HELP ME IN MY QUEST, AMEN.

Pagkatapos nito ilagay ang talisman sa sobre, kahon o jewelry box (huwag isasama sa ibang
bagay oh gamit) at ilagay sa altar, aparador o drawer na may susi. Huwag gagalawino hihipuin sa
loob ng 24 na oras.

Pagkaraan nito pwedeng gamitin ang talisman. Makabubuti rin na habang ginagamit ang
talisman ay magdasal ng 3 Ama namin, 3 Aba ginoong maria, at 3 Gloria Patri sa loob ng sunud
sunod na 9 na gabi.

Sa ika-10 araw maaari ng huwag ituloy ang pagdadasal gabi-gabi. Huwag kalimutan na banggitin
nag kahilingan pagkatapos magdasal. Ang mga talisman o libro ay dapat konsagrahan isa-isa.
Yaong mga HERBS na ipinaiinom at ipinaliligo katulad ng Beth Root, Jinx Powder, Basil Sweet, etc.
ay maaari ng gamitin pagkatapos makonsagrahan. Hndi na dapat pagdasalan ng 9 na gabi.

Mahalagang tagubilin: Habang ginagamit ang inyong talisman ay huwag ipahihiram o ipahihipo
sa iba. Kung kayo ay may asawa, alisin ang talisman bago matulog. Alisin din kung maliligo.

Huwag dadalhin ang mga talisman oh libro sa mga bahay aliwan oh motel.

You might also like